Chapter 4. Secret
"KAININ mo pa iyang cake," bulalas kay Acel ni Baxter nang mapansing tumigil na siya sa pagkain.
She grimaced. Sure, the cake was inviting but she's already full upon eating the fluffy omelet. Mayroon pang veggie salad na halos hindi man lang niya nagalaw.
"Hmm..." Saglit itong natigilan. "Ipa-take out na lang natin ang cake mo?"
It sometimes amazed her how he knew her so much. Tumango siya't tumungo ito sa counter kahit na pwede naman silang tumawag ng server. Nang bumalik ito ay may hawak itong maliit na clear box, kung saan nilalagay ang slice ng cake at isang small brown bag na may pangalan ng café na naka-print doon.
Baxter was always like that whenever they eat outside. He always did what he's able to do. Kung minsan nga'y halos ito na ang nag-aayos sa mga pinagkainan nila. Hindi na mahihirapan ang waiter na kukuha ng tray nila dahil nakaayos na lang iyon sa gilid ng mesa.
"Hindi ko na maubos," bulalas niya matapos sumubo ng lettuce mula sa vegetable salad.
He got the bento box and she thought he's going to pack it up but she was surprised when he ate the salad, using her fork! Sa loob ng halos apat na taon na magkakilala sila ng lalaki, wala yata siyang natatandaan na gumamit sila ng iisang kubyertos. Maging ang pinantusok niya sa strawberry kanina ay hindi niya nagamit. Iba ang ginamit niya.
Wala sa sariling natulala siya kay Baxter.
Natigilan ito sa pagnguya nang iangat niya ang kaliwang kamay at pinunas ang hinlalaki sa labi nitong mayroong A Thousand Island dressing.
Napakurap-kurap ito at lumunok, hindi iniiwan ang paningin sa kanyang mga matang titig na titig sa mapupulang labi nito.
She immediately opened a topic. "Alam mo ba? I met a new friend a while ago."
That got his full attention. "A new friend?"
Tumango siya. "Apparently he saw us play the piano, and he approached me earlier at the library."
"He? Lalaki?" Nangunot ang noo nito.
"Yup! His name is Jean Lucas. Wait, may Twitter siya." She browsed on her phone to let Baxter see. "Wow, he already reached a hundred followers?" manghang bulalas niya nang mapansin iyon.
Inabot niya kay Baxter ang cellphone. "I have five hundred," segunda naman nito.
"So? I mean, he just made this account while we're together. Kaya na-amaze ako na may isandaang followers na siya."
His eyes narrowed. "Why is he following only you?"
Nagkibit-balikat siya. "Kagagawa nga lang niya kanina ng account."
"Bakit may '.m' din siya?" Sa username iyon.
"His surname starts with M. Jean Lucas Madrid."
He clenched his jaw. "Baka mamaya, iba ang gusto niyan sa iyo."
"Mukha namang harmless. Nag-enjoy nga akong kausap siya. Akala ko, tahimik, pero noong pag-usapan namin ang ilang famous classic music, ayun, ang daldal na niya. He's really curious."
"What if he's just trying to impress you?"
"What trying to impress are you talking about? He just likes Music. That's all."
"Bakit hindi iyon ang kinuha niyang kurso kung ganoon pala?"
"Aba, malay ko. Bakit ba naiinis ka? Hindi ka ba masaya na may bago akong kaibigan?"
"Hindi ba ako sapat?"
"What?" Natigilan siya.
Nag-iwas ito ng tingin at nagpatuloy na lang sa pagkain.
Ilang sandali pa ay binasag niya ang katahimikan. "That's not a good trait, Bax."
Hindi ito kumibo.
"Hindi naman por que mag-best friends tayo, tayo na lang lagi ang magkasama. I have other friends as well. Look, it's not like I'm not contented having ypou around, it's just that—"
"You don't have to explain. I get it, Acel."
"You get what?" paglilinaw niya. Ang dilim ng itsura nito nang inaayos na ang bento box, eh. Ni hindi na tinapos ang pagkain. "I won't neglect us. Nature naman ng tao na makipag-socialize, hindi ba?"
"Do you like him?" diretsahang tanong nito.
Kaagad na sinabi niyang oo. "Hindi ko naman kakausapin kung hindi ko gustong kaibiganin, hindi ba?"
Napabuga ito ng hangin. "I get it. I really do. Huwag ka lang magtiwala nang husto, mahirap na."
"Bakit ba kasi? Kilala mo ba si Jean Lucas? May nagawa ba siyang mali sa iyo?"
Umiling lang ito. "But I don't trust him."
"Bakit nga kasi?"
"Just instincts."
"Should I avoid him?"
"If I say yes, are you going to?"
"Ewan ko."
He sighed heavily. "Sorry for being childish, Ace. Of course, you can be friends with other people."
"Bakit ka nagso-sorry? You're just worried about me, hindi ba?"
BAXTER couldn't say that he's sorry because he got jealous that's why he acted so immature. Ayaw niyang mailang si Acel kung malaman nitong higit pa sa pagkakaibigan ang nais niya rito. At totoong gusto niyang pagbawalan ito sa pakikipaglapit sa bago nitong kaibigan. He felt threatened because he noticed Acel was smiling so blissfully, as if she was really glad she met that guy.
"Just be careful. Huwag agad-agad na magtitiwala."
"Syempre naman. Walang makapapantay sa tiwala ko sa iyo, 'no! You're my best ever boy-friend!"
Napalunok siya sa sinabi nito. He wanted the last two words to have a different meaning. A romantic one. Hindi iyong kaibigang lalaki lamang.
"Ipakikilala kita kay Jean Lucas minsan. Who knows? Baka maging magkaibigan din kayo," dagdag pa ito.
He snubbed her because he didn't like that idea. Ang tingin niya roon ay karibal kay Acel. But he couldn't tell her since they were friends. Ni hindi pa niya nililigawan kaya anong karapatan niya, hindi ba? At, kahit pa mga siguro higit pa sa pagkakaibigan ang relasyon nila ay hindi niya ito kakastiguhin. Paaalalahanan, oo, pero hindi niya paghihigpitan. Baka masakal ito sa relasyon nila kung maging makasirili siya.
"Bakit ang lalim ng iniisip mo?" she got his attention.
Tumayo lang siya at niyaya na itong umalis doon. "I need to go to the restroom," palusot niya.
"Huh?" Bumaling ito sa restroom ng café.
"I'm not comfortable here."
"Natatae ka?"
"Bahala ka na nga riyan. Mauuna na ako."
Iniwan niya ang huli dahil kailangang pakalmahin niya muna ang sarili bago pa niya ma-i-block ang Twitter account ng bago kuno nitong kaibigan gamit ang account nito. Magiging issue iyon sa dalaga at hindi niya alam ang idadahilan kung sakali.
Naikuyom niya ang mga kamao habang dire-diretsong umalis sa café at lakad-takbong tinungo ang parking area. He'd go home and take a cold shower. Anyway, his last class for that day would be later at six P.M.
Hindi na nga sana siya papasok pero kaklase niya si Acel sa subject na iyon. Puputaktihin siya nito ng tanong kung sakaling lumiban siya sa klase. At isa pa, baka mag-alala ito sa kaniya kahit wala namang dapat alalahanin.
"Damn it!" naiiritang bulalas niya. Kaunti na lang ay mapipigtas na ang pagpipigil niya at aamin na talaga siya rito. He's uncertain if could he still keep his feelings towards her as a secret anymore...