Chereads / Just Hold Onto Destiny's Grasp / Chapter 42 - Request

Chapter 42 - Request

Caelian

Magaan kong dinapo ang cold compress bag sa pisngi ni Josiah na sinuntok kanina ni Damien. Napabuntong hininga ako na maalala ang hindi pinag iisipang kilos niya. Puro emosyon ang inuuna, psh.

Seryoso lamang ako na nakatingin sa pisngi ni Josiah at sa ginagawa ko kahit na ramdam ko ang mabigat paninitig niya sa akin.

"C-Caelian, is it true?"basag niya sa katahimikan sa pagitan namin. Napaangat ang tingin ko sa kanya sandali at muling binalik ang tingin sa pisngi niya.

"Ang alin?"pabalik na tanong ko sa kanya. Marami kasi pwedeng pagtungkulan ang tanong niya kaya gusto niyang linawan niya.

"That man and you...k-kissed?"naiilang ngunit malakas na loob na untag niya sa akin. Napatigil ako sa ginagawa at tumingin sa mga mata niya.

"Yes"simpleng sagot ko. Alam kong medyo nakakunot na noo ko ngayon.

Nakita ko paano lumambot itsura niya at pagsilay ng kalungkutan sa mata niya.

"W-Why did you let him?"matigas untag niya sa akin at mas tumapang tingin niya sa akin. Ang itsura niya ngayon ay naiinis siya ngunit pinipigilan niya lang.

Nagdikit ang labi ko at tiningnan siya sa mga mata niya.

"Why not?"sagot ko sa kanya at nalaglag ang panga niya. Mukhang hindi inaasahan ang sagot ko.

Tumayo na ako sa sofa dahil nandito kami sa living room ng executive suite ni Josiah. Maganda, malinis, at mabango ang lugar. Mamahalin din ang mga furniture at matatakot kang madikit doon dahil alam mong magbabayad ka ng mahal.

"Mauuna na ako, mukhang ayos naman na ang pisngi mo"sambit ko sa kanya.

"Kaano ano mo ba ang lalaking iyon? Kaibigan? Mangliligaw? O boyfriend mo?"tanong niya sa akin na hindi ko nasundan dahil sunod sunod ang tanong niya. Hindi ako sumagot.

"K-Kung kaibigan mo lang siya, hindi mo dapat hinahayaan na halikan ka niya"usal niya sa akin at napabaling sa kaliwa ang mukha.

"Pareho kayo ni Damien, inuutusan niyo ako kung anong gagawin ko"napapailing na sabi ko at nagulat naman siyang lumingon sa akin"At isa pa hindi ko siya kaibigan"seryoso na sabi ko. Tumalikod na ako at umalis na sa lugar na iyon.

Pinalibot ko ang tingin ko sa isla subalit hindi ko nakita si Damien. Pinuntahan ko ang restaurant na malapit doon, ngunit wala rin siya doon. Napatigil ako sa paglalakad at nag isip kung saan siya pwede tumambay.

Gusto ko kasi siyang kausapin at pagalitan. Halos apat na araw siyang hindi nagparamdam sa akin, tapos magugulat na lang ako nandito siya sa isla at manununtok na lang bigla? Patawa siya.

Tumaas ang sulok ng labi ko nang may maalala akong lugar.

'Nandoon ka kaya?' tanong ko sa isip ko.

Nawala ang ngisi sa munting labi ko nang makita ko ang isang babae na nakangiting pinagmamasdan ako.

Lumapit siya sa akin, hinayaan ko lang dahil mukhang mabait naman.

"H-Hi, your name is Caelian right?"maganda ang tinig ng boses niya, babaeng babae at mahinhin.

Ngumiti ako pabalik sa kanya at tumango bilang sagot. Kahit nagtataka kung bakit alam niya pangalan ko.

"Why?"simpleng tanong ko.

Napapahiya naman siyang tumingin sa akin at inayos ang mahabang buhok niya. Nasa 5'4 ang height niya, maputi at sakto lamang ang pangangatawan. Maganda rin ang hubog ng katawan niya dahil kitang kita ko iyon sa suot na summer dress niya. Masarap din pagmasdan ang mukha niya, siya yong taong mahihiya kang magsungit.

"N-Nababasa ko kasi ang libro mo, and your work is great"nakangiting papuri niya at mas napangiti ako. Ngayon ko lang siya nakilala at nakausap ngunit ramdam ko na magaan siyang kasama at mabait siya.

"Maraming salamat"bukal sa loob na sabi ko"But..can I ask why you know my name?"nakangiti pa rin na tanong ko, ayaw kong masamain niya ang tanong ko.

Napansin ko ang pagkagulat niya sa tanong ko. Medyo nakaramdam ako ng takot dahil baka iniisip niyang nagagalit ako dahil alam niya ang totoong pangalan ko.

"Hey, hindi ako galit or what, okay? Saka ikaw, anong pangalan mo?"pag iiba ko na lang ng usapan.

"Ah... I'm S-Shiyah"nahihiya na sagot niya sa akin.

"Beautiful name"papuri ko sa kanya.

"Gusto ko pa sana makausap ka pero may pupuntahan pa kasi ako, good to see you here, Miss Keyl"nakangiting sabi niya at napatango tango naman ako. Pinagmasdan ko siyang maglakad palayo.

Pagkatapos ay nagdesisyon na akong maglakad papunta sa lugar kung saan kinuhanan ako ni Damien ng litrato. Malayo ang lugar na ito sa mga tao kaya nagustuhan ko dito tumambay at pagmasdan ang paligid. Subalit ngayong araw, siya ang nakatingin sa dagat at ako naman ang nagnanakaw tingin sa kanya.

Nakatagilid siya sa akin kaya kitang kita ko ang matangos na ilong niya, ang labi niyang namumula, ang mukha niyang kumikinang dahil nasisikatan ng araw, at ang nakakalalaking panga niya.

Dahan dahan na lumingon siya sa gawi ko at nagkasalubong ang mga mata namin.

Lumapit ako sa puwesto niya at umupo sa nakatumbang puno. Pareho na kaming nakaupo ngayon at malapit sa isat isa.

"K-Kumusta siya?"tanong niya sa akin. Lumingon ako sa gawi niya at nakita kong nakatitig siya sa akin.

"Ayos naman siya, pumasa lang ng konti ang pisngi niya"mahinahong sabi ko"Pero, sana huwag mo na ulitin iyon"seryosong dagdag ko.

Natahimik siya at inalis ang tingin sa akin nang hindi makayanan ang titig ko sa kanya. Tinanggal ko rin ang tingin ko at muling tiningnan ang bughaw na dagat.

"Magiging makasarili ba ako kung hihiling ako sayo?"untag niya sa akin at bakas ang kaseryosohan sa boses niya. Napabalik ang tingin ko sa kanya.

"Depende. Ano ba ang ihihiling mo?"tanong ko sa kanya.

Walang nagbago sa itsura niya, seryoso pa rin ito at makikita mo ang tapang sa mga mata niya.

"Noon, kuntento na akong iparamdam sayo ang pagmamahal ko..."paunang sabi niya at pinakinggan ko siya"Pero ngayon, gusto kong hilingin na mahalin mo rin ako"usal ni Damien sa malungkot at umaasang tono.

Napaawang ang labi ko sa narinig kong hiling niya. Napatawa ng mapakla si Damien at napailing iling.

"Alam ko na ang pakiramdam na magmahal at gusto ko naman malaman ang pakiramdam na mahalin din pabalik..."nakangiti siya ngunit ramdam ko ang lungkot na dinadama niya"Sa tingin mo pagiging makasarili iyon?"tanong niya sa akin.