Chereads / Just Hold Onto Destiny's Grasp / Chapter 59 - Epilogue

Chapter 59 - Epilogue

Damien

Ang bawat tao ay isang beses lang namamatay. Lahat tayo ay may sari sariling katapusan. Subalit ng malaman ko na darating ang araw na mabubulag ako, pakiramdam ko ay namatay bigla ang pagkatao ko. Mahalaga sa akin ang mga mata ko dahil konektado ito sa pagkuha ko ng litrato, tinuturing ko itong buhay ko. Kaya nang malaman ko ang sakit ko, katumbas non ang pagkuha sa akin ng unang buhay ko. Humihinga at tumitibok ang puso ko ngunit tila wala ng buhay sa katawan ko. I've been living so hard for this dream, for this life. But now, it's all nonsense.

"Anak, K-Kailan tayo pupunta sa Ophthalmologist mo? Isang buwan na tayo dito sa Amerika--" hindi na natuloy ni Mom ang sasabihin niya nang tinapon ko ang baso na hawak ko sa pader. Natahimik siya.

"Para saan pa? Mabubulag din naman ako, kaya hindi na kailangan. Masasayang lang din naman lahat." malamig na sagot ko at bumalik sa kwarto ko nang hindi lumilingon sa kanya. Bakit pa magaaksaya ng panahon kung di rin naman mapipigilan ang sakit na to? I'll be blind for frigging lifetime.

Tahimik na ang buong bahay at mukhang natutulog na silang lahat. Tinanggal ko ang comforter na nakabalot sa katawan ko at bumaba. Dati natutulog akong walang ilaw ngunit na mangyari ang araw na dumilim ang paningin ko ay ayaw ko ng walang liwanag. Kung pwede nga lang na huwag na gumabi ay gagawin ko.

Dahan dahan ay naglakad ako at nakapokus lang ang mga mata ko sa switch ng ilaw. Tumigil ako at itinaas ang kanang kamay kong nanginginig para pindutin ang pagpatay ng ilaw. Nagawa kong pindutin kasunod non ang pagdilim ng paligid. Wala akong liwanag na makita. Tanging malungkot na itim lamang ang kulay ng buong kwarto ko.

Ganitong ganito ang paningin ko ng sandaling nawala ang paningin ko at sa isipin na darating ang araw na tuluyan na akong mabubulag ay naghahatid ng pangamba sa akin. Segundo lang ay sobra na ang takot ko, paano pa kaya ang pakiramdam ko kung buong buhay ko ay tanging dilim lang ang makikita ko. Naipikit ko ang mga mata ko nang magsimulang manginig ang katawan ko sa takot. Kinuyom ko ang kamao at gigil na sinuntok ang pader. Pinagdikit ko ang labi ko dahil sa emosyon na naghalo halo sa dibdib ko, muli kong sinuntok ang pader, mas malakas na ang pwersa nito kesa kanina, pagkatapos ay naghihinang sinandal ang ulo ko sa braso ko at dinaan ko sa malakas na sigaw ang lahat ng dinaramdam ko.

Narinig ko ang mga patakbong yapak papunta sa kwarto at kasunod non ang sunod-sunod na katok sa pinto.

"Damien, are you okay? Please, open this door"usal ni mom habang kumakatok. Hindi ko binuksan ang pintuan kahit na nagmamakaawa silang pagbuksan sila. Napaupo na lang ako sa gilid habang hawak-hawak ang ulo ko.

Umaga na, at kita ko sa bintana ng kuwarto ang sikat ng haring araw. Maganda sana ang umaga na iyon ngunit hindi ko man makuhang maging masaya. Nakita ko sa gilid ng mata ko na pumasok si mom sa kuwarto kaya napahinga ako ng malalim.Hindi man ako lumingon sa kanya. Naramdaman kong lumapit siya sa akin at umupo sa kama saka marahan na hinawakan ako sa braso.

"P-Pupunta tayo ngayon kay Dr. Roger , siya ang Ophthalomogist mo na nagbibigay ng treatment--"hindi na siya nakapagsalita nang padabog akong umupo sa kama at hinarap siya.

