Chapter 56 - Result

Caelian

Nasa isang Hospital kami ng Zambales ngayon at hindi ako mapakali kaya palakad lakad ako sa harap ng bed ni Damien. Dumating na ang doctor kanina nang magising siya at pina-test siya, ngayon ay natutulog na ulit siya. Natatakot at kinakabahan ako sa kalagayan ni Damien, sinabi niya kasi na hindi siya makakita at bigla na lang siyang nahimatay.

Sana ayos lang siya. Sana walang masama sa katawan niya.

Pinagdikit ko ang nanginginig na mga kamay ko at pilit na pinapakalma ang sarili ko. Nakaupo ako sa malapit sa higaan ni Damien.

"Caelian, Hija"napamulat ako at napaangat ng tingin ng marinig ko ang boses ng nanay ni Damien kasama niya ang asawa niya nasa likod. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

Pareho silang tumingin kay Damien, bumalik ang tingin ni tita sa akin pero nanatili ang tingin ng asawa niya sa anak niya. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mata nila. Alam ko na may hindi pagkakaunawaan si Damien at ng tatay niya dahil sa pagpilit nito na maging photographer at hindi sinunod ang yapak ng tatay niya na isang magaling na engineer.

Kilala na nila ako bilang girlfriend ni Damien dahil minsan ay bumibisita sila sa bahay nila Damien sa nakalipas na dalawang taon. Mabait ang nanay ni Damien, sa tingin ko para lang siyang babaeng bersyon ni Damien dahil lagi itong nakangiti at sobrang sigla habang ang tatay naman niya ay kamukhang kamukha ni Damien, sa tingin ko ay magka itsura sila kapag tumanda na si Damien, tahimik lang ang tatay niya pag magkakasama kami at nagmamasid.

"A-Ano bang nangyari, hija?"nag-aalalang tanong sa akin ni tita.

"B-Binanggit niya na hindi niya raw siya makakita, p-pagkatapos non n-nahimatay siya"gumagaralgal na sagot ko sa kanya at ramdam ko ang pamamasa ng mga mata ko.

Mayamaya ay pumasok na ang doctor at may kasama siyang isang nurse.

"Good morning , are you the mother of the patient?"tanong ng doctor kay tita.

"Yes, doc"sagot ng ginang.

"Don't worry wala naman major injury ang patient sa pagbagsak niya, tanging pasa lang na gagaling rin sa susunod na araw. At tungkol naman pag-collapse ng pasyente ito naman ay dahil sa pagsusuka at idagdag pa ang shock na naranasan niya. Sa ngayon, ay stable naman ang pasyente"mahinahon na paliwanag ng doctor sa amin.

"Kamusta naman ang paningin niya, doc? Sabi kasi ng nobya niya na hindi daw siya m-makita ng anak ko kanina"tanong ni tita sa doctor, pilit niyang pinapatatag ang boses niya ngunit bumigay rin ito. Natatakot siya. Pareho pareho kaming natatakot ngayon.

"I'm sorry Mrs. Cadenza, hindi ko masasagot ang tanong niyo na iyan. Pero ngayon, pupunta tayo kay Doc. Pascual, isa siyang Ophthalmologist, siya ang makakasagot ng tanong ninyo"nakangiting sagot niya sa amin.

Pumunta kami sa office ni Doctor Pascual na isang Ophthalmologist, siya pala ang doctor ni Damien na nag-test sa kanya kanina sa mata. Nakaupo sa kanan ang tatay ni Damien habang sa kaliwa niya naman ang nanay niya, katabi ako ni tita at nakatayo.

"Doc, ano pong meron sa anak ko? May s-sakit po ba siya?"nanginginig ang boses na tanong ng ginang sa doctor.

Pinagsama ng doctor ang kamay niya at inilagay iyon sa lamesa saka niya kami tiningnan ng seryoso.

Nakatulala at para akong walang buhay na naglalakad pabalik sa kwarto ni Damien. Habang ang mag asawang Cadenza ay nanatili pa rin sa office ng doctor.

