Chapter 22 - Gift

ANG lahat ng klase ng paghihiwalay ay pare-parehong masasakit. Sino ba naman kasi hindi masasaktan kung ang isang taong minahal mo at binuhos mo ang lahat na meron ka ay bigla na lang mawawala? Hindi natin pwede sabihin sa isang tao na wala lang 'yong sakit naranasan niya, dahil kapag nagmahal ka, walang maliit o malaking sakit dahil kahit ano man ang level ng sakit na naranasan mo, nasaktan ka pa rin.

Akala ko noon ang pinaka masakit na dahilan ng paghihiwalay ng magkasintahan ay 'yong kapag may isa sa kanila na nagmahal ng iba. Pero sa karanasan ko, naisip ko na hindi pa pala 'yon ang pinaka masakit.

Naalala ko ang panahon kung kailan harap-harapan niya sinasabi niya sa akin na hindi niya na ako mahal. Hindi niya mahanap ang pagmamahal na meron siya sa akin. Ang sakit. Sobrang sakit. Ako mismo ang saksi kung paano niya sabihin ang mga salitang iyon ng puno ng kaseryosohan at hindi iniisip kung ano ang mararamdaman ko.

Sana pinagpalit niya na lang ako. Sana nahulog na lang siya sa ibang babae. Sana nagmahal na lang siya ng iba. Kasi iyon kahit papaano alam ko kung anong dahilan niya at makikita ko ang kakulangan ko kaya nakuha niya akong ipagpalit. Atleast malalaman ko kung ano dapat kung gawin para mapunta siya ulit sa akin. Ngunit hindi, e. Walang akong kalaban. Walang umagaw sa puwesto ko sa kanya. Sadyang nagising na lang siya na hindi niya na ako mahal. At mahirap iyon. Dahil mismong nararamdaman niya na ang kalaban ko.

Kung bibigyan ako ng pagkakataon na makausap ulit siya ng masinsinan. May isa akong tanong gustong gusto itanong sa kanya.

Bakit hindi man lang niya ako sinubukan mahalin ulit?

Kasi sa apat na taon na pag-iisip ko sa nangyari sa amin, kung hindi lang siya nakipaghiwalay sa akin at tinulungan namin ang isa't isa, sigurado na maisasalba pa namin ang relasyon na meron kami.

Kung sanang lumaban lang siya ng kahit konti at naglakas loob ako na humiling pa ng isang pagkakataon sa kanya.

Kung sana nangyari iyon...

Sana kami pa rin hanggang ngayon.

Human are always like this. Kung saan wala na, doon pa lang tayo makakaisip ng mga posibleng gawin ngunit dahil huli na, maghihinayang ka at magsisisi. Totoo nga na, nasa huli talaga ang pagsisisi at ang sisi ay laging napupunta sa sarili natin.

"Anak, kanina pa may tumatawag sa cellphone mo. Hindi mo ba sasagutin?" nabalik ako sa diwa ko nang marinig ko si mama. Napalingon ako sa kanya at sa cellphone ko na nakalagay sa table ko.

Namatay ang tawag at sumunod ang isang text message sa kaparehong number.

Kinuha ko ang cellphone ko saka binasa ang text.

From: Josiah

Nandito na ako. Hihintayin kita.

Napabuntong-hininga ako at binulsa ang cellphone.

"Sinabi sa akin ni Kyrine na umuwi na raw sa Pampanga si Josiah?" sambit ni mama habang inaayos ang higaan sa kwarto ko kahit maayos na.

Nakagat ko ang labi ko at pinagalitan sa utak ko si Kyrine. Ang daldal talaga ng babaeng iyon.

"Opo, umuwi na siya," sagot ko sa kanya at tumayo sa kinauupuan ko.

"Makikipagkita ka sa kanya?" tanong niya at natigilan ako subalit mabilis din akong nakabawi at kinuha ang bag ko.

"Opo," sagot ko. Humarap ako sa kanya habang hawak ng isang kamay ko ang bag ko. Abala pa rin si mama sa pag-aayos ng kama ko. Nang makuntento siya ay humarap na siya sa akin.

"Anak, umamin ka nga sa akin. May plano ka bang makipagbalikan sa kanya?" diretsong tanong niya at natuod ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko inaasahan ang tanong niya.

Naghintay siya ng sagot ko ngunit hindi ako nakasagot dahil sa pagkabigla.

Ngumiti ng magaan sa akin si mama at inayos ang buhok ko.

"Matagal na ang panahon simula ng nagpakilala ka ng lalaki bilang nobyo mo rito sa bahay. Si Josiah ang una at siya na rin ang huli. Kung mahal mo talaga siya at may plano kayong dalawa magbalikan, wala akong magagawa doon," sambit niya sa mapagmahal at mahinhin na tono. "Pero si Damien..." biglang usal niya sa pangalan ng lalaki. Teka, bakit napasok sa usapan si Damien?

