Chereads / Just Hold Onto Destiny's Grasp / Chapter 37 - Unhappy

Chapter 37 - Unhappy

Damien

Minsan pala sa buhay mo, kapag maraming ganap at marami kang iniisip ay nakakalimutan mo na pala ang mahalagang araw sayo.

Sumunod ako kay Abram na excited na pumunta sa maliit na dining area namin. Pasimple kong tiningnan ang cellphone ko at mapait na napangiti ako dahil wala man akong natanggap na call o text man lang para batiin ako.

Hindi man naalala ng magulang ko.

Kaya yata rin wala na akong ganang i-celebrate ang birthday ko dahil 'yong inaasahan kong unang makakaalala ng kaarawan ko ay sila pala 'yong nakakalimot. Ano pa silbi ng selebrasyon diba?

Alam kong mahal ako ni mom-- at okay, sige si dad na rin pero ewan ko , kulang sila sa pagpaparamdam sa akin. Ito ang dahilan kung bakit naiinggit ako sa pamilya ni Caelian, e.

Pinasok ko ang cellphone ko sa bulsa at tiningnan si Abram na nakaupo na.

Mabuti na lang meron akong katulad niya. Masaya o malungkot man ang pinagdadaanan ko ay lagi siyang nandiyan para sa akin.

"Oh! Anong tinatayo tayo mo pa diyan?! Upo ka na! Masamang pinaghihintay ang pagkain!"sambit niya at napangiti ako. Umupo na ako sa harap niya.

Fried chicken,adobo,macaroni salad at fried rice ang mga nakahanda sa lamesa.

"Hindi ka sana nag abala, Abram. Kahit simpleng bati lang, ayos na ako"usal ko na napatingin sa handa at sa kanya.

"Sus! Isang beses lang iyan sa isang taon kaya dapat maghanda na tayo. Kumain ka na pre, hindi mo bagay magdrama haha!"natatawang sambit niya at mahinang napatawa rin ako.

Nagkuwentuhan at nag asaran kaming dalawa habang kumakain.

"Anong plano mo ngayong araw?"tanong ni Abram, hinuhugasan niya ang plato at baso na ginamit namin habang ako ay pinupunasan ng towel bago ilagay sa lalagyanan.

Napaisip ako sa tanong niya at nang may pumasok na ideya sa isip ko ay napangisi ako.

Ibinigay niya ang huling plato at tinuro ang labi ko.

"Teka, 'yong ngisi mo na iyan, iisa lang ang dahilan niyan, si Caelian, no? no? Aysus! Ang harot mo, Damien!"ngisi ngisi na sabi niya at nagpunas ng basang kamay.

Hindi ako nagsalita at mas ngumisi lalo.

Nasa veranda na ako ng bahay ngayon at tinatawagan ko na si Caelian. Pagkalipas ng tatlong ring ay sinagot niya na ang tawag ko.

"Hello, Caelian.."bati ko sa kanya at naririnig ko ang ingay sa background niya ngunit humihina baka dahil lumalayo siya.

"Hmmm? Napatawag ka?"takang tanong niya.

Nakagat ko ang labi ko at huminga ng malalim para kumuha ng lakas ng loob.

"Hmm.. puwede ka ba ngayong araw?"tanong ko at sa loob ko ay umaasa akong pwede siya. Naisip ko kasi kanina na gusto kong ubusin ang araw na ito na kasama ko siya. At siguradong magiging espesyal ang araw na ito dahil kasama ko ang babaeng mahal ko.

"Miss mo na ako?"untag niya at hindi ko alam kung bingi lang ako pero sa pagkakarinig ko ay may lambing sa boses niya. Napatanga ako at napanganga. Kinikiliti ang lamang loob ko.

Tumikhim ako.

"What if I am?"sagot ko sa kanya at siya naman ang nanahimik.

"Ako rin... gusto kitang makasama"sambit niya at mas lalo akong natuod sa kinatatayuan ko. Napaka totoo ng boses niya at halatang hindi siya nagbibiro. Hindi ko napansin na kanina ko pa pala kagat kagat ang labi ko sa oras na kausap siya. Sana hindi dumugo.

