NATIGILAN ako sa kinauupuan ko. Napako ang paningin ko sa adams apple ni Damien. Naramdaman ko ang kalabog sa dibdib ko. Magaan ngunit puno ng emosyon ang paghalik niya sa noo ko.
Humiwalay siya sa akin at nakita ko ang magandang ngiti niya. Kumikislap din ang mga mata niya na nakatingin sa akin. At ngayon, gustong-gusto ko ang pagtingin niya sa akin, pakiramdam ko ako ang pinaka maganda sa paningin niya. Wala siyang ibang nakikita kundi ako lang. Ang sarap sa pakiramdam.
"From today, I'm gonna do the fifth stage of Abram's love theory. Sisiguraduhin ko na ako lagi ang makikita mo. Caelian, be ready." Nakangiti ngunit seryosong usal niya. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindi subalit ramdam ko ang kaba sa dibdib ko. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa bandang puso ko. "Ngayon pa lang balutin mo ng makapal 'yan dahil sa oras na makapasok ako diyan, wala ng atrasan."
DAHAN-DAHAN kong iminulat ang mga mata ko nang maramdaman kong nag-iinit na ang pisngi ko sa sinag ng araw. Pinagmasdan ko ang kisame, inisip ang ginawa at tinanong sa akin ni Damien.
Napabuntong-hininga ako at tumayo na sa kama ko saka pumuntang banyo para maghilamos at mag-tooth brush.
Bakit ba niya ginawa iyon? Hindi niya ba alam na pinuyat ako ng pinaggawa niya kagabi? Ako ang may supresa sa kanya pero sa dulo, parang ako pa ang nasurpresa.
Nagmumog na ako at pinunasan ang bibig ko ng towel. Nagpalit na ako ng damit saka ako lumabas ng kuwarto.
Subalit paglabas ko ay naririnig ko ang tawanan at kuwentuhan sa sala. Boses ni mama, ni Kyrine at dalawang boses ng lalaki. May bisita kami?
Pumunta na ako sa sala at lahat ng mata nila ay napunta sa akin.
Anong ginagawa niya rito?
"Oh, ayan na pala si Caelian. Good morning anak! Nandito na pala ang manliligaw mo," nakangiting sambit ni mama at halatang pinipigil ang kilig na nararamdaman.
"Oo nga, Caelian! Hindi mo naman sinasabi sa akin na nangliligaw na pala sayo si Damien! Hmmp!" nagtatampo kunwaring sabi ni Kyrine ngunit may ngisi sa labi. Kinikilig din.
"Akala ko alam mo na, dahil kapag may balita ikaw lagi ang unang nakakaalam," sabi ko sa kanya at napanguso siya. "Saka isa pa, kagabi pa lang niya sinabi iyon pero hindi ko alam na ngayon na pala siya mag-uumpisa," sambit ko at napatingin kay Damien na ang laki ng ngiti sa akin.
Lumapit siya sa akin na may isang tangkay ng pulang rosas at binigay sa akin.
"Good morning," nakangiting bati niya at napakunot noo ko.
Naiilang ako sa binibigay na tingin niya sa akin kaya lumayo ako sa kanya at tumikhim.
"Ito na ba pinagmamalaki mo? Hindi mo ako madadaan sa ganito, Damien." Napailing-iling na sabi ko na tinutukoy ang rosas na binigay niya.
"Kalma ka lang. Ako ang nanliligaw pero parang mas excited ka pa sa akin." Nakataas ang kilay na sabi niya at may ngisi sa labi. Ngumiwi naman ako.
"Bakit nga pala ang aga mong manggulo sa bahay? Ganito ba talaga mangligaw ang isang Damien Cadenza?" tanong ko sa kanya at pasimpleng tumingin sa wall clock. 7:02 a.m na.
Napakamot siya sa ulo niya tila nahihiya.
"S-Sorry, gusto ko kasing maagang makita ka," inosenteng sagot niya sa akin at natigilan naman ako. Ano bang nangyayari sa bibig niya? Bakit ang tatamis ng mga sinasabi niya? Tumili si mama at si Kyrine sa sinabi ni Damien.
"Hayaan mo patapusin mo lang kami sa gagawin namin pagkatapos non uuwi na kami," sambit ni Abram at doon ko lang siya napansin.
"Start na tayo," sabi ni Abram kay Damien at napansin ko na may gitara pala siyang hawak pagkatapos ay umupo na siya saka tumipa sa gitara.
Napakalamig at napakagandang pakinggan ang paggigitara ni Abram habang nasa harap ko naman si Damien na maganda ang pagkakangiti.
Bumuka na ang bibig ni Damien at nagsimulang kumanta. Hindi ko inaasahan na maganda pala ang boses ni Damien. Ito 'yong boses na ang sarap sa tenga at hindi ka magsasawang pakinggan dahil sa napakaganda at napaka lamig na boses. Nakatitig siya sa akin habang binibigkas ang bawat liriko ng kanta na para bang sa kanta na iyon ay pinaparating niya sa akin ang nararamdaman niya.
