Chapter 54 - Hot

Damien

Mabilis na lumipas ang panahon. Sa dalawang taong lumipas ay naging masaya ang relasyon namin ni Caelian, syempre hindi maiiwasan ang tampuhan subalit sinisigurado ko na hindi dapat lumipas ang araw na iyon na hindi kami nagkakabati.

Natutuwa rin ako sa pagbabago na nakikita ko kay Caelian, hindi na siya masyadong masungit at marunong na siyang ibahigi sa akin ang mga iniisip niya. Sabi nga ni Kyrine ay bumabalik na ang dating Caelian na kilala niya at nagpapasalamat siya sa akin. Madalas na rin siyang ngumiti at tumawa na kahit mata niya ay kitang kita ang kasiyahan niya kaya minsan ay napapatulala ako, dahil ang ganda ganda ng girlfriend ko.

"Hijo, nandiyan ka na pala, halika sumama ka na sa amin mag almusal"nakangiting anyaya ni tita sa akin. Nasa bahay ako nila Caelian ngayon.

"Good morning po, tita"pagbati ko sa kanya at inilipat ang tingin sa babaeng mahal ko"Good morning, love"pagbati ko at hinalikan siya sa noo.

"Bihis na bihis ka?"tanong ng girlfriend kong si Caelian, ngumiti ako sa kanya at kinurot ang pisngi niya.

"Sabi kasi ni tito, sumama daw akong magsimba kasama ninyo"hindi mapunit ang ngiti sa labi ko. Sa dalawang taon kasi ay hindi man ako niyaya ni tito na sumama sa kanila magsimba. Napansin ko rin ang pagkagulat ni Caelian.

"Mukhang nagugustuhan ka na ni papa, ah"nankangiting pang aasar niya.

"Ehem.. Caelian, umayos ka umupo at paupuin mo rin ang nobyo mo"narinig namin na sabi ni tito na nasa likod pala namin kaya dali dali kaming pumuwesto ni Celian. Nasa kanan ko siya habang may dalawang bakanteng upuan sa kaliwa ko, parehong nasa harap naman namin ang mag-asawang Pangilinan.

"Hijo, kumain ka"nakangiting sabi ni tita, ang ganda ng ngiti niya katulad ng kay Caelian. Nilagyan niya ang plato ko ng fried rice at itlog. Tumingin si tita kay Caelian."Anak, timplahan mo ng kape ang nobyo mo, pagkatapos ay puntahan mo na rin si Ate Caelyn mo para mag almusal"utos ni tita kay Caelian.

"Opo, ma"magalang na sagot niya at sinunod ang utos ng magulang.

Pagkatapos niya akong timplahan ng kape ay inilagay niya na iyon katabi ng plato ko at agad akong napangiti na may nakaguhit na puso doon. Nawala rin ng marinig ko ang pagtikhim ng tito. Pinuntahan na rin ni Caelian ang kapatid niya at asawa nito.

"Damien? Oh, how are you?"sambit ni Ate Caelyn sa akin at bineso niya ako, napatingin ako kay Caelian pero nakangiti lang siya.

"A-Ayos lang po,"nakangiting sagot ko. Nakita ko sa likod niya kuya Gerwyn na buhat buhat si Baby Abdiel na sobrang big boy na.

"Par, ang aga natin mangligaw ah?"pang-aasar ni Kuya Gerwyn at hindi ko mapigilan mapangiwi. Lumapit sa akin at mabilis na nagyakapan at nagtapikan ng likod.

"Girlfriend ko na po siya"naiilang na sagot ko. Tumawa lang siya at hindi na pinansin ang sinabi ko.

"Mommy... Daddy..."tawag sa amin ni Baby Abdiel at natural na gumuhit ang ngiti sa labi ko. Ang cute cute talaga ng pamangkin ni Caelian. Nalaman ko kasi na Mommy ang tawag niya kay Caelian kaya naman tinuruan ko ang bata na tawagin akong daddy.

Tumingin ako kay Caelian saka tinaas baba ang kilay ko at siya naman ay napailing iling sa kalokohan ko.

"Papa, I want mommy"sambit ni Baby Abdiel sa papa niya at lumapit naman si Caelian saka binuhat ang bata.

"Do you want to eat?"tanong ni Caelian sa bata, nakatingin lamang ako sa kanila.

"Yes, mommy"sagot ni baby Abdiel.

"Caelian, Caelyn, Gerywn, umupo na kayo at kumain na tayo ng almusal"anyaya ni tita sa tatlo at sumunod naman sila.

Nalaman ko na kakauwi lang pala kaninang madaling araw nina Ate Caelyn at Kuya Gerwyn kaya ang usapan ay umiikot sa kanila, tinanong kung ano ba ang pamumuhay nila doon at kung paano ba nila pinapalaki si Baby Abdiel.