"Ang binatang iyon, kahit minsan ko pa lang siya nakausap. Nalalaman ko na napakabait at maginoo niyang binata. Naniniwala ako na kapag nagmahal ang binatang iyon ay napakapuro. Totoo at buong buo." Nakangiting usal niya sa akin at hindi ko na mapigilan na mapakunot ang noo.

"Sandali lang po, ma. Bakit naman sa kanya po napunta ang usapan?" pilit na ngiting usal ko. Kanina si Josiah ang topic tapos biglang lumipat kay Damien.

"Dahil pagmamahal na puro ang dapat binibigay sayo. Walang kasinungalingan. Walang daya. Walang kahati. Kundi totoo at buong buo na pagmamahal. Iyon ang deserve mo, anak," usal niya na diretso ang tingin sa akin. Ramdam mo ang kaseryosohan munit may pagmamahal sa boses niya. Isang boses ng isang tunay na ina. Natahimik ako at hindi alam ang isasagot ko sa sinabi niya.

Nag-ring muli ang cellphone ko at naging senyales ko naman ito para umalis na.

"Alis na po ako, ma." Paalam ko sa kanya at mabilis siyang hinalikan sa pisngi.

Ngumiti siya sa akin.

"Mag-iingat ka," sambit niya at maliit na ngumiti ako bilang sagot.

Pagkalabas ko ng gate ng bahay ay sinagot ko na ang tawag.

"Hello," bungad na sagot ko.

"Nasaan ka na? Sorry. Napa-aga ang dating ko. Wala naman kasi akong ginagawa sa bahay kaya pumunta na ako," sambit niya at alam kong nakangiti siya ngayon.

"Ayos lang. Sakto lang ang dating mo dahil papunta na rin naman ako," usal ko at patingin tingin sa paligid para maghanap ng tricycle.

Malapit lang naman ang coffee shop sa lugar namin kung saan kami magkikita kaya kapag sumakay ako ng tricycle ay ilang minuto lang ay makakarating na ako doon.

"Ah, wait na lang kita dito, 'no? Ingat ka sa biyahe," sambit niya at tumango ako kahit hindi niya nakikita.

"See you." sambit ko at pinatay na ang tawag.

Saktong may dumaan na Tricycle. Nagpara na ako at sinabi na ang lugar kung saan niya ako ihahatid.

MULA sa glass door ng coffee shop ay pinagmasdan ko si Josiah na tahimik na naghihintay sa pagdating ko. Lumilingon siya sa paligid niya at binabalik muli ang tingin sa cellphone na nakapatong sa table.

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa coffee shop. Naramdaman niya yata ang pagdating ako kaya nalipat niya ang tingin sa akin at agad na gumuhit ang ngiti sa labi niya nang makita ako. Nakasuot si Abram ng overcoat na kulay black at denim pants.

Naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa bakanteng upuan na nasa harap niya.

"Pinaghintay ba kita ng matagal?" tanong ko sa kanya at pinatong ang bag ko sa legs ko.

"Hindi. Masyado nga tayong maaga sa 2 p.m na usapan natin" sagot ni Josiah at hindi mabura bura ang ngiti sa labi niya.

Tumikhim ako at tinitigan siya.

"So, anong sasabihin mo?" untag ko sa kanya.

No'ng minsan ay may nag-text sa akin na unregistered number at sinabi na magkita raw kami ngayong araw. Nalaman ko na si Josiah pala ang taong iyon. Araw-araw siyang nagte-text sa akin at pinaalala ang araw na ito na magkikita raw kami kasi may sasabihin siya.

Mas lumawak ang ngiti niya sa tanong ko. Pasimple akong umiwas ng tingin at nilipat ang atensyon sa kapeng na nasa harap ko.

"May ibibigay ako sayo," masayang sambit niya at napaangat ang tingin ko.

"Ano?" tanong ko sa kanya na walang interes sa boses. Pero sa loob ko, iniisip ko na kung anong posible niyang ibigay sa akin.

"Hulaan mo kung ano," sambit niya imbes na sagutin ako. Ngumiti siya sa akin at inaabangan ang paghuhula ko sa regalo niya.

Kumunot ang noo ko at binigyan siya ng tingin na hindi makapaniwala.

"Ipapahula mo talaga sa akin? Edi, kung binigay mo na lang, tapos na sana," ismid na sagot ko sa kanya at natawa siya sa akin.

"Ano nga ang hula mo?" pangungulit niya pa at napasandal ako sa upuan ko.

"Book?" pakikisakay ko sa kanya.

"No," sagot niya kasabay ng pag-iling. Napaisip pa ako lalo dahil maliban sa libro, wala naman na akong gusto.

Napataas ang kilay ko at ngumisi, "Signed book?"

Mahina siya napatawa, "Nice try," sambit niya.

"Ewan. Ano ba kasi 'yan?" pagsuko ko sa kanya.

"Ihanda mo ang sarili mo, Caelian dahil siguradong matutuwa ka sa ibibigay ko sayo," natutuwang sambit ni Josiah at nakaramdaman ako ng excitement.

May kinuha siya sa bulsa niya at ilang sandali lang...

"Taraaan!!!" usal niya at nilabas ang dalawang ticket.