Chapter 11. Abcde
"I HONESTLY don't know if Baxter's courting you or you're already in a relationship."
Nasa dela Costa Mall si Acel kasama ang kaibigang si Aeiou nang sabihin nito iyon sa kanya. By hearing Baxter's name, she couldn't help but smile like an idiot.
"You are hopeless," iiling-iling na komento nito habang tinutulak ang push cart. Nasa Supermarket sila ngayon at namimili ng groceries. . Baxter offered help when he called her earlier but she declined because she didn't want Aeiou to be like a third wheel or chaperone.
It's been almost a month since he started courting her. Mula noong araw na iyon ay hindi na sila mapaghiwalay ng dalawa. Even in the campus, other people already noticed they became closer and nobody dared to go to her and asked her for a date like before. Dahil ang presensya ni Baxter ay sapat na para ipagsigawan nitong off-limits na siya.
"Sagutin mo na kaagad tutal ay roon din naman kayo papunta." Her friend m sighed when she noticed she wasn't actually listening to her. "Ang mabuti pa'y tawagan mo na siya. Magpapatulong tayong magbuhat nito dahil mamimili na tayo ng pang-isahang buwan."
Doon nito nakuha ang atensyon niya. "Bakit one month?"
"Sem-break na sa susunod na buwan at ayaw kong labas nang labas sa apartment. Magpapaputi ako."
Ngumuso siya para pigilang ngumisi. Her friend has a natural tanned skin. Ang ganda ng kutis nito, pero syempre, napapangisi siya kasi gusto niya lang itong asarin na hindi na puputi.
"Kapag talaga ako pumuti, hu u ka sa akin!"
Hindi na niya mapigilang matawa. "Bakit ba kasi nagpapaputi ka? Your skin is beautifully tanned. Ang iba nga'y nagbababad sa araw para ma-achieve ang ganyang kutis," she commented right away.
"He likes..." Aeiou mumbled something but she didn't hear clearly. "Gutom na ako."
"Hoy, A-yu, huwag mong inililigaw ang usapan." Diniinan niya ang pagbigkas sa baybay ng pangalan nito.
"Vi-va-che," ganti nito't napangiwi siya. "Just call your Baxter so we can already go home."
Tinawagan na lang niya si Baxter at makalipas ng halos isang oras ay nakarating na ang huli. Sa sobrang dami nga ng pinamili nila ay nakapila pa rin sila sa cashier nang dumating ito. Matapos nilang magbayad ay ito na rin ang nagtulak sa push cart hanggang sa car park.
"Ay, may nakalimutan akong bilhin. Mauna na kayo?"
They both groaned to protest. Mukhang parehas sila ng naiisip. Sa tuwing maiiwan silang dalawa ay hindi iilang beses may kamuntikang mangyari sa kanila. At, laging si Baxter ang nakakapagpigil. To think that they didn't have an official relationship yet...
Sagutin mo na kasi! Her mind. Pero gusto sana niyang makapagtapos muna sila. Kaunti na lang naman.
"Or samahan n'yo na ako?" Aeiou added.
Kaagad na pumayag siya't sinamahan nila itong bumili ng glutathione capsules sa isang drugstore.
Dumiretso na rin sila sa isang fast-food restaurant at si Baxter na ang um-order.
"Aeiou, you shouldn't change yourself just because of some guy." She sighed and stared at her. Nakuha na nito ang dahilan.
Ngumuso ito. "You think so?"
Marahan siyang tumango.
"But he isn't just some guy. He saved me when I almost got hit by the truck," bulalas nito. Alam niya ang nangyari last month. Her friend was so drunk that she lost her balance as she's walking on the sidewalk and almost met an accident.
"Pero hindi mo naman kailangang magbago para sa kanya," ulit niya.
Dumating na si Baxter dala ang tray ng mga pagkain, may kasunod itong crew na nilapag ang in-order nito. Ilang saglit pa ay mataman itong tumitig sa kanya. "I'll just go to the washroom," paalam nito. Tumango siya pero pinigilan ito ni Aeiou.
"It's fine. Hindi mo kami kailangang bigyan ng space. You can sit down and listen while we're eating," anang kaibigan.
Ganoon nga ang ginawa ni Baxter at nagsimula na silang kumain.
"He's selling whitening products. He's new to the business so I searched for it online, but I saw many bad reviews that the lotions aren't effective. Na front lang daw ng company iyong products para kumita pero ang totoo't pyramid scam..." Itinuloy ni Aeiou ang pagkukwento.