Habang kami ni Caelian at Baby Abdiel ay abala sa pagkain. Sinusubuan ko si Baby Abdiel habang si Caelian ay tagapunas ng bibig at pinapainom ang bata. Pakiramdam ko tuloy magulang kami ni Caelian at pinapakain namin ang cute na anak namin.

"Anong nginiti ngiti mo diyan?"tanong ni Caelian sa akin at mas lalo akong napangiti.

"Naiisip ko kasi na anak natin si Baby Abdiel at pinapakain natin siya"sambit ko sa kanya at nailang naman siya. Nakarinig ako ng pagtikhim kaya bumalik ako sa pagkain ko.

"Ako na ang maghuhugas, ma"presinta ni Caelian, nililigpit kasi ni tita ang mga plato.

"Ako na, Caelian. Masyado kang makalat maghugas"panenermon ng mama niya.

"M-Marunong na akong maghugas, ma"nahihiyang sagot niya sa mama niya.

"Opo, tita. Tinuruan ko po siya sa bahay kaya marunong na siyang maghugas ng hindi makalat, diba, Caelian?"pagsingit ko sa usapan nila. Tumingin sa akin si Caelian at ngumisi ako, tumatango tango siya pero nang mapansin niya ang ngisi ko ay sumama ang tingin niya sa akin. Mahina tuloy akong natawa.

"O sige. Iiwan ko na sayo ang hugasin."sambit ni tita at umalis na kusina kaya kami na lang ni Caelian ngayon ang natira. Lahat kasi ay naghahanda na para magsimba.

"Anong ginagawa mo rito?"masungit na tanong niya.

"Papanoodin kang maghugas baka kasi nakalimutan mo na ang tinuro ko"pang-asar na sagot ko sa kanya.

"Umalis ka na nga! Pumunta ka doon sa sala!"sigaw niya sa akin at tawa tawa naman akong sumunod.

Nag-umpisa na simba, una munang sumalang ang music team at kumanta ng tugtug makalangit. Ang ganda ng boses ng worship leader idagdag pa doon na magaling rin sa paggamit ng instrumento ang mga kasama niya. Kasunod non ay Pastor na ang pumunta sa harap at naghatid ng sermon na matutunan namin sa araw na iyon.

"Gusto ko rin na nasa harap"bulong ko, tama lang na maririnig ni Caelian.

"Bakit? Gusto mong maging pastor?"untag niya sa akin.

"Hindi. Gusto ko na nasa harap habang hinihintay kang makalapit sa akin sa araw ng kasal natin"nakangiting sambit ko sa kanya at nakita kong natigilan siya.

"Sinong naman nagsabing magpapakasal ako sayo?"sagot niya at ako naman ang natigilan.

"A-Ano? H-hindi ka papakasal sa akin?"gulat na tanong ko.

"Shhhh..."pangbabawal sa amin ng mga malapit sa amin kaya tumahimik hanggang sa matapos ang simba.

"Caelian, anong ayaw mo magpakasal sa akin? Ano iyon ginawa mo akong boyfriend pero hindi mo ako gustong maging asawa?"hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. Nasa labas na kami ng simbahan ngayon.

"Dati, sinabi mo sa akin na gusto mong magkaroon ng tatlong anak at ngayon naman, gusto mo akong pakasalan?"sambit niya na hindi rin makapaniwala.

"Syempre gusto talaga kitang pakasalan, ano iyon magkakaroon ako ng tatlong anak sayo pero hindi kita papakasalan? Ganon ba ang gusto mong sabihin?"untag ko sa kanya at nagitla siya kasunod non ang pamumula ng pisngi niya. Naisip ko ang sinabi ko kaya napalunok ako at naramdaman ko ang pag iinit ng tenga ko.

Bakit biglang uminit?

"H-Hindi naman sa ganon"naiilang na sagot niya.

"A-Ayusin mo ang mga salita mo, p-pakiramdam ko kasi ayaw mo talaga akong maging asawa"sambit ko na pilit na pinapatatag ang boses.

Huminga siya ng malalim at hinawakan ang dalawang kamay ko saka siya tumitig sa mga mata ko.

"Pabor naman ako sa plano mo sa ating dalawa, ang sa akin lang kasi, gusto kong magpokus tayo sa kasalukuyan at huwag munang isipin ang hinaharap. Kasi madalas ang mga bagay na plinaplano ay hindi natutuloy o... hindi nangyayari. Ang pinupunto ko lang ay darating rin tayo sa panahon na iyan kaya sa ngayon, huwag muna natin isipin iyan at magpokus tayo sa isat isa"nagpapaintinding sambit niya at nakuha ko naman ang punto niya kaya napatango tango ako.