Caelian
"Kumusta ang buhay na may lovelife?"tanong ni Kyrine na may pang aasar sa tono at kumuha ng ubas na nakalagay sa plato.
"Masay--"
"Sana lahat! Sana lahat may lovelife!"sambit na may pag ikot pa ng mata at natawa ako.
"Bakit inggit ka?"ganting pang asar ko sa kanya at kumain din ng ubas. Nasa sala kami ngayon.
"Of course not! Sa totoo lang, naaawa nga ako, e"sagot ni Kyrine na pinagtaka ko.
"Bakit?"tanong ko sa kanya.
"Naaawa ako kay Damien dahil tinamaan siya sa isang katulad mo. Naiisip ko nga na may sira yata ang ulo ni Damien, akalain mo pinatulan ka?"diretsong sambit niya at napaawang ang labi ko sa pagkabigla.
"A-Ano?"pag uulit ko pa sa kanya.
"Wala!"sigaw niya at nanlaki ang mata nang may mapansin sa gawi ng pintuan"Oh! Nandiyan pala si fafa Damien! Hi, Damien!"ngiting ngiti na bati niya kay Damien at napatingin rin ako sa gawi ng boyfriend ko. Ngumiti ang lalaki sa akin at lumapit sa akin saka mabilis na hinalikan ako sa noo.
"Anong ginagawa mo? Tapos ka na magsulat?"tanong niya at umupo sa tabi ko. Bale tatlo na kami ngayon sa mahabang sofa.
"Ano ba yan! Dahan dahan naman! May kasama kayong single dito, oh! Mahiya naman kayo!"sabi ni Kyrine at pareho kaming natawa ni Damien.
"Mamaya na siguro ako magsusulat ulit"sagot ko kay Damien at tumango naman ang binata.
"Gusto mo ng Fries at coke float? Nagdala ako, meryenda niyo"nakangiting sabi niya at doon ko lang napansin na may dala pala siyang pagkain.
"Ako! Ako gusto ko!"sambit ni Kyrine at mabilis na kumuha ng fries saka uminom ng coke float. Napailing na lang ako sa kanya.
"Kyrine, mag dahan dahan ka nga. Para kang patay gutom. Kababae mong tao, e"pagsaway ko sa kaibigan ko.
Bumukas muli ang pintuan at pumasok sina ate Caelyn at ang asawa niyang si Kuya Gerwyn na buhat si baby Abdiel. Napatayo ako at patakbong lumapit sa kanila.
"Baby Abdiel! Mommys' miss you so much!"sambit ko at binuhat si Baby Abdiel saka niyakap.
"My..."banggit ng bata at nanlaki ang mata ko. Tumingin ako kila ate na nakangiti saka muling tumingin kay baby Abdeil
"A-Again, baby? Say Mommy"pag uulit ko sa bata at hinarap sa akin para talaga masigurado na tama ang narinig ko.
"My..."banggit ulit ni Baby Abdiel.
"Aww. Our baby Abdiel is now know how to say mommy. I love you, baby. Miss mo ba si mommy?"tanong ko sa bata at hinawakan niya lamang ang mukha ko saka muling binanggit ang "My".
Tumingin ako sa mag-asawa na nakangiting nakatingin lamang sa akin. Nakahawak sa bewang ni ate Caelyn ang kamay ni Kuya Gerwyn.
"Bakit ngayon lang ulit kayo nagbisita? Nilalayo niyo yata sa akin ang anak ko, e"nakasimangot na sabi ko sa lalaki at tumawa naman silang pareho.
"Syempre, Hindi. Ngayon lang talaga nagkaroon ng oras. Oh, nasaan pala si mama at papa?"tanong ni Ate Caelyn na pinaikot ang tingin sa bahay.
"Namalengke si Mama habang si papa nagtrabaho"sagot ko sa kanya habang nilalaro si Baby Abdiel. Miss na miss ko talaga ang batang 'to.
"Caelians' boyfriend now, e?"nakangising sambit ni kuya Gerwyn na nakatingin sa likod ko kaya napalingon ako. Napakamot sa batok si Damien.
"And you're not her husband"sagot ni Damien at tumawa si kuya Gerwyn.
"Sorry, I'm just teasing you that time. I'm her sisters' husband and Abdiels' father by the way"natatawang sabi ni Kuya Gerwyn.
"Boyfriend mo, Caelian?"tanong ni ate Caelyn. Lumapit ako kay Damien at hinawakan sa kamay habang ang isang kamay ko ay gamit ko sa pagbuhat kay baby Abdiel.
"Yes. His name is Damien, my boyfriend and Caelyn, my sister"pagpapakilala ko sa dalawa. Nakipagkamay naman si Damien at tinanggap naman ni ate.
