Chapter 39 - Hate

Caelian

"Tapos ka na ba? Pwede na akong umuwi?"tanong ko pagkalipas ng ilang sandali. Napatingin ako sa plastic na hawak niya kung saan ang kuwintas bago sa mukha niya.

Gusto ko na talagang umuwi. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko na kasama ko si Josiah, tapos si Damien ay inayawan ko. Ang pangit sa pakiramdam at nakakainsulto. Saka isa pa, kailangan kong lumayo sa kanya. Kapag hinayaan ko na masanay ako sa presensya niya ay baka lumala lalo ang nararamdaman ko kaya mas maganda ng buhasan para hindi na umalab pa.

"Ha? S-Sandali lang, kain muna tayo dito tapos uuwi na tayo"natataranta na usal niya.

Tiningnan ko muna siya.

"Please, Caelian. After natin kumain, uuwi na talaga tayo"pagmakakaawa niya at napabuntong hininga ako. Napangiti siya sa reaksyon ko.

"Sige"simpleng sagot ko at nauna ng lumabas.

Pumunta kami sa isang restaurant at binati ng waiter na nasa labas. Pumasok kami sa loob at nakakatuwa na hindi masyadong matao sa loob. Ayaw ko kasi ng crowded, mas lalo kapag kumakain ako.

Rounded ang table at dalawang upuan, may kandila rin sa gitna at display na bulaklak. Maganda rin sa pandinig ang tugtugin sa loob ng restaurant at idagdag mo pa ang humahalimuyak na pabango sa loob.

Lumapit ang waiter sa amin at binigay ang menu. Tiningnan ko ang lahat ng pagkain doon at kahit picture pa lang ay nakakatakam na. Nawala lang iyon nong tiningnan ko ang presyo.

Kumakain naman ako sa mga restaurant pero 'di hamak na mas mahal dito!

"Caelian, what do you want?"tanong sa akin ni Josiah.

"I-Ikaw na lang... busog pa naman ako"nahihiyang sagot ko.

"Same order na lang po kami, miss"nakangiting sabi ni Josiah sa waiter at tumango naman ang babae saka umalis na.

"Anong pinagkakaabalahan mo ngayon?"tanong sa akin ni Josiah, siguradong marami itong itatanong sa akin. Dapat pala talaga umuwi na ako.

"Nagsusulat ng manuscript para sa bagong story ko"sagot ko sa kanya at uminom ng tubig na nasa lamesa.

"Oo nga pala, gusto kitang i-congratulate, nabasa ko ang isang libro mo, gusto ko yong story line at writing style mo"nakangiting papuri ni Josiah at napangiti rin ako. Napakasarap talaga sa pakiramdam kapag may nakaka-appreciate sa gawa mo.

"Thank you, dalhin mo minsan sa akin ang libro mo, pipirmahan ko"sambit ko na nakaguhit ang matamis na ngiti sa labi. Napatango siya.

"Hmmm... pwede akong magtanong?"nag-aalinlangan na sabi niya. Sinenyasahan ko siyang magsalita.

"Puro tragic story ang sinusulat mo, gusto ko lang malaman kung dahil ba iyon sa akin?"matapang na tanong niya sa akin, pilit na pinapalakas ang loob. Natigilan ako sa tanong niya.

Uminom ako ng tubig at umayos ng upo. Bakit ang tagal ng pagkain namin?

"Hindi naman, oo siguro may parte ang sakit na naranasan ko sayo pero mas malaki pa rin ang parte na gusto ko talaga ang magsulat ng tragic. Sabihin na natin na doon ako mas effective? At sa larangan na iyon ay doon ako bihasa"sagot ko sa kanya at naging pilit ang ngiti niya, mukhang napahiya.

"A-Ahh... akala ko dahil sa akin"napakamot siya sa noo niya.

Ngumiti ako at umiling sa kanya. Nakaramdam ako ng pag gustong pagpunta sa restroom. Gusto ko maghugas ng kamay.

"Saglit lang punta muna akong restroom"paalam ko sa kanya at tumayo saka dumiretso sa banyo ng restaurant.

Ngunit napatigil ako sa pagpasok nang namataan ko si Abram na lumabas galing sa restroom ng mga lalaki. Nagulat kami sa presensya ng isat isa. Siya ang unang nakabawi at lumapit sa akin habang suot suot ang magandang ngiti.

"Caelian!"bati niya sa akin.

"Oh, Abram"bati ko pabalik at pinaikot ang tingin bago bumaling sa kanya"Kumakain ka rin dito?"tanong ko sa kanya at umiling naman siya bilang sagot.

"Hindi. Nagtatrabaho ako dito bilang assistant cooker. First day ko nga ngayon, e"sagot niya at halata ang katuwaan sa itsura niya. Tiningnan niya ang nasa likod ko, mukhang hinahanap na kung sino. Napakunot ang noo ko"Teka, kasama mo ba si Damien ngayon? Sabi niya kasi kanina sa akin, magda-date kayong dalawa para i-celebrate ang birthday niya"sambit niya at nagulat ako sa sinabi niya.

"B-Birthday niya?"nauutal na untag ko. Sinisigurado kung tama ang narinig ko. Naguluhan ang itsura ni Abram.

"Ha? Oo, birthday niya ngayon"sagot niya sa akin"O sige na. Mauna na ako. Baka hinahanap na ako sa kusina. Enjoy your date,Caelian" taas baba ang kilay na usal niya at tinapik ako sa balikat.

Naestatwa lamang ako sa kinatatayuan ko. Pinoproseso ng utak ko ang impormasyon na natanggap ko. Birthday ngayon ni Damien kaya niyaya niya ako umalis pero tinggihan ko siya tapos nagsinungaling pa ako sa kanya kanina at kasama ko pa si Josiah. Nanlumo ako sa napagtanto ko. Ang sama sama ko kay Damien!

Huminga ako ng malalim at mabigat ang paang tumalikod pabalik sa table namin ni Josiah.

"I'm sorry, Josiah. Pero kailangan ko ng umalis"mabilis na paalam ko sa kanya at umalis na.

Kailangan kong puntahan si Damien! He doesn't deserve this! Birthday niya pero ito ang sinalubong ko sa kanya?! Naiinis ako sa sarili ko.

Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko at nakuha ko pang bumili ng cake at carbonara para may ibigay sa kanya. Ito na lang ang kakainin namin. Pupuntahan ko siya sa bahay niya para i-celebrate ang birthday niya.

Nasa harap na ako ng gate ng bahay nila at sobra ang kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako, natatakot at nalulungkot. Paano ko ba siya haharapin ngayon? Nagsinungaling ako sa kanya kanina lang! At nakakahiya iyon!

Pinuno ko ng hangin ang baga ko bago ako kumatok ngunit bago pa ako kumatok ay bumukas na ito ng kusa. Hindi nakasara?

Kahit na nagtataka ay dahan dahan akong pumasok at ako na mismo ang nagsara ng gate.

Lumapit ako sa pintuan at nakita kong nakaawang iyon. Ibig sabihin, hindi na naman ito nakasira. Ano bang pinaggagawa ng lalaking 'to? Alam niya ba na delikado na ngayon na iniiwan ang pintuan na nakabukas?