"The patient has Acute angle-closure Glaucoma, it occurs when the flow of aqueous humour out of the eye is blocked and pressure inside the eye becomes too high very quickly..."

Muli kong narinig ang sinabi ng doctor kanina at mas nanghina ang mga tuhod ko kaya napahawak ako sa pader ng kwarto ni Damien at doon kumuha ng suporta.

"As an Ophthalmologist, I recommend that he need to be treated quickly, because if not, it can lead to permanent loss of vision"seryosong usal niya na nagpasinghap sa aming lahat.

Loss of vision.

Napahawak ako sa mukha ko at tumingila, hindi ako pwedeng umiyak, hindi dapat ako makita ni Damien ng ganito, hindi pwede. Kailangan kong maging malakas para sa kanya. Para sa lalaking mahal ko.

Huminga ako ng malalim bago ko binuksan ang pintuan ng room ni Damien. Ngunit nagulat ako nang makita ko siyang nakaupo sa sahig at nakasandal sa pader katabi ng higaan niya. Dumudugo rin ang kamay niya dahil tinanggal niya ang dextrose niya. Nakayuko siya at hindi ko makita ang mukha niya.

Tumakbo ako palapit kay Damien at umupo rin para pantayan siya. Hinawakan ko siya sa kamay.

"D-Damien, bakit nakaupo ka sa sahig? Dapat sa kama ka at nagpapahinga"nag-aalalang sabi ko sa kanya. Ginamit ko ang normal na boses ko para hindi siya makahalata, ayaw kong mag isip siya ng kung ano sa mga naranasan niya ngayong araw. Subalit hindi ko inaasahan ang malakas na pagtulak niya sa akin. Nanlaki ang mata ko na nakatingin sa kanya.

"Huwag mo ako hawakan! Lumayo ka sa akin!"gumagaralgal na sigaw niya sa akin at saka siya tumayo. Doon ko nakita ang namamagang mata niya at basang basa na pisngi niya. Umiiyak siya. Parang piniga ang puso ko sa itsura niya.

"B-Bakit? May nagawa ba akong m-mali?"nauutal na tanong ko sa kanya.

"N-Narinig ko ang l-lahat"usal niya at mas lalong bumuhos ang luha niya. Napaawang ang labi ko.

Narinig niya. Narinig niya ang pag uusap namin. Alam na niya na may sakit siya.

Ang kanina ko pang pinipigilan na luha ay tuloy tuloy na bumuhos. Kitang kita ko ang sakit at takot sa mga mata ni Damien at sa tanawin na iyon ay nasasaktan din ako. Tumayo ako sa pagkakabagsak ko at lumapit sa kanya saka siya hinawakan sa mukha.

"G-Gagaling ka, kailangan mo lang magpa-treatment kagaya ng sinabi ng doctor at hindi ka na m-mabubulag"nauutal na paliwanag ko sa kanya at umiling iling lang siya. Mahigpit niyang hiwakan ang kamay ko at padarag na inalis iyon. Lalo akong napaluha dahil sa ginawa niya.

Hindi ako makapaniwala na darating ang araw na masasaktan niya ako ng pisikal. Hindi ko matanggap na isang Damien Cadenza ang gumagawa sa akin nito.

"Sinungaling!"sigaw niya sa akin habang dinuduro pa ako"Huwag mong gawing tanga, Caelian! Narinig ko ang lahat! S-Sinabi ng doctor, kahit magpa-treatment ako, darating darating ang araw na m-mabubulag pa rin ako!"nasasaktan na sigaw ni Damien sa akin at bumuhos panibagong luha ko.

"But, this Glaucoma cannot be cured yet it can be still controlled. And as the patient receives treatment, time will come that he will still become blind. The medications will just delay the occurence of his blindness"sambit ng doctor sa amin at nawalan ako ng lakas ng marinig iyon.

"H-Hindi mangyayari iyon...hindi ka mabubulag, Damien"umiiyak na usal ko sa kanya.