"Hello po, nice to meet you po"magalang na sabi ni Damien.
"Gwapo ng boyfriend mo, Caelian, ah"papuri ni ate at nahiya naman si Damien.
"So, Kailangan ba maghanap na ako ng partner ko sa kanto? Dalawang couples na nasa harap ko, oh"pakiki sali ni Kyrine na nandito pa pala.
"Oh, Kyrine. Kailan ba namin makilala ang boyfriend mo?"natatawang sabi ni kuya Gerwyn.
"Hihintayin ko pa lumaki si baby Abdiel, Kuya"sagot naman ni Kyrine at natawa kami.Baliw talaga, pati bata dinadamay.
"Oo nga pala. Caelian, diba na-miss mo naman si Baby Abdiel? Ikaw muna ang mag alaga sa kanya, patulong ka na rin sa boyfriend mo, ayos lang ba iyon, Damien?"nakangiting sabi ng ate ko.
"Po? A-Ah, Opo, ayos lang po"sagot ng mabait na si Damien.
"Bakit? Saan ba kayo pupunta?"tanong ko sa mag-asawa.
"May aasikusuhin lang kami ni kuya Gerwyn mo. Kayo muna mag alaga kay baby Abdiel, okay? Thank you, sis! See you later!"nagmamadaling usal ni ate Caelyn at hinalikan ako sa pisngi saka sila nawala ng parang bula na mag asawa.
"Oh! Nagtext si Mama! Nagyaya siyang pumuntang mall, may bibilhin daw siya. Babye, Caelian! Thank you sa pagkain, Damien!"sumunod naman si Kyrine at umalis na.
Nagkatinginan kami ni Damien at sabay na napatingin kay Baby Abdiel na inosenteng kinakain ang daliri.
"Damien, pwedeng timplahan mo ng gatas si Baby Abdiel?"pasuyo ko kay Damien at napangiwi naman siya. Nasa kwarto kami ngayon at nakahiga si Baby Abdiel sa kama ko.
"Hindi ako marunong magtimpla ng gatas ng bata, love"nahihiyang sagot ni Damien at hindi ko alam kung tatawa ako o mapapailing.
"Lumapit ka dito"utos ko sa kanya. Nakaupo lang kasi siya study table at tahimik na pinagmamasdan kami. Sumunod naman siya ng dahan dahan.
"B-Bakit?"nauutal na tanong niya.
"Bantayan mo si Baby Abdiel. Huwag mo hayaan na mahulog, ah? Ako na magtitimpla ng gatas niya"sambit ko sa kanya.
"O-Okay. Bilisan mo, ah? Hindi ako marunong mag alaga ng bata, love. Baka mapano ang pamangkin mo sa akin"kinakabahan na sabi niya at napangiti naman ako.
"You can do it, love" nakangiting sabi ko at tinapik tapik siya sa balikat.
Lumabas na ako sa kwarto at nag painit ng tubig pagkatapos ay lumapit ako sa bag na dala nila ate Caelyn at kinuha ang baby bottle saka nilagyan ng gatas. Subalit, narinig kong umiyak si baby Abdiel.
"Love! Help! Baby Abdiel is crying! Anong gagawin ko?"natatarantang sigaw ni Damien sa loob ng kuwarto at hindi ko mapigilan matawa. Hindi talaga siya sanay.
Tumikhim ako bago sumagot.
"Buhatin mo at laruin mo muna saglit. Hindi pa ako tapos sa gatas niya!"sagot ko kay Damien.
"Okay! I will do it!"sigaw niya pabalik.
Sinunod niya nga yata kasi tumahimik si baby Abdiel. Nang kumulo na ang tubig ay nilagyan ko na ng kalahating mainit na tubig ang baby bottle at nilagyan rin ng mineral water para maging maligamgam at hindi mapaso si Baby Abdiel. Pagkatapos ay inaalog alog ko na ang baby bottle at naglakad na papunta sa kwarto ko.
"Shhh... Don't cry, baby Abdiel. Youre mommy will bring your milk. Stop crying, okay?"kausap niya sa bata habang inaalo alo ito at buhat buhat sa bisig niya. Napangiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa.
"Kaya mo naman pala, e"papuri ko sa kanya kaya napalingon siya sa akin"Akin na, papainomin na natin ng gatas"usal ko at kinuha si baby Abdiel sa kanya. Umupo ako sa kama at nakahigang posisyon na si baby Abdiel habang ang isang braso ko ang unan niya at ang isang kamay ay hawak hawak ang baby bottle niya para hindi mahulog.
"Ako na maghawak ng baby bottle niya"presinta ni Damien at binigay ko naman sa kanya. Umupo siya sa tabi ko habang ako ay parehong kamay na ang nakabuhat kay Baby Abdiel.
"Mabuti nakayanan mo siyang alagaan?" tanong ni Damien.
"Parang pagsusulat lang iyan, gusto ko kasi ang ginagawa ko kaya nakakayanan ko"sagot ko sa kanya na nakatingin pa rin sa bata.
"Alam mo pwede ka ng maging nanay"biglang sambit niya pagkalipas ng sandali.
Mabilis na napalingon ako sa kanya at ramdam ko ang salubong ng kilay ko.
"Bakit? Mukha na bang nanay ang itsura ko?"tanong ko sa kanya at isang maling sagot niya lang, tatamaan talaga siya.
"Oo, mukha ka ng nanay... at pwede ka ng maging nanay ng mga anak ko"nakangising sagot niya sa akin.
"Talaga? Puwes, hindi kita tatanggapin bilang ama ng anak ko, umiiyak pa nga lang ang bata ay natataranta ka na. Cancelled ka na, Cadenza"sagot ko sa kanya.
"Ay, love! May tanong ako sayo"biglang naging masigla ang boses niya.
"Ano iyon?"
"Ilan gusto mong anak?"tanong ni Damien sa akin at napaubo ubo ako.
"Bakit mo naman natanong?"gulat pa rin na sabi ko. Biglaan naman ang lalaking 'to. Hindi ako nakapaghanda.
"Ilang nga gusto mo? Gusto ko lang malaman"pangungulit niya pa at ramdam ko ang pag iinit ng pakiramdam ko. Gusto ko ng tumakbo sa labas at lumayo sa lalaking 'to. Nakakailang!
"D-Dalawa"nauutal na sagot ko sa kanya.
"Hala, bakit dalawa lang?!"tanong niya sa akin at halata na hindi niya inaasahan ang sagot ko.
"Anong 'bakit dalawang lang'?! Gusto ko talaga d-dalawang anak lang dahil isang babae at isang lalaki ang gusto ko"nauutal na sagot ko at aaminin kong sobra na ang pagkailang ko. Bakit ba namin 'to pinag uusapan? Walang hiya naman!
"Paano naman ako? Gusto ko apat ang magiging anak natin" problemadong sambit ni Damien sa akin.
"A-Ano? A-Apat?"paninigurado ko sa kanya at tumango tango.
"Oo, gusto ko apat at plano ko silang tawagin na North, South, East and West. Diba, ang galing?" tuwang tuwa at proud pa na sabi niya sa akin. At talagang may pangalan na siyang naisip!
"Sa tingin mo papayag akong ipangalan iyan sa mga anak ko?"
"Bakit ano bang gusto mong ipangalan?"pabalik na tanong niya.
"H-Hindi ko pa alam. At saka bakit natin ito pinag uusapan?!"tanong ko at bakas ang galit dito. Naiilang na talaga ako sa pinag uusapan namin! Gusto ko na lang lumubog dito!
"Sige na nga. Dalawa na lang. Pero, paano kung dalawang babae o dalawang lalaki ang maging anak natin? Diba gusto mo lalaki at babae?"tanong na naman niya. Hindi na talaga siya tumigil!
"B-Basta! Babae at lalaki gusto ko, manahimik ka na!"
"Love, tatlo na lang ang maging anak natin, please. Para kapag dalawang babae o dalawang lalaki, may isa pang chance na matupad natin ang gusto mong magkaroon ng babae at lalaking anak"seryosong usal niya at hindi man lang makaramdam ng hiya. Napapikit ako sa naririnig ko sa kanya.
"Manahimik ka na, Cadenza! Tigilan mo na ako!"inis na sigaw ko sa kanya at ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko.
"Tatlo na 'no, love?"pagmamakaawa niya pa sa akin na parang candy lang ang hinihingi.
"Hindi ka talaga titigil,ha?!"nanggigil na tanong ko sa kanya. Gusto ko siyang hampasin ngunit ayaw kong gumalaw dahil natutulog si baby Abdiel.
"Tatlo na kasi, gusto ko nga apat, e pero pumapayag na akong bawasan ng isa"nakasimangot na sabi niya sa akin na parang ako pa ang may kasalanan.
"Oo na! Tatlo na! Tumigil ka na!"pilit na sagot ko para matapos na ang usapan.
"Yes! Narinig mo ba iyon baby Abdiel magkakaroon ka ng tatlong pinsan, yehey!"natutuwang balita ni Damien sa bata na natutulog.
Hindi ko na talaga hahayaan na maiwan kaming dalawa na may kasamang bata.