Chereads / Just Hold Onto Destiny's Grasp / Chapter 53 - Bubbles

Chapter 53 - Bubbles

Caelian

Narinig ko na nakahinga siya ng maluwag dahil sa sagot ko.

"Really? Kasi tatakbo na sana ako papunta diyan"sambit niya sa akin.

"No. Huwag. Sa pagkakataon na ito hayaan mo na ako naman ang pumunta sayo"nakangiting usal ko at namasa muli ang mga mata ko.

Pagkatapos kong sabihin iyon ay ako na mismo ang nagpatay ng tawag. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso dahil naiisip ko na sa dulo nito ay nag hihintay si Damien sa akin. Sa pag iisip na iyon ay pinaghalong kasiyahan at kasabikan ang nararamdaman ko.

Nakabukas rin ang pintuan ng bahay nila at pumasok ako doon, madilim ang paligid at ang tanging nagsisilbing liwanag ko lang ay ang pathway na ginawa ni Damien gamit ang paper bag na may kandila sa loob. Maya maya pa ay biglang lumiwanag dahil sa christmas lights at nakita ko sa sahig ang mga petals ng bulaklak na bumubuo ng salitang "I love you".

Nang sapat ko ng mapagmasdan iyon ay muli akong naglakad at papunta na ito dining area nila.Pakiramdam ko ay nag slow motion ang paligid nang magtagpo ang mga mata namin. Natagpuan ko na siya. Tiningnan ko siya sa mga mata niya at doon ko na napagtanto na siya na talaga. Siya na talaga ang lalaking para sa akin. Naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko.

Nakita ko kung paano nawala ang ngiti ni Damien at napalitan ito ng pag aalala saka patakbong lumapit sa akin at gamit ang dalawang kamay niya ay hinawakan niya ako sa mukha para punasan ang luha ko.

"Why are you crying?"untag ni Damien.

"I am just happy"emosyonal na sagot ko sa kanya.

Napatingin ako sa likod niya at nakita ko ang lamesa roon na may nakahandang pagkain, wine at sa gitna non ay may candle light. Naramdaman ko ang pagbitaw niya sa pisngi ko.

"Sorry kung hanggang bahay lang kita mada-date, h-hindi kasi ako pinayagan ni Tito, e"nahihiyang usal niya sa akin at lumipat ang paningin ko sa kanya.

"Hindi ka pinayagan?"pag-uulit ko pa sa kanya.

"Oo, nagpaalam ako na gusto kong pumunta tayo sa isang restaurant at doon mag-date kaso a-ayaw niya"

Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan siya sa mata.

Alam ko na ganito ang treatment ni Papa kay Damien simula noon na nagliligaw si Damien sa akin at hanggang ngayon na may relasyon na kami. Wala naman siyang sinabi ni pabor siya sa relasyon namin at wala rin siyang sinabi na hindi niya gusto, ngunit nalulungkot lang ako sa pagkakataon na ganito. Hindi niya talaga kami pinapayagan kaming lumabas dalawa kaya hanggang bahay lang kami at bahay ni Damien. Napabuntong hininga ako.

"Nakaramdam ka ba ng galit kay Papa?"tanong ko sa kanya at ngumiti lang siya sa akin.

"Hindi. Pakiramdam ko nga mas istrikto pa ako kesa kanya kapag nagiging tatay na ako"natatawang anya niya at napailing iling ako, nakakatakot pala 'to.

Kahit hindi naman ako naka-heels, hinawakan niya ako sa kamay at inalalayan para makaupo. Ngayon tuloy naisip ko na dapat ay nag-dress man lang ako pero sa bahay lang naman kami kaya yata ito ang pinasuot sa akin ni Kyrine.

"Ikaw ang nagluto nito?"namamanghang untag ko sa kanya at ngumiti naman siya ng malapad , proud na proud.

"Oo, nagpatulong ako kay chef Abram. P-Pero huwang kang mag-expect, hindi kasing sarap ng luto ni Abram iyan"sagot niya sa akin.

May Carbonara pasta, Creamy garlic mushroom Chicken, Shrimp Enchiladas at Red Velvet Cake. Maganda ang plating at nakakagutom ang amoy.

"Tikman mo na ang niluto ko,"excited na sabi niya at humiwa sa Shrimp Enchiladas. Katulad ng sinabi niya ay kinuha ko ang tinidor at kumain ng konti. Ninamnam ko ang pagkain habang siya nakatitig sa akin at nakalagay sa lamesa ang dalawang kamay niya. Hinihintay niya kung anong sasabihin ko. Ngumisi ako pagkatapos ko lumunok.

"Niloloko mo ako, e. Ang sarap kaya ng pagkakaluto mo."nakangiting sagot ko sa kanya.

"Talaga?"paninigurado niya pa.

"Tikman mo kaya.. ahhh"kumuha ako ng shrimp at isinubo sa bibig niya. Nginunguya nguya niya iyon at nanlaki ang mata niya.

"Oo nga! Masarap nga!"tuwang tuwa na sabi ni Damien.

"Ikaw ba talaga ang nagluto? Bakit hindi mo alam ang lasa ng luto mo?"tanong ko sa kanya.

