Chereads / LOVE IS A SONG / Chapter 14 - Eclipse

Chapter 14 - Eclipse

Chapter 12. Eclipse

NAPAILING si Acel nang pilit na binalik-balikan ni Aeiou ang usapan sa pagkakaroon niya ng paghanga sa kakambal nito noon. Tahimik lamang si Baxter hanggang sa makarating sila ng apartment. And just as expected, Abcde was there; waiting for them.

"I just dropped by to say that Torrejos was looking for you," bungad ng lalaki sa kaibigan niya.

"Bakit ako hahanapin ni Sergio?"

Ngumisi lang ang huli at nagpaalam na rin. He also said hi to her. "Tumangkad ka na, ah," nakangising bati pa nito sa kanya. Namula siya hindi dahil sa kilig kundi dahil nahihiya siya sa tuwing may pumapansin sa height niya.

She was short and slim, two of her physical appearances that she's in secured and embarrassed with. However, she's slowly accepting everything about her because those defined who she was as a person.

Hindi na nag-abalang pumasok pa si Abcde at nagpaalam na matapos iabot kay Aeiou ang isang long brown envelope. Gaano ba ka-importante iyon na kinailangang personal na maabot sa kakambal?

"Namumula ka," malamig na untag ni Baxter sa kaniya habang bitbit ang apat na plastic bag na puno ng groceries. Kanina pa ito tahimik.

"Thanks," sabad ni Aeiou nang bumaling kay Baxter. "Kayo na munang bahala ni Acel dito. May susugurin lang akong isang lalaking sagabal sa mga pangarap ko."

"Ang gwapong sagabal naman ni Rio," nakangising komento niya rito't sinamaan lang siya ng tingin. Iyon lang at umalis na ang kaibigan.

Nabura ang ngiti niya nang bumaling kay Baxter.

"Where should I put these?" he asked vehemently.

Napakurap-kurap siya saka tinuro ang kitchen table. Tahimik siyang sumunod dito at pinanood ang pagbaba nito ng mga bitbit sa ibabaw ng mesa. "Bakit ka nagagalit?" Hindi siya nakatiis.

"I am not," sagot nito pero hindi siya kumbinsido.

"Yes, you are." Sa isang iglap ay nasa harapan na siya nito't bahagyang dinutdot ang nakakunot nitong noo. "You're scowling."

He sighed heavily to calm himself. "I am not angry," ulit nito.

"But you sounded angry a while ago," komento nito.

He easily snaked his arms around her waist and held her chin. "I'm jealous," namamaos nitong siwalat.

It was her turn to frown. Why would he get jealous? Was it because she had a crush with Abcde before? Umiling siya. "Matagal na iyon."

"But you were blushing when she praised you. And what did you say about Aeiou's boyfriend? That he's handsome, eh?" he mockingly replied.

"Are you serious?" Hindi siya makapaniwala.

"I am. So what if your small amd petite? You are adorable, Acel. I like everything about you. Your perfectly shaped eyebrows, thick lashes and your expressive eyes..." Pinaglandas nito ang daliri sa kanyang ilong. "Your nose is really cute whenever you scorn... Your lovely cheeks, and," he gulped. "Your thin, red lips are inviting, baby."

Wala sa sariling napaungol siya nang dumampi ang daliri nito sa labi niya.

He groaned to protest and tried to calm himself down. Pagkuwa'y kumalas ang pagkakahawak nito sa kanya pero hinabol niya ito ay yumapos sa bewang nito. "I'm sorry..." he said.

Bakit?

"I don't want to be possessive. Ayaw kong isipin mong sinasakal kita. You're free to like whoever you—Shit!" he muttered a curse. "I don't think I can take it if you'll like someone else."

Ngumuso siya. She'd never seen him this jealous before. Or maybe she did but she was just too preoccupied with her studies that's why she didn't fully welcome her growing feelings for him before.

"Makikibanyo ako," pagkuwa'y paalam nito.

Pinigilan niya itong lumayo't humawak sa braso ng lalaki. "Bakit mo sinasabing malaya kong magugustuhan ang ibang tao kung hindi mo pala kaya?" she asked amusingly, trying so hard to suppress her grin.

"I..." Nag-iwas ito ng tingin.

Was he blushing? "Hmm?"

"I only said that but I didn't mean it."

"And why is that?"

Bumuntong-hininga lamang ito. Hindi niya napigilang mangisi nang tumitig ito sa kanya.