"Mom! Stop!"sigaw ko sa kanya at natigalan siya"Ayaw ko ng makarinig tungkol sa treatment na iyan!"pagpapatuloy ko.

Napatulo ang luha ni mama at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"K-Kailangan mo iyon, anak. Kailangan mo magpa-treatment sa mas madaling panahon..."narindi ako sa sinabi niya kaya hindi sinasadyang naitulak ko siya at pabagsak siyang napaupo sa sahig. Halata ang pagkagulat ni mom sa ginawa ko at mas napaluha siya.

Nagdikit ang labi ko at inalis ang paningin ko sa kanya.

"B-Bakit ba kasi pinagpipilitan mo na magpaggamot ako?"tanong ko at paunti unti ay gumaralgal na ang boses ko"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na hindi na ako gagaling! Kahit na ubusin natin ang pera natin para sa pagpapagamot ko, mabubulag pa rin ako! Kaya tama na! Sasayangin niyo lang ang pera sa akin!"masakit na sigaw ko sa kanya at sa unang pagkakaton pagkalipas ng tatlong buwan ay ngayon lang muli ako lumuha.

Humahangos na pumasok si Abram sa kwarto at nanlaki ang mata niya na makita na nakaupo sa sahig si mom. Nagmadali siyang lumapit kay mom at tinulungan itong tumayo.

"Tita, ayos ka lang po?"nag-aalang tanong ni Abram sa nanay ko at nang ilipat niya ang tingin sa akin ay kita ko ang galit sa mga mata niya.

Mabigat ang paa niyang naglakad papunta sa akin pagkatapos ay padarag niyang hinawakan ang kuwelyo ng damit ko at hinila ako paalis ng kama kaya nagpadala ako. Nakatayo na kami ngayong dalawa habang hawak hawak niya ang kuwelyo ko at nakatitig kami sa isa't isa.Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng kamay niya at galit sa mga tingin niya.

"Nasisira na ba ang ulo mo?! Bakit mo iyon ginawa sa nanay mo?!"nangigigil na tanong ni Abram sa akin at mas humigpit ang hawak niya sa kuwelyo ko.

"Pinipilit niya akong magpagamot at sinabi ko naman sa kanya dati pa na ayaw ko kaya--"

"That's bullshit!"sigaw niya at malakas na tinulak ako palayo sa kanya. Nabalanse ko ang katawan ko kaya hindi ako bumagsak.

Lumapit si Mom kay Abram at hinawakan ito sa braso.

"Abram, t-tama na, intindihin na lang natin siya"usal ni mom at patuloy ang pagluha niya.

"Tita, I'm sorry pero kailangan bigyan ng leksyon ang anak niyo dahil sumosobra na"nagpipigil na sabi ni Abram at marahan na inalis ang kamay ni mom sa braso niya.

Napatingin si Abram sa kabilang gilid ng kama ko kaya napatingin din ako doon. Nakita ko ang DSLR camera ko na nakalagay sa lamesa at doon ko napagtanto ang gustong gawin ni Abram. Lumingon ako kay Abram ngunit huli na ako dahil naglalakad na siya papunta sa lamesa at kinuha ang DSLR camera ko.

"Don't touch it, Abram. Ibalik mo iyan sa lamesa"seryosong utos ko sa kanya subalit ngumisi lang siya sa akin.

"Importante sayo ito?"nakakalokong tanong ni Abram at napasinghap ako ng buong pwersa niyang tinapon sa sahig ang DSLR camera ko na naging dahilan ng pagkabasag nito. Hindi pa siya nakuntento dahil pagkatapos niya basagin ay mas dinurog niya pa iyon gamit ang paa niya.

Nagngitngit ang mga ngipin ko at mabilis akong nakalapit sa kanya saka ko siya sinuntok sa panga. Napahawak siya sa mukha niya at nainis ako ng makitang ngumisi pa siya.

"Ano bang kinagagalit mo?"tanong ni Abram sa akin at nagkasalubong ang mga mata namin.

