Chereads / LOVE IS A SONG / Chapter 21 - Someone

Chapter 21 - Someone

Chapter 19. Someone

AS MUCH as Acel wanted to be clingy with Baxter after that unforgettable hot night—which was their first time making love—she did not. Alam niyang hindi iyon ang panahon para mag-demand ng kung anu-ano rito. Katulad niya'y abalang-abala ito kaya matapos din niyon ay mas dumalang pa ang pagkikita nila.

"Hindi pa ba kayo nagkikita? Aba, magde-debut na sila next week, ah," nakataas ang kilay na komento ni Aeiou nang nanonood sila ng TV sa sala. Walang pasok ng Linggo at parehas silang walang lakad ng kaibigan kaya maghapon silang humilata sa sala, nag-shower bago kumain ng dinner, at balik-hilata matapos kumain. Ni hindi pa nga nila nahuhugasan ang pinagkainan dahil na-busy sila sa pagce-cellphone, kwentuhan at panaka-nakang panonood ng TV.

"Busy na nga kasi siya, pero nagte-text-an naman kami lagi."

"My point is, his schedules will be hectic starting next week. Who knows? Baka hindi na kayo magkita ng ilang buwan? Makakaya mo ba iyon?"

Napanguso siya; hindi makaapuhap ng isasagot.

"I'm just worried about you, Acel. Lagi ka na lang kasing malungkot."

Tama naman kasi ang kanyang kaibigan, mula nang gabing isuko niya ang sarili kay Baxter ay hindi na niya nakakasama ng matagal ang huli. Sa tuwing pupuntahan siya nito ay para silang nagnanakaw ng sandali. Hindi na rin sila makalabas nang magkasama dahil mas lalong umingay ang pangalan ng mga ito, at alam niyang pinirmahan na rin nito ang kontrata sa agency, pati na dating ban contract kung saan ipinagbabawal na makipag-date o makipag-relasyon ang mga talents ng agency.

Kung minsan nga ay naiisip niya na baka dahil naibigay na niya ang lahat ay wala na itong hahabul-habulin sa kanya. Mabilis na kinakastigo naman niya ang sarili para iwaglit ang hindi magandang bagay na iyon. Baxter's not like that. He's a man with principles.

"He always updates me. That's enough for me," sagot niya kay Aeiou.

"But not more than enough." Her friend sighed heavily and drank on the beer she's been drinking. "Don't listen to me," pagkuwa'y sambit nito. "Ang mabuti pa, uminom ka na lang."

"You know I don't really drink."

"Ano ka ba? Ngayon lang. Wala namang pasok bukas, Holiday."

Sa pamimilit nito ay pumayag siyang uminom. Halos makaisang bote pa lang siya nang biglang tumayo si Aeiou at hinila siya.

"'Che, mag-bar tayo!" biglang bulalas nito.

"H-huh?"

"Get dress! Magba-bar tayo. Wear your best dress, you need to get wasted."

"Pero umiinom na tayo rito," dahilan niya.

"Wala nang pero pero, kung hindi, icha-chat ko si Baxter at sasabihing umiiyak ka gabi-gabi, sige ka," she blackmailed her.

She grunted to protest.

"Kaya bilisan mo na. Sakto, mag-a-alas diyes na. Buhay na buhay na ang night life!"

"Dito na lang tayo..."

"No. Let's party para ma-freshen up ka. Hindi ko na ma-take ang pag-e-emote emote mo at baka masiraan ka na ng bait," pabirong dagdag niya.

Sa huli ay sinunod niya ang kaibigan. Bandang alas onse nang matapos silang gumayak. Her friend was wearing a very short skirt and a cropped top tube. She winced because Aeiou's showing too much skin.

"Ano ba naman iyan? Hindi tayo magsisimba, magpalit ka nga ng damit!" kastigo nito sa kanya. She was wearing a skinny jeans, a ruffled blouse and flat sandals.

Tinulak siya ni Aeiou sa loob ng kwarto nito at kumuha ng damit. It was a skin tight black mini dress with criss-cross straps in the back and deep V neck line size. "Wear this." Then, a black three-inch heels. "Then, this."

