Chapter 45 - Last

Caelian

Nakaupo ako ngayon sa kama at si Kyrine ay nakatayo habang nakapameywang. Napasadahan niya ang buhok niya at hindi makapaniwalang nakatingin sa akin.

"Ano?! Nakita ni Damien na hinalikan ka ni Josiah?!"gulat na sabi ni Kyrine at may halong pag-aalala.

Napayuko ako at pinaglaruan ang kamay.

"Oo..."mahinang sagot ko sa kanya.

"Yari ka niyan!"sabi niya sa akin"Oh, Anong plano mo?"tanong niya sa akin.

"H-Hindi ko alam...Ang gusto ko lang ay makausap ko siya...g-gusto kong magpaliwanag sa kanya"mahinang sabi ko, nawawalan ng pag-asa.

"Oo, tama iyan!"pagsang ayon niya.

"P-Pero paano? M-Mukhang niya pa akong makausap"nauutal na sabi ko at ramdam dito ang takot.

"Ginusto mo ba ang halik ni Josiah sayo?"biglang tanong niya at umiling naman ako"Ayon! Sabihin mo na si Josiah ang humalik sayo at hindi mo iyon ginusto"sambit niya at nanghina lalo ako.

"K-Kahit naman kasi si Josiah lang ang may gusto non, hindi pa rin non mababago na n-naghalikan kami"napapapikit na sabi ko, kahit ako ay ayaw ko ang salitang lumalabas sa bibig ko. Totoo kasi, kaya ang hirap tanggapin.

"Oh anong sasabihin mo aber?"nanghahamon na tanong niya at hindi ako nakasagot. Lumagpas ang tingin ko sa kanya at dumiretso iyon sa bintana.

Tatlong araw na ang lumipas, parati kong tinitingnan ang cellphone ko kung may tawag o text si Damien at tumitingin din ako sa labas ng bahay kung bumisita ba siya subalit hindi siya nagparamdam. Sa totoo lang ay nakakapanibago na wala akong natatanggap na text mula sa kanya para kamustahin ang araw ko o yayain akong umalis pero wala akong magawa dahil nirerespeto ko ang desisyon niya. Ang tanging magagawa ko na lang ay hintayin kung kailan niya akong kakausapin.

Nabitawan ko ang cellphone ko nong lumabas ang pangalan ni Damien sa screen sa cellphone ko, tumatawag siya.

Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at tumikhim muna bago sinagot ang tawag. Pinaghalong pananabik, kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon.

"H-Hello"nauutal na paunang sabi ko. Narinig ko ang malalim na paghinga niya.

"Gusto kitang makausap. Nandito ako sa lumang building"seryosong sambit niya sa akin subalit kahit na ganon, hindi ko maiitatanggi na natutuwa ako na marinig ang boses niya.

"N-Ngayon?"parang tangang tanong ko at napapikit ako sa inis sa sarili.

"Oo, depende sayo kung gusto mong pumunta o hindi"walang emosyong sabi niya. Halata ang pait dito kaya naging pilit ang ngiti ko.

"S-Sige, hintayin mo ako"sagot ko at doon niya na pinatay ang tawag. Tiningnan ko muli ang cellphone ko at nanghihina akong napaupo sa kama.

Ang lakas ng kalabog ng puso ko sa kaba at takot, huminga ako ng malalim para kumalma, pagkatapos ay nagdesisyon na akong lumabas sa pintuan kung saan diretso na ito sa pinaka tuktok ng building. Nakita ko si Damien na nakatalikod sa akin at nakatingin lamang sa kawalan. Nong maramdaman niya ang presensya ko ay lumingon siya sa akin. Walang nagbago sa ekspresyon niya, seryoso at malamig ang tingin niya sa akin. Pakiramdam ko ay hindi siya si Damien na kilala ko, nakakapanibago ang nakikita kong Damien na nasa harap ko.

Kahit nangangatog ang tuhod ay dahan dahan akong naglakad palapit sa kanya at hinintay naman niya akong makarating sa harap niya. Napalunok ako at napakapit sa strap ng bag ko ng mahigpit.

"Hindi na ako magpaligoy ligoy pa, gusto kong sabihin sayo na ito na ang huling beses na makikipag usap at makikipagkita ako sayo"dire diretsong sambit niya na nakatingin sa mga mata ko. Napaawang ang labi ko sa pagkabigla.

"Ito rin ang huling araw na mangliligaw ako sayo.."dagdag niya at napakurap kurap ang mata ko habang nakaawang ang labi. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ng tenga ko.

"B-Bakit? G-Ganon na lang ba iyon?"hindi makapaniwalang sabi ko at ramdam ang sumbat dito.

