BAGO pa dumikit ang labi niya sa labi ko ay naitulak ko na siya palayo sa akin.
Nangitngit ang ngipin ko at nanigas ang panga ko sa naging kilos niya. Lumapit ako sa gate at mabilis na sinira iyon.
Huminga ako ng malalim at binigyan siya ng masamang tingin. Mataas ang tingin ko kay Heizelle at itong ginawa niya ngayon, ay hindi ko inaasahan. Malayong malayo ito sa ugali niya.
"Ano bang iniisip mo, ha?! Bakit gusto mo akong hali—" nakagat ko ang labi ko at parang hindi ko kayang sabihin ang susunod na salita ko. "Umuwi ka na, lasing ka, Heizelle," maikling sambit ko na lang at hinawakan siya sa braso ngunit kinalas niya iyon.
"Bakit ayaw mo bang halikan kita, Damien?" tanong niya sa akin at halata ang kalasingan sa boses niya subalit matapang pa rin siyang nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko. Huminga ako ng malalim at napasadahan ang buhok ko bago tumingin sa kanya.
"Malamang ayaw ko, Heizelle. Kung may pwede kang halikan dito, 'yong boyfriend mo iyon at hindi ako," nagpapakatotoong sagot ko sa kanya at nakita ko ang pagbabago sa mata niya, parang hindi niya nagustuhan ang sagot ko.
"Katawan ko ito kaya kung sino man ang gusto kong halikan, wala ng kinalaman ang boyfriend ko do'n o kahit sino man," sagot niya sa akin at napaawang ang labi ko sa walang kwentang sagot niya.
"P-Paano mo nasasabi 'yan?" hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya. "Napadami yata ang inom mo ng alak, kahit ano na lang lumalabas sa bibig mo. Akin na ang cellphone mo, tawagan natin ang boyfriend mo para sunduin ka," usal ko at lumapit sa kanya para kunin ang cellphone niya.
Ngunit imbes na ibigay sa akin ay cellphone ay hinawakan niya ng mahigpit ang pulsuhan ko at tinitigan ako sa mga mata ko.
"Sa akin ka lang, Damien. Sa akin ka lang babagsak," buong determinasyon na sambit niya. Halo halo ang nakikita ko sa mga mata niya.
Bago pa ako makapagsalita ay hinila niya na ako at mabilis kaming naglakad papasok sa bahay saka niya malakas na sinira ang pintuan.
"H-Heizelle... anong p-plinaplano mo?" nauutal at kinakabahan na tanong ko sa kanya. Hindi ko nagugustuhan ang pumapasok na ideya sa utak ko kung ano ang gusto niyang mangyari.
Hindi siya sumagot sa akin at basta na lang ako tinulak sa sofa. Bago pa ako makatayo ay tinulak niya ako ulit at umupo siya sa hita ko. Nakaharap na siya ngayon sa akin. Napalunok ako nang naging malinaw sa akin ang emosyon niya; nasasaktan, nangungulila, nagmamahal at nagnanasa. Totoo ba ang nakikita ko?
"Just come back to me, Damien. I promise I will make you happy," seryoso munit may pang-aakit na sabi niya.
Naramdaman ko ang kilabot na nag umpisa paa ko hanggang umabot ito sa buong katawan ko. Hindi ako nakakilos man lang sa binitawang salita niya. Bago ko pa malaman ay naramdaman ko na lang ang mainit at malambot na labi niya na dumadampi sa balat ng leeg ko. Nanlaki ang mata ko, Hinahalikan niya ang leeg ko!
Mula sa kanan ay lumipat naman siya sa kaliwang bahagi ng leeg ko at nag-iiwan dito ng mainit na halik. Lalo akong natuptop nang umakyat ang halik niya, mula sa adams apple ay napunta ang halik niya sa panga ko.
Nakadilat ang mata ko at hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ito ang first time na naramdaman ko ang ganito ng klase ng halik at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko. Napalunok ako.
Pumasok sa isip ko si Caelian at naisip ko ang magiging reaksyon niya kapag naabutan niya kaming ganito. Hindi man kami pero pakiramdam ko ay nagtataksil ako sa kanya.
"Stop," madiin at malamig na sabi ko sa kanya. Ngunit hindi na siya nakinig sa akin patuloy pa rin niyang hinahalikan ang panga ko. Kumuyom ang kamao ko at alam ko sa sarili na kapag dumapo ang kamay ko sa kanya ay baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at masaktan siya.
