Caelian
Nakatulala lamang ako sa puting kisame, walang namumutawing emosyon na nakaguhit sa mukha ko subalit ramdam ko ang bigat ng at pagkirot ng dibdib ko.
"Caelian! Tumayo ka na diyan! Anong arte iyan?"matinis na sabi ni Kyrine at tinanggal ang comforter sa katawan ko.
"Hindi ka daw kumain kagabi sabi ni Tita, dumiretso ka daw sa kwarto mo at hindi ka na lumabas!"usal niya, naririnig ko siya pero masyadong abala ang isip ko.
"Nag-usap kami kahapon, sinabi niya na titigil na siyang mangligaw sa akin"kuwento ko na lang bigla sa kanya. Naramdaman kong natigilan siya dahil hawak niya ang pulsuhan ko para hilain sana ako paupo.
"A-Ano?"nabibigla at nauutal na paninigurado niya.
"Sa totoo lang, hindi ko alam kung sa kanya ako magagalit o sa sarili ko"napapabuntong hiningang sambit ko.
"Gusto kong magalit sa kanya dahil sariling emosyon lamang niya ang iniisip niya, masyado siyang padalos dalos magdesisyon"napapailing na sabi ko"O dapat ba akong magalit sa sarili ko, dahil ako ang dahilan kung bakit humantong ang lahat sa ganito"mahinang usal ko.
Inalis ni Kyrine ang kamay niya sa akin at umupo sa kama. Nalalaman kong nakatingin siya sa akin ngayon.
"Tama naman ang desisyon niya"sambit ni Kyrine at mabilis napalingon ako sa kanya, siguradong magkadikit na ang kilay ko at nakakunot ang noo ko.
'Anong pinagsasabi niya? Anong tama doon?' Inis na tanong ko sa isip ko.
"Kasi kung ako ang ilalagay sa sitwasyon ni Damien, matagal na akong sumuko sayo"seryosong sambit niya at naramdaman ko ang dahan dahang nawala ang pagkakunot ng noo at pagkadikit ng kilay ko.
Marahan siyang ngumiti at pinagmasdan ako.
"Nakakabilib nga siya dahil sa dinami dami ng sakit na binigay mo sa kanya, ngayon pa lang niya naisip sumuko. Isa lang ang ibig sabihin non, minahal ka ng sobra ni Damien"madamdamin na sabi niya at napaawang ang labi ko. Prinoproseso ng utak ko ang lahat ng sinabi niya.
"Totoo ngang hindi karapat dapat si Josiah sa pagmamahal mo, pero alam mo? mas hindi ka karapat dapat sa pagmamahal ni Damien, napaka puro at napaka totoo kasi niya magmahal ngunit sakit lang ang binabalik mo sa kanya"diretsong sambit niya sa akin at parang punyal ang salita niya na tumarak sa puso ko.
Nagpaulit ulit sa isip ko ang sinabi ni Kyrine sa akin. Hinimay himay ng utak ko ang salitang sinambit niya at inintindi iyon ng pakonti konti.
Kinuha ko ang cellphone ko at tumawag sa isang tao.
"Josiah, gusto kong makausap ka. Magkita tayo sa garden"sambit ko kaagad nong sinagot niya.
"Huh? W-Why? Anong pag uusapan natin?"gulat na tanong ni Josiah. Siguradong nabigla siyang tinawagan ko siya. Pagkatapos kasi nong nangyari sa garden ay hindi na kami nagkausap ulit. Humihingi siya ng sorry sa akin sa text ngunit hindi ko siya sinagot pati na rin ang mga tawag niya.
"About our past. I'll go now."diretsong sabi ko at saka pinatay ang linya.
Binuksan ko na ang pintuan ng kuwarto at saktong pagkabukas ko ay sumalubong sa akin si Kyrine na bubuksan rin sana ang pintuan.
"Woah. Saan ka pupunta? Isang araw kang nagkulong sa kuwarto mo tapos bigla ka na lang aalis?"nagtataka at gulat na tanong ni Kyrine sa akin na pinasadahan pa ang kabuuan ko.
"Mag-uusap kami ni Josiah"simpleng sagot ko at nanlaki ang mata niya.
"Ano?! A-Anong mag-uusap? Tungkol saan?"sunod na sunod na tanong niya. Huminga ako ng malalim at gamit ang kaliwang kamay ko ay itinabi ko siya upang makadaan ako.
"Sagutin mo ako, Caelian! Hindi pa nga kayo nagkakaayos ni Damien tapos gumagawa ka na naman ng pag aawayan niyo!"madiin na sabi niya habang hinahabol ako sa paglalakad palabas.
Binuksan ko na ang gate at umikot para humarap sa kanya. Magkasalubong ang kilay niya at ang talim ng tingin niya sa akin.
"Huminahon ka, Kyrine. Kailangan ko talaga itong gawin."nagpapaintinding sabi ko at napalanghap siya ng hangin bago muling tumingin sa akin.
"Hindi ba makakapaghintay iyan, Caelian? Ganon ba kaimportante iyan? Caelian naman! Kahit isang beses isipin mo ang mararamdaman ni Damien!"nagpipigil sa galit na sabi niya. Hindi ako sumagot sa kanya at tumalikod na.
"Okay, sige! umalis ka! Pero tandaan mo na kapag umalis ka, huwag ka ng lalapit kay Damien at sumama ka na diyan sa Josiah mo!"sigaw ni Kyrine sa akin at napatigil ako sa paghakbang. Kumuyom ang kamao ko at nagdikit ang labi. Huminga ako ng malalim bago muling humakbang paalis.
Biglang tumunog ang cellphone ko kaya kinuha ko naman ito at binasa ang natanggap na text message.
From: Shiyah
I'm here.
Pinagbuksan ako ng waiter ng glass door at saka dumiretso ang mata ko sa babaeng nakaputing dress, mas pinahalata ang pagiging anghel at inosente niya. Naglakad ako palapit sa kanya at ngumiti si Shiyah sa akin kaya ngumiti rin ako sa kanya.
Sumalubong sa akin ang malamig na hangin na nahahaloan ng halimuyak ng mga bulaklak.Pinagmasdan ko ang nakatagilid na lalaking minsa'y pinakulay ang mundo ko, ang sanhi ng ngiti sa labi ko at pinaramdam sa akin kung gaano kasarap mahalin.
"Nasaan na kaya siya?"narinig kong bulong ni Josiah at abala ang mga mata niya sa paghahanap sa akin.
"Nandito ako"sagot ko sa kanya at lumapit sa kanya. Dahan dahan siyang lumingon sa gawi ko.
"C-Caelian..."mahinang tawag niya sa akin. Habang naglalakad ako palapit sa kanya ay hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya.
Tumigil ako nang may sapat na akong distansya sa kanya.
"Gusto kong magsabi ka ng totoo. Ano ang dahilan mo kung bakit mo ako hiniwalayan noon?"diretsong tanong ko sa kanya at napakurap kurap ang mata niya.