Noong kinuwento niya sa akin ang past nila ng ex-girlfriend niya, nakaramdam ako ng inggit, kasi may lalaki pa pa lang katulad niya at sinayang 'yon ng babae. At ngayon naman na ako na ang binubuhusan ng pagmamahal niya, hinahanap ko ang inggit na iyon pero ngayon wala na. Oo, masaya ako sa pinapakita niya sa akin ngunit may kulang pa rin.
"Ang ganda pala ng boses mo Damien! Nakakakilig mygosh!" hiyaw ng kaibigan kong si Kyrine at namula si Damien dahil sa hiya.
"Kyrine, Abram, halina't samahan niyo muna ako sa kusina. Tulungan niyo akong maghanda ng almusal," nakangiting sabi ni mama sa dalawa. Excited silang na tumayo at sumama kay mama.
"Opo, tita! No problem po!" sambit ni Abram.
"Hmmph! Manahimik ka nga! Bakit ba kasi sumama ka pa rito?!" masungit na sabi ni Kyrine sa binata. Ngumisi lang ang lalaki sa kanya.
Dahil wala na ang dalawang maingay, naging tahimik sa sala ngunit sa kusina naririnig mo pa rin ang ingay nila.
Pinagmasdan ko si Damien, yong mukha ni Damien, kapag tinitigan mo mas magwagwapuhan ka sa kanya. Ito 'yong klaseng gwapo na habang mas tumatagal mo siyang tinitigan, mas gumagwapo sa paningin mo. At aaminin kong...nakakaramdam ako ng kasiyahan kapag tinitigan siya. 'Yong kahit tingnan mo lang siya, pakiramdam mo kumpleto at maganda na ang araw.
Napaawang ang labi niya sa akin at napangisi ko. Sigurado nahihiya na naman ito. Naramdaman kong kikilos siya para tumalikod katulad ng ginawa niya noon kaya...
"Huwag kang tumalikod. Tinitingnan ko pa ang mukha ng manliligaw ko," seryosong kunwaring sabi ko at natigilan siya.
"T-Teka, huwag mo kasi ako tingnan ng ganyan," suway niya sa akin subalit hindi ko siya sinunod, tinitigan ko pa rin siya.
Hinayaan ko lang siyang mailang at hindi mapakali sa titig ko. Nakakatuwa lang malaman na ang laki pala ng epekto ko sa kanya, sa simpleng titig ko lang, naiilang siya.
"Ayaw mo talaga tumigil?" untag niya at biglang nawala ang mahiyain na Damien sa katawan niya. Natigilan ako sa mabilis na pagbabago niya. Hindi pa ako nakakapaghanda nang hawakan niya ako sa pulsuhan at hinila palapit sa kanya pagkatapos ay naramdam ko ang paghawak niya sa likod ng bewang ko habang ang dalawang ko naman ay mabilis na hinarang sa dibdib niya.
Ang lapit ng katawan namin sa isat isa. Tapos idagdag mo pa ang malalim at nakakatunaw na tingin na binibigay niya sa akin.
"Gusto mong magtitigan tayo, ah? Tingnan natin sino ang uuwing talunan sa ating dalawa," nakangising usal niya habang nakadiretsong nakatingin sa akin ang mga mata niya. Napalunok ako. Mukha akong tanga na nakatayo ng tuwid sa harap niya.
"Bitawan mo a-ako," nauutal na sabi ko sa kanya. Ngunit tumaas lang ang sulok ng labi niya at mas nilapit pa ako sa kanya!
"Paano kung ayaw ko? Gusto ko pa kasing titigan ang mukha ng nililigawan ko," mapang asar na sabi niya sa akin ngunit malaman. Tinitigan niya talaga ang buong mukha ko at naiilang naman ako!
Mula sa mapanukso at mapang-asar na mukha ay unting unti napalitan ang ekspresyon ng mukha niya, naging malambot ito.
"Caelian, hindi na ako sigurado sa nararamdaman ko," marahan na usal niya habang nakatitig sa mga mata ko. Natuptop ako sa sinabi niya. Hindi ko gusto ang lumabas sa bibig niya.
"Dahil nararamdaman ko na... hindi lang kita basta gusto... mas malalim pa do'n," sambit niya at napaawang ang labi ko sa narinig. Naramdaman ko ang dahan dahan na paglakas ng tibok ng puso ko.
"Anong gagawin mo kung sabihin ko sayo na mahal na kita?" untag niya na punong puno ng emosyon. Mas natigilan ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong gagawin at sasabihin ko.
Unti unti niya akong binitiwan kaya napalayo na ako ng konti sa kanya.
Magaan na ngumiti siya sa akin at hinawakan ng isang kamay niya ang kanang pisngi ko.
"Ano kaya ang pakiramdam na maging ka?" usal niya sa akin, mula sa kamay ay lumipat ang tingin niya sa mata ko. "Kapereho ba iyon ng pakiramdam na meron ako?" tanong niya at hindi ako nakasagot.
Nagtitigan kami ni Damien ng ilang segundo pagkatapos niya bitawan ang mga katagang iyon.
"Anong meron dito?" Sabay kaming napalingon nang marinig namin ang boses ni Papa galing sa kuwarto.