"Malakas ang loob mong sabihin iyan dahil hindi ikaw ang mabubulag!"nangigigil na sigaw niya sa akin at lumakas ang paghikbi ko"Mabubulag ako, Caelian! M-Mabubulag ako!"sigaw niya akin at tinuturo ang mga mata niya.

"S-Sa lahat ng tao sa paligid ko, ikaw ang nakakaalam kung gaano kaimportante sa akin ng mga mata ko. T-Tapos ngayon malalaman ko na mabubulag ako? Paano ko tatanggapin iyon?"masakit na sambit niya sa akin at napahawak ako sa bibig ko at saka pilit na pinapahina ang hikbi ko. Sobrang sakit ng dibdib ko.

Alam na alam ko na mahal ni Damien ang Photography at isang masamang panaginip na malaman na darating ang araw na mabubulag siya. Mahalaga ang mga mata niya, dahil konektado ang mga mata niya sa propesyon na mahal na mahal niya.

Pinanood ko si Damien na nanghihina na umupo sa kama at nakita ko pa ang pagtulo ng dugo galing sa kamay niya sa higaan niya.

Kung masakit na sa akin na malaman na may sakit siya, paano pa kaya siya? Siya ang taong may sakit. Siya ang taong mabubulag. Siya ang pinaka nasasaktan sa amin ngayon.

Nakatulala si Damien sa puting pader at wala akong makitang emosyon sa mukha niya, nakakapanibago sa kilala kong masigla at nakangiting Damien.

"Pangarap kong maging isang sikat na photographer, pero paano ko matutupad iyon kung mabubulag ako?"mahinang sambit niya at bumuhos ang panibagong luha sa mga mata niya.

"D-Damien..."banggit ko sa pangalan niya.

"Ang sakit sakit sa dibdib, Caelian. Gusto kong intindihin at tanggapin pero hindi ko magawa"nanghihinang usal niya.

"Caelian, I want you to do something for me"usal niya pagkalipas ng ilang sandali.

"A-Ano ang gusto mong gawin ko?"tanong ko sa kanya.

"Leave me alone"diretsong sambit niya sa akin"Gusto kong mapag-isa, ayaw ko muna ng taong makakausap o makakasama"dugtong niya.Gusto ko man tumanggi ay napatango tango na lang ako kasabay ng pagtulo ng luha ko dahil alam kong wala akong magagawa ngayon.

Hindi ko alam kung tama ba na maramdaman ito pero nasaktan ako sa salitang lumabas sa bibig niya.Akala ko kasi ay ako sasandalan niya sa oras na 'to ngunit hindi pala. Umasa ako na ako ang una niyang pupuntahan at magkukuwento sa akin ang sakit na nararamdaman niya. Hindi ito ang naiisip ko. Hindi ko naisip na pati ako ay papalayuin niya sa kanya.

Tahimik akong naglakad papunta sa pintuan at lumabas. Nakatulala pa rin si Damien at hindi man lang lumingon sa gawi ko. Dahan dahan kong sinirado ang pintuan hanggang sa hindi ko na siya nakita.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang pagkirot nito. Napaluha ako. Bakit ganito? Gusto kong intindihin ang sitwasyon niya pero pakiramdam ko ay napag iwanan ako kahit na alam kong nadala lamang siya ng sakit na nararamdaman niya. Pakiramdam ko ay wala akong kwentang girlfriend sa kanya. Pakiramdam ko, mas dagdag lang ako sa pinoproblema niya. Ang sakit sakit.

Gusto kong tulungan siya. Gusto kong pagaanin ang loob niya. Gusto kong iparamdam na nandito ako sa kanya, pero hindi ko alam kung paano at saan mag uumpisa. Tama bang pumayag ako sa gusto niyang mangyari? Ang iwan siya? Siguro nga.. kahit minsan lang ay hindi ako maging pabigat sakanya.

Nakatayo lang ako at tahimik na umiiyak sa labas ng pintuan ng kwarto niya.