Patuloy lamang siya sa paghalik at muling bumaba ang halik niya sa leeg ko ngunit naramdaman ko ang mainit na likido na tumulo sa balikat ko at ilang saglit lang ay narinig ko ang mahinang paghikbi ni Heizelle.
"I said stop!" galit na sigaw ko at hinawakan ang balikat niya para lumayo siya sa akin.
Nakita ko ang sariwang luha na tumutulo sa magandang mata niya at nasasaktan siyang nakatingin sa akin. Humihikbi-hikbi rin siya. Mabilis nawala ang galit ko at napalitan ito ng kirot nang makita ang kalagayan niya.
"Pwedeng ako na lang ulit? Pwedeng ako na lang mahalin mo?" nagmakakaawa at nasasaktang niyang sabi sa akin. Napabuka ang bibig ko sa nag-uumapaw na emosyon na nakikita ko sa kanya. Hindi ako makapaniwala na maririnig ko ang salitang ito sa kanya.
"Damien, napagtanto ko na mahal pala talaga kita. At naguguluhan lang ako sa panahon na iyon kaya nasabi ko ang masasakit na salita na iyon sayo. Ngunit naduwag ako na aminin ang totoong nararamdaman ko, kaya nakipag relasyon ako kay Teajay para ibaling sa kanya ang atensyon ko.... sa una, ayos lang at masaya kami ngunit nang makita kita ulit...bumalik ang nararamdaman ko sayo na pilit kong tinatago. Nakaramdam ako ng takot nang pumasok na si Caelian...hindi ko kaya na makita kang may minamahal ng iba," sunod sunod na tumulo ang luha na sambit niya at ako naman ay nakaramdam ng paninikip sa dibdib ko habang pinapakinggan ang mga sinasabi niya sa akin.
Nanginginig niyang hinawakan ang mukha ko at kung hawakan niya ang pisngi ko ay para itong babasagin na ayaw niyang mabasag. Buong emosyon niya akong tiningnan sa mata at patuloy na umaagos ang luha niya.
"Damien, pwede bang b-bumalik na lang tayo sa dati? Miss na miss na kasi kita. Pangako magiging mabuting girlfriend ako sayo at nalalaman ko na mas magiging masaya na tayo sa pagkakataon na ito," umaasa na sambit niya sa akin. Sinalubong ko ang mata niya at pinagmasdan iyon.
"Nong ako ba ang humiling sayo na huwag kang makipaghiwalay sa akin, pinakinggan mo ba ako?" tanong ko sa kanya kasabay non ang pagtulo ng luha sa kanang mata ko. Muli na naman bumalik sa isip ko ang senaryo kung saan nagmamakaawa ako sa kanya na huwag makipag-break sa akin ngunit hindi siya nakinig at mas inisip ang nararamdaman niya.
Dahil sa tanong ko ay napabitaw ng hawak sa akin si Heizelle.
"Ayos lang sana kung isang beses mo lang ako inayawan, e. Pero hindi. Naalala mo ba kung ilang beses ako pumunta sa bahay niyo noon para suyuin ka at makipag balikan sa akin?" untag muli ko sa kanya at mas dumami ang pagtulo ng luha niya. Siguradong naalala niya ang ginawa ko noon. "Kahit sinasabi sa akin ni Abram na ako na raw ang hari ng katangahan ngunit hindi pa rin ako tumigil kakasuyo sayo." Mula sa isang patak na luha ay naging sunod sunod ang pagbuhos ng luha ko. "At isang araw nabalitaan ko na lang na umalis ka na sa Pampanga at mas nasaktan pa ako no'n dahil pakiramdam ko ay nilalayuan mo ako at wala ka na talagang balak balikan ako. Mahal na mahal kita noon, Heizelle pero binalewala mo ako," puno ng pait at sakit na sabi ko sa kanya.
"At sa tanong mo…may nagmamay-ari na sa puso ko...at si Caelian iyon. Kaya kahit pilitin ko man ibalik ang dati, hindi na mangyayari iyon. I'm sorry, Heizelle but I don't love you anymore," nakatingin sa mata niya na sambit ko. Mula sa mahinang pag hikbi niya ay napalitan ito ng hagulgol. Labis ang sakit sa tunog ng iyak niya.