"Sinira mo ang DSLR camera ko, iyon na lang ang meron ako pero sinira mo pa!"galit na sigaw ko sa kanya at namasa ang mga mata ko ngunit dahil sa sagot ko ay nawala ang ngisi niya at bago pa ako makahanda ay naramdaman ko na lang ang pagsuntok niya sa panga ko.

"Ayaw mong magpagamot diba? Kaya ano pang silbi ng DSLR camera mo kung mabubulag ka? Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin dahil ako na mismo ang nagbasag ng camera mong mawawala na ng kuwenta"sambit niya sa akin at dahan dahan ay napalingon ako sa kanya. Hindi nawala ang galit sa mga mata niya at mas domoble pa. Gamit ang isang kamay niya ay hinawakan ako sa damit at pinalapit sa kanya.

"Ayaw mo ng gumaling, tama? Kung iyon ang gusto mo, umasta ka ng ganon. Kasi sa nakikita ko, gusto mo naman magpagamot..sadyang takot ka lang"madiin na sambit niya"Bilang kaibigan mo, ito lang ang maipapayo ko sayo, huwag kang matakot sumubok...hangga't may paraan pa siguradong may magbabago. At huwag mo munang isipin ang hinaharap... may paraan pang nakahain sa harap mo para mapigilan iyon... doon mo muna ipokus ang atensyon mo at saka mo na isipin ang mangyayari pa"seryosong usal ni Abram at pinakawalan na ako.

"Tandaan mo na nakakakita ka pa kaya huwag kang maagang maging bulag sa mga nagmamahal at nagmamalasakit sayo"huling sambit niya na nagpatuptop sa akin at umalis na sa kwarto ko.

Nasa punto ako ngayon ng buhay ko na hindi ko na alam kung tama pa ba ang ginagawa ko o wala ng naging tama sa lahat ng ginawa ko.Dahil sa binitiwan sa akin na salita ni Abram ay napagtanto ko na hindi lang ako ang nahihirapan sa sakit ko, pati ang mga taong nasa paligid ko ay nasasaktan at nahihirapan din. Nakatulala lamang ako sa buwan na sumisilip sa bintana habang nakaupo ako sa kama. Bumukas ang pintuan at nakita kong pumasok si Dad. Umupo siya sa tabi ko at tumingin din siya sa buwan.

"Ano ang iniisip mo ngayon?"untag ni Dad at aaminin kong nagulat at naiilang ako. Ito kasi unang beses na kinausap niya ako sa mahabang panahon na nakalipas.

"Iniisip ko kung naging Engineer siguro ako katulad mo ay hindi magkakaloko loko ang buhay ko. Karma ko yata ito dahil hindi ko sinunod ang gusto mo"mapait na sagot ko sa kanya.

"Sa totoo lang, nagpapasalamat ako na isa kang Photographer at hindi isang Engineer katulad ko"sambit ni Dad at natigilan ako dahil hindi ko iyon inaasahan. Lumingon ako sa kanya subalit nakatingin pa rin siya sa buwan.

"Ang makita kang maganda ang ginagawa sa trabaho mo at kinakayang mabuhay na walang tulong sa amin ng mga magulang mo...ay isang malaking sampal sa akin. Aminado ako na nagalit ako sayo noon at natatakot sa daan na tatahakin mo pero nang makita kong nasa mabuti ka...doon ko napagtanto na...tama ang daan ang tinahak mo"usal niya at ngumiti siya saka lumingon sa akin kaya magkatinginan na kami ngayon.Itinaas niya ang kamay niya at pinunasan ang pisngi ko.Lumuluha na pala ako dahil sa matamis na salita na sinabi niya sa akin.

"Magpaggamot ka, dahil gusto ko pang makita ang kaya mo pang maabot"nakangiting sambit ni Dad at tinapik tapik ang balikat ko.

Kinabukasan, pumunta akong dining area at nakita kong naghahanda na si Mom ng almusal namin. Nakaupo na rin si Abram at dad.Lumapit ako kay mom at malambing na niyakap siya.

"I'm sorry, mom"paumanhin ko sa kanya.

"I'm okay, son. I understand you"sambit niya sa akin kahit alam kong nasaktan ko ang damdamin niya.

