Chapter 28 - Want

IBINABA ko na ang cellphone ko at nilagay sa bulsa ko.

"Oh, sinong tumawag sayo?" tanong ni Kyrine sa akin at umupo sa kama ko. May hawak siyang biscuit at kumakain non.

"Si Damien. Magkita raw kami mamaya," sagot ko sa kanya.

Isinira ko na ang laptop ko dahil kahit papano ay nakasulat na ako ng two chapter sa bagong nobela na ginagawa ko.

"May something na ba sa inyo ni Damien, ha? Tawagin mo na akong assume-ra pero may nase-sense akong kaharutan sa inyong dalawa," sambit niya na nag amoy amoy pa.

"Si Damien lang iyon," sagot ko.

Nanlaki ang mata niya at napalapit sa puwesto ko.

"Ano?!" gulat ngunit namumutawi ang saya sa boses niya.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilagay sa lalagyan ang laptop ko.

"Umamin siya sa akin na gusto niya ako," pormal na sabi ko sa kanya.

Ngunit napatigil ako sa ginagawa ko nang higitin niya ako sa braso at pinaharap sa kanya.

"M-May gusto siya sayo?" hindi makapaniwalang sabi niya. Nangunot ang noo ko at inalis ang hawak niya sa akin.

"Gulat na gulat ka naman. Bakit imposible ba na magkagusto sa akin ang isang katulad ni Damien?" matalim na tanong ko sa kanya.

"Hindi iyon ang point ko, pero—edi, ibig sabihin pareho na kayo ngayon inlove sa isa't isa?" tanong niya sa akin at medyo nagulat ako. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya.

"Siya lang ang inlove sa akin. Hindi ako." Madiin na sabi ko at muling inayos ang gamit ko.

Umalingawngaw muli ang ringtone ng cellphone ko kaya kinuha ko ito.

Si Josiah.

Sinagot ko ang tawag at nilagay ang cellphone sa tenga ko.

"C-Caelian..." nahihirapang sambit niya sa pangalan ko. Mabilis na nawala ang pagkakakunot ng noo ko.

"Ayos ka lang?" simpleng tanong ko ngunit alam ko na halata ang pag-aalala sa boses ko.

Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanag na inis. Ano naman kaya ang ginawa niya?

"H-Help me, I-I'm sick." Sagot niya sa akin at narinig ko siyang umubo.

Nakagat ko ang labi ko sa pinipigilang emosyon.

"Okay. Wait for me." Mabilis na sagot ko at pinatay ang tawag.

Nagmamadali agad akong kumuha ng damit sa closet para makapagpalit. Kinuha ko ang simpleng printed shirt at pants.

"Si Josiah ba 'yong tumawag sayo? Bakit nagmamadali ka?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Kyrine.

Hindi ko siya sinagot at pumunta ng banyo para makapagbihis.

Lumabas na ako sa banyo.

"Hoy. Kinakausap kita, saan ka ba pupunta?" tanong sa akin ni Kyrine at ang boses niya ay may halo ng inis.

"Mamaya na lang tayo mag-usap. 'Yong pinagkainan mo, ayusin mo at pulutin mo ang kalat. Ayaw ko ng langgam mamaya sa kwarto ko." Usal ko sa kanya at kinuha ang maliit na bag ko saka ako lumabas ng kwarto.

"Caelian! Paalala ko lang na magkikita kayo ni Damien mamaya!" sigaw ni Kyrine sa loob ng kuwarto.

Huminga ako ng malalim bago ako nag door bell sa bahay nila Josiah.

Calm down, Caelian.

Bumukas ang gate at nakita ko si Manong Berto. Halatang nagulat siya ng makita ako ngunit ngumiti rin kalaunan.

"Magandang araw, Miss Caelian, mabuti po napabisita po ulit kayo? Nagkabalikan na po ba kayo ni sir Josiah?" nakangiting tanong niya na may halong panunukso.

Ngumiti ako sa kanya.

"Puwede po ba akong pumasok? Kailangan ko po kasing puntahan ang boss mo," magalang na sabi ko sa kanya.

"Opo! Puwedeng puwede po! Pasok po kayo, Miss Caelian," sagot niya sa akin at mas nilakihan ang pagkakabukas ng gate.

"Salamat, Mang Berto."

"Walang anuman po, pasok na po kayo. Siguradong hinihintay na kayo ni Sir Josiah, kikiligin na naman iyon panigurado kapag nagkita kayo," ngiting ngiti na usal niya at feel ko siya pa ang mas kinikilig.

"O sige po, maiwan ko na po kayo," nakangiting usal ko. Tumango siya kaya naging senyales ko iyon para umalis na.

