Damien
Kakatapos ko lang maghugas ng pinggan nang nakarinig ako ng nagmamadaling katok sa mini gate namin. Napakunot ang noo ko habang nagpupunas ng kamay. Pumunta ako sa labas at nakita ko si Heizelle na tila hindi mapakali.
Binuksan ko ang pintuan at napatingin siya sa akin.
"What are you doing here? Alam ba ng boyfriend mo na nandito ka?"sambit ko na may pagsesermon sa tono.
"Calm down, Damien. Nandito ako hindi dahil para sa sarili ko kundi may kinalaman sayo"sagot niya sa akin.
"Ha?"naguguluhan na sabi ko. Inayos niya ang buhok niya at napabuntong hininga saka niya kinuha ang pulsuhan ko at hinila palabas ng bahay.
"Hey! Ano bang plinaplano mo? Kung tungkol pa rin ito sa pagbabalikan natin, please lang, tumigil ka na. May boyfriend ka na at mahal ko si Caelian"sermon ko na naman sa kanya. Ang kulit kulit kasi ng babaeng 'to. Hindi na lang kasi ako tigilan.
Nasa harap na kami ng kotse niya nang bumaling siya paharap sa akin.
"Shut up!"sigaw niya sa akin at natigilan ako"Tama, Mahal mo siya pero ang tanong Ikaw ba, mahal niya?"untag niya sa akin at parang nagkabuhol buhol ang dila ko. Nakaramdam din ako ng munting kirot sa dibdib ko."Manahimik ka muna, Damien dahil para sayo ang gagawin ko"usal niya sa mahinahong tono.
Pumasok na siya sa driver seat at nagdadalawang isip pa ako kung papasok sa loob. Ngunit, nang makita ko ang matalim na tingin at pagsenyas niya, pumasok na ako sa passenger seat.
Ang bilis ng pagpapatakbo ni Heizelle kaya ang higpit ng kapit ko sa seat belt ko. Gusto siyang pagalitan ngunit pinatikom ko na lamang ang bibig ko dahil ang seryoso ng itsura niya.
Mayamaya pa ay pinarada na ni Heizelle ang kotse at lumabas naman agad ako para huminga. Grabe, akala ko mapupunta na ako sa kabilang buhay.
Pinaikot ko ang paningin ko sa paligid at pansin ko na sa isang garden kami. Magaganda ang bulaklak, may mga ibon at paro paro na lumilipad. Napakaganda.
"Pumasok na tayo"seryosong sambit ni Heizelle at naglakad na, sumunod naman ako sa kanya.
Ini-enjoy ko lang ang magandang tanawin na nakikita ng mga mata ko at nawala lamang ang ngiti ko nang makita ko ang isang babae at lalaki na nakaupo habang nag uusap.
Sina Caelian at Josiah.
"Papasok na sana ako sa coffee shop pero nakita ko silang dalawa na palabas, I got curios kung anong meron sa kanila kaya sinundan ko sila dito"kuwento ni Heizelle sa akin.
Sumeryoso ang itsura ko at napabaling ang tingin ko sa kanya.
"Really?"sarkastikong sabi ko.
Tumingin muli ako kila Josiah at Caelian, nakikita kong lumuluha na sila pareho ngayon.Bumigat ang puso ko at mas nalukot. Nasasaktan ako dahil masakit sa akin na makita silang magkasama ngunit mas masakit pala na makita kong nasasaktan si Caelian. Halatang nahihirapan siya sa sitwasyon nila.
Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Heizelle.
"He's her ex boyfriend right?"tanong ni Heizelle at kahit na kumikirot ang dibdib ko ay nakuha ko pang ngumisi sa narinig kong sabi niya.
Sabi ko na ba, may alam na siya. Hindi ako naniniwala kanina na na-curios lang siya. Kanino kaya niya nalaman?
Tumayo na si Caelian at nanatiling nakaupo si Josiah subalit ang susunod na pangyayari ay parang hinila na ang hininga ko at parang tumihimik ang paligid, ang tanging naririnig ko na lang ay ang lakas ng kalabog dibdib ko at dahan dahan ng pagpunit ng puso ko.
Nakita ng mismong dalawang mata ko kung paano hinalikan ni Josiah si Caelian.