"Are you just playing games with me, Acel? Are you making fun because you know how I feel for you?" tila nahihirapang tanong nito. At biglang lumambot ang ekspresyon nito. "Nabibilisan ka ba?" tanong uli nito. "Just say so. I will stop courting you and I'm willing to wait until you become rea—"

"Oh, baby, no. I just want to say I'm giving you the permission to be possessive..."

Napakurap-kurap itong tumingin sa kanya. "What baby...?" Hindi makaapuhap ng mga salita.

"Oo, sinasagot na kita, Mr. Benoza."

Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Pagkuwa'y nginitian niya ng pagkatamis-tamis ang lalaki at doon pa lamang ito natauhan.

"I'm your girlfriend now," paglilinaw niya.

Sumilay ang ngiti sa labi nito at hinigit siya ng yakap. Sa sobrang lapit nila sa isa't isa ay dinig na dinig niya ang pagririgodon ng kanilang mga puso salin sa tugtog ng pag-ibig.

"Ay, SPG!"

Sabay silang napalingon kay Aeiou. Malapad na nakangisi ito at kunwaring tinatakpan ang mga mata.

"Sorry, I just forgot my purse," sambit nito at kinuha ang invisible purse na nasa mesa. Wala naman talaga itong binalikan. Mukhang gusto lang makasagap ng tsismis kaya bumalik. Pagkuwa'y nag-peace sign ito. "Congrats, lovers!"

Baxter chuckled. "I'll go now. Babalik ako mamaya. we'llW go on a date." Kinindatan siya nito at hinalikan ang tungki ng kanyang ilong. Nagpaalam din ito kay Aeiou at pabirong tinampal ng kaibigan niya ang braso nito.

"So, seryoso na talaga, ha?" nakangising bulalas nito. "Wala nang atrasan?"

Wala sa sariling tumango siya dahil para pa rin siyang nililipad ng hangin, ninanamnam ang sandaling magkayakap sila ni Baxter.

"Bahala kang magpatangay riyan sa sarili mong mundo. Aalis na talaga ako't susugurin ang kumag na iyon."

Pero duda siya lalo pa't may karupukan din ang kaibigan niyang iyon.

"EIGHT months from now, you will debut. Expect the biggest changes in your lives. Hindi ito basta-basta dahil kapag ipinakilala na kayo sa madla ay hindi na magiging normal ang pamumuhay ninyo."

Baxter nodded as they were listening to the head of Montreal International Entertainment Agency. Four months ago, a casting agent went to him and asked him if he wanted to be a member of an idol group. Aksidente siya nitong nakitang naglalakad galing sa Unibersidad papuntang dela Costa Mall na nasa tapat lang ng University at sinundan siya nito hanggang sa Mall. At first, he did not want to notice him; but when he got his attention, he listened to his offer. After checking if it's legit, he immediately accepted since one of his dreams was to to be a professional dancer and singer.

At ngayong sigurado na siyang magde-debut siya bilang miyembro ng Eclipse ay hindi na siya makapaghintay na ipaalam kay Acel ang lahat... Na girlfriend na niya ngayon. Wala sa sariling napangiti siya nang maalalang sinagot na siya nito kanina.

"Para kang nanalo sa Lotto sa pagkakalapad ng ngiti mo, ah," komento ni Lancelot, na siyang magiging main rapper ng grupo.

Damien just looked at him and commented, "He's in love."

"How could you say so? Are you in love, too?" baling ni Ali kay Damien. Ngumisi lang ang huli.

"Hey, let's stop talking about that. We should be focusing on our debut now," JM, Eclipse' leader, interrupted.

Sabay-sabay silang bumaling dito at ngumisi. Kung hindi pa nila alam na isa rin itong patay na patay sa babaeng napupusuan...

"Paano kung may isang mawala, ano'ng gagawin ninyo?" tanong ng pinakabata sa kanila, si Sage.

"Ano ang pipilin, 'ka mo," Kaizer, one of their main dancers asked.

"O kung sino," JD added. He's one of the main vocals.

Ray sighed heavily. Isa rin ito sa main dancers nila. May kinahaharap ding problema sa pag-ibig dahil ang liligawan sana nito ay ikakasal na 'ata sa iba.

Umiling naman siya. Yes, they're just starting in the industry but he'd make sure he would not lose anything or anyone, especially his sweet Acel.