Damien
Mali ba ang ginawa ko? Mali ba ang desisyon ko? Isang kamalian ba ang piliin ang sarili ko kahit minsan? Hindi naman diba?
Naisip ko na sa sobrang pagbibigay ko ng pagmamahal sa ibang tao, nakakalimutan ko na ang halaga ko... nakakalimutan ko na dapat mahalin ko rin ang sarili ko.
And this time, I'll choose myself. Sarili ko naman ngayon.
"Hindi na ako magpaligoy ligoy pa, gusto kong sabihin sayo na ito na ang huling beses na makikipag usap at makikipagkita ako sayo...ito rin ang huling araw na mangliligaw ako sayo"
Naging marahas yata ako sa sinabi ko sa kanya. Hindi ko naman intensyon na saktan siya pero naging ganoon ang kalabasan. Napabuntong hininga ako. Ito ang desisyon ko at kailangan ko na itong panindigan.
"Bakit mo naman sinabing titigil ka ng mangligaw? Malamang iisipin niya hindi mo siya sineryoso! Na niloloko mo siya!"pasinghal na sabi ni Abram sa akin. Napabaling ang ulo ko sa kanan at nakagat ang labi.
"Alam mo naman na hindi ako ganon diba? Seryoso ako sa kanya, alam kong ikaw ang higit na nakakaalam iyan"sagot ko sa kanya.
"Oo, nandoon na tayo. Pero dahil sa sinabi mo parang pinaparating mo sa kanya na hindi ka seryoso. Naiintindihan mo ba ako?! Isip isip naman, Damien!"bakas na ang galit sa boses niya at siguradong nagpipigil na siyang suntukin ako para lang makuha ang punto niya subalit kahit bugbugin niya ako, sarado ang isip ko.
"Gusto kong magpahinga saka na lang tayo mag-usap"walang ganang sabi ko. Humiga na ako sa kama at binalot ang sarili sa comforter saka tumalikod sa kanya.
"Argh!"usal niya,halata ang pagkayamot dito"Nasaktan ka, pero siguradong mas nasasaktan siya ngayon dahil alam niyang nasasaktan ka niya. Sana maisip mo iyon"bigong sabi ni Abram at narinig ko ang pagsara ng pintuan.
Pagkamulat ng mga mata ko ay binati ako ng sinag ng araw, hindi ko pala nasira ang binatana ko kagabi. Tumayo na ako sa kama ngunit napahawak ako sa dingding nang biglang sumakit ang ulo ko, napapikit ako ng mariin at napahinga ng malalim.
Pumunta na ako sa banyo at naghilamos. Napatingin ako sa repleksyon ko sa salamin. Kailangan kong uminom ng gamot na pangpatanggal ng sakit ng ulo. Lumabas na ako sa kuwarto ko at pumuntang kusina para kumuha ng tubig at gamot. Nakita ko rin si Abram ngunit mas pinili kong huwag siyang pansinin.
Bumalik ako sa kwarto ko at nilagay ang dalawang kamay ko sa magkabilang gilid ng bewang. Kailangan kong maglinis. Sa buong umaga at inabot ako ng ala-una ng hapon sa paglilinis ng kuwarto ko pati sa sala at kusina ay nilinis ko. Pansin ko ang paninitig sa akin ni Abram ngunit hindi na lang siya nagsalita at hinayaan ako.
Pagkatapos maglinis ay naligo ako at nagbihis ng T-shirt at pants, kinuha ko rin ang hoodie jacket ko at sinuot. Nakita kong naka upo sa paboritong lugar si Abram sa sala, napatingin siya sa akin at sinalubong ko ang tingin niya.
"S-Saan ka pupunta? Aalis ka?"naiilang na tanong ni Abram.
"Hmmm"tangong sagot ko"Pupuntahan ko si Caelian"dagdag na sabi ko at nanlaki ang mata ni Abram, nakita ko rin ang pagsilip ng ngiti niya.
"T-Talaga? A-akala ko ba titigilan mo na ang pangliligaw mo?"tanong niya pa.
"Mahal ko, e. Hindi ko matiis."sagot ko at lumitaw ang matamis na ngiti sa labi ko. Sumilip rin ang ngisi sa labi ni Abram.
"Buwahahahahahaa! Loko! Marupok ka pala, pre, e! O sige puntahan mo na! Balitaan mo ako, ah?!"tuwang tuwa sabi ni Abram at napailing iling ako.