"Mom, pagkatapos natin mag almusal, pupunta tayo kay Dr. Roger. Gusto ko ng magpagamot"sambit ko at nagulat silang lahat mas lalo si Mom. Humarap siya sa akin at hinawakan pa ang dalawang pisngi ko.

"T-Talaga, anak? Pumapayag ka na?"paninigurado niya pa at tumango ako. Lumampas ang tingin ko kay mom, nagkatinginan kami ni dad na maliit na ngumiti sa akin habang si Abram ay napapailing na natatawa at kumain ulit.

Naging maganda ang resulta ang pagpapa-treatment ng mga mata ko, idagdag pa na mabait ang doctor na umaasikaso sa akin. Lagi rin ako sinamahan ng magulang ko at ni Abram, nakasuporta sila lagi sa akin na sobrang pinagpapasalamat ko.

"I have a gift for you"sambit ni Abram na pumasok sa kuwarto ko at hinagis sa akin ang bagong DSLR Camera. Napaawang ang labi ko at tumingin sa kanya.

"Anong regalo pinagsasabi mo diyan? Kapalit 'to ng DSLR camera ko na sinira mo!"birong sabi ko sa kanya at tumingin ulit sa camera na hawak. Labis ang kasiyahan sa dibdib ko dahil ilang buwan na rin nang makahawak ako ng camera.

Napataas ang tingin ko ng pumasok si mom at dad, nanlaki ang mga mata ko sa mga hawak nila.

"Ito naman ang regalo namin sayo ng dad mo. Do you like it?"sambit ni mom at patakbo akong lumapit sa kanilang dalawa saka niyakap sila. Ang mga regalo nila sa akin ang mga gamit na kakailanganin ko sa pagkuha ng litrato at mga iba't ibang klase ng camera pa.

"Thank you,mom! Thank you,dad!"tuwang tuwa na usal ko at namamasa ang mga mata ko.

"You're welcome,son"sagot ni Dad at tinapik tapik ang likod ko.

"We love you, anak"sambit ni mom sa akin.

"Hoy, nasaan ang 'thank you' ko? Binigyan kita ng DSLR camera, Damien Cadenza. Mahal iyan!"usal ni Abram, nilingon ko siya at saka nginisian.

"Asa ka"mapang asar na sagot ko.

Bumalik muli ako sa pagkuha ng litrato at sinasamahan na ako ni Abram sa takot na baka raw may mangyaring masama sa akin sa palipat lipat ko ng lugar para kumuha ng litrato.Aaminin ko na dumadating pa rin na nalulungkot kapag naiisip ko na mawawalan ako ng paningin subalit agad ko rin binubura sa isip iyon at nagpopokus na lang sa nangyayari sa akin ngayon. Masasabi ko na maganda ang lugar ng bansang Amerika ngunit para sa akin ay mas maganda pa rin ang bansa kung saan ako lumaki at nagkaisip, ang Pilipinas.

"Nakakapanibago magluto ng adobo rito"usal ni Abram at nilagay ang niluto niyang ulam sa lamesa. Umupo siya at magkatabi kami ngayon. Wala si mom at dad dahil may pinuntahan sila.

"Totoo. Kaya dapat dalasin natin magluto ng pagkaing pinoy dito"pag sang ayon ko sa kanya. Sumandok ako ng hita ng manok at nilagay sa plato ko saka nagsimulang kumain.

"Kumusta na kaya si Caelian?"biglang sambit ni Abram at napatigil ako sa pagsubo"Nagkakausap pa ba kayo, Damien?"sunod na tanong niya sa akin.

"Hindi na"maikling sagot ko at uminom ng tubig.

"Bakit?"tanong niya at hindi na siya kumain dahil nakatutok na siya ngayon sa akin.

"Wala naman kaming pag-uusapan"simpleng sagot ko at sumubo ng kanin.

"Mahal mo naman siya"sagot ni Abram at napatikhim ako.

"Wala na kami"diretsong sambit ko at uminom ulit. May bumura kasi sa lalamunan ko.

"Hindi na ba talaga kayo magkakabalikan?"tanong ni Abram sa akin.

