Chereads / LOVE IS A SONG / Chapter 4 - Friend

Chapter 4 - Friend

Chapter 2. Friend

TARANTANG nag-iwas ng tingin si Acel kay Baxter dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan ay napakalakas ng tibok ng puso niya; parang tumatambol ang kaniyang dibdib.

"C... C minor!" biglang bulalas niya.

"Huh?" he asked and stopped playing the piano to listen to her.

Pinakalma niya ang sarili at umupo sa tabi nito. Umisod ito para bigyan siya ng sapat na espasyo.

"This one," wika niya't pinindot ang key. "It should be C minor, not C major..." dagdag pa niya't nagsimula nang tugtugin ang parte kung saan ito nagkamali.

Matamang tinititigan ni Baxter ang mukha niya't na-conscious siya kaya tumigil siya sa pagtugtog.

"What?" she asked softly.

"I'm just amaze with your perfect pitch," turan nito. Lagi nitong pinupuri ang pagiging perfect pitch niya. If only her voice was like that too. "Sinadya kong malian ang C minor, pero napansin mo pa rin. You are really the best!"

Nag-iwas siya ng tingin. Pakiramdam niya ay malalaman nitong hindi naman talaga siya nakikinig sa musika kanina't nakatulala lang dito. "Ikaw nga, eh. Magaling kumanta." Pilit na iniba niya ang usapan.

And that's true. Sa ilang taong kilala niya ito ay hindi iilang beses siyang namangha sa boses nito. He could sing ballad and other genres incredibly especially if he practiced hard. Ang ikinabibilib pa niya rito ay ang high notes nito. Madali lang para ritong kumanta ng mga high notes. Minsan nga, kahit female key ang gamitin, naaabot nito. Ganoon ito kahusay sa pagkanta.

Ngumiti ito na tila kontento sa mga papuri niya't nginitian niya muli ito.

Both of them were also members of each respective school bands. Sa panig nila Baxter ay puro lalaki ang mga myembro; kabaliktaran naman sa kanilang banda.

"Let's play the piece together. I'm sure it would sound really good because you're a great musician."

Hindi na yata siya masasanay sa walang-sawang pagpuri nito sa kanya.

"Tama na ang bola. Tutugtog naman ako kahit hindi mo ako bolahin. Anyway, let's do Canon in D major?" It's a masterpiece by Johann Pachelbel.

"Totoo ang sinasabi ko, Acel. Magaling ka," anas nito na hindi pinansin ang huling sinabi niya.

Mula nang makilala niya ito noon ay hindi na maikakaila ang chemistry nila pagdating sa musika. Didn't they play together the first time they met?

"Let's start?"

Tumango siya. Then, they played the masterpiece smoothly and expertly while the other students flocked together to watch them. Others were taking videos and photographs, too. Matapos ang higit apat na minuto ay natapos sila sa pagtugtog at masigabong palakpakan ang namayani sa Music Hall.

"You two should become a duo!" hiyaw ng isang babae habang pumapalakpak.

"I agree. Your chemistry is undeniable!"

The others seconded the motion.

Sa pakiwari niya ay sinpula na siya ng kamatis ngayon. Lagi kasi nilang naririnig na magaling silang tumugtog, lalo na kung four-hand.

"Are you two together?" Nakabusangot na tanong ng isang pamilyar na mukha sa kanya. She's from business major, and her family was close to Baxter's. May haka-haka ngang pinagkasundo ang dalawa.

Must be the reason why Baxter doesn't do girlfriends, Komento niya sa isip.

"We're—"

"No, we aren't." Siya na ang sumagot at tumayo. "Excuse me. May gagawin pa ako."

"Tara na, Baxter, saluhan mo akong mag-lunch," that maarteng girl said softly. Sa sobrang hinhin ng boses nito ay parang sinasadya na iyon. Parang matatae na ewan! Nakakainis!

"Acel, wait, may research tayo," pigil ni Baxter. Magkaklase sila sa ilang minor subjects at sa isang subject ay magka-partner sila sa isang research.

"Bukas na lang, Baxter, hinihintay ka na ng jowa mo."

"What? Pero hindi ka pa kumain."

Natigilan siya roon. Oo nga pala, sabay dapat silang magla-lunch nito. "Busog pa ako," dahilan niya.

"Busog pa pala siya," sabad Margie, ang babaeng linta na dikit nang dikit kay Baxter.

At ikaw, hindi ka linta? Dikit ka rin nang dikit kay Baxter, sis, pangungutya ng kabilang bahagi ng kanyang isipan.

"We're friends!" Naiiritang bulalas niya sa sarili habang naglalakad palabas ng Music Hall.

Imbis na mag-lunch ay dumiretso siya sa library upang magbasa ng classic love story. She chose to read 'Pride and Prejudice'—if was she really reading the book. Nakatulala lang kasi siya sa kahit anong pahina ng libro habang iniisip kung saan kumain sina Baxter.

Padabog na sinara niya ang libro at binalik sa shelf. She grabbed a comic book to entertain herself, pero wala rin. She ended up getting that 'Exploring the World of J. S. Bach: A Traveler's Guide' book and she actually enjoyed reading it.

"Can I sit here?" tanong ng kung sino at tumango lang siya. Napapitlag soya dahil sa tabi niya ito umupo. Mahahaba kasi ang upuan sa silid-aklatan, hindi pang-isahan lang. Na-distract siya kaya humarap dito.

