Chapter 1. Slow
"BAKIT hindi ka na lang bumalik sa poder ng pamilya mo?" tanong kay Acel ng ka-roommate niyang si Aeiou. Magkaiba sila ng major nito pero naging malapit na magkaibigan sila mula nang lumipat siya sa tinutuluyan nila ngayon. She was fortunate enough that this two-bedroom apartment was owned by Aeiou's family that was why they were the only ones who occupied it. Unlike the other apartments, kahit studio-type pa nga minsan, four to five persons ang umuupa para mkatipid sa renta. May dormitories naman malapit sa unibersidad pero mukhang hindi siya magiging komportable sa pamamalagi roon lalo pa't nasanay siya na mag-isa lamang sa kwarto kaya pinilit niya talagang makahanap ng murang apartment. At suwerteng nahanap nga niya ang kay Aeiou.
"That will mean I'm giving up Music, Aeiou."
"Mag-aapat na taon na ang nakalipas, baka naman tanggap na nila ang tinatahak mong landas. Graduating ka na kaya!"
Yes, four years. Kaytagal na rin pala mula noong umalis siya sa kanila. Nagmatigas siyang kumuha ng kursong related sa Music at gaya nga ng inaasahan ay nagalit nang husto ang daddy niya.
"I know my dad. Kapag umuwi ako, kailangang sundin ko na ang gusto niya. At hindi mangyayari iyon. Hindi ako nagpakahirap na kumayod para lang i-give up ang Music."
"Pero hindi ka magiging singer." Napangiwi ito sa sinabi. "Sorry," agap nito.
"No, you're right," mapaklang aniya. "But I can be a musician, right?"
"Yes, of course! You are a prodigy, girl!"
"'Kuuu! Bola na naman." Masyadong mataas ang ginamit nitong salita na inilarawan sa kaniya. Hindi niya abot iyon.
"Pero ang hirap naman talaga ng sitwasyon mo," komento pa nito.
Nagkibit-balikat lang siya. "Matutulog na nga lang ako," paalam niya rito at humiga na sa kanyang kama. May dalawang single bed na nasa apartment, tig-isa sila nito. Kahit dalawa kasi ang silid ay c-in-onvert ni Aeiou ang kabila na maging walk-in closet. Mahilig kasi ito sa fashion kaya mga damit at accessories lamang nito ay halos hindi na magkasya sa kabila. Doon na rin niya inilagay ang mga gamit niya para mas malaki ang espasyo nila sa silid na inookupa.
Noong una ay hindi siya sanay, pero mas mainam na iyon kaysa sa apat o lima silang nagsasalo sa isang kwarto. At isa pa, naging matalik na magkaibigan naman na silang dalawa, na halos kapatid na nga ang turing niya rito.
"Hey, huwag ka munang matulog. Let's talk about boys." Umuga ang kutson nang umupo ito sa gilid ng kama saka bahagyang niyugyog ang balikat niya.
"What boys?"
"Boys like Baxter."
She rolled her eyes. Ano namang pag-uusapan nila tungkol kay Baxter? Alam naman nito ang tungkol sa lalaki.
"Why do you keep on asking about him?" Parang nawala sa timpla ang mood niya.
"Wala lang. Sikat kasi siya sa campus since day one kaya nacu-curious ako. Malapit kasi kayo sa isa't isa, hindi ba?"
She sighed nonchalantly. "Matutulog na ako."
"Hoy, ano na? Magtatanong lang naman ako, e. Does he do girlfriends? O puro flings?"
"How would I know that?"
"You two are close!"
Naningkit ang mga mata niya. "May gusto ka ba kay Baxter?"
"Well, Benoza isn't a bad choice to be a boyfriend. Kahit one week lang, sapat na iyon!"
Mas lalong naningkit ang mga mata niya't tumiim ang bagang niya. Tumalikod din siya kay Acel para matulog na.
"I was just kidding. Hindi ko naman siya type. Gwapo, oo, but he's like a flower boy. So, definitely not my type."
Hindi niya alam pero parang gumaan ang pakiramdam niya sa sinambit ng kaibigan.
"Kaya huwag mo na akong pagselosan, I won't include him on my long-list of ex-boyfriends."
Mabilis na bumalikwas siya ng bangon at sinabing, "Hindi ako nagseselos, 'no!"
"Oh, really?" Malapad ang ngisi nito sa kanya at humiga na sa kama. Tinalikuran siya nito. Lumapit siya sa kabigan at sinabing hindi siya nagseselos.
"Yeah! He's beautifully handsome but definitely not my type as well."
Pinagtaasan siya nito ng kilay.
Acel added, "Ang sinasabi ko lang, hindi iyon mahilig sa girlfriend thingy. Musika kaya ang jowa no'n!" dahilan pa niya't natigilan nang may naalala. "Basta, hindi ako nagseselos," wika niya ulit.
"Oo nga. Naniniwala ako," labas sa ilong na sambit nito.
"I don't really like him!"
Wait, that sounded wrong. She sounded defensive.
Bumaling sa kanya si Aeiou na mas malapad ang pagkakangisi. "Matulog ka na, girl. Antok lang iyan. Maaga pa ang klase mo bukas."
"M-magbabanyo lang ako," nauutal na aniya at mabilis na pumasok sa banyo.
"Hindi ko naman talaga siya gusto..." panunumbinsi niya sa sarili sa harap ng salamin.
"Hindi ko siya gusto."
She sighed heavily and decided to wash her face again.
THE NEXT DAY, Acel and Baxter decided to meet at their favorite place inside the campus—the Music Hall. Maraming estudyante ang naroon subalit wala ang nasa pwesto kung nasaan ng grand piano. It's on the right corner of the hall.
Baxter sat on the piano bench.
"Tutugtog ka?"
He nodded once.
"What music?"
"A classical one."
"Let me guess; a slow one?" Kunwaring nag-isip lamang siya pero sigurado naman siyang iyon ang tutugtugin nito. Napansin niya kasing mahilig itk sa slow classical music.
"Yeap. Pathétique." He meant Ludwig van Beethoven's Piano Sonata No. 8 in C minor, Op. 13, also known as 'Sonata Pathétique'.
"You really like adagio, ano?" komento niya. Adagio meant slow, somewhere between andante and largo. Also, a brief composition in a slow tempo, especially the second, slow movement of a sonata, symphony, etc. Affabile: Gentle; pleasing. Affettuoso: Affectionate; tender.
"Not that much. You're the one who likes slow classical music. I like faster ones."
"Talaga ba?"
"Oo. That's why I always play adagios whenever we're together."
She blinked her eyes twice before smiling at him, and told him to start playing already since she couldn't contain her feelings anymore. Na-touch talaga siya sa isiniwalat nito. All this time, she thought he liked adagios, not the other way around. Then, he started playing the second movement. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ng grand piano upang panoorin at pakinggan nang maigi ang pagtugtog nito.
Baxter looked so passionate as he was playing the Piano Sonata while she was suddenly emotional upon listening to him play. Matamang nakatitig siya sa mukha nito habang tumutugtog ito nang bigla itong bumaling sa kanya at matamang tumitig, pagkuwa'y nginitian siya. Parang nagwala ang sistema niya sa ngiting iyon.