"Malabo na"maikling sagot ko at pinunasan ang bibig ko"Kumain ka na, babalik na lang ako mamaya para mag hugas"sambit ko at naglakad na papunta sa kuwarto.

Napasandal ako sa pintuan ng kuwarto ko nang maisira ko ito. Napabuga ako ng hangin ng maalala ko ang nakaraan.

"I love you so much, Damien"buong pusong sambit ni Caelian sa akin kasunod ang paghalik sa noo ko.

Sa bawat araw na lumilipas ay lagi kong inaalala ang mga masasayang pinagsamahan namin ni Caelian.Ngunit, ang huling pagkikita namin ay mistulang bangungot sa akin dahil palagi itong bumabalik sa isipan ko at lagi kong hinihiling na sana ay sinabi ko rin na mahal ko siya sa huling pagkakataon.

Hindi ko nasabi sa kanya ang mahalagang salita na iyon kasi sa isipan ko ay mawawalan ng saysay ang tatlong salita na iyon dahil iiwan ko pa rin siya. Pero ngayon, napapahiling na lang ako na sana, sinabi ko na lang talaga. Sana pinaramdam ko sa kanya sa huling sandali na mahal na mahal ko siya.

"Damien, magkakaroon ka raw ng speech mamaya"sambit ni Abram na nakasuot ngayon ng white shirt na pinatungan niya ng smart Blazer at cotton pants ang pangbaba.

"Oo nga, nasabi sa akin kanina"sagot ko at tumingin sa salamin. Napatingin ako sa suot ko, Light blue shirt na pinatungan ng navy blazer at white trousers. Bagay na bagay sa akin ang suot ko, sa pagkalipas ng apat na taon, nahalata ko ang pagbabago ng itsura at katawan ko.

Pumasok si mom at dad, nakasuot ng white long dress si mom habang naka blue polo at light brown trousers si dad.

"Congratulations, son"nakangiting sambit ni mom at kumislap ang mga mata niya saka niya ako niyakap.

"Let's go?"anyaya ni dad at tumango ako saka sabay sabay na kaming umalis sa bahay.

Ngayong araw ay mangyayari ang unang Photography Exhibit ko at gaganapin ito sa isang gallery dito sa America. I'm very excited and happy, hindi ko akalain na mangyayari ito sa akin balang araw. Ito ang unang pagkakataon na makikita ng madla ang mga litratong kinuha ko. Its very over whelming.

"Now, let's listen to the speech of Mr. Damien Cadenza, the master mind behind of all these works, please give him around of applause"sambit ng lalaking host at nagpalakpakan ang mga tao. I smiled at them and lead my way to the stage.

I give my thanks to the host before facing the crowd. Lahat sila ay nakatingin sa akin na may ngiti sa labi at sa harap ko ay nandoon sina mom na naiiyak, dad at Abram na halatang nakikisaya din sa araw na ito. Tumango si Dad sa akin kaya nag-umpisa na akong magsalita.

"Good morning ladies and gentlemen, I'm Damien Cadenza. I want to thank all of you for coming to my Photography Exhibit with the themed 'Different seas in the Philippines'. Also, I would like to take this opportunity to thank my parents and my friend for supporting me all throughout. Again, thank you and I hope you enjoy seeing my works"I end my speech with a kind smile and they clasp their hands for me.

"Are you happy?"tanong ni Abram sa akin kaya napabaling ako sa kanya. Tinitingnan ko kasi ang mga tao na pinagmamasdan ang mga framed pictures na nakalagay sa puting dingding.

"So much..."sagot ko sa kanya at muling tumingin sa mga bisita.

Mayamaya pa ay may babaeng lumapit sa amin at may kasama pa siyang lalaki at babae na mukhang mga kaibigan niya. Kulay brown ang buhok niya at pansin ko na blue ang kulay ng mata niya.

"Hi I'm Angela,"usal niya at nakipagkamay sa akin"We saw all your works and its beautifully captured. But can I ask, among all of these pictures, what picture that you considered as your master piece?"tanong niya sa akin at gumuhit ang natural na ngiti sa labi ko.

