Chapter 38 - Ring

Caelian

Pagkatapos namin kumain ng tanghalian ay dumiretso ako sa kuwarto ko at nilaro laro si Baby Abdiel. Miss na miss ko talaga ang pamangkin ko.

Tumawag si Damien sa akin at niyaya akong umalis ngunit hindi ko magawa dahil sigurado bukas ay uuwi na sila ate sa Mexico, Pampanga at mamimiss ko na naman ang pamangkin ko. Kaya sinabi ko sa kanya na bukas na lang at nararamdaman ko rin kasi na gusto ko siyang makasama.

Alas kwatro ng hapon ay tumunog muli ang cellphone ko, akala ko si Damien ngunit si Josiah pala. Sinagot ko ang tawag niya.

"Caelian, may gagawin ka ba ngayon?"tanong niya agad pagkasagot ko. Anong meron ngayon at dalawang tao na ang nagyaya sa akin? Napabuntong hininga ako.

"Yup, nakikipaglaro ako kay Baby Abdiel"sagot ko sa kanya.

"Ate Caelyn is there? Hays! Gusto ko kasi magpasama sayo"problemadong sabi niya at napakunot ang noo ko.

"Saan?"simpleng untag ko.

"Birthday kasi ni Milena ngayong darating na lunes at hindi ko alam kung anong bibilhin ko sa kanya. Puwede mo ba akong samahan? Saglit lang naman tayo"may pagmamakaawa sa boses niya at nakagat ko ang labi ko sa pag iisip ng desisyon.

Niyaya ako ni Damien pero hindi ako pumayag, pero kung papayag ako ngayon na samahan si Josiah, 'diba unfair naman masyado iyon?

Psh. Gusto kong umayaw pero... hays.

"Please, Caelian"marahan na tonong usal niya at malakas akong napabuntong hinga.

"Okay, text mo na lang sa akin kung saan tayo magkikita. See you."pagtatapos ko sa usapan namin.

Kinuha ko ang maliit na bag ko saka lumabas sa kuwarto at binigay kay ate Caelyn ang anak niya.

"May pupuntahan lang ako saglit, babalik din ako"paalam ko sa kanilang lahat at tumango tango naman sina mama,ate at kuya Gerwyn.

"Makikipag-date ka?"nakangising tanong ni Kuya Gerwyn.

Nilingon ko siya at tiningnan.

"Nah, bukas pa"ngising sagot ko rin at napailing iling siya.

"May nangliligaw na sayo, Caelian?"tanong ni Ate Caelyn na gulat na gulat.

"Oo, ang bait at maginoo nga ang binatang iyon, e. Sa bahay iyon nangliligaw"nakangiting sagot ni mama para sa akin.

"Edi ibig sabihin na ka-move on ka na sa ex-boyfriend mong si Josiah?"mas gulat na tanong ni ate at napawi ang ngiti ko.

"Mauna na muna ako"paalam ko sa kanila at umalis na ng bahay. Hindi na ako nagpalit dahil maayos naman ang damit ko. Isang short na abot sa taas ng tuhod at isang printed shirt. Sandali lang din naman kami kaya bakit pa ako magbibihis?

Nagkita kami sa harap ng Mall ni Josiah, nakasuot siya ng simpleng black shirt at black short. Ngunit nakakaagaw pansin pa rin siya sa mga babae. Seryoso itong nakatingin sa cellphone niya at lumilinga linga sa paligid nang nakita niya ako ay lumapit siya sa akin at ngumiti.

"Lets go?"nakangiting anyaya niya at tumango ako na nakangiti ngunit nakakailang hakbang pa lang kami nang tumunog ang cellphone ko sa bag na dala ko.

Tiningnan ko ang caller at agad na kumabog ang dibdib ko. Si Damien ang tumatawag.

"Wait lang, Josiah. May kakausapin lang ako"paalam ko at mabilis na lumayo sa kanya, hindi na hinihintay na sumagot siya akin.

Mas domoble pa ang kaba ko dahil sa mga tanong na binabato niya sa akin at sinasagot ko naman ito ngunit ang panghuling tanong ang humila ng hininga ako.

"Sino kasama mo diyan ngayon?"tanong niya sa akin at matinding napalunok ako.

Paano ko sasagutin ang tanong na 'to? Sasabihin ko bang si Josiah? Pero nong minsan na hindi rin ako nakapunta ay si Josiah ang dahilan at ngayon, siya na naman. Kapag aamin ako ay masasaktan ko na naman siya.

"Si K-Kyrine"sagot ko at naramdaman ko ang pagbara sa lalamunan ko.

I'm sorry, Damien.

Minsan talaga kailangan mong magsinungaling para maiwasan mong may masaktan kang tao. Tinatago mo ang katotohanan dahil alam mo na kapag lumabas iyon ay may matatamaan at masasaktan.

Si Damien ang nagpatay ng tawag at iyon ang unang beses na ginawa niya iyon, idagdag pa na hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Bumigat ang dibdib ko at nakaramdam ako ng lungkot.

"Caelian! Lets go!"napalingon kay Josiah at tipid na ngumiti saka tumango. Lumapit ako sa kanya at sabay kaming pumasok sa loob ng mall.

Babawi ako sayo bukas, Damien.

"Ano ba sa tingin mo ang magandang iregalo kay Milena?"tanong niya sa akin at napaisip ako.

"Hmmm... dress? Make up? Sandals? Jewelries?"hindi siguradong sagot ko.

"Bibilhin ko lahat iyon?"manghang tanong niya, hindi makapaniwala. Tiningnan ko siya at gumuhit ang natural na ngiti sa labi ko. He remind me of someone. Mabilis din nawala iyon at napailing ako sa isip ko.

"Mas maganda kung isa lang. Para may kahulugan"seryosong sambit ko"Jewelries? Tama, alahas na lang bilhin mo. Necklace to be specific"suggest ko sa kanya at sumang ayon naman siya.

Naglakad kami sa Jewelries section ng Mall at pumasok kami doon, si Josiah ang pumipili habang ako naman pinapalibot ang tingin ko sa mga alahas. Ang gaganda at ang mamahal.

Tumigil ang mata ko sa isang singsing na may white diamond sa gitna. Kumikinang ito kapag natatamaan ng liwanag. Napakaganda nito.

"Kung girlfriend pa rin kita ngayon at niyaya kitang magpakasal, papayag ka ba?"narinig kong tanong sa akin ni Josiah sa gilid ko. Natigilan ako sa kinatatayuan ko at dahan dahan lumingon sa kanya.

"Oo siguro"nagpapakatotoong sagot ko at napangiti siya.

"T-Totoo?"nauutal at natutuwang tanong niya.

"Hmmm"simpleng sagot ko sabay tango"Pero wala na tayo. Matagal ng tapos ang relasyon natin"seryoso kong sabi at unti unting napawi ang magandang ngiti niya kanina lang.