Chapter 47 - Past

Caelian

Hindi ako kumurap at hindi ko inalis ang paningin ko kay Josiah, gusto kong makita sa mga mata niya kung magsasabi siya ng totoo sa akin o hindi.

"S-Sinabi ko naman sayo noon, nagising na lang akong hindi na kita mahal--"sagot niya sa akin.

"Sinungaling!"sigaw ko kaya napatigil siya sa pagsasalita.

Tumahimik ang paligid. Ang tanging maririnig mo lang ang pag ihip ng hangin at mga ibon.

"Hindi nawala ang pagmamahal mo sa akin"usal ko pagkalipas ng ilang sandali at parang kinirot ang puso ko sa binanggit kong mga salita. Napaawang ang bibig niya at halatang nagulantang siya sa sinabi ko.

"B-Bakit? Bakit ka nakipaghiwalay sa akin kung maayos naman ang relasyon natin at mahal natin ang isat isa?"gumaralgal ang boses ko dahil sa pinipigilang emosyon.

"Josiah loves you so much, Caelian. Noon at hanggang ngayon, hindi iyon nagbago. Mahal na mahal ka niya"muling kong narinig ang sinabi sa akin ni Shiyah kanina.

"G-Gusto kong malaman ang totoong rason mo. Halos apat na taon nagpaulit ulit sa isip ko ang senaryo kung kailan nakipaghiwalay ka sa akin. Iniisip ko kung ano ba ang pagkukulang at pagkakamali ko, pero kahit anong pag iisip ko, wala akong makitang sapat na rason para humantong sa paghihiwalay mo sa akin"sambit ko sa kanya at napaalis ang tingin niya sa akin.

"T-Tapos ito ang malalaman ko? Anong iniisip mong mararamdaman ko?"mapait na tanong ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya"Gabi gabi ay umiiyak ako dahil sinisisi ko ang sarili ko. Tumatak sa isip ko na kasalanan ko kung bakit tayo naghiwalay. T-Tapos malalaman ko na kasinungalingan iyon? Anong nangyari sa iyak na binuhos kong luha sayo? Napunta lang sa w-wala?"untag ko sa kanya at tumulo ang sariwang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Napaawang ang labi niya at nakikita kong kumikinang ang mga mata niya, senyales na ano mang oras ay luluha na rin siya. Dahil sa nakita ko ay naipon ang galit at pinaghalong sakit sa dibdib ko.

"Hindi ko kailangan ng luha mo! Gusto kong magsalita ka! Gusto kong malaman kung bakit ka nakipaghiwalay!"galit at may hinanakit na sigaw ko sa kanya.

"Dahil sayo! Sayo mismo! Ikaw ang dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay!"sagot ni Josiah sa akin at napaawang ang labi ko.

"A-Anong ginawa ko? Anong nasabi ko? Puwede naman natin iyon pag-usapan, at hindi ka na sana nakipaghiwalay"sambit ko sa kanya.

Nakagat niya ang labi at pansin ko pag-ipon ng luha niya sa gilid ng mata niya.

"Sana ganon na lang nga... sana ganon lang kadali"tango tangong usal niya. Lumanghap siya ng hangin at muling sinalubong ang tingin ko.

"Bakit ba kasi ang perpekto mo?"untag niya sa akin at ramdam ko ang bigat sa binitiwan niyang salita. Napakurap kurap ang mga mata ko.

"You are perfect woman for me...but sadly, I'm not perfect man for you"sambit niya at kasabay non ang pagpatak ng luha sa mga mata niya. Kumikinang iyon na dumaloy sa pisngi niya.

"J-Josiah..."nanghihinang tawag ko sa pangalan niya.

"S-Sa sobrang pagkaperpekto mo para maging girlfriend ko, n-nagiging dahilan iyon para hindi ka maging bagay sa isang katulad ko"mabigat na sabi niya at muling bumuhos ang luha niya.

"Masyado kang perpekto para makulong lang sa isang katulad ko...kaya m-mas pinili kong m-makipaghiwalay sayo"usal niya at napaluha ako. Ramdam na ramdam ko ang bigat na nararamdaman niya at nasasaktan ako dahil ngayon ko lang ito nalaman, matagal na niya itong dinadala kaya naging mas masakit at mapait.

"Ang hirap, Caelian. Sobrang hirap piliin ang desisyon na iyon. Napakahirap tanggapin na pati sarili ko ay sinasabing hindi karadapat dapat sa akin. Alam mo ba kung gaano kasakit iyon? Tagos na tagos, Caelian"tinuro niya pa ang dibdib niya"Hinihiling ko na sana galing na lang ibang tao iyon, pero hindi, aminado ako sa sarili ko"nasasaktang sabi niya.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya. Naisip niyang hindi siya perpekto sa akin kaya nakipaghiwalay siya sa akin? Anong klaseng rason iyon?

"Iyon lang?"tanong ko sa kanya at nanlaki ang mata niya sa pagkabigla.

"N-Naiisip mo sigurong ang babaw ng dahilan ko pero sa akin noon, napakabigat non. Alam kong napakatanga ko at ang bobo ko. P-Pero kaya nga nandito ulit ako ngayon para ayusin ang pagkakamali ko noon"usal niya na nakatingin sa mga mata ko. Basa ang pisngi at ang lungkot ng mga mata niya.

Paunti unti ay kumakalma na ang loob ko. Basa na lamang ang pisngi ko dahil sa luha ko kanina ngunit mabigat pa rin ang dibdib ko. Dahil sa narinig kong sinabi niya ay nakakaasar na napabaling ang ulo ko sa kaliwa at ngumisi saka ko siya tiningnan.

"Gusto mong ayusin ang pagkakamali mo noon? Pero dalawang taon ka ng nakabalik dito sa Pampanga at ngayon ka lang nagpakita kung kailan pumasok na sa buhay ko si Damien?"nakangising tanong ko subalit mabigat na sabi ko sa kanya.

Nakita ko siyang natuptop sa kinatatayuan niya at napaawang ang labi. Halatang halata na nagulat siya na alam ko ang bagay na iyon.

Nakita ko siya noong nakaraang taon sa isang store sa mall, akala ko namamalik mata lang ako kaya hinayaan ko lang. Sunod naman, noong nakaraang anim na buwan, nakita ko naman siya sa isang hospital, sinamahan ko kasi si mama, nagkaroon kasi siya ng allergy sa paa, at sa araw na iyon ay sigurado akong siya talaga iyon.

"Sa t-totoo lang, wala naman na akong balak magpakita at manggulo sayo. Alam ko kasing ayos na ang kalagayan mo. P-Pero, noong nalaman ko na na nangliligaw sayo ang lalaking iyon, doon ko nalaman na mahal pa rin kita at hindi ko kayang makita na may kasama kang iba"mahinang sagot niya.

"Mahal mo ba talaga ako o hindi mo lang ang gusto ang ideyang mapunta ako sa iba? Magkaiba kasi iyon, Josiah"sambit ko sa kanya at napayuko siya.

Tumahimik muli kami ng ilang sandali.

"Kung ako tatanungin mo, minahal mo ako pero hindi na ako ang mahal mo ngayon dahil 'siya' na ang mahal mo"seryosong usal ko at napaangat ang tingin niya. Nakakunot ang noo niya.

"Anong ibig mong sabihin?"takang tanong niya.

Napangisi ako at napailing iling.

"Mahal na mahal ka niya, Josiah. Huwag mo na siyang pakawalan. Dahil pakiramdam ko siya na ang sinasabi mong 'karapat dapat' sayo"maluwag na sabi ko sa kanya at tipid na ngumiti. Nanlaki ang mata niya baka dahil napagtanto niya ang gusto kong iparating.

"K-Kinausap ka ni Shiyah?"nanlalaking matang tanong niya. Nakita ko ang pasimpleng pagkuyom ng kamao niya.

"Ako ang kumausap sa kanya. Sayang nga lang hindi niya kasama ang baby niyo"nanghihinayang na sabi ko at mas nagulat siya.

Noong nakita ko siya sa isang store ay nakita kong galing siya sa baby store kung saan makakabili ng gamit ng bata. Kasunod naman ay galing siya sa Hospital, kasama niya noon si Shiyah at hawak hawak niya ang baby nila. At nong minsan nagkita na kami ni Josiah sa drug store ay pansin ko ang hawak niyang plastic bag na may laman na gatas ng isang bata. Doon ko napagtanto na may anak na si Josiah kay Shiyah.

"T-Teka, ito ba ang dahilan kung bakit ayaw mo ng makipagbalikan sa akin? Bibigyan ko naman ng sustento ang anak ko sa kany--"natigil siya sa pagsasalita nong itinaas ko ang kanang kamay ko.

Tiningnan ko ang relo at tumingin sa kanya.

"Kung hindi ako nagkakamali, sabi ni Shiyah sa akin ay 5pm ang flight niya kasama ang anak niyo"biglang sambit ko. Napangisi ako nong nakita kong gumuhit ang takot sa mga mata niya.

"A-Ano?"pagkumpirma pa niya.

"Mahal mo siya, Josiah. Halatang halata na sa kilos mo, ang kailangan mo na lang gawin ay tanggapin iyon at iparamdam sa kanya"nakangiting sambit ko.

Pinunasan ko na ang pisngi ko at huminga ng malalim. Ang sarap sa pakiramdam ng hangin dahil malamig ito.

"Umalis ka na para mahabol mo pa ang mag-ina mo. At sa pagkikita niyo ngayon, gusto kong pag usapan niyo na ang kasal niyo. Imbitahan mo kami ni Damien, pupunta kami"usal ko sa kanya na nakangiti. Naiisip ko palang, ay natutuwa na ako para sa kanila. Napaalis ang tingin niya sa akin at tumikhim.

"A-Ano bang pinagsasabi mo diyan?"nauutal na tanong niya at mahinang napatawa ako, kinikilig pa yata siya.

"Imbes na kiligin ka sa harap ko, bakit kaya hindi ka umalis na dito at habulin siya? Bahala ka, baka makahanap iyon ng ipagpapalit sayo. Kung hindi ko lang alam na may anak siya, iisipin ko na dalaga pa si Shiyah. Tsk tsk. Ikaw din..."pang-aasar ko at pansin ko ang hindi niya pagkagusto niya dahil talim ng tingin niya sa akin.

"Hay! Bahala ka na nga diyan. Mauna na ako sayo, kailangan ko pang mag-isip kung paano ko kakausapin ang isa"napapailng na sabi ko at tumalikod na"Ingat ka, bye!"paalam ko na nakatalikod.

Ngunit nang nasa kalagitnaan na ako ay tumigil ako sa paglalakad.

"Akala natin mahal pa rin natin ang isa't isa, pero ang totoo, nakakulong lang tayo sa nakaraan kaya sana sa pag uusap natin na 'to, gusto kong malinawan tayong dalawa. Piliin natin kung sino talaga ang magpapasaya sa atin...at magpaparamdam sa atin ng totoong pagmamahal"madamdamin na sabi ko at nagpatuloy muli sa paglalakad.

"C-Caelian, thank you!"sigaw niya at halata ang tuwa rito.

"Hindi ko kailangan ng thank you mo, hihintayin ko ang wedding invitation mo!"sigaw ko pabalik, patuloy sa paglalakad.

"Caelian, may tanong ako! Mahal mo ba siya?!"tanong niya subalit imbes na sagutin ay gumuhit ang ngiti sa labi ko.

Pumasok ako sa gate ng may ngiti sa labi subalit nawala iyon ng makita ko ang salubong na salubong na kilay ni Kyrine. Hanggang ngayon galit pa rin siya?

"Mukhang naging maganda ang pag-uusap niyo ni Josiah, ah?"sarkastikong sabi niya at napakunot ang noo ko. Huminga ako ng malalim at hinayaan na lang siya, nilampasan ko siya.

"Hindi ko alam kung gusto mo malaman pero pumunta si Damien dito. Sinabi ko sa kanya na magkikita kayo ni Josiah"sambit niya at nagpintig ang tenga ko. Mabilis na napalingon ako sa kanya.

"P-Pumunta siya dito?"gulat na tanong ko.

"Ano naman sayo? Masyado kang abala kay Josiah, kaya ano naman ngayon kung pumunta siya dito?"nakataas na kilay na sabi niya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa pulsuhan. Halatang nabigla siya sa kinilos ko.

"Nasaan siya ngayon?"seryosong tanong ko. Nawala ang pekeng pagsusungit ni Kyrine, at napalunok lunok siya.

"H-Hindi niya naman sinabi sa akin"nauutal na sagot niya at doon ko siya binitiwan.

Lumabas muli ako ng gate at ramdam ko ang bigat ng paglalakad ko. Naiisip ko kasi ang mga posibleng iniisip niya ngayon. At aaminin kong natatakot ako, baka kasi pagkatataon na 'to ay maski kausapin ko siya ay hindi ko na magagawa. Kailangan ko siya makita at makausap. Hindi pwedeng dito matapos ang lahat.