Caelian
Napaka bilis ng tibok ng puso ko, hindi ko alam kung dahil ba sa pagtakbo ko o dahil kinakabahan ako. Napahawak ako sa tuhod ko at hinabol ang hininga ko.
'Sana tama ako na nandoon ka' bulong ko sa isip ko.
Iniangat ko ang tingin ko at saktong nagkasalubong ang tingin namin ni Miss Heize. Napansin kong natigilan siya nong makita ako. Huminga ako ng malalim at umayos ng pagkakatayo. Hinintay ko siyang makarating sa harap ko ngunit nagulat ako nang lampasan niya lang ako. Tumalikod ako at hinawakan siya sa siko subalit inalis niya iyon at humarap sa akin na nag aalab ang mata.
"Nasaan si Damien?"mahinahon na tanong ko at halata pa rin ang hingal.
"Ahh...Damien? Porket wala dito ang ex mo, hinahanap mo naman ang isa"nang aasar ang tono ng boses niya.
Napatawa ako sa sinabi niya ng maiksi bago tumingin sa kanya.
"Alam ko naman na nandiyan siya... bakit pa ako nag abala magtanong sayo?"sagot ko sa kanya at tumalikod pero mabilis niyang nahuli ang pulsuhan ko at hinila iyon paharap.
"Ano ba!"sigaw ko sa kanya at inalis ang kamay niya.
"Umuwi ka na. At huwag na huwag ka na ulit magpapakita kay Damien." matigas na sabi ni Miss Heize sa akin.
"Gagawin ko lang iyan, kapag siya na mismo ang nagsabi sa akin"matigas rin na sagot ko sa kanya. Pinapantayan ang kaseryosohan niya.
"Manhid ka ba? Nasaktan siya dahil sayo! At masasaktan ulit siya kapag nagpakita ka ngayon! Kaya kung may awa ka, ngayon palang umalis ka na!"nanginginig na sigaw niya sa akin.
"Nagmamahal lang naman siya, alam kong parte ng pagmamahal ang masaktan pero kahit sino man walang karapatan na masaktan ng sobra sobra. Kaya kung sasaktan mo lang siya sa sasabihin mo, please lang... please lang, ako na ang nagmamakaawa sayo, tama na"mangiyak ngiyak na sambit ni Miss Heize sa akin.
Napaawang ang bibig ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.
"Wow... wow... wow. Sana naisip mo rin iyan bago mo siya saktan dati, no?"kunwaring namamanghang usal ko at natuptop siya.
Binigyan ko siya ng seryosong tingin bago ako tumalikod sa kanya.
"Umuwi ka na. Kung iniisip mo na sasaktan ko siya, sasabihin ko sayo na nagkakamali ka. Ayaw ko na siyang masaktan at hindi na ako magbabalak pa"seryosong sambit ko at naglakad na papunta sa lumang building.
Madilim na ang paligid ngunit kitang kita ko na mula dito ang ilaw na nanggagaling sa tuktok. Binilisan ko ang pag akyat sa hagdan at nakahinga ako ng maluwag ng makita ko ang likod ni Damien at nakaramdam rin ako ng kaba dahil nandito nga siya.
Hinintay ko siyang humarap sa akin ngunit wala man siyang reaksyon. 'Hindi na niya ba alam ang presensya ko?' Napanguso ako habang naglalakad palapit sa kanya.
"Congratulations"unang salita na narinig ko mula sa kanya. Napakunot ang noo ko dahil Hindi ko alam kung para saan niya ako binabati.
Humigop ako ng hininga nang dahan dahan siyang humarap sa akin at nanghina ang mga tuhod ko ng makita ang basang basa na mata niya dahil sa pag iyak.
"Sorry wala akong gift para sa inyong dalawa. Pero hayaan mo kapag nag-anniversarry kayo, ako ang manlilibre sa date niyong dalawa"sambit niya pa habang umiiyak.
"Sorry rin kung nakikita mo ako na ganito ngayon, napadami kasi ang sibuyas na hiniwa ko kanina"usal niya at patawa tawa pa siya.
Hindi ako sumagot at naaawang tiningnan lang siya.
"Alam ko nandito ka para sabihin sa akin na nagkabalikan kayong dalawa ni Josiah"sabi niya at lumapit sa akin saka tinapik tapik ang balikat ko"Congratulations, hanggang sa huli kayo pa ring dalawa"nakangiti ang labi niya pero ang luha at ang mga mata niya ang nagsasabing nasasaktan siya.
Bumitaw ang kamay niya sa balikat ko at pinangpunas ang hoodie sa pisngi niya na may tumutulong luha.
"Kahit na gusto kong marinig sayo mismo na nagkabalikan na kayo, nalalaman ko na mas magiging masakit sa akin iyon kaya nagmamakaawa ako na huwag ka munang magsalita dahil baka hindi ko na talaga kayanin. Alam ko naman na wala akong karapatan masaktan dahil tumigil na akong mangligaw p-pero... mahal kasi kita, mahal na mahal kita, kaya hindi ko mapigilan masaktan. Huwag kang mag-aalala makakangiti rin ako kapag nakita ko kayong magkasama... hindi lang ngayon"nasasaktan na sabi ni Damien habang patuloy ang pagluha.