Hindi ako sanay na ganyan siya ngunit nagugustuhan ko rin naman. Sadyang nakakagulat lang talaga.

"Labas tayo? Libre ko."anyaya ko sa kanya at aaminin kong kinikilig talaga ako. Pakiramdam ko kasi girlfriend ko siya at niyaya ko siyang mag-date kami.

Narinig ko ang buntong hininga niya sa kabilang linya.

"Hindi ako pwede ngayong araw, e. Kakauwi lang ni ate Caelyn, kuya Gerwyn at baby Abdiel dito sa bahay"sagot niya sa akin at nanlumo ako. Ngunit mabilis lang iyon dahil naiintindihan ko ang dahilan niya. Ngumiti ako kahit hindi niya nakikita.

"Ayos lang, naiintindihan ko"sagot ko.

Plastik ako kung sasabihin kong ayos lang talaga, pero ganon man naiintindihan ko ang dahilan niya subalit hindi ko maiwasan na hindi malungkot. Birthday ko ngayon, e. Pati ba naman babaeng mahal ko hindi ko makakasama sa birthday ko?

"Maybe tomorrow? Puwede ka bukas?"untag niya at lumiwanag muli ang mundo ko.

"Yes! I-I am free tomorrow"napalakas ang sagot ko at humina ng humina sa dulo dahil binalot ako ng kahihiyan. Halatang halata kasi na gusto ko siya makasama! Kahit naman iyon ang totoo!

Narinig ko ang mahinang tawa niya sa kabilang linya at nakaramdam ako ng tuwa sa dibdib ko. Tawa lang niya, isang regalo na sa birthday ko.

"See you tomorrow then?"napatango ako.

"Yeah, see you. Bye."paalam ko at siya na ang nagpantay ng linya.

Gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ko. Hindi ko man siya makakasama ngayon atleast kasama ko siya bukas!

"Ano? Lalabas kayo ni Caelian?"nagulat na lang ako na nasa harap ko na si Abram na nakaporma, halatang may pupuntahan.

"Hindi man. Bukas pa kami lalabas." sagot ko ngunit hindi ko mapigilan magtaka sa ayos niya" Saan ka pupunta?"tanong ko.

"Ah! Papasok na akong trabaho. Nakuha kasi akong bilang cooker sa isang restaurant at ngayon ang umpisa ko."nakangiting sabi niya at nanlaki ang mata ko.

"Woah! Congrats pare! Parang gusto ko magdate kami diyan ni Caelian sa restaurant na pinagtatrabahuhan mo para maiingit ka sa amin hahahaha!"pang aasar ko at napatawa lang siya.

"Sige, doon kayo mag-date para dagdag kita na rin hahaha!"sagot niya.

Humina ang tawa namin at sumeryoso.

"Pero seryosong usapan, congrats talaga, Abram. Sana matuloy mo na ang pag-aaral mo para maging chef ka na ng sarili mong restaurant"sambit ko sa kanya at lumambot naman ang tingin niya sa akin.

"Thank you, pre"simple ngunit madamdamin na sagot niya"Ikaw una kong lalasunin kapag nagkataon hahahaha!"at bumalik na naman siya sa pagiging Abram niya.

"Pumasok ka na. At baka first day na first day ay matanggal ka na sa trabaho mo"natatawang sabi ko.

Tinapaik niya ako sa balikat bago siya lumabas paalis.

Ang kaninang saya na nararamdaman ko ay biglang naglaho. Tanging electric fan lang ng bahay ang naririnig ko. Ang tahimik.

Its my birthday but I am alone. Happy birthday indeed right?

Huminga ako ng malalim at pumunta sa kwarto para magpalit ng damit. Nagsuot ako ng simpleng white t-shirt at blank pants.

Gusto kong magpahangin. Ayaw kong mag-stay dito. Nakakabingi ang katahimikan sa bahay at nakakadadag lang iyon ng lungkot sa dibdib ko. Kailangan ko makakita ng maraming tao.