"Hindi ko kasi tinikman, si Abram lang ang tumikim"sagot niya at napatango ako.

Nilagyan niya ng wine ang ang dalawang wine glass at sabay na kinuha namin iyon.

"Cheers?"usal ni Damien at pinagdikit namin ang wine glass namin saka iniinom iyon ng nakatitig sa mata ng isat isa.

Nagpatuloy kami sa pagkain habang nagkukuwentuhan tungkol sa pagluluto nila ni Abram. Sa totoo lang kung hindi niya lang ako girlfriend, iisipin ko na may bromance sila ni Abram. Pero sa seryosong usapan, gusto ko ang friendship nila ni Abram.

"Naiinis nga ako kay Abram kasi kain siya kain, pinapagalitan ko siya dahil baka hindi mo na matikman ang niluto ko"nakasimangot na sabi ni Damien.

"Masarap kasi ang luto mo, kung ako rin yata ang kasama mong magluto ay kakain rin ako ng kakain"natatawang sagot ko at hindi sinasadyang mapatingin ako sa kwarto niya. Nakita ko ang bookshelf niya na ang tanging nakalagay lang ay ang mga libro ko.

"Ano? Bilib ka ba sa akin dahil meron ako lahat ng libro mo?"mayabang na tanong niya.

"Fanboy na fanboy talaga kita, no?"pang-aasar ko sa kanya at sumubo ng carbonara pasta.

"Hindi mo ako fanboy, boyfriend mo ako"nakangising sagot niya at napailing iling ako.

"Tinotoo mo yata talaga ang nababasa mo sa internet, no?"tanong ko sa kanya at nangunot ang noo niya"Na kung hindi mo magawang girlfriend ang character sa libro, gawin mong girlfriend ang writer"

"Sino naman ang loko loko na gustong maging girlfriend ang fictional character?"nagtatakang usal niya at natawa ako.

"Maniwala ka man o hindi, meron. May nababasa kasi ako sa social media na gusto niya daw asawahin ang isang fictional character ko"natatawang kuwento ko pa kay Damien.

"Bakit ganon naman sila?"nakakunot ang noo na tanong niya. Takang taka.

Uminom ako ng wine at nagpunas ng bibig.

"Naiintindihan ko naman sila. Dahil sa panahon ngayon, mahirap na makahanap ng seryosong tao na mamahalin ka ng totoo. Kaya nakakatakot maniwala sa "I love you" ng isang tao ngayon, kasi hindi mo alam kung totoo o niloloko ka lang niya"mahabang sabi ko kay Damien at nakikinig naman siya sa akin habang tumatango tango"Kaya sigurado, maiingit sila sa akin kapag nakilala ka nila"nakangiting sabi ko.

"B-Bakit naman?"

"Kasi habang sila hinihintay ang taong pinapangarap nila, Ako naman ay hawak hawak ko na"sambit ko sa kanya na nakatingin sa mga mata niya at nakapatong ang kamay ko sa kamay niya. Nakita kong namula ang tenga niya. Kinikilig ba siya? Haha!

"L-Love, dahil usapang libro naman tayo, may gusto sana akong i-request sayo"nakangiting sambit ni Damien pero ito ang ngiti na medyo kinabahan ako.

"A-Anong request ba iyan?"

"Pwede bang isulat mo ang love story nating dalawa? Aaminin ko na nalulungkot ako dahil kahit may relasyon na tayo, tragic pa rin ng ending ng last na libro mo"malungkot na anya niya.

"Bakit ko naman isusulat ang story natin, aber?"

"Sige na, please. Ngayon palang naiisip ko ng sold out ang libro na tayo ang bida. Pero, syempre medyo ibahin mo ang umpisa ng story natin, dapat na-love at first sight ka sa akin tapos--"hindi na niya natuloy ang pagkukuwento niya dahil pinatigil ko na siya.

"Hep! Stop! Alam mo ba ang pinaka ayaw kong magsulat ng kuwentong may concept na love at first sight? Maliban sa nakakapagtaka ay hindi siya makatotohanan!"panenermon ko sa kanya at napatahimik siya"dahil kung ako tatanungin, kahit ako hindi ko iyan babasahin"huling linya ko sa kanya.

"N-Nagbibiro lang naman ako, bakit ka nagagalit sa akin?"nakangusong sambit niya.

Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa naubos na namin ang lahat ng niluto niya. Ngayon ay nagliligpit na kami ng pinagkainan. Tahimik pa rin ako at ramdam ko ang pagtitig ni Damien sa akin.

"Pag-iisipan ko"usal ko na lang bigla.

"A-Anong pag-iisipan mo?"natatakot na tanong niya.

"Pag-iisipan ko kung isusulat ko ang kuwento nating dalawa"tiningnan ko siya at nakita kong napangiti siya. Ang babaw talaga ng kaligayahan niya.

"Hatid na kita sa inyo, mamaya na ako maghuhugas pagdating ko"sambit niya pagkatapos ilagay ang mga plato sa lababo.

