Caelian
Tumigil ako sa pagtitipa sa laptop nang mapansin ko nanahimik na ang kasama ko. Pinaikot ko ang upuan ko at naabutan kong nakanguso si Damien na nakaupo sa sofa.
"Bakit ba kasi gusto mo pa sumama? Pwede naman tayong magkita mamaya"tanong ko sa kanya habang nakangiti. Alam kong binata siya ngunit kapag sa ganitong pagkakataon, para sa akin baby pa siya. Napaka-cute.
"Magkikita kayo ni Shiyah, at kapag nandiyan si Shiyah, ibig sabihin nandiyan si Josiah. Kaya paano kita pababayaan pumunta mag isa?"nakangusong pagpapaliwanag niya at hindi ko mapigilan mapatawa.
"Gaano ka kasigurado na kasama niya nga si Josiah?"untag ko sa kanya at napapikit pikit siya.
"Basta! Nararamdaman ko! hindi nagkakamali ang instinct ko."siguradong sigurado na sagot niya pa.
"Talaga lang, ah? Alam ko minsan nagkamali na iyang instinct mo"pambabara ko sa kanya ngunit imbes na mainis siya ay ngumisi pa siya at lumapit sa akin saka hinawakan ang baba ko at ngumiti ng malapad.
"Iyon lang ang pagkakamaling natuwa ako at tingnan mo ngayon, girlfriend na kita"sambit niya at kumindat pa.
Napatawa ako sa kalokohan niya at gamit ang dalawang kamay ko ay pabiro kong kinirot ang dalawang pisngi niya.
Pumasok na kami sa loob ng isang korean restaurant at nakita kong kumaway si Shiyah nang magkasalubong ang tingin namin. Napangiti ako at kumaway din.
"See? Nandito ang ex mo"bulong sa akin ni Damien.
"Kumusta, Miss Keyl?"nakangiting anghel na tanong sa akin ni Shiyah pagkatapos ng beso at nagngitian naman kami ni Josiah.
"Ayos lang. Siya ba 'yong baby niyo?"namamanghang tanong ko sa kanya dahil kahit bata pa lang ay napakaguwapo na. Tumango si Shiyah at pinaharap sa akin ang baby.
"Baby Sou. Say hi to Tita Keyl and Tito Damien"usal ni Shiyah at pinakaway pa ang maliit na kamay nito sa amin.
"Hello, baby Sou"natutuwang bati ko at pinindot ang pisngi ng bata. Namiss ko tuloy bigla si Baby Abdiel.
"Hi, Baby Sou. Gwapong bata, mana sa Mommy"sambit ni Damien at hinawakan ang maliit na kamay ng bata.
Umupo na kami at nag order ng mga korean food katulad ng Samgyeopsal,Tteokbokki, Kimbap, Seolleongtang at Chimaek.
May nilapag na invitation card si Josiah sa lamesa. Nanlaki ang mata ko nang makita ko nang makita ang harap non. Tumingin ako sa kanilang dalawa.
"Magpapakasal na kami at invited kayong dalawa"nakangiting sabi ni Josiah at nagtinginan silang dalawa ni Shiyah bago muling tumingin sa amin.
"Woah. Congratulations! Wow! Kailan ang kasal?"natutuwang pagbati ko sa nilang dalawa.
"Next month. Bago mag-birthday si Baby Sou."sagot ni Shiyah sa akin.
"Wow!"at tumingin ako kay Josiah"Tama, ang desisyon mo. Hindi ka na makakakita ng katulad ni Shiyah at ni Baby Sou. Maging mabuting kang asawa at ama sa pamilya mo"nakangiting payo ko sa kanya.
"Oo na. Huwag mo na ako sermonan"natatawang sabi ni Josiah at saka tumingin sa katabi ko"Ikaw, pumunta ka. Aasahan kita"sabi niya kay Damien.
"Pupunta talaga ako, invited man ako o hindi. Baka mamaya ang girlfriend ko pa ang maging bride mo"sagot naman ni Damien kay Josiah.
"Si Shiyah ang bride ko, okay? Tingnan mo pa sa invitation, pangalan naming dalawa nakalagay diyan"sagot ni Josiah. Tahimik lang kami ni Shiyah at pinagmamasdan ang dalawa pati si baby Sou ay nanonood sa pagtatalo ng dalawa.
"Wala akong tiwala sayo"maiksi na sabi niya at naliliit ang matang sagot nito sa lalaki.
"Damien..."tawag ko sa pangalan sa nagbabantang tono at ngumuso naman siya nang lumingon sa akin.
"Ang cute naman ng boyfriend mo, Miss Keyl"usal ni Shiyah na labis ang tuwa sa nakikita.
Napangiti ako at sa ilalim ng lamesa ay hinawakan ko ang kamay ni Damien.
"Sa sobrang ka-cute-an niya, gusto ko na siyang ibulsa"natatawang sagot ko kay Shiyah.
"Bakit mo ako ibubulsa, love? Malaki ako. Hindi ako kasya sa bulsa mo"inosenteng sagot nito ngunit nabulunan ako at agad naman akong napainom ng tubig.
"Kumain ka na"usal ko sa kanya at binigyan siya ng kimbap.
Nagpatuloy kaming apat sa pagkain at kuwentuhan. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang mga ngiti ng mga taong mahalaga sa akin.
