SUMAGI tuloy sa isip ko si Caelian. Kumain na kaya siya? Anong ulam niya kaya ngayon?
"Anak, paki hugas na ang mga gulay tapos ikaw naman Abram, tulungan mo akong ihanda ang mga gamit," narinig kong usal ni mom at sumunod kaming pareho magpinsan.
Hinuhugasan ko ang mga gulay at saktong may pumasok na ideya sa utak ko.
Binilisan ko ang paghuhugas ng gulay at nilagay sa lalagyanan pagktapos ay pinatong sa lamesa.
Lumapit ako kay mom na nagpapakulo na ngayon ng karne.
"Mom, pwede bang magtira ka po ng kaldereta mo at magluto ka po ng classic macaroni salad na paborito ko?" sambit ko kay mom na may malaking ngiti sa labi.
Nangunot ang noo ni mom, "Bakit naman? May pagbibigyan ka ba?"
Ngumiti ako sa kanya at hindi sumagot.
"Please, mom," parang batang usal ko.
"Naku! Alam ko na 'yan ,tita! Siguradong 'yong nililigawan niya ang pagbibigyan niya!" Pakikisingit ni Abram. Sinamaan ko siya ng tingin ngunit ngumisi lang siya sa akin.
"May nililigawan ka na? Bago 'yan anak, ah. Akala ko hindi ka na mag-gi-gilfriend katapos ni Heizelle," sambit ni mom at napakamot ako sa batok ko.
"Hindi ko po siya nililigawan, mom. Huwag mo pong pakinggan si Abram." Nakangiwi kong sabi at napatango-tango si mom.
"What is her name?" Biglang tanong ni mom at natigilan ako.
"C-Caelian," nauutal na sagot ko. "And I like her, mom." Pag-amin ko sa kanya at nakagat ko ang labi ko.
"Ah, kaya pala inaasar ka ni Abram," tango-tango na sabi niya at nagpatuloy sa pag luluto. "Kailan mo siya ipapakilala sa amin ng dad mo?" tanong niya at natuptop ako. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya iyon.
"Meet the parents na agad si Caelian?" narinig kong sabi ni Abram. "Tapos ikaw ano? Meet the fresh barena galing sa tatay niya? Ang sakit no'n!" pang-aasar ni Abram sabay tawa ng malakas.
Hindi ako nakatiis kaya kinuha ko ang chopping board para panghampas sa kanya ngunit mabilis siya at tumakbo, hindi ako nagpatalo kaya hinahol ko siya.
"Tama na ang asaran. Kumilos na kayong dalawa para makakain na tayo," seryosong sambit ni mom. Napatigil kami sa paghahabulan at bumalik sa pwesto namin saka tinuloy muli ang inutos sa amin na parang walang nangyari.
Nang matapos na ako sa inuutos sa akin ay lumayo ako kila mom at Abram. Pumunta akong sala saka nilabas ang cellphone ko para tawagan si Caelian.
Pagkalipas ng dalawang ring ay sinagot niya rin ito kaagad. Automatic na napangiti ako.
"Hello, Caelian!" bati ko sa kanya.
"Bakit ka napatawag?" diretsong tanong niya at dahan-dahan nawala ang ngiti ko.
Tumikhim muna ako bago nagsalita.
"Pwede ka ba ngayong araw?" tanong ko sa kanya. Umaasa naman ako na pwede siya. Gusto kong ipatikim sa kanya ang luto ni mom.
"Wala naman akong gagawing importante ngayong araw. Bakit?" sambit at tanong niya.
"Magkita tayo ng 7 p.m sa lumang building, may hinanda kasi si mom na pagkain at gusto kong patikim sayo," natutuwa at excited na sabi ko.
"Ah. okay, sige. See you later." Sagot ni Caelian sa akin.
"See you rin, bye." Paalam ko at pinatay na niya ang tawag.
Nakagat ko ang labi ko habang iniisip ang mangyayari mamaya. Makakasama ko si Caelian. Ramdam ko ang kasiyahan sa buong katawan ko.
"THANK you sa pagbisita, mom. Hayaan niyo kapag may free time ako, ako naman ang pupunta sa bahay," nakangiting sabi ko habang hawak ko ang bewang ni mama at bahagyang nakalagay ang ulo ko sa balikat niya.
Palabas na kami ng bahay ngayon at tapos na kami kumain.
"Kailan ka ba kasi babalik sa bahay? Tungkol pa rin ba ito sa dad mo?" diretsong tanong niya at halata ang lungkot sa boses ni mom.
Ngumiti ako at umiling bilang sagot.
"Hindi, mom. Naiintindihan ko naman kung bakit nagalit sa akin si Dad. But for now, all I can do is to make him proud of me. Maging proud siya na isang photographer ang anak niya," nakangiting sabi ko at inayos ang tumatakas na buhok ni mom saka tinago sa likod ng tenga niya. Magaan na ngumiti sa akin si mom at niyakap ako.
"I'm proud of you, son. Simula umpisa hanggang ngayon proud na proud ako sayo. Laging mong tatandaan na meron kang mom na susuporta sa lahat ng gusto mo," sambit niya at tinapik-tapik ang likod ko. I smiled because of what she said. I really love my mom...and my dad.
Nakarating na kami sa kotse niya at ako na ang nagbuksan ng pintuan sa driver seat.
"Take care, mom," usal ko nang pumasok na si mom sa loob ng sasakyan.
"I love you, son. Take care always." Paalam niya sa akin. Tumango ako at sinira ang pintuan. Kumaway ako bilang paalam at umandar na ang kotse ni Mom paalis.
KINUHA ko na ang pulang blanket na ginagamit namin kapag nagpi-picknik pagkatapos ay inilagay ko na rin doon ang basket kung saan nakalagay ang mga pagkain na hinanda ni mom.
Kinuha ko ang dalawang rosas at tinanggal iyon para ikalat sa paligid ng blanket—para romantic ng konti. At 'yong natirang tatlong rosas ay ibibigay ko kay Caelian mamaya.
Inilagay ko rin sa gitna ng blanket ang lampara na may disenyo para mas lalong maging espesyal dahil sa repleksyon nito na may disenyo na mga bulaklak.
Nang makuntento na ako sa pag-aayos ay tumayo ako at pinagmasdan ang lugar.
Wow. Ang ganda.
Sana magustuhan ni Caelian ang hinanda ko. Simpleng kainan lang naman ang pagyaya ko sa kanya ngunit napunta sa ganitong pangyayari. Hayaan mo na, gusto ko lang iparamdam na espesyal siya...sa akin.
"Hay. Ang sarap talaga ma-inlove," sambit ko at tumingala sa langit.
Tiningnan ko ang oras at 6:05 p.m na. Halos isang oras na lang ay darating na si Caelian.
Kinuha ko ang camera na nakasabit sa leeg ko at kumuha muna ng picture habang naghihintay.
Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nasa taas ka at kitang-kita mo ang nasa baba mo. Ang ganda ng iba't ibang ilaw mula sa baba at idagdag mo pa ang nakakamanghang kagandahan ng kalangitan.
Naglalakad lakad muna ako sa paligid at inaayos ang hinanda ko kapag hinahangin. Pagkatapos nong nangawit na ako kakalakad ay umupo na ako sa blanket at pinagmasdan ang tanawin na nasa harap ko.
Tiningnan ko ang oras at nakita kong 7:02 p.m na.
Malapit na siguro siya.
Subalit...
Tiningnan ko muli ang relo ko at 7:45 p.m na.
Easy ka lang, Damien. Baka na-traffic lang.
Huminga ako ng malalim at kinuha ang cellphone ko.
Tinawagan ko si Caelian ngunit hindi ko siya matawagan.
Nakaramdam ako ng kaba sa dibdib ko.
Bakit hindi ko inisip na baka mapahamak siya papunta rito? Madilim papunta sa lugar na 'to.
Napalunok ako at ramdam ko ang kabog ng dibdib ko sa kaba.
Sana ayos lang si Caelian.
Tinawagan ko si Kyrine at agad naman niya itong sinagot.
"S-Si Caelian nandiyan ba siya?" kabadong tanong ko sa kanya.
"Akala ko ba magkikita kayo?" balik na tanong niya at napakunot ang noo ko.
"W-Wala man siya rito," sagot ko sa kanya at hindi mapakali dahil baka napano na si Caelian.
Hindi nakasagot ang kabilang linya at sandaling natahimik siya. Sigurado na nag-aalala rin ito sa kaibigan niya.
"I'll end this call now. Hahanapin ko si Caelian." Nagmamadaling sabi ko ngunit napatigil ako nong magsalita pa siya.
"Wait!" Pigil niya sa akin. "Mukhang alam ko na kung bakit hindi ka niya sinipot diyan sa usapan niyo," seryosong sambit niya.
"Ha? Hindi kita maintindihan," naguguluhang usal ko sa kanya.
"Kanina tumawag si Josiah sa kanya, hindi ko alam pinag-usapan nila pero pagkatapos nila mag-usap, nagmamadaling umalis si Caelian. Sinigaw ko pa nga na nagmamakita kayo pero ewan ko lang kung narinig niya," sagot niya sa akin at hindi ko alam ang mararamdaman ko. Pakiramdam ko ay nabingi ako sa narinig kong sagot niya.
Isa lang ang pinaka malinaw sa nararamdaman ko ngayon, iyon ay ramdam ko ang paglukot at pag guhit ng sakit sa dibdib ko.
Nasasaktan ako.
"A-Ah ganon ba? Mabuti naman kung ganon. Salamat sa pagsabi sa akin, Kyrine." Pilit na pinapasaya at pinapaayos ang boses na sagot ko.
"T-Teka, ayos ka lang? Bakit nag-iba ang boses mo?" nag-aalalang tanong niya.
Napahawak ako sa pisngi ko at nalaman kong basa ng luha ang pisngi ko. Umiiyak na pala ako.
"Oo, a-ayos lang ako. Sumama kasi bigla ang lalamunan ko, magkakaubo pa yata ako," sagot ko.
"Sigurado ka? O sige, papatayin ko na 'to, bye." Paalam niya at saka pinatay na ang linya.
Nasaktan muli ako.
Umiyak na naman ako.
Why love can be this painful?
Gusto ko lang naman iparamdam ang nararamdaman ko pero ang palaging bumabalik sa akin ay mapait na sakit.