"Who are you?"

The latter smiled sheepishly. "I'm Jean Lucas Madrid, from CBA. You're Acel Mariano, right?" Ah, from College of Business Administration.

Tumango lang siya.

"I saw you play the piano. I really think you're great."

Bahagya siyang umisod dahil ang lapit nito. Mukhang napansin naman nito at nabigla rin na malapit na pala ito sa kaniya.

"I'm sorry. What are you reading?" mabilis na iniba nito ang usapan.

Pinakita lang niya ang book cover dito.

"Maganda ba?"

Hindi sana siya sasagot pero wala namang masama kung makipag-usap siya rito kaya tumango muna siya bago sinabing, "As I read this, it feels like I was put in the shoes of the composer."

"Now, I'm curious."

Napangiti siya dahil totoo ang nakita niyang kuryosidad sa mga mata nito. To make it easier to explain, she took out her phone to search about the book. "Here." Umisod siya para maipakita nang maayos ang screen dito.

They silently read what she searched about: The veteran writer-translator readers on a Baroque Era odyssey through fifty towns where Bach resided, visited, and of course created his works. Drawing on established sources as well as newly available East German archives, the authors describe each site in Bach's time and the present, linking the sites to the biographical information, artistic and historic landmarks, and musical activities associated with each. A wealth of historical illustrations, color photographs, and maps supplement the text, whetting the appetite of the visitor and the armchair traveler alike.

"Oh, I see... It's indeed interesting." He smiled at her and she noticed he had dimples. Napangiti tuloy siya dahil bagay iyon dito. He's also drop dead gorgeous. "Uh, is it okay if I get your number?"

"Huh?" Nawala siya dahil ang nasa isip niya ay ang pamumuri sa kagwapuhan nito. Namula tuloy siya.

"Don't get me wrong, I don't have friends who like Music, and I'm really interested in Music now. So... if there's anything I'd like to ask, I was just wondering if can I reach you out?"

Napatango-tango siya. "Oh, sure! Just follow me on Twitter. Madalas naman akong online so you can dm me anytime." She meant to send her a direct message.

"Really?" Inilabas nito ang cellphone. Mamahalin. Latest brand pa ng iPhone.

Sinara na niya ang libro dahil balak niyang hiramin na lang iyon at basahin sa apartment. Ilang sandali pa ay nagtaka siya kung bakit ang tagal nitong hingin ang username niya kaya kinuha niya ang atensyon nito.

"Hey, what's taking you so long?"

Napalunok ito. "Nainip ka ba? Sorry, I created an account."

"You don't have Twitter?" manghang tanong niya.

Napakamot ito ng batok.

"You should've just told me. Facebook na lang sana, or Instagram."

Ngumuso ito. "I only have Gmail."

"What?" hindi makapaniwalang bulalas niya.

Iiling-iling na t-in-ype niya ang username sa cellphone nito nang ibigay nito iyon sa kaniya.

She typed in: @vivace.m and clicked the follow button. She opened the app on her phone to follow him back. His username was his actual full name!

"Ang haba naman ng username mo, Jean!"

"Bakit? Ano ba dapat?"

"Just shorten your name. Maybe," Nag-isip siya saglit. "@jlmadrid?" she suggested. He only handed her the phone. "O, anong gagawin ko rito?"

"Can you change it for me?"

Napanguso siya. Why did he suddenly look so adorable for her? Nakakatuwa. Tumalima naman siya sa request nito. "Okay na ba sa iyo ang 'jlmadrid?' O 'jeanlucas' na lang kaya?"

"Ano ba ang sa iyo?"

Sinabi niya ang username niya.

"Add '.m' after 'jeanlucas'," he decided. She nodded and successfully changed his username.

"Let's add your display photo?"

"Ikaw ang bahala. May naka-save akong two-by-tw—"

Umiling siya at binuksan ang camera nito saka p-in-icture-an niya ng stolen. "Damn," pabulong na napamura siya nang makitang ang gwapo pa rin nito kahit stolen shot! "Bumaling siya kay Jean. Okay lang na ito?"

Umiling ito. "Can we put our picture together?"

"What?"

"I m-mean," Mabilis na bumaling ito sa libro at sinabing, "that book!"

"Ikaw ang bahala," aniya. Bago pa mapalitan ay nagbago ang isip nito.

"Just put that one you took a while ago."

"Iyong stolen?"

"Oo, sana."

"Okay lang kahit stolen, ano? Confident ka kasi na gwapo ka," komento niya.

"You find me handsome?" Parang namula ito.

"Well, guwapo ka naman talaga. Medyo payat, pero, may itsura," she honestly replied. She's just so glad na magaan ang loob niya rito. Pagkuwa'y napansin niyang sunod-sunod na lumitaw ang notifications na may mga nag-follow rito. "Wow, ang daming nagfa-follow sa iyo!" aniya nang ibigay ang cellphone dito.

He only shrugged and put his phone in his backpack.

Then, her new friend insisted to accompany her until it's already her class time. Pumayag naman siya at ang dami nilang napagkwentuhan patungkol sa Musika. Hinatid pa nga siya nito sa susunod niyang klase at nagkwetuhan pa rin sila habang naglalakad hanggang sa nagpaalam na ito dahil may klase rin pala.