Nasa veranda kami ng bahay ni Abram at nasa harap namin ang malawak na daan, may paminsan minsan na dumadaan na sasakyan.Nakahiga si Abram sa isang wooden long chair at nagbabasa siya ng isang libro.

"Kailan ka pa nahilig sa pagbabasa?"tanong ko at umupo sa isang single wooden chair.

"Four years ago"sagot ni Abram na hindi inaalis ang paningin sa libro.

"Just Hold Onto Destiny's Grasp?"basa ko sa title ng libro"Romance novel?"tanong ko ulit sa kanya at nagsalin ng juice sa baso, may maliit kasing lamesa sa gitna namin.

"I don't know. Maybe a tragic novel."walang ganang sagot niya sa akin.

"Paano mo naman nalaman kung hindi mo pa tapos?"natatawang tanong ko at kumuha ng loaf bread.

"Because I personally know the author. She is a tragic writer"sagot ni Abram at natigilan ako sa sagot niya. Lumingon ako sa kanya at hindi na siya nagbabasa ngayon"Miss Keyl...that is her pen name"usal niya na nakatitig sa mga mata ko.

She is still writing a novel?

"Ah, okay"walang kwentang sagot ko at muling kumain.

"Wala ka bang planong balikan siya?"seryosong tanong ni Abram sa akin.

"Nasaktan na namin ang isat isa kaya wala ng dahilan para bumalik pa ako"sagot ko. Its starting again. The pain on my chest.

"Paano kung naghihintay pa rin siya sayo?"tanong niya at malungkot na ngumiti ako.

"Four years na ang nakalipas. Sigurado na hindi na siya naghihintay sa akin"sambit ko at inilipat ang tingin sa daan.

Apat na taon ang nakakalipas ngunit hindi nagbago ang pagmamahal ko kay Caelian. I still love her. So much. Pero, kahit na gustong gusto ko bumalik sa piling niya ay hindi ko na magawa dahil natatakot ako na masaktan ko ulit siya. Nasaktan ko na siya sobra noon at hindi ko na kayang makitang masaktan siya muli dahil sa akin.

Gabi na, lumabas ako ng kuwarto at dala dala ko ang baso na pumunta sa fridge para uminom dahil nakaramdam ako ng pagka-uhaw. Hinayaan kong dumaloy ang tubig sa lalamunan ko at hindi sinasadyang napatingin ako sa lamesa, nakapatong doon ang libro na sinulat ni Caelian.

Lumapit ako sa lamesa at pinagmasdan ang libro. Nakasulat sa gitna ang title ng libro habang ang background ay isang beach. Asul ang dagat at puti ang buhangin, agaw pansin din ang puno ng niyog at sa ibaba ng libro ay nakasulat ang pen name ni Caelian. Simple pero masarap sa mata ang ginamit na font color at font style. Tumingin ako sa paligid at nang mapansin na walang tao ay kinuha ko ang libro at pumunta na sa kuwarto.

Binuklat ko na ang libro at nag-umpisang magbasa.Napaawang ang labi ko ng mabasa ang senaryo na pamilyar sa akin.Mabilis ko na inalis sa isip ko iyon baka nagkataon lang, may mga senaryo kasi sa libro na nangyayari talaga sa totoong buhay. Sa patuloy na ang pagbabasa ko ay tumulo na ang luha ko. Kasi napagtanto ko na ang binabasa ko pala ay ang kuwento namin ni Caelian. Ang mga eksena, mga galaw, ugali at mga linya na binibitawan ng mga karakter. Parehong pareho sa amin ni Caelian.

Tinupad niya ang request ko noon, sinulat niya ang kuwento naming dalawa.

Hindi ako natulog at tinapos ko ang nobela. Sumikat na ang araw nang sinira ko na ang libro. Nakaawang ang labi ko at nakatulala ako. Ramdam ko rin ang pananakit ng mata ko sa pag iyak at puyat.

She is still waiting for me. Ayon ang tumatak sa isip ko pagkatapos kong basahin ang nobela.