"You should've just told him the truth," Baxter commented. She agreed.
"But he believes in the products he's selling. Kaya nga bumili ako para ipakita sa kanya na effective ang products."
"But you said hindi effective?" tanong niya.
Tumungo si Aeiou at tumitig sa pinamiling glutathione capsule. "Magpapaturok din ako ng Gluta."
"But I told you, you don't have to change just to please him. That won't do both of you good."
"Bakit ikaw? Hindi ka ba magbabago para kay Baxter?"
"I-" Saglit siyang natigilan.
"I like her the way she is."
"-won't." Pagkuwa'y bumaling siya kay Baxter. "What did you just say?"
"I said, I like you just the way you are. But if you want to change, as long as it's for the betterment, then, I'll just be right her to support you." Walang halong biro ang tinig nito.
Aww...
"Hello, I'm here!?" sabad ni Aeiou. Natawa na lamang silang tatlo at nagpatuloy ang usapan. She's thankful that Aeiou already changed her mind and decided to just tell that guy the truth behind the products he's selling.
"May gig pala kayo bago mag-sem break, 'di magiging mas busy kayo sa practice?" tanong ni Aeiou nang nasa loob na sila ng sasakyan ni Baxter.
Tumango siya. She's sitting in the passenger seat while her friend's at the backseat.
Gaya ng plano ay sumali sila sa tinayong banda ng Music Club at napabilang silang dalawa ni Baxter doon. He's the main vocalist and she's the pianist. Babae rin ang tambulero at ang dalawang gitarista ay mga lalaki. Iba-ibang genre ng musika ang tinutugtog nila at masasabi niyang sobrang nag-e-enjoy siya-sila-sa banda.
"Ano namang tutugtugin ninyo? In fairness, ah, ang gagaling ninyo! Para kayong mga pro," puri ng kanyang kaibigan. They muttered a thank you.
"Hindi pa namin napag-uusapan ang tema. But I think we will remix some songs," sagot niya.
"I will give you free tickets," sambit ni Baxter. Ang gig kasing iyon ay for a cause kaya may ticket na ibebenta.
"Thanks, but, no. I'll just buy so I could help, too. Maybe I'll buy one for my twin as well. Abcde likes bands."
Baxter nodded and glanced at her friend on the rear view mirror. "How's your twin brother anyway?"
"Do you know him?" namamanghang bulalas ni Aeiou.
Baxter shook his head.
"But you were asking..."
"Naikwento lang ni Acel sa akin noon. Tinanong ko kasi kung sino ang crush niya." Dumiin ang hawak nito sa manibela. Napakurap-kurap siya't natawa naman nang malakas si Aeiou.
"I can't believe it! Are you that dense, my dearest friend?"
"He asked me; I answered," she defended. Totoo namang may crush siya sa kakambal ni Aeiou noon.
"You must be hurt," baling ni Aeiou kay Baxter at bahagyang tinapik ang balikat ngunit labas sa ilong ang sinabi.
"Matagal naman na iyon!"
"Oh, speaking of the devil," Aeiou excused herself to answer her ringing phone.
After a while, she already knew why she was grinning widely.
"Abcde's outside the apartment. Bakit daw pinalitan ko ang passcode. I told him I'm not living alone anymore," esplika nito't napa-preno si Baxter.
"S-Sorry," he apologized guiltily.
Sa 'di malamang dahilan ay tumawa nang malakas si Aeiou habang siya'y maang na nakatitig sa namumulang mukha ni Baxter. Ang nga ugat nito sa braso at leeg ay umigting din.
"Are you alright?" nag-aalalang tanong niya.
"I am."
"Hindi ko naman na crush si Abcde. Huwag mo nang alalahanin pa," masuyong bulong niya pero alam niyang narinig ni Aeiou ang sinabi niya.
"'Ku! Kung hindi lang nag-aral sa abroad ang kumag na iyon, baka sa apartment pa tumira. Baka mas naging crush mo kasi magkakasama kayo sa iisang bahay," Aeiou teased. Halata sa kaibigan na pinupuntirya nito si Baxter.
His jaw clenched and he just focused on driving. Nagtama ang paningin nila't agad din itong nag-iwas ng tingin. Nahuli naman ni Aeiou ang tingin niya sa rear view mirror at ngising-aso ang iginawad nito sa kaniya.