Mayaman ang pinanggalingan na pamilya ni Josiah. May sarili kasi silang restaurant at ang daming pumupuntang customer do'n dahil sa masarap ang pagkain na hinahanda at idagdag pa ang ganda ng lugar. Hindi naman sila super mayaman pero masasabi kong lahat ng magugustuhan nila ay mabibili nila dahil may pinagkukuhanan sila ng pera.

Nanlaki ang mata ng mga katulong nang makita ako sa loob ng mansyon.

"Miss Caelian, t-tuloy po kayo," sambit ng isang kasambahay at binukas ang double door na pintuan.

"Salamat," sagot ko.

"Pupuntahan niyo po ba si Sir Josiah? Hindi pa po siya bumaba kanina pang umaga, kung gusto niyo po, puntahan niyo na lang siya sa kwarto niya," magalang na sabi sa akin ng kasambahay. Tumango ako at umalis naman agad sila para ituloy ang ginagawa nila.

Tiningnan ko ang bahay nila Josiah. Wala pa rin pinagbago. Sumisigaw pa rin ng karangyaan ang mansyon nila at ang bango bango pa. Ito yong tipikal na mababasa mo sa libro na bahay ng isang mayamang tao. Classic style ang mansyon ng pamilyang Tavera. Ito yong klase na mansyon na mahihiya kang itapak ang paa mo sa sobrang kintab at linis ng sahig. Mapapalunok ka rin sa nagnining at mamahalin na furniture sa mansyon.

"Why you are here? Ang kapal naman ng mukha mo na magpakita dito," maanghang na sabi ng maarteng babae. Napalingon ako sa kanya at binigyan siya ng seryosong ekspresyon. Si Melina.

Nasa hagdan siya at pababa na.

"Hindi naman kasi ikaw ang dahilan kung bakit nandito ako," sagot ko sa kanya.

"I know," nakangising sambit niya at tumigil siya sa harap ko. "Nandito ka ba para landiin ang kuya ko?" diretsong tanong niya.

Kumuyom ang kamao ko at binigyan ko siya ng nagbabagang tingin. Hindi ko gusto ang lumabas sa bibig niya.

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ayaw kong patulan ang mababang pag-iisip niya. Nang aakmang aalis na ako para puntahan si Josiah ay pinigilan niya ako at hinawakan sa braso.

"Not so fast, darling." Nakangising usal ni Milena. Nakakairita talaga ang pagmumukha at ugali niya.

Nagngitngit ang ngipin ko at ang pasyensya na binibigay ko sa kanya ay bigla na lang naubos. Puno ng gigil kong inalis ang kamay niya sa braso ko at binigyan ko siya ng tingin na mahahalata niya na hindi na ako natutuwa sa mga kinikilos niya.

"Kung gusto mong mag madilta, pumasok ka na lang bilang artista kasi atleast do'n, may talent fee ka. Pero kung sa akin ka mag iinarte, wala ka lang mapapala." Sambit ko sa kanya at iniwan siya.

"Hey! Come back here!" naririnig kong sigaw niya ngunit hindi na ako lumingon.

Nagpatuloy ako sa pag-akyat sa hagdan at paglalakad papunta sa kwarto ni Josiah.

Kumatok ako ng tatlong beses sa pintuan nang kwarto niya.

Walang sumagot.

Kaya kinuha ko na ang pagkakataon para buksan ng dahan dahan ang pintuan at saka pumasok.

"C-Caelian, Is that you?" tanong ni Josiah sa mahina at nanghihinang boses.

Lumapit ako sa kama niya kung saan siya nakahiga at balot na balot ng comforter.

"Yes, I'm here." sagot ko sa kanya.

Nakita kong ngumiti siya maliit nang marinig ang sagot ko.

Hinawakan ko siya sa noo at mabilis ko itong nalayo dahil sa sobrang init niya.

"May lagnat ka! Bakit hindi mo sinasabi kila Milena at sa mga katulong niyo?!" naghihisterikal na sabi ko sa kanya.

Naging sunod-sunod ang ubo niya at mas nadagdagan ang pag-aalala ko sa kanya. Ibinaba niya ang comforter kaya nakita ko nakasuot siya ng short-sleeve nightshirt na asul at siguradong naka-pajama rin siya.

"H-Hindi ako makalabas para m-masabi sa kanila. Kaya n-nong naabot ko ang cellphone ko, ikaw ang tinawagan ko para tulungan ako," sagot niya sa akin at muling umubo.

Napahinga ako ng malalim at ipinikit ang mata ko para makaisip ng solusyon.

"Okay. Lalabas ako, sasabihin ko kay Milena na ihatid ka na sa hospital," usal ko at agad tumayo.

Ngunit nakaramdam ako ng munting kuryente nang maramdaman ko ang mainit na kamay ni Josiah sa kamay ko.

Tumigil saglit sa pagtibok ang puso ko.

"N-No. I want you to take care of me," sambit niya.