Napakunot ang noo niya subalit nanatiling seryoso ang tingin niya sa akin.

"Anong 'ganon' na lang iyon?"pagdidiin niya pa.

Nakagat ko ang labi ko at napabitaw sa bag ko, saka ko inilagay sa magkabilang gilid ang kamay ko at kinuyom. Matapang ko siyang tiningnan sa mata.

"Parang kailan lang sinabi mo sa akin na gusto mong mangligaw tapos ngayon gusto mo ng tumigil? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Ganon na lang ba talaga ako kadaling bitawan?"untag ko sa kanya, ang boses ko ay bakas ang pait at hinanakit.

Ang plano ko ay hayaan ko lang siyang magsalita at humingi ng tawad kapag natapos na siyang magsalita ngunit ang sinabi niya ngayon ay hindi ko inaasahan. Masyado siyang padalos dalos sa desisyon niya kaya hindi ko mapigilan na makaramdam ng galit at inis.

Hindi siya kumurap nang marinig ang sinabi ko, seryoso pa rin ito at bumali pa ang leeg.

"Hindi ka madaling bitawan, Caelian"mahinang sambit niya subalit may diin. Lumambot ang ekspresyon niya pero napalitan ulit iyon ng kaseryosohan.

"Kung hindi ako madaling bitawan, hindi mo sasabihin sa akin na ito na huling pagkikita natin at titigil ka ng mangligaw!"sigaw ko sa kanya at humingal ako sa bilis ng pagkakasabi ko.

Nanigas ang panga niya at lumiit ang mata na tumingin sa akin.

"Paano naman ako, Caelian?!"sagot niya ng mataas ang boses at natigilan ako"Akala mo madali sa akin na makita kitang kasama mo ang taong mahal mo?"untag niya sa akin at dama ang sakit sa tono niya.Nanlambot ako.

"Pakiramdam ko ay ako lang ang pumipigil sa relasyon niyo na matagal na dapat nag umpisa ulit"sambit niya sa akin sa gumagaralgal na boses, halatang pinipigilan niyang lumuha"Kailangan na natin tapusin 'to, para hindi na kayo mahirapan dalawa at hindi na rin ako masaktan"dagdag pa niya.

Napaawang ang bibig ko at doon ako kumuha ng hangin.

"Mag-iingat kang umuwi. Papunta na si Kyrine dito para sunduin ka"seryosong sambit niya at naglakad na paalis.

"Teka lang!"pigil ko sa kanya subalit hindi siya nakinig. Malapit na siya pintuan kung saan sasalubong ang hagdan pababa.

Tumakbo ako palapit sa kanya at kinuha ang pulsuhan niya para ipaharap sa akin. Subalit, laking gulat ko nang mabilis niyang hinuli ang isang kamay ko at hinila iyon palapit sa kanya, pagkatapos ay hinawakan niya ako sa magkabilang balikat saka niya ako tinulak at idikit sa pinaka malapit na pader.

Inilagay niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko kaya ngayon ay napapagitnaan ako nito. Nanlalaki ang mata ko at ang bilis ng takbo ng puso ko. Malalim niya akong tinitigan at sobra ang pagkakatikom ng labi niya. Pakiramdam ko ay hinahalungkat ng mga mata niya ang buong pagkatao ko. Nanghihina ang mga tuhod ko.

"P-Please, hayaan mo akong makapag paliwanag... huwag kang magdesisyon kaagad"nauutal na sabi ko sa kanya.

"Para saan pa? Hindi naman ako mahal mo diba? Si Josiah ang mahal mo. Kaya ano pang silbi ng pagpapaliwanag mo?"usal niya sa akin habang nakadiretso ang tingin sa mata ko. Nakakalunod ang mga tingin niya. Halo halo ang nakikita kong emosyon sa mga mata niya. Nakakalibang ito at nakakabahala.

Sa narinig kong sabi niya ay pakiramdam ko ay sinampal ako ng katotohanan. Pakonti konti ay naiitindihan ko na ang kilos at desisyon niya subalit may nagwewelga sa isip ko na sinasabing hindi tama ang ginagawa niya.

"Pero kai--"naitikom ko ang bibig ko nang lumapit ang mukha niya sa mukha ko pagkatapos ay sinuntok niya ang kanang kamao niya sa pader. Napalunok ako.

"Konti na lang... konting konti na lang"mahina ngunit madiin na sabi niya"Tama na, Caelian"nagmamakaawang sambit niya. Natuptop ako sa kinatatayuan ko at napako ang paningin ko sa dibdib niya. Inalis niya ang kamay niya sa gilid ko pagkatapos non ay tumalikod na siya at umalis.