"Hindi. Ako na ang maghuhugas dahil ikaw na ang nagluto"presinta ko sa kanya at saka ang tinupi ang long sleeve ng damit ko pagkatapos ay lumapit na ako sa lababo. Kinuha ko na ang spounge at nilagyan ng dishwashing liquid.

Nakasandal si Damien sa laboratory bale sa gilid ko siya at ako naman ay abala sa paghuhugas.

"Ang kalat mo maghugas, love"usal ni Damien kaya napatingin ako sa kanya.

"Ganyan ako maghugas, e. Nilalagay ko ang mga plato sa gilid"sagot ko sa kanya.

"Mamumuti naman ang tiles ng lababo. Hayaan mong turuan kita"sambit niya kaya umurong naman ako at siya ang pumalit sa puwesto ko kanina.

"Para hindi mapuno ng mga plato ang gilid ng lababo, matuto kang isa isahin at huwag pagsabay sabayin 'yong paghuhugas. Katulad nito... ito muna ang huhugasin ko.."sambit niya at tatlong plato iyon"pagkatapos hugasan mo na ng tubig at ilagay sa lalagyanan"pagtuturo niya at humarap sa akin.

Naging pilit ang ngiti ko dahil sa pagkapahiya. Boyfriend ko pa talaga ang nagturo sa akin. Ako na ulit ang naghugas at ginaya ko ang tinuro niya. Napansin ko na tama ang paraan niya ng paghuhugas, atleast hindi na makalat ang paghuhugas ko ng plato.

"Ayos ba, boss?"untag ko sa kanya at nakangiti naman siyang tumango. Dahil may bula ako sa kamay ay pinitik ko iyon sa mukha niya. Tawa tawa naman akong pinagmasdan siya.

"A-Aray!"nawala ang ngiti ko ng mapansin kong hawak hawak niya ang isang mata niya.

Nag-aalala kong tinanggal ang kamay niya at nakita ko na nakapikit na ang isang mata niya.

"M-Masakit? Sorry, hindi ko sinasadya"paumanhin ko sa kanya. Nanatili ang kamay ko nakahawak sa pisngi niya habang ang isa ay sa balikat niya.

Subalit nagtaka ako nong napansin ko ang maliit na ngisi niya kasunod non ang pagdilat ng mata niya, lalayo na dapat ako ngunit huli na ang lahat ng mahuli niya ang kanang kamay ko at saka niya ako itinulak kaya napasandal na ako sa lababo.

"Masakit iyon, love, ah. Akala mo hindi ako gaganti?"sambit niya at nanlaki ang mata ko nang makita ang isang kamay niya na may bula. Saan niya nakuha iyon?!

Habang palapit ng palapit sa akin ang kamay niya ay paurong ng paurong naman ang katawan ko ngunit dahil wala akong takas sa kanya, gamit ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko kanina ay inilipat niya iyon sa bewang ko at kinabig ako palapit sa kanya.

Nakangisi si Damien sa akin habang pinaglalaruan ang bula sa kamay niya, kaya ang ginawa ko ay pumikit ako, hahayaan ko na lang siyang lagyan ako sa mukha basta huwag lang maglagyan ang mata ko.

Lumipas ang ilang segundo at minuto subalit hindi ko naramdaman kamay niya sa mukha ko. Dahil sa pagtataka ay unti unti kong binukas ang mga mata ko. Napalunok ako nang mapansin ko na ang lapit ng katawan ni Damien sa katawan ko at ang lapit rin ng mukha niya sa akin idagdag pa na nakatitig siya sa labi ko! Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"I..."sambit niya sa mahina at paos na tono, nakatingin pa rin sa labi ko"I want to kiss you..Can I?"tanong niya at doon pa lang nagtagpo ang mga mata namin. Kahit na nagrarambulan ang puso ko ay nakuha kong tumango ng dahan dahan sa kanya.

Nakahawak ang isang kamay niya sa bewang ko at isa naman ay inilagay sa ibaba ng baba ko. Nakatingin lang siya sa akin habang palapit ng palapit ang mukha namin at nang magtagpo ang labi namin ay nakita ko pa siyang unti unting pumikit. Ipinikit ko na rin ang mga mata ko nang maramdaman ko ang paggalaw ng labi niya sa ibabang labi ko, pagkatapos sa taas ay aangat ito at ang pang taas na labi ko naman ay kanyang pupuntiryahin. Masarap sa pakiramdam ang halik ni Damien, hindi mapaangkin at hindi agresibo, matamis at mapagmahal ang klase ng halik niya.

Nawala ang kamay ni Damien sa ibaba ng baba ko at napunta ito sa bewang ko. Gamit ang dalawang kamay niya ay binuhat niya ako at pinaupo sa lababo habang hindi pinuputol ang halik namin. Parang may sariling isip ang mga kamay ay umangat ito at isinabit sa leeg ni Damien.

Sa Ilalim ng buwan, at napapagiliran ng nagliliwanag na kandila ay tinapos namin ang magandang gabi na iyon sa isang matamis at mainit na halik, masasabi ko na ang gabi na ito, ilang araw o buwan o taon man ang lumipas ay mananatili itong espesyal.