Ako ang tipo ng taong naniniwala tungkol sa tadhana.Naniniwala ako na ang lahat ng bagay na tinadhana ay hindi napipigilan at hindi na matatapos, kahit anong pang humarang. Ito ang pag-ibig na kahit may malaking problema ang dumating sa inyo at maging sanhi iyon ng paghihiwalay niyo, kung kayo talaga ang tinadhana sa isat isa, gagawa ng paraan ng tadhana para bumalik kayo.

Lumanghap ako ng hangin. Gumuhit ang ngiti ko ng malanghap ko ang pamilyar na hangin. Nasa Pampanga na ako. Actually, two days na ako sa Pilipinas pero ngayon lang ako pumunta sa Pampanga.

"Sigurado ka bang uuwi ka ng Pilipinas mag-isa?"tanong ni mom sa akin, bakas ang pag aalala niya.

"Mom, I'm not kid anymore. I can travel on my own"sagot ko at malambing na niyakap siya.

"Ingat ka, pre. Hayaan mo susundan kita sa Pilipinas. May gagawin pa kasi ako dito, e"sambit ni Abram at tumango ako.

"Take care, son. Hinihiling ko na makauwi ka ng maayos"usal ni dad at tinapik ako sa balikat.

Halos isang linggo na akong naninirahan sa isang hotel dito sa Pampanga. Naubusan ako ng stocks ng pagkain kaya naisipan ko mamili sa isang grocery store. Subalit, sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasalubong ang tingin namin ng isang lalaki.

Bumaba na ako sa bangka na naghatid sa amin sa isla ng Zambales. Napangiti ako ng maamoy ang alat sa dagat at masarap na hangin na humahaplos sa balat ko. Nakasuot ako ngayon ng printed polo, nakabukas ito kaya kita ang puting shirt sa loob at khaki short naman sa pangbaba ko.

"Mabuti hindi kayo sabay pumunta rito ng nobya mo? Nagkaaway ba kayo,hijo?"tanong sa akin ng matandang lalaking na namamangka. Namilog ang mata kong napatitig sa kanya. Siya ang lalaking naghahatid din sa amin ni Caelian noon. But wait. Caelian is here?!

"N-Nandito po siya?"nauutal na tanong ko at ramdam ko ang kalabog sa puso ko. Napailing ang matanda sa akin.

"Mukha ngang magkagalit kayo. Oo, kanina lang din dumating dito"sagot niya sa akin at mabilis kong nilibot ang paningin ko sa paligid.

"Wala ang anak ko rito"seryosong sambit ni tito, siya ang tatay ni Caelian. Nakita ko siya ngayon sa grocery"Nag-usap na tayo non na huwag mong sasaktan ang anak ko pero anong ginawa mo? Sinaktan mo pa rin siya. Sinira mo ang pangako mo sa akin"madiin na sambit niya at napayuko ako.

"I'm sorry, tito. But this time I'll make sure that I never hurt her again"sagot ko at halata ang kaseryosohan dito.

"Pangako! Pangako! Pero hindi naman natutupad!"mas lumakas na ang boses niya,mabuti na lang ay malayo kami sa maraming tao. Marahas na huminga siya malalim."Bibigyan kita ng pangalawang pagkakataon, pero kapag sinaktan mo ulit ang anak ko, hindi mo na talaga siya mahahanap at tuluyan kong ilalayo siya sa mga lalaking katulad mo"galit at mariin na sambit niya.

Wala akong nakuhang impormasyon kung nasaan si Caelian kaya nanatili pa ako ng ilang araw doon at naisipan ko na pumuntang Zambales dahil na-miss ko na pumunta sa dagat na may alaala namin ni Caelian. Ngunit, gusto kong batukan ang sarili ko dahil bakit hindi ko naisip na pwede siyang pumunta rito.

Pinalakad ko ang mga paa ko sa isang daan na napuntahan ko na noon. Dahan dahan lamang ang bawat hakbang ko kasabay ng pagtibok ng puso ko sa kaba at kasiyahan. Ito ang lugar kung saan una kaming nagtapo ni Caelian. Ito ang lugar kung saan hindi ko sinadyang kuhanan siya litrato.

Nakita ko ang isang babae na tahimik na pinagmamasdan ang dagat ngunit may luha sa mga mata niya.

