Chereads / LOVE IS A SONG / Chapter 7 - Pleased

Chapter 7 - Pleased

Chapter 5. Pleased

THE next day, during vacant time after lunch, Acel and Baxter were doing their research at the library.

"So what are we going to do?" Hindi sila makapagdesisyon sa title na gagawin nila para sa research na iyon.

"You choose," tamad na sagot nito.

Dala na rin siguro ng pagod kaya siya nainis sa sagot nito. "Kung ako ang pipili, 'di sana pala hindi na kita tinanong? Sana pala solo project ko na lang, ano?" Sinimulan niyang isara ang mga libro at ang dala niyang netbook nang pigilan siya nito.

"I'm sorry. I was just too preoccupied," dahilan nito.

She sighed nonchalantly. Naiinis talaga siya. "Okay."

"Acel," anas nito, tila nanunuyo.

Hindi siya sumagot at nagpatuloy sa pagliligpit ng kanyang gamit. Isinilid niya ang netbook sa lalagyanan niyon.

Was their friendship going to be on the rocks just because of some school works' wrath?

"I'll go. Bukas na tayo magkita." Malamig ang tinig na aniya saka na tumayo. Tutal ay hindi naman sila magkaklase ni Baxter sa araw na iyon kaya hindi na sila magkikita. Hindi pa siya nakakailang hakbang nang hulihin ni Baxter ang kaliwang braso niya't dahil sa sobrang gulat at nagkadikit ang katawan nila. Kaunting dikit pa ay para na ring nakayakap ito sa kanya mula sa likuran niya. Nakakakuha na rin sila ng atensyon.

"Don't move," bulong nito. She could feel his minty breath on her right ear because he's really near.

"Bakit ba?" pagsusungit niya nang mapagtakpan ang mabilis na pagkabog ng kanyang puso.

"Do you have pads?"

"Huh?" Did she hear him right?

"Sit down again. May tagos ka..." malat ang tinig na pagbibigay-alam nito sa kaniya.

Napakurap-kurap siya at akmang haharap dito subalit pinigil siya nito.

"Others might see. So..." Pumihit silang dalawa at inalalayan siya nito hanggang makaupo. He knowingly and seriously looked at her while she didn't look back. Alam niyang pulang-pula na siya sa sobrang kahihiyan. She's wearing a beige vintage dress and if she had her monthly period now, then it's possible that her dress had stains already.

"M-may coat or something ka bang dala riyan?" Maliit ang boses na tanong niya kay Baxter; nahihiya pa rin siya.

Umiling ito. "But I'll go to my locker. I have my University jacket in there. Wait for me here, okay?"

Tumango siya nang hindi ito nililingunan. Tumayo na ito nang mayroon siyang naalala, "But the boys' locker is in Fredericksburg's Hall," aniya. Tinutukoy ang gusali sa kabilang dulo ng University.

"I'll run." He smiled.

"But—" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang lumakad na ito papalayo.

Habang naghihintay ay namataan niya si Jean na pumasok sa library. Kumaway ito sa kaniya at tinanguan niya lang.

"I thought you left already. Kanina pa kasi iyong reply mo," bati nito. Nag-dm kasi kanina sa kanya, nagtanong kung nasaan siya.

"May nire-research kasi kami."

"Kayo?"

"Oo. My friend, Baxter, is with me. May kinuha lang."

"Ah, ganoon ba?" Napatango ito. "Busy ka pala. Let's just hangout some other time."

She awkwardly smiled. "Sige."

Umalis ito pero bago makaalis ay nagtanong sa kanya kung ano ang magandang basahing libro na patungkol sa Music. Kung wala lang siyang tagos ay tatayo siya upang samahan itong kumuha ng hihiraming libro. Sa huli ay sinabi na lang niya ang book title.

Nanatili naman siya sa inuupuan at tamad na inayos ang mga gamit.

Dahil malayo-layo nga ang gusali ay inabot ng halos dalawampung minuto si Baxter at nang makabalik ay pawis na pawis ito at hinihingal.

"H-here," hinihingal na untag nito.

The jacket looked really clean and she's right because when she got it, it smelled like the familiar fabric conditioner scent she's using whenever she did the laundry. Ganoon din kasi ang gamit ni Baxter dahil nagustuhan nito ang amoy nang tanungin nito sa kanya ang gamit niya fabcon ilang taon na ang nakalipas.

Her dress didn't match the jacket's color but it helped her cover the stain.