"Maiintindihan mo rin ako kapag na-inlove ka na"ngisi ngisi na sabi ko at saka pinagdikit namin ang kamao namin.
Tiningnan ko ang oras cellphone ko at napangiti lalo nang makita ko ang home screen wallpaper ko. Ibinalik ko ang cellphone ko sa bulsa at pumara na ng Tricycle.
Nasa harap na ako ng gate ng bahay nila Caelian. Nakaramdam ako ng kaba at may halo rin na pagkasabik. Huminga ako ng malalim at inayos ang hoodie ko bago ako kumatok.
Nakarinig ako ng yabag ng paa na papunta sa gate kaya mas domoble ang kabog ng puso ngunit dahan dahan na nanghina iyon nang makita kong si Kyrine ang nagbukas.
"O-Oh Damien... hmmm kumusta? Napadalaw ka?"usal niya, bakas na hindi siya handa sa presensya ko.
"Gusto sanang makausap si Caelian. Nandiyan ba siya?"nakangiting tanong ko kay Kyrine.
Sa una ay mahina muna ang paglalakad ko kasabay non pag-iintindi sa sagot sa akin ni Kyrine, pagkatapos ay naging mabilis ang paglalakad ko at nang hindi ko na matiis ay tumakbo na ako palayo.
"Si Caelian b-ba? Hmmm.. ano... paano ko ba sasabihin... hmmm... magkikita raw sila ni Josiah ngayon...may pag uusapan daw sila"
Nakarinig ako malakas ng busina at dahan dahan akong napalingon doon, nakita ko ang papalapit na kotse ngunit nakakatakang hindi man lang akong umilag at hinintay lang na lumapit sa akin iyon. Subalit, bago pa ako masagasaan ay kusang tumigil ang sasakyan.
Bakit tumigil? Gusto kong malaman kung ano ang masakit, itong nararamdaman ko o sugat at bali na matatamo ko kapag nasagasaan ako.
Nakatingin lang ako ngunit para akong nakatingin sa kawalan. Hindi ko alam kung anong nangyayari at ginagawa ko. Lumabas ang driver na galit na galit at dinuduro ako. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya ngunit alam kong galit siya dahil kita ko ang pagkakasalubong kilay niya.
May humawak sa pulsuhan ko at nagpadala lamang ako. Nakatulala pa rin ako at nagising lang ako nong nakaramdam ang pisngi ko ng malakas na sampal. Sobrang lakas na alam kong mamumula ang pisngi ko. Napatingin ako sa taong sumampal sa akin.
"Damien, What's wrong with you?! Muntikan ka ng masagaan pero wala ka man reaksyon at ngayon naman na kinakausap kita ay nakatulala ka lang! Ano bang nangyayari sayo, ha?! Magsalita ka!"sigaw sa akin ni Heizelle pero may bakas ng pag-aalala.
Napatingin ako sa kamay niyang nakahawak sa kamay ko at inalis iyon ng walang pag iingat.
"Ano bang pakialam mo."malamig na sagot ko.
"Syempre may pakialam ako!"malakas na sigaw niya.
"Puwes ibigay mo sa iba ang pikialam mo dahil hindi ko kailangan ng pakialam mo"walang emosyon na sabi ko kay Heizelle at tumalikod na.
"A-Ano bang nangyayari sayo?"nanghihinang tanong niya sa akin.
"Are you still...inlove with me?"pag-iiba ko ng tanong sa malamig na paraan. Naramdaman kong natigilan siya.
"Mahal ko na si Teajay, Damien"matigas na sagot niya at mapakla na natawa ako kasabay ng pagpatak ng luha ko.
"Ano bang mali sa akin at hindi ako kayang mahalin ng taong mahal ko? At kung minahal ko naman pabalik...huli na ako"madamdaming sabi ko at naging tuloy tuloy ang pagtulo ng luha sa mga mata ko.
Naglakad si Heizelle at pumunta sa harap ko. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Marahan na humawak ang isang kamay niya sa leeg ko at hinila iyon saka idinikit ang noo ko sa balikat niya.
"Walang mali sayo, Damien. Sadyang hindi pa tamang tao ang minahal mo kaya hindi ka niya makuhang mahalin pabalik... hayaan mo darating rin ang taong iyon... 'Yong taong ibabalik ang pagmamahal na karapat dapat na ibigay sayo"sambit ni Heizelle at nagpatuloy ako sa pag iyak sa balikat niya.