Chapter 15. Ban
AFTER almost forty five minutes, Acel was done with applying the make-up to Aeiou. Nagpaalam na rin ang kaibigan sa kanya at saka nagpasalamat.
"Ihahatid na kita?" Baxter asked.
Umiling siya. "I'll watch their play."
"I thought so," tumatangong sambit nito.
Habang naglalakad ay napahinto siya nang makitang walang gaanong tao sa Circle. Marahil ay abala ang lahat sa panonood.
"Maupo muna tayo," yaya niya kay Baxter na maupo muna sila sa isang bench. Pagkaupo nila ay lumingon siya agad dito. "Care to tell me everything?"
He smiled knowingly and started explaining to her on how did he become a trainee.
"Wow... At, hindi lang ang company rito sa Pilipinas ang magha-handle sa inyo!" bulalas niya. "You said you'll be handled by their Korean-based agency, right?"
Tumango ito. "But basically, those were just the same company."
"Still, wow..." She still couldn't believe it. "That means your debut will be big. Hindi lang kayo pang-buong bansa."
He smiled sheepishly. "Kaya nga kuntodo practice kami ng grupo. Sa susunod, ipakikilala kita sa kanila."
"How sweet of you!" Bahagya niyang tinampal ang braso nito.
He stretched his left arm, signaling her to come closer. Lumapit siya at inakbayan siya nito. The cold breeze of wind embraced their skin as silence enveloped them. Ilang sandali pa ay binasag niya ang katahimikan.
"Will you be signing a dating ban contract?" she asked. Hindi lingid sa kaalaman niyang binabawalan ang ilang mga idol groups na makipag-date dahil gusto ng kumpanya na maging dedicated ang mga artists sa trabaho.
He gulped. She knew it. Bahagya siyang lumayo mula sa pagkakaakbay nito.
"It's fine. We can just keep our relationship low-key, you know?"
Sumeryoso ang mga titig nito sa kawalan at umigting ang palad nito.
"I understand," wika pa niya.
"I didn't sign the contract yet."
Nangunot ang noo niya. "Why?"
"I'm still discussing about the dating ban."
"Pero Baxter, baka hindi na i-offer sa iyo ang posisyon!"
Naniningkit ang mga mata nitong bumaling sa kanya. "We're not breaking up."
Napanguso siya. She wasn't thinking about breakup though.
"We are not breaking up," he repeated with conviction.
Mas lalo tuloy siyang napanguso. "I'm just saying that you should sign the dating ban and we'll keep our relationship low-key."
"Hmm?" He grunted right away. Halatang hindi siya pinapaboran.
She sighed harshly. Naging mahirap ang usapang iyon. "How long is dating ban?"
Matagal bago ito sumagot. "Two..."
"Dalawang taon lang naman pala!" pagpapagaan niya sa usapan. "I think we will have a dating ban, too, if I join the band. Heard Ms. Gozo is from Montreal, too."
"What are you trying to say now?" May takot na humalo sa boses ng huli.
Paulit-ulit man ay pinaliwanag niyang magiging low-key na lang sila sa relasyon nila. Hindi naman sila maghihiwalay.
"I don't want that, baby."
"Paano kung maging sagabal ito sa mga pangarap natin?" tanong niya, seryoso na ngayon.
"No, it won't."
"It will, Baxter. I know it will. You know how the industry works."
"Hindi ko gusto ang iniisip mo... What are you implying to?" Alam talaga nito ang tumatakbo sa isip niya kadalasan.
"I'm just saying we should focus on our career first. Lalo pa't nagsisimula pa lang tayo."
"Nagsisimula pa lang din tayo sa relasyon natin."
"But this is for our dr—"
"Ayoko, Acel. Wala akong tiwala sa mga lalaking aaligid sa iyo."
"Wala akong pakialam sa kanila. Sa iyo lang naman ako. At saka, wala ka bang tiwala sa akin? Because me, I truly trust you."
He groaned. "Babe..."
"Dito rin masusubok ang tiwala natin sa isa't isa." Pilit na nililinaw niya sa isip ang desisyon dahil kung hindi ay baka magpatangay na siya rito.
"Hindi naman nating kailangang maghiwalay..."
"We aren't breaking up nga kasi," aniya sa maliit na tinig. "Ang kulit mo!" Pinagaan niya ang tinig.
"But it sounded to me as if you're breaking up with me."
She bit her lower lip. Totoo naman kasi ang sinabi nito na para siyang nakikipaghiwalay rito ngayon. Pero, hindi nga kasi.
Mahabang katahimikan ang namayani bago ito bumuntong hininga nang pagkalalim-lalim.
There she already knew he wouldn't say no to her decisions.
I love you..., She wanted to voice out but she stood up instead. She grabbed his arm and told him they should continue watching the performances because the next one and the last would be Aeiou's group.
"Hindi tayo magbi-break, Acel," balik ni Baxter sa usapan kahit na nakakuha na sila ng pwesto. Nagpasya silang tumayo na lang sa bandang gilid kung saan matatanaw naman nang buo ang entablado.
"Hindi nga."
"Good. I love you."
Inakbayan siya nito saka bahagyang pinisil ang kaniyang balikat. Gusto tuloy niya itong hilahin kung saan walang makakakita sa kanila upang mahalikan niya ito.
"I said I love you, baby."
"Oh!" She snaked her hand around his waist. Dang it. He really became fit. "Of course, I love you, too."
Nag-angat siya ng tingin upang hulihin ang titig nitong kanina pa pala nakatingin sa kaniya; naghihintay ng sagot.
She smiled sweetly. "I love you, Baxter, and we are not breaking up. Okay?"
He smiled satisfyingly before he focused his eyesight on the dimmed stage. Hudyat na magsisimula na ang huling performance nang gabing iyon.
Habang siya naman ay hindi maalis-alis ang paninitig dito. Seryoso. Kahit ilang minuto na ang nakalipas ay hindi niya alintana ang pangangalay ng leeg sa pagtitig dito. There was suddenly a loud thump in her chest that she couldn't explain. That she suddenly thought of what would happen to their relationship now that they were starting to embrace the life on an adult, where there were lots priorities that they had before.
"What?" he mouthed when he glanced at her.
She shrugged. "Nothing. I was just thinking about our future."
Parang tanga naman itong nangiti kahit na seryoso naman siya sa isiniwalat. "Ningingiti-ngiti mo?"
"Nothing." But he smiled even widely as he focused on the stage.
"Balik ka? Why are you smiling?"
"I'm just glad that you're thinking about our future."
Napalunok siya nang mapagtantong kinilig na ito sa simpleng salita na ginamit niya. "B-bakit? Dapat ba, sinabi ko na 'my future'?"
Nakangisi itong umiling at bumaba ang kamay nito sa baywang niya nang hindi bumabaling sa kanya. Napangiti na lang din tuloy siya saka na nanood ng play na kanina pa nagsimula.