"Anong gagawin mo ngayon niyan?"tanong sa akin ni Damien, pauwi na kami ngayon at sasakay ng tricycle dahil traffic ngayong araw.
"Magsusulat"simpleng sagot ko sa kanya.
"Ano pa?"tanong ni Damien ulit.
"Mag-iisip ng mga scenes at linya"sagot ko sa kanya.
"Ibigay mo sa akin ang kamay mo"utos niya at binigay ko naman. Pinagsama niya ang kamay naming dalawa at pinanood ko pa iyon habang ginagawa niya. "Akin ka muna ngayon. May pupuntahan tayo."nakangiting usal niya at nagpadala ako sa paghila niya.
"Talaga? Pipili ako ng tatlong libro at ikaw ang magbabayad?"gulat na gulat na paninigurado kay Damien. Nasa book store kaming dalawa ngayon.
"Opo. Kaya pumili ka na ng gusto mong libro at bibilhin ko."nakangiting sabi niya habang inaayos ang tumatakas na buhok sa tenga ko.
Tuwang tuwa naman akong pumunta sa book shelf kung saan nakalagay ang mga librong gustong gusto kong bilhin kaso mahal.Nanginginig ko pang hinawakan ang libro at niyakap, ang saya saya ko! Sa wakas mapapasakin ka na rin!
Kinuha ko na ang gusto kong tatlong libro at tumingin sa paligid ngunit nawawala si Damien.
'Nasaan kaya siya?' tanong ko pa sa isip ko at naglakad lakad habang abala ang mata sa kakatingin sa lugar.
"Ang pogi ni Kuya, at mas pumupogi pa siya sa paningin ko dahil nagbabasa siya ng libro"narinig ko ang isang boses ng babae at sinundan ko kung saan ang boses na iyon.
"Oo nga. Tingnan mo oh, ang seryoso niya. Feel ko kapag ako ang libro baka natunaw na ako"usal pa ng isa pang boses ng isang babae.
Natagpuan ko ang dalawang babae na pinagmamasdan si Damien na binabasa ang librong ginawa ko. Nakangiti siya at parang bata na mangha mangha sa binabasa niya. Napangisi ako, sa una lang maganda ang kuwento na iyan dahil sa dulo hindi naman sila magkakatuluyan.
Maglalakad na sana ako at lalampasan ang dalawang babae ngunit napatigil ako dahil 'yong isang babae na naka skirt na ang unang pumunta kay Damien. Inosente siyang tiningnan ng boyfriend ko.
"Hi, Mahilig ka ba sa genre ng Romance?"tanong ng babae.
"H-ha? Ah.. Oo"naiilang na sagot ni Damien.
"Ito sa tingin ko magugustuhan mo 'to. Maganda ang storyline niyan at maganda ang pagkakasulat. Siguradong mamahalin mo talaga."nakangiting sabi ng babae at inilahad ang libro.
"Hindi. Ayos lang. Ito talaga pinunta ko dito."sagot ni Damien sa maayos na tono at pinakita ang libro ko sa babae.
"M-Miss Keyl? Hm...Alam mo ba na lahat ng libro niya ay tragic ang ending? At hindi lang iyon, ang pangit ng paraan niya ng pagsusulat at napaka predictive ng mga sinusulat niya. Diba, Neds?"sambit ng babae at lumapit ang kaibigan niya sa kanya.
"Oo, at minsan pa nga parang nanggagaya lang siya ng mga linya at scenes sa ibang libro. Hindi ko nga maintindihan kung bakit nagpu-publish pa siya ng bagong libro dahil lahat ng mga libro niya ay bulok at walang kuwenta"walang prenong sambit ng babae at napayuko ako sa hiya.
"Sasayangin mo lang ang pera mo sa--"
"Ano bang alam mo? Naging author ka na ba para magsalita ng ganyan?"malamig na tanong ni Damien sa dalawang babae.Napakuyom ang kamao ko sa nabubuong emosyon sa dibdib ko.
"H-Hindi... b-bakit ka nagagalit? Nagsasabi lang naman ako ng totoo"natatakot na sagot ng isang babae.
"'Yong minutong pagbabasa niyo sa isang pahina nito ay pinagpupuyatan ng nagsusulat. 'Yong mga pangyayari at linyahan na babasa mo sa libro na 'to ay pinag iisapan ng ilang araw. Kaya bago ka magsalita ng masama sa isang libro, dapat naranasan mo muna magsulat, dahil kaya kayo nakakapagsalita ng ganyan dahil hindi niyo napagdaanan kung gaano kahirap gumawa ng isang kuwento"mabigat na sabi ni Damien sa dalawang babae at pumatak ang isang luha ko.
Bumalik ang mga alaala sa nakalipas na dalawang buwan. Ang mga araw kung saan bumibisita si Damien sa bahay at hinahayaan lang akong magsulat. Pinapakain niya pa ako at pinapainom dahil gusto niya na mag pokus lang ako sa sinusulat ko. Naiintindihan niya ako at minamahal niya rin ang trabaho ko. Napaka suwerte ko sa kanya.
"Tama ka, maraming mas magandang libro kesa dito pero kahit na papiliin ako sa lahat ng librong nandito, ito pa rin ang pipiliin ko..dahil pinaghirapan ito ng taong mahal ko"huling sambit niya at nagtagpo ang mga mata namin.