Pumunta ako sa mall at pinagmasdan lamang ang dagat ng tao. Wala naman ako bibilhin, sadyang gusto ko lang tingnan ang paligid ko. Naglakad lakad lamang ako sa mall at nang magsawa ay sa park naman. Dahan dahan lang akong naglalakad at tinitingnan ang mga tao na kasama ang pamilya nila, kaibigan, kaklase at kasintahan. Sobra saya nilang pagmasdan. Dahil sa paglalakad ko ay hindi ko namalayan na ala-singko na pala ng hapon, ang bilis ng oras.

Tatalikod na sana ako pauwi subalit namataan ko sa ka di layuan si Caelian at may kasama siyang lalaki.

Hinintay ko pa na luminaw sila sa paningin ko at tama nga ako si Caelian nga, at kung hindi ako nagkakamali, si Josiah ang kasama niya dahil kamukha niya ang lalaki sa picture na binigay sa akin ni Kyrine.

Napangiti ako ng peke.

Kinuha ko ang cellphone ko at hindi ko inaalis ang tingin ko sa kanya.

Napatunayan ko na talagang si Caelian iyon dahil napatingin siya sa bag niya kung saan ang nakalagay ang cellphone niya. Kinuha niya iyon at napatingin kay Josiah saka may sinabi bago lumayo saka sinagot ang tawag ko,

"Hello?"sagot niya sa kabilang linya.

"Nasa bahay ka ninyo ngayon?"diretsong tanong ko sa kanya.

Nagdikit ang labi ko sa pinipigilang emosyon.

"Wala"sagot niya at natuwa ang diddib ko.

"Nasaan ka niyan?"tanong ko ulit at kitang kita ko dito ang pagkunot ng noo niya.

"Nasa labas ako ng mall, bakit?"siya naman ang nagtanong.

"Akala ko hindi ka pwedeng umalis ngayon?"iniwasan kong pumiyok ang boses ko dahil ayaw kong mag isip siya ng kung ano, Nararamdaman ko kasi ang pangangati ng lalamunan ko at pamimigat ng mata ko.

Nakita ko siyang natigilan.

"S-Sandali lang din naman ako. May bibilhin lang saglit"maagap na sagot niya.

"Gusto mo samahan kita?"tanong ko sa kanya.

"Hindi na. Ayos na ako."sagot niya sa akin at napangisi ako ng mapait.

Oo, Damien ayos na siya na wala ka dahil kasama naman niya si Josiah. Hindi ka niya pinayagan na makasama mo siya ngayon pero nong si Josiah ang nagyaya, pumayag agad siya.

"Sinong kasama mo diyan ngayon?"tanong ko sa kanya at napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko. Nanginginig ang kamay ko habang hinihintay ang sagot niya sa akin.

Please tell me the truth, love. Masakit na makita kitang kasama mo siya pero mas masakit kung magsisinungaling ka pa sa akin.

"Si K-Kyrine"nautal na sagot niya ngunit madiin.

Nanghina ako sa sagot niya at naramdaman ko ang pagpatak ng luha ko. Lumalabo na siya sa paningin ko dahil sa luhang umaagos sa mga mata ko.

"Ah, okay. Ingat kayo sa pag-uwi ha?"paalala ko pa sa kanya.

"Thanks, Damien. Kita tayo bukas, ah? Bye."paalam niya at pinatay ko na ang tawag. Hindi ko na kasing kayang pigilan ang hikbi ko at marinig niya pa.

Halatang nagtaka pa siya kung bakit ko pinatay ang tawag na hindi na nagpapaalam pabalik sa kanya ngunit tinawag na siya ni Josiah saka sila sabay pumasok sa loob ng mall.

Ang hiling ko sa birthday ko ay maging masaya ang mga taong nasa paligid ko.

Gusto kong malaman kung si Josiah ba ang kaligayahan ni Caelian. Kasi kung Oo, handa naman akong ibigay ang kasiyahan niya kahit masaktan pa ako.