Napakasakit. Nakakadurog. Nakakawala ng lakas.
Napatingin sa akin si Heizelle habang nanlalaki ang mata. Nakaguhit sa mata niya ang pag-aalala sa akin at pagkaawa. Lumapit siya sa akin at humawak sa balikat ko.
"I'm sorry. L-Let's go. Umalis na tayo"nauutal na sabi niya at hinawakan ako sa pulsuhan paalis subalit hindi ako nagpatinag.
"No... D-Dito muna tayo s-sandali"napipiyok na sabi ko dahil sa pinipigilang emosyon ko. Nararamdaman ko na ang pamamasa ng mata ko.
Nakatingin pa rin ako sa kanila at nong hindi ko na nakayanan ay napayuko na ako kasabay ng pagpatak ng luha ko.
Sobra na ang sakit. Hindi ko kinakaya ang nakikita ko.
"Nagmamahal lang naman ako p-pero bakit ganito?"tanong ko sa gumagaralgal na boses at saka ko iniangat ang tingin ko sa kanya"Bakit lahat ng minamahal ko...s-sinasaktan ako?"untag ko sa kanya at bumuhos muli ang panibagong luha. Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya. Pagkatapos kung sabihin iyon ay naglakad na ako paalis.
Kailangan ko munang lumayo dito. Pakiramdam ko babagsak na lang dito sa sakit na nararamdaman ko.
"Damien!"tawag ng pamilyar na boses sa akin at napatigil ako sa paglalakad.
Siya lang ang tanging babaeng kaya akong pasayahin at kaya rin akong saktan. Napasaya naman ako noon ni Heizelle pero mas napasaya ako ni Caelian kahit sa simpleng bagay. Nasaktan din ako noon ni Heizelle pero mas nasaktan ako ni Caelian. Wala pa kaming relasyon pero ganito na ako masaktan, paano pa kaya kung maging kami na?
'Nakakatakot ka mahalin, Caelian' bulong ko sa isip ko. Hindi ko maisip kung anong mangyayari sa akin kapag mas lalo pa kitang minahal.
Hindi ako humarap sa kanya at naririnig ko naman ang yapak niya papalapit sa akin.
"Hey Caelian! Stop! Hindi mo ba nakikitang nasasaktan ang tao?! Makiramdam ka naman, lumayo ka muna. Saka na lang kayo mag-usap"narinig kong sabi ni Heizelle kay Caelian.
"Nirerespeto kita Miss Heize, pero kailangan talaga namin mag-usap. Hindi siya pwedeng umalis dito hangga't hindi ako nakakapagpaliwanag"determinadong sagot ni Caelian.
"Makikipag usap ka sa kanya pagkatapos mong nakipaghalikan sa iba? Ayos ka lang? Sana nag iisip ka pa. May pakiramdam si Damien kaya malamang nasasaktan siya ngayon, at kung pwede pabayaan mo muna siya para makapag isip"usal ni Heizelle kay Caelian.
"What?! Look! Pababayaan ko naman siya after namin mag-usap, gusto ko lang marinig niya ang explanation ko"sagot ni Caelian.
Madiin na napapikit ang mga mata ko at pumihit ang katawan ko paharap sa kanila.
"Caelian..."tawag ko sa pangalan niya. Dahan dahan na lumingon sa akin Caelian. Nakaharang si Heizelle kay Caelian kaya hindi siya makalapit sa akin"Sa susunod na lang tayo mag-usap"sambit ko at nabigo ang itsura niya.
Lumipat naman ang tingin ko kay Heizelle at nagkasalubong ang mga mata namin.
"Heizelle, let's go"anyaya ko sa kanya at medyo nagulat siya pero mabilis rin nakabawi saka lumapit sa akin.
Tiningnan ko sa huling pagkakataon si Caelian na halata ang pagkabigo at ang lungkot sa pagkatao niya. Inalis ko na ang tingin ko sa kanya at tumalikod. Sabay kaming naglakad ni Heizelle papunta sa kotse niya.
"W-Where do you want to go? S-Sasamahan kita"tanong sa akin ni Heizelle pagkapasok namin sa loob ng kotse niya.
"Home. I want to go home"nanghihinang sagot ko.