Umiling siya pero pinilit siya nito. May kinuha itong kung ano sa loob ng closet.

"You can just wear this overcoat."

She agreed and grabbed the overcoat.

Mag-a-alas dose nang makarating sila sa sikat na club, at dahil malalim na ang gabi ay marami na ang mga taong naroon. The dance floor was already packed with people who were partying, dancing theirs hearts out.

Pumwesto sila ni Aeiou sa pandalawang high table at agad itong um-order ng dalawang cocktails. Inisang lagok iyon ng kanyang kaibigan at nag-request nang uminom ng hard liquor. Of course she declined. She never drank hard liquor before. At delikado, baka may kung anong mangyaring masama sa kanilang dalawa lalo pa't walang magsusundo sa kanila. They only rode the cab going in there.

Pero na-realize niyabg tama si Aeiou na kailangan nga niyang lumabas at p-um-arty dahil medyo gumaan nga ang pakiramdam niya. Parang nawala ang pag-iisip niya ng kung ano-ano patungkol sa kanila ni Baxter.

After a few minutes, two men went to them, asking for them to dance. She humbly declined but Aeiou was willing to be with the other one. Naiwan tuloy sila ng lalaking kasama ng kasayaw ni Aeiou ngayon.

"How are you?" the man asked her again. Out of respect, she answered.

"Fine."

"I'm Romano. Hope you'll remember my name this time." Ngumiti ito at nakita niya ang malalim nitong biloy sa kaliwang pisngi. This man's adorable.

Nangunot ang kanyang noo.

"We already met before, during my twenty-first birthday," untag nito na pinapaalala sa kaniya ang bagay na nakalimutan na niya.

"Ha?"

He chuckled lightly. "I believe you were only sixteen back then. You grew up already."

Tumahimik siya, pilit inaalala ang sinasabi nitong okasyon. Was it a new catch line to pickup girls? The latter chuckled a bit.

"Romano Paolo Caballero. Does my name ring a bell?"

Napasinghap siya. Of course it rings a bell! Aniya sa sarili.

Now that he mentioned his full name, a particular event flashed on her mind. On his twenty-first birthday, her family was invited. Bumiyahe sila ng ilang oras patungo sa probinsya ng Ilocos Norte, kung saan nakatira mga Caballero, at ginanap sa malawak na hardin ng villa ang kaarawan nito.

She also remembered a familiar scene, wherein she tripped and fell on the pool... The birthday celebrant happened to be near her, so he jumped on the four feet water to 'rescue' her and he brought her inside the grand villa. Mabilis na dinaluhan sila ng mga kawaksi saka pinahiram siya ng damit na pampalit ng nakababatang kapatid na babae ni Romano—na hindi niya nakita kundi pa siya pumasok sa loob ng tirahan ng mga Caballero, dahil parang nagtatago ito sa pagtitipon. Pagkatapos ay naghintay talaga ang lalaki na matapos siya sa pagsa-shower at pagbibihis saka bumalik na sa hardin.

(Few Years Ago...)

"How old are you?" someone approached Acel and asked.

"Sixteen," sagot niya't magalang na nagpaalam.

"Menor de edad pa, Romano!" kantiyaw ng ilan sa mga nakarinig.

"Hintayin mong maging legal; saka mo na ligawan," sambit pa ng isa.

Napalingon siya kay Romano at nahihiya itong ngumiti sa kanya. "Pagpasensyahan mo na ang mga kaibigan ko, mapagbiro lang talaga sila."

Wala sa sariling tumango siya at hindi na tumanggi nang igiya siya nito sa mesa kung saan nakapwesto ang kanyang mga magulang. Nagpasalamat naman ang mama at papa niya sa binata.

Kung tutuusin ay hindi siya malulunod sa swimming pool dahil mababaw lamang iyon. Napagtanto niyang kaya ito tumalon ay para hindi siya tuluyang mapahiya dahil sa pagkakadulas niya. And she guessed that even the guests knew about the that thing that's why they teased both of them throughout the party.