"Tapos ka na magsalita?"tanong ko sa kanya at napatigil ang pagluha niya. Halatang nagulat siya sa lumabas sa bibig ko.
Sumagot naman siya sa akin ng dalawang tango na parang bata.
"Lumapit ka dito" usal ko at sinenyasan siya. Sumunod naman siya sa sinabi ko at para ngang takot pa lumapit.
Hinawakan ng dalawang kamay ko ang malambot na mukha niya at gamit ang hinlalaki ko ay pinunasan ko ang luha niya. Natuptop si Damien sa kinatatayuan niya at hinayaan akong punasan ang luha niya.
"Umiyak ka dahil akala mo nagkabalikan na kaming dalawa?"tanong ko sa kanya at nakahawak parin ang dalawang kamay ko sa mukha niya. Gusto kong magpantay ang tingin naming dalawa.
"O-Oo...b-bakit? Totoo naman diba?" sagot niya pagkatapos tumango ng isang beses.
Ngumiti ako sa ka-cute-an niya. Halatang ang dami na niyang iniyak sa isang bagay na hindi naman totoo.
"Sinayang mo lang ang luha mo at ang laway mo sa dami ng drama mo"sagot ko na nakangiti pa rin. Kumunot naman ang noo niya.
"Huh? Anong sayang?"nagtataka na tanong niya.
"Hindi naman kasi kami nagkabalikan. Oo, nag usap kami pero walang balikan na naganap. Kaya sabi ko, sayang lang ang luha at drama mo"sambit ko na natatawa.
"T-Totoo? Hindi kayo?"nagugulat na tanong ni Damien.
"Gusto mo patunayan ko?"naghahamon na sabi ko.
Hindi ko na siya hinintay sumagot dahil mula sa pisngi ay bumaba ang kamay ko sa hoodie niya at hinila iyon saka sinalubong ng labi ko ang labi niya. Pumikit ako at dinama ang magaan na halik na binigay ko sa kanya. Segundo lang ang naging halik namin pagkatapos ay humiwalay na ako sa kanya. Pagkamulat ng dalawang mata ko ay nakita ko kung paano ka dilat na dilat ang mga mata niya.
"Noong hinalikan mo ako dati, nakapikit ka. Bakit ngayon nakadilat ka?"tanong ko sa kanya.
"B-Bakit mo ginawa iyon?"nagugulat na tanong niya.
"Dahil Mahal kita"diretsong sagot ko at may pagmamahal. Mas lalo siyang natigilan sa sagot ko.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawang kamay niya. Nahawa yata ako sa kadramahan niya dahil nong nahawakan ko ang mga kamay niya ang lumambot ang puso ko at naging emosyonal ako.
Nakatingin lang ako sa mga kamay niya at pinakiramdaman ang kamay niya sa kamay ko.
"Sabi ni Kyrine, Hindi daw deserve ni Josiah ang pagmamahal ko pero mas lalong hindi ko deserve ang pagmamahal mo"kuwento ko sa kanya sa pag uusap namin ni Kyrine at hindi ko mapigilan na mapaluha"Alam kong madami kang luha na binuhos sa akin at ilang beses na rin kitang nasaktan. Mahal na mahal mo ako pero hindi ko nabalik ang pagmamahal mo at hindi man lang tumingin sayo. Kaya nong sinabi mo na titigil ka ng mangligaw sa akin, wala akong masabi at malakas ang nagsasabi sa loob ko na tama naman ang desisyon mo"lumuluhang usal ko habang pinipisil ang kamay niya.
Itinaas ko ang tingin ko sa kanya at tiningnan ang mga mata niyang mapagmahal na nakatingin sa akin.
"Binalewala kita. Pinaasa kita. Sinaktan kita. Ako naman ang magtatanong ngayon... tatanggapin mo pa rin ba ako ako? Gusto mo pa rin bang mahalin ang isang katulad ko?"tanong ko sa kanya habang patuloy sa pagbuhos ang luha ko at aaminin kong kinakabahan ako sa magiging sagot niya.
Inalis niya ang kamay niya sa kamay ko at inilagay iyon sa mukha ko, ngayon naman ay siya ang nagpupunas ng luha ko.
"Gusto mong malaman ang sagot ko?"tanong ni Damien sa akin at tumango ako.
Bumaba ang kanang kamay ni Damien sa bewang ko at isang kaliwang kamay niya ay nanatili sa pisngi ko. Naramdaman ko ang malambot at magaan na halik niya sa akin. Punong puno ito ng emosyon na kahit hindi siya magsalita ay alam ko na ang sagot niya sa tanong ko. Napaluha ako habang dinadama ang mapagmahal na halik niya sa akin. Sa unang pagkakataon ay sumagot ako sa halik niya...at sa halik na iyon ay pinaparamdam ko sa kanya na hindi lang siya ang nagmamahal, dahil sa pagkakataon na ito ay pareho na namin mahal ang isat isa.
"Mahal na mahal kita, Caelian. Ito ang tatlong salitang hindi magbabago at paulit ulit kong babanggitin kasama ang pangalan mo"bulong niya pagkatapos ng halik habang nakatingin sa mga mata ko.