Dahil sadyang mas matangkad sa kanya si Baxter ay halos lumubog siya sa jacket. Idagdag pa na hindi naman siya nabiyayaan ng katangkaran. Dinadaan niya lagi sa pagsuot ng stilettos o heeled shoes pero hindi pa rin iyon sapat.

"Let's go. Ihahatid kita sa sakayan." Ten minutes lang ang layo ng apartment na tinitirhan niya sa University kapag sumakay siya ng tricycle or jeep. Kapag nilalakad niya lang iyon ay umaabot ng lagpas tatlumlung minuto.

"Huh? May pasok pa ako ng three," sagot niya. Saglit itong natigilan.

"Let's just go to dela Costa Mall," yaya nito nang makapag-isip. The mall is just walking distance from the University. Mas convenient na roon sila pumunta. Pero mas tipid kung uuwi na lang siya sa apartment.

"I think uuwi na lang ako. I'll just make it fast so I'd make it to my next class."

"Tara na. But, put some pads first."

"Wala akong dala. Nagpalit kasi ako ng bag kagabi. I forgot to put my pouch inside." She's pertaining to her pouch with her pads and other things.

"Ah, yes," sambit nito at inabot sa kanya ang bitbit na brown bag. Hindi niya yata namalayang may bitbit ito bukod sa jacket nang makabalik ito. "I bought you some when I got the jacket. But I didn't know what to buy, the old lady at the convenience store just gave me that when I asked," esplika nito.

Kaya ba mas natagalan ito? He went to the convenience store to buy her sanitary pads?

"I love you na kita talaga," bulong niya. Hindi rin niya alam kung tama ba ang mga salita niya dahil kumabog nang husto ang dibdib niya.

Napakurap-kurap ito habang nakatingin sa kanya.

"Hintayin mo ako rito, mag-C-C.R. lang ako saglit," paalam kaagad niya rito nang hindi ito sumagot.

SHE just said that she loves me, right? Parang tangang nakatulala si Baxter sa papalayong bulto ni Acel habang tinatanong iyon sa sarili. He had been liking her since they first met at the Botanical Garden during their freshman year. He was practicing playing the violin then when she suddenly played her flute and they had a duet. Eversince that day, he made sure he'd know her name and become closer with her. He successfully entered her life, but as a friend only. Pero hindi na siya nagrereklamo dahil alam niyang may pinagdaraanan pa ito sa sariling pamilya at ayaw niyang guluhin ang sistema nito. And he thought she needed a friend so he became one.

But there were really times where he badly wanted to court her but he also realized that Acel always said she wanted to focus on studying that's why he's giving her the time she needed.

After we graduate, I will make my way to her heart.

Sa totoo lang, nanghihinayang siya sa panahon. Paano kung subukan na kaya niyang manligaw ngayon? Hindi naman siya mabobokya kasi kadalasan ay nararamdaman din naman niyang naiilang si Acel sa tuwing magkasama sila kahit pa nga napakatagal na nilang magkaibigan.

Hindi kaya naiilang siya dahil sawakas ay may gusto na rin siya sa kin? He thought.

"Hoy, sabi ko tara n—" pukaw ni Acel sa atensyon niya. She bent to level his gazes. Napalunok siya nang mapagtantong ilang pulgada lamang ang layo nila sa isa't isa. Without thinking, he suddenly touched her face and caressed it. She stopped speaking while he's staring at her lovely face.

How he loved every parts of her. Pinaglandas niya ang kanyang mga tingin sa nangungusap na mga mata nitong may kasingkitan, ang ilong nito'y maliit ngunit may katangusan, ang pisngi nitong may katambukan at ang manipis at mapulang labi nitong animo'y lagi siyang inaakit. She also had a cleft chin and he really thought that's adorable. Ang buhok nito'y tuwid at hanggang batok na lang ang haba. He remembered it was longer yesterday.

"Nagpagupit ka," pansin niya rito.

Tila natauhan naman ang huli at napakurap-kurap. "Oo, k-kagabi," sagot nito at tumuwid ng tayo at natatarantang kinuha ang mga gamit. "Tara na!" Nag-iwas ito ng tingin.

He smiled at her reaction. He's really pleased that he had that effect to her. He didn't have to feel threatened even if she met that new friend she'd been talking about. Sigurado siyang may nararamdam si Acel sa kaniya at hindi niya hahayaang mawala iyon.