Bumalik tuloy sa isipan ko ang linya na nabasa ko sa libro na gawa niya. Ganitong ganito ang senaryo na iyon. Naghihintay si Caem kay Dalien sa dagat kung saan sila unang nagkita. Patuloy siyang naghihintay kahit walang kasiguraduhan...ngunit hanggang matapos ang kuwento ay hindi na dumating si Dalien.

Pinunasan ni Caelian ang luha niya at tumalikod na para umalis.

"Hindi mo na kailangan maghintay...dahil nandito na ako"sambit ko kasabay ng pag alon ng dagat. Itinaas ni Caelian ang ulo niya at nagkasalubong ang mga mata namin. Bakas ang pagkagulat sa mga mata niya.

I miss staring on her eyes.

"D-Damien..."banggit niya sa pangalan ko at nagtubig muli ang mga mata niya. Ngumiti ako ng marahan sa kanya. Pagkatapos ay patakbo siyang lumapit sa akin at mahigpit na mahigpit na niyakap ako. Niyakap ko rin siya pabalik.

I realized, not just her eyes, I miss everything about her.

"B-Bumalik ka..."sambit ni Caelian at nanginginig iyon. Humigpit ang yakap niya sa akin.

"Oo, b-bumalik ako"sagot ko sa kanya at nanlabo ang paningin ko dahil nagbabadyang luha"Nandito ako para tuparin ang pangako ko sayo"sambit ko.

"Pangako?"tanong niya at tumingala sa akin. Gamit ang dalawang palad ko ay pinunasan ko ang luha niya.

"Gusto kong tuparin mo ang sinabi mo sa akin. Gusto kong pasayahin mo ako pagkatapos ng kuwento nating dalawa. Kahit ano man ang mangyari o kahit ano man ang humadlang, kailangan mo iyon tuparin"seryosong sambit ni Caelian na hindi inaalis ang tingin sa akin.

"Ito ang pangako kong...tatapusin natin ang kuwento nating dalawa..ng masayang wakas"sambit ko na nakatitig sa mata niya.

Like a wave, a memory came on my mind.

"Gusto kong tuparin mo ang sinabi mo sa akin. Gusto kong pasayahin mo ako pagkatapos ng kuwento nating dalawa. Kahit ano man ang mangyari o kahit ano man ang humadlang, kailangan mo iyon tuparin"seryosong sambit ni Caelian na hindi inaalis ang tingin sa akin.

I hug her tightly this time. Binabawi ang apat na taon na hindi magkadikit ang katawan at balat namin.

Labis na nagpapasalamat ako sa kanya dahil hindi siya bumitaw sa tadhana na kumukonekta sa aming dalawa. At sa pagkakataon na ito ay sasamahan ko na siyang humawak. Sisiguraduhin ko na hinding hindi na ako bibitaw pa, tama na ang isang beses at hindi ko na iyon uulitin pa. Sa mga problemang dadating sa amin sa hinaharap ay haharapin ko ito ng buo ang loob...kasama Caelian.

Bumalik sa alaala ko ang sagot ko sa Amerikanang si Angela.

Pumunta ako sa harap ng isang Framed picture.

"This is your master piece? Wow!"namamangha na sambit Angela ngunit kumunot ang noo niya pagkaraan"Wait..that girl.. who is she?"tanong niya at tinuro ang babae sa litrato.

Ang litratong ito ay sa dagat ng Zambales. Pansin na pansin ang kulay asul na dagat na kumikinang, kulay puting buhagin, puno ng niyog at sa gilid ay may isang babae na nakaupo sa isang nakatumbang puno habang tahimik na pinagmamasdan ang dagat.

"Her name is Caelian.."pakilala ko sa kanya"This is my master piece, because she is most beautiful scenery I've ever seen"I said lovingly staring at Caelian in the picture.

Kung dumating man ang araw na mabulag ako, handa na akong tanggapin ito... dahil napagtanto ko na...nasilayan ko na ang pinakamagandang tanawin na makikita ng mga mata ko and even just in momentary time, the figure of my greatest love will never fade ... at siya si Caelian Joy Pangilinan, my most favorite scenery of all.

THE END.