Chapter 52 - Tears

Caelian

Narinig kong may kumakatok ng malakas sa pinto kaya ay dahan dahan kong binukas ang mga mata ko.

"Caelian! Si Kyrine 'to, buksan mo ang pinto"narinig kong sabi niya sa labas.

Tamad naman akong tumayo at tumingin sa orasan, nalaman kong 5:02pm na.

Binuksan ko na ang pintuan at bumungad sa akin si Kyrine na tinangnan agad ako mula ulo hanggang paa. Napatingin rin tuloy ako sa sarili ko, magulo ang buhok, nakasuot ng malaking t-shirt at nakapajama.

"Anong itsura iyan?"nakangiwing tanong niya. May pandidiri sa tono niya.

"Itsura iyan ng kasipagan. Napuyat kasi ako kagabi kakasulat ng manuscript"naaantok na sagot ko. Nilakihan ko na ang bukas ng pintuan at naglakad saka umupo sa kama ko. Paunti unti kong inayos ang buhok ko gamit ang kamay.

"Kung ako si Damien, bubuksan mo ang pintuan na ganyan ang itsura mo?"tanong niya sa akin"Kasi sa totoo lang, hindi ka itsurang may boyfriend, mag ayos ayos ka naman!"

"Oo naman bubuksan ko. Ano aasahan niya sa akin? Writer ang girlfriend niya, mukha lang talagang artista"nakangising sabi ko at ngumiwi naman siya.

"Kahit na dapat matuto kang mag ayos ng sarili mo dahil babae ka"sermon niya at napakunot ang noo ko dito.

"Kung makapagsalita ka, parang ang dugyot dugyot ko, ah. Alam mo naman na malinis ako, ngayon lang hindi dahil puyat nga"ganting sagot ko. Naging pilit ang ngiti niya at tawa. Sapol.

"S-Sorry na, p-pero hindi naman ito 'yong pinunta ko, e"usal niya at napailing iling ako.

"Anong trip mo? Hindi ka ba hinahanap sa inyo?"parang nakakatandang kapatid na sabi ko.

Nagtaka ako nong lumapit siya sa akin at hinla ako patayo saka tinulak papunta sa banyo.

"Maligo ka at ako naman ang pipili ng susuotin mo" usal niya na hindi ko maintindihan kung paraan saan.

"Bakit? Aalis tayo? Ng gabi?"sunod sunod na tanong ko.

"Mamaya na tayo mag-usap, maligo ka muna"sagot niya sa akin at sinira na ang pintuan ng banyo.

Katulad ng sinabi niya ay naligo ako at sinuot ang damit na hinanda niya sa akin.

"Ayan! Mukha ka ng dalagang may boyfriend"nakangiting sabi ni Kyrine pero ang dating sa akin ay insulto.

Nakasuot ako ng long sleeve na stripes at black short na abot hanggang tuhod. Simpleng damit na bagay na bagay pa rin sa akin.

"Ano bang itsura ko kanina?"

"No offense ha, pero mukha kang nanay na may anak at isang lasinggero ang asawa mo sa kanto.Ganon na ganon ang itsura mo kanina."walang prenong sambit ni Kyrine.

"Aba't!"hahampansin ko na dapat siya ngunit mabilis siyang nakalayo.

"Okay, tapos na mission ko, byeee!"paalam niya at lumabas na.

Susundan ko dapat siya nang napatigil ako sa paglalakad ng may nag-call sa cellphone ko.

"Labas ka, nandito ako sa harap ng bahay niyo."sabi ni Damien sa kabilang linya.

"Huh? O-Okay"nagtataka na sagot ko.

Lumabas ako at naabutan ko si Damien na nakaputing polo at ang pangbaba ay cream khaki pants. Napakalinis niyang tingnan sa suot niya kaya sa mata ko ay mas lalo siyang gumagwapo. Araw araw ay napapahanga ako ng itsura niya, minsan kapag naiisip ko na boyfriend ko siya, hindi ako makapaniwala na meron akong katulad niya.

"Bakit? Miss mo ako?"kaswal tanong ko sa kanya, pero hindi ko mapigilan na mangiti.

Hinanda ko na ang kamay ko para sa nagbabadyang yakap niya. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng yakap na nakakatanggal ng pagod at puyat ko. Sobra sobra yata ang pagmamahal niya sa akin dahil kahit sa yakap lang ay ramdam ko ang nararamdaman niya sa akin. Sanay na ako sa kanya na tatawag ng gabi kapag matagal kaming hindi nagkikita, sasabihin niya na lumabas ako pagkatapos yayakapin niya ako saka sasabihin ang salitang...

"I miss you, love" usal niya sa akin at napangiti ako.

Madalas kasi siyang busy sa trabaho niya at malayo rin lugar ang pinupuntahan niya para kumuha ng litrato, naiintindihan ko naman at wala akong problema doon. Dahil alam ko na hindi lang dapat sa amin umiikot ang mundo.

"Let's go, pupunta tayo sa bahay"sambit niya at natural niyang pinagsama ang kamay naming dalawa.

"Anong gagawin natin sa bahay niyo?"tanong ko sa kanya, medyo malapit na kami sa bahay nila Damien.

"Hmm wala naman"sagot niya at biglang tumunog ang cellphone niya saka niya binasa ang text message"Love, pwedeng mauna ka muna? May inuutos sa akin si Abram, may pinapabili siya sandali"

"Sama na ako"presinta ko at umiling naman siya.

"No. Mauna ka na. Sandali lang naman ako, para rin may kasama si Abram sa bahay."hindi na mapilit na sagot niya. Tumango tango ako at saka naglakad.

Pagdating sa harap ng mini gate nila ay nakita ko itong nakabukas at madilim rin ang paligid ng bahay nila.

Naglakad ako papunta sa mini gate nila para sana isira ang pintuan at maghintay sa harap non dahil gusto kong sabay kaming pumasok ni Damien. Subalit hindi ko inaasahan na may paper bag na may butas na hugis puso at umiilaw iyon dahil sa kandila na nasa loob, nakahilira ito sa magkabilang gilid na parang nagsisilbing pathway papunta sa loob ng bahay.

Muling tumunog ang cellphone ko dahil may tumatawag at sinagot ko naman ito.

"What is this?"tanong ko kay Damien kahit obvious naman.

Hindi ako makapaniwala na kahit na busy kaming pareho ay naisip niya pang surpresahin ako.

"My Miss you surprise. Naghihintay na ako dito sa loob, pumasok ka na"usal niya kaya naman dahan dahan ay naglakad na ako.

Maliban sa pathway, napansin ko rin ang nakakakalat na pulang rosas sa dinadaanan ko. Ngayon naiintindihan ko na ang biglaang pagpunta ni Kyrine sa bahay at pinabihis ako, may paganito palang surpresa si Damien. Nakangiti ako habang naglalakad at ini-enjoy lang ang ilaw na nakikita ng mga mata ko. Mayamaya pa ay nakarinig na ako ng tugtog na halatang galing sa speaker, isang tunog ng piano iyon at kung hindi ako nagkakamali ay "Pagkat Mahal kita" ang title ng kantang iyon.

"Do you love it?"tanong ni Damien sa akin dahil hindi pa rin pinapatay ang tawag.

"Hmmm"tangong sagot ko kahit hindi niya nakikita"But, I-I love you more"mapagmahal na sabi ko.

"T-Teka, umiiyak ka ba?"untag niya, halata na nag aalala siya sa akin.

"No. I'm okay."sagot ko sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

Sa totoo lang, gusto ko ng takbuhin ang pagitan namin at yakapin ang taong nasa dulo ng daan na ito. Hindi ako naiiyak dahil sa surpresang hinanda niya sa akin kundi naiiyak ako kasi may lalaking mahal na mahal ako.