Chapter 8. Tempo
NAKATANAW lamang sa basong binubuhusan ng tubig si Acel habang nakatayo sa tapat ng mesa. Nakapatong ang baso sa mesa at hawak niya ang pitsel.
"Hoy, Atche!!!"
Napakislot siya sa pagsigaw ni Aeiou na nakaupo malapit sa kanya. The latter liked to call her attention by her first name's pronunciation, 'vi-va-che', short for 'a-che'.
Natigilan siya nang makitang halos bumaha na ang plastic na mesa dahil sa inuming tubig na binubuhos niya sa baso.
"I told you countless times to call me Acel."
She just shrugged. "Ang ganda kaya ng pangalan mo. Unique." Lumapit ito saka ininom ang tubig na isinalin niya. Bahagya pang natapon iyon dahil umapaw na nga sa baso. "Bakit na nga kasi Vivace ang pangalan mo?"
"Ah, my parents both like very fast and lively music. Hence, that's what my name means sa tempo."
"Tempo?"
"Yeah. Tempo, the speed at which you play a song. There are: Andante, Allegro, Moderato, Vivace—"
"Ah, stop! This isn't a Music class recitation!" Aeiou interrupted. "By the way, why are you so preoccupied? Kanina pa umaapaw ang tubig sa mesa!" reklamo nito pagkatapos. "Mabuti na lang at hindi kumukulong tubig ang binubuhos mo."
Bumuntong-hininga lang siya at tumalikod para kumuha ng basahan na nasa kitchen sink.
"Nag-away ba kayo ni Baxter?"
"Why are you asking about him again?" sikmat niya at bahagyang sinamaan ng titig ang kaibigan.
She put her hands up as if she's surrendering. "Easy, girl! Hindi ko aagawin sa iyo si Baxter."
Napakurap-kurap siya. Daig pa niya ang naglilihi sa sobrang bilis magbago ng mood niya.
"So, ano'ng nangyari?"
She just sighed and told her what's on her mind.
"Kung tutuusin, wala namang problema," anang Aeiou.
"Meron. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Gusto ko, laging nakadikit sa kaniya kahit may iba naman akong mga kaibigan. Saka sobrang nagseselos ako sa inggratang Marga na iyon sa tuwing naiisip ko iyong rumors."
"Nah, you're just overthinking."
"Is it just normal?"
"Hindi, saka oo."
"Ang gulo no!"
"Hindi normal kung wala kang nararamdaman sa kaniya; normal lang naman kung mayroon."
"Siyempre... kaibigan ko siya."
Her friend only mimicked her.
"Ewan ko nga sa iyo! Ang gulo mong kausap." That was all and she told her she needed to go to the University already. Pero ang totoo ay gusto niyang takasan ang usapan. She's kind of afraid that she could now sort out her feelings towards Baxter Benoza...
Lagpas isang linggo na ang nakalipas mula nang manggaling siya ng ospital, para maiwasang igalaw ang balikat ay iniwasan niya muna ang magpunta ng Music Club kung saan kasapi siya. Okay naman na siya kahapon dahil bumalik siya sa ospital para ipa-check ang balikat niya't sinabing maayos na siya. She's very blissful with the thought that she could still make it to the audition for the band!
Papunta na siyang Club Room at natigilan nang mapansing may kasamang babae si Baxter sa loob. Sinadya niyang agahan para sana mag-ensayo kaya alas sinco y media pa lamang at tumulak na siya. Subalit ang naabutan niya ay ang isang Baxter na seryoso at matamang nakikinig sa sinasabi ng isang babaeng sa unang tingin ay alam niya nang hindi basta-basta. She even thought she's wearing branded clothes while hers were only imitation. Bumalik ang tingin niya sa babae. Her jaw clenched when the latter held his hand while he didn't even flinch.
May girlfriend si Baxter?
Napakurap-kurap siya nang mapansing lumapit ang babae rito.
Are they going to kiss?
She felt betrayed, and now she's fuming.
He just told me he likes me and now he's with someone? Am I just a second choice? Ano ito? Collect, then, select?!
Hindi na siya bumaling pa sa siwang ng pinto para silipin ang kahalayang ginagawa ng dalawa sa Club Room. Padabog na umalis siya roon at hinintay na lang na magsimula ang kanyang klase. It's Saturday and they had the same schedule but she didn't see him at all. Lalo siyang nagalit sa naisip. Did he ditch his classes so he could satisfy his sexual needs? Hindi ganoon ang pagkakakilala niya sa lalaki pero ano ba'ng malay niya sa sex life nito?
Nanggigigil na napasabunot siya.
"Mariano, are you listening?"
Sasamaan niya sana ng tingin ang nagsalita pero nang matantong ang professor nila iyon at napatungo lang siya matapos sabihin na nakikinig siya. Habang nakatungo ay naikuyom niya ang mga palad. Hindi niya akalaing ganoong klase ng lalaki si Baxter. And here she thought she knew everything about him. Pero nagkakamali siya dahil hindi pala sapat ang halos apat na taon para makilala niya nang husto ang lalaki.
Pinilit niyang mag-focus sa klase subalit hindi rin siya nagtagumpay. Inokupa na naman ng kanyang isipan si Baxter kasama ang babaeng halata namang mas matanda sa kanila, at ang mga hindi kaaya-ayang isipan. Napangiwi siya sa bandang huli.
"So he prefers older than him, huh?" mapaklang komento niya sa sarili. "Sugar mommy?" Napangiwi siya. Hindi naman siguro.
Kinabukasan ay wala pa ring paramdam ang lalaki. Nagngingitngit ang kalooban niya nang mapansing nakapatay pa rin ang kanyang cellphone. Ngayong naisip niya ay hindi niya pala iyon ginamit simula noong isang araw dahil naging abala siya sa kanyang project. At sa pag-iisip kay Baxter. Napagpasyahan niyang bumili ng bagong sim card sa mall at pinalitan ang dating gamit. Panigurado kasing kapag binuksan niya ang cellphone ay maraming texts o chats ang lalaki. Hangga't maaari ay ayaw niya muna itong makausap. She even logged out to her social media accounts before he could call her.
Buong araw tuloy siyang tila walang gana. Hindi naman sila nagkikita araw-araw lalo na sa tuwing abala na, pero hindi iyong ganoong walang paramdaman. She always knew what he was about to, and vice versa. Pero ngayong sobrang nairita siya sa nasaksihan ay ayaw muna niya itong kausapin. This was the first time they had miscommunication or misunderstanding that lasted for more than a day.
Nanibago siya.
"Siguro, kailangan ko nang masanay na ganito kami. It's not like we're going to be best of friends 'til the rest of our lives."
She sighed heavily; feeling so heavy.