Chereads / LOVE IS A SONG / Chapter 8 - Sira

Chapter 8 - Sira

Chapter 6. Sira

ACEL chose to buy tight jeans and long basic tee. Pero hindi rin siya ang nagbayad niyon, si Baxter.

"Thank you," pasasalamat niya nang makapagbibis na siya. Nagtagal pa siya sa banyo dahil kinusot niya iyong may mantsang parte ng suot niyang dress kanina't pinatuyo sa hand dryer. Nakaligtaan tuloy niyang may pasok ng alas dos si Baxter. "Sorry rin, male-late ka na tuloy."

"Okay lang." Ngumiti ito.

"No, it's not okay! This is your studies we're talking about," sikmat niya. Sumeryoso ito ng tingin at nag-iwas siya ng tingin. "S-sorry..."

"Don't be. I can still make it to my class," paniniguro nito.

Kagat-labi siyang tumango at bumalik na sila ng unibersidad.

Kinabukasan ay nagkita ulit sila sa library matapos ng klase para sa research. Napagkasunduan na nila ang mga bagay-bagay at handa na silang ipasa iyon ng mas maaga kaysa sa binigay na deadline sa kanila. Nang sumunod na araw ay nagkita silang muli para tapusin ang research.

Habang nakasandal sa upuan ay nahagip ng kanyang paningin ang poster na nakapaskil sa bulletin sa library. Nilapitan niya iyon at binasa. Nang hindi makuntento ay kumuha siya ng flyers na nasa tabing mesa ng Bulletin Board.

"What's that?" tanong ni Baxter nang makabalik siya sa upuan.

"Audition," aniya. "Naghahanap ng mga band members ang Music Club. Mixed gender."

"Do you want to join?"

Napakagat-labi siya. How she'd like to be the vocalist but she knew that'd be impossible. Kaya ibang posisyon na lang. Then, she said to him, "You will join."

Mataman siya nitong tinitigan.

"Look, ngayon lang ulit magtatayo ng banda ang Music Club, you should take the opportunity."

"But we have our bands already."

"We're disbanding, have you forgotten?" She meant the all-girl band. Nagpasya kasing mag-focus na ang mga miyembro sa pag-aaral.

"That's fine, we're already at the Classical—"

"I know. But this is a new challenge, Baxter. If I have your voice, I would join as the vocalist," pamimilit niya.

Sumandal lang ito at binitawan ang flyer sa ibabaw ng mesa. "I'd rather stick to our club," desisyon nito.

Napasimangot siya't nag-iwas ito ng tingin.

"We're done for today, right? Kumain muna tayo," pag-iiba nito sa usapan.

Nangngingitngit ang kalooban niyang tumango rito at inayos na ang mga gamit. Tahimik lang din siya hanggang makarating sila ng kainan at um-order ng pagkain.

Mula nang mag-umpisa silang kumain ay hindi na sila nagkikibuan. Nang matapos siyang kumain ay bahagya siyang nag-angat ng tingin, only to find out that he's critically looking at her.

Tumikhim siya. "Kumain ka na," sambit niya dahil napansin niyang halos hindi nito ginalaw ang pagkain. "Ubusin mo. Sayang."

He sighed heavily and started to eat. Siya nama'y pinagdiskitahan na ang dessert na chocolate parfait.

Ilang sandali pa ay natapos din ito sa pagkain, sinunod nito ang sinabi niyang ubusin nito ang kinakain samantalang siya'y may tira pang ulam. Mataman siyang tinitigan ng huli matapos uminom ng tubig.

"Do you really want me to audition?"

Ngumuso siya. Paano ba niya sasabihing gusto rin niyang mag-audition, eh, ayaw nga nito?

"I really don't want to change clubs, Acel," he said huskily.

"You can join two clubs," she suggested.

"That won't be easy." He sighed. "Graduating na tayo ngayong school year at alam mong magiging mas abala na tayo..."

She pouted even more. She got it, alright! Hindi ito sasali sa banda.

"But I will audition if that's what you want," agap nito.

"Konsensya ko pa," sarkastikong bulong niya.

"Acel, it isn't—"

She irritatingly sighed which made him stopped from talking. "Kung ayaw mo, sabihin mo na lang na ayaw mo. Hindi iyong dinadaan mo ako sa ganito, Baxter. Kaya ko namang mag-auditiong mag-isa!" bulalas niya, medyo tumaas ang boses. Saglit itong natigilan, tila pinoproseso ang kanyang sinabi.

"What?" Puno ito ng kalituhan.

"Ewan ko sa iyo. Mauna na ako," pagtatapos niya sa usapan at padabog na umalis doon.

Nagkukumahog sa pagbayad si Baxter at hindi na kinuha ang sukli masundan lang siya. Sa loob niya kasi'y sinadya niyang bagalan ang lakad para maabutan siya nito. Pero nunca aaminin niya iyon!

"Acel, wait..." Hinihingal ito nang maabutan siya sa labas ng establisyimento. "What did you mean by that?"

"Wala lang iyon. Ihatid mo na lang ako sa sakayan, wala naman na akong kla—" Saglit siyang natigilan.

"Tara," sambit nito.

"Huwag na pala. Ako na lang mag-isa ang uuwi."

"Hindi ako papayag na umuwi ka nang ganito tayo." Mababa ang tinig na sambit nito.

"At bakit hindi?" Nakataas ang kilay niyang tanong.

"We never had long fights, Acel. I don't think I can even handle one."

She blinked twice. He's right. There's never a single fight that lasted for a day. Lagi siya nitong sinusuyo sa tuwing inaaway niya ito.

"Let's go. Ihahatid na kita hanggang sa apartment mo."

"May pasok ka pa."

"Wala na tayong pasok," agap nito. Bakit ba niya nakalimutang parehas sila ng schedule tuwing Huwebes at Sabado ngayong semestre?

"Gusto kong mapag-isa."

"I will leave after we talk," he reassured.

"Ayaw ko nga, Baxter. Bakit ang kulit mo?"

His jaws clenched, wanting to say something but he chose not to.

Nang lumakad siya ay tahimik itong sumunod. Hindi pa sila nakakalayo ay huminto siya't hinarap ito. "Ano?!"

"I'm heading to the mall," katwiran nito. He's impossible! Sa gilid ng mall ang sakayan niya't alam niyang gumagawa lang ito ng dahilan para makasunod sa kanya.

Tinalikuran niya ito at lakad-takbong tinahak ang daan papuntang terminal. Pero nagbago ang isip niya at lumiko siya.

"Where are you going?" tanong ni Baxter.

"O, akala ko ba, sa mall ang punta mo?"

Hindi ito sumagot.

Pagak siyang tumawa. "Sinusundan mo ako, hindi ba?"

Still, no answer.

"Hay, naku, Baxter! Ewan ko sa iyo. Lagi mo na lang ba akong susuyuin sa tuwing may toyo ako? Sige ka, baka magsawa ka." She mockingly said those things to him.

"I'm not—"

"Okay lang 'ka ko kung hindi ka na mag-audition, 'di ba? Kaya huwag mo nang pilitin kung ayaw mo naman talaga," medyo malakas at iritable niyang hayag.

"It's not like that, Acel," masuyong sambit nito. "Can you please speak low? You're making me nervous."

Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa paglalakad. She chose to walk so she'd be with him longer. Nasa hinagap na kasi niyang susundan siya nito. Gusto man niya itong kausapin ay nanatiling sira ang mood niya.

Bakit nga ba siya sinumpong ngayon?