Chereads / Just Hold Onto Destiny's Grasp / Chapter 24 - Heart beat

Chapter 24 - Heart beat

PINAGMAMASDAN ko si Caelian na tinitingnan ang labas sa bintana kung saan nilalagpasan namin ang mga sasakyan at mga building. Nandito na kami ngayon sa isang bus, sumakay kami sa DAU terminal at halos twenty minutes na kaming nagbibiyahe papuntang Manila.

Wala akong pakialam kung maramdaman niya na tinititigan ko siya. Alam niya naman na gusto ko siya kaya bakit pa ako magnanakaw ng tingin kung pwede ko naman sulitin?

Gusto ko siya pero aaminin kong naiinis ako sa kanya.

"I like you," sambit ko sa kanya. Naramdaman ko ang kalabog ng dibdib ko. Gusto kong tumakbo palayo ngunit gusto ko rin marinig ang sagot niya.

Isang lang ang masasabi ko...kinakabahan ako.

Tiningnan ko siya sa mga mata niya para makita niya na sinsero ako sa sinasabi ko at binabalik niya rin ang bigat ng tingin sa akin. Nakakatunaw talaga ang tingin niya subalit hindi ito ang panahon para umiwas ng tingin. Kailangan kong labanan ang tingin niya.

"Caelian, sabi ko g-gusto kita," nauutal na usal ko sa kanya at ngumiti ng alinlangan.

Huminga siya ng malalim at sinandal ang likod niya sa upuan.

"Okay," maiksing sabi niya at nagulat naman ako sa naging sagot niya.

"Okay? Ayon na 'yon?" gulat at hindi makapaniwala na tanong ko.

Ngumiti siya sa akin at kinuha ang kape niya saka sumimsim.

"Oo," sambit niya sa akin at mahinang tumawa.

Lumapit ako ng konti sa kanya at kinalabit siya.

"Caelian, seryoso ako sa sinasabi ko kanina. Hindi ako nagbibiro," sambit ko sa kanya.

"Seryoso rin naman ako," usal niya saka dahan dahan lumingon sa akin. "Gusto mo magseryosohan tayo?" tanong niya sa seryosong tono at napalunok naman ako.

"Ano ka ba! Seryoso nga kasi ako. Huwag mo dinadaan sa biro ang pag-confess ko ah, hindi mo alam kung ilang beses na kumabog ang puso ko sa kaba!" usal ko sa kanya.

"Weh?" sambit niya habang nakataas ang kilay. Naalarma ako nong gumalaw siya sa puwesto niya at humarap sa akin. "Ngayon, bilangan mo kung ilang beses titibok ang puso mo," seryosong sambit niya at unting-unting lumapit sa akin.

Napalunok ako ng matindi. Naramdaman ko muli ang pagkalabog ng puso ko.

Dahan-dahan akong lumayo sa kanya at patuloy naman siyang lumalapit sa akin.

Seryoso siya nakatingin sa mga mata ko at pakiramdam ko ay nauubusan ako ng hininga.

Naramdaman ko na seat handle sa gilid ko kaya alam ko ng wala na akong ilalayo pa.

Ngunit hindi siya nagpatigil kaya ang ulo ko ang inilayo ko sa kanya. Mabuti na lang ay nasa bandang dulo kami ng bus kaya hindi kami nakakaagaw ng atensyon.

"Ano nabilang mo ba?" tanong ni Caelian sa akin ngunit hindi pa siya lumalayo sa akin.

"One hundred twenty nine," mabilis na sagot ko.

Ngumisi siya nang marinig ang sagot ko, "Totoo bang gusto mo lang ako? Bakit pang-inlove na 'yang heart rate mo?"

Natigilan naman ako sa sinabi niya at ako na mismo tumulak sa kanya palayo sa akin.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan? Dami mong alam," sagot ko sa kanya at inaayos ang damit kong nalukot.

Tawa-tawa naman niya akong pinagmasdan at umayos ng upo saka muling tumingin sa labas ng bintana.

"Did you know… when lovers are together, their hearts beat at the same time?" biglang sambit niya sa akin habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Really? Pwede 'yon?" namamangha na tanong ko.

Lumingon siya sa akin at maliit na ngumiti.

"Yes, it's possible," sagot niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at nag-search tungkol doon. Nalaman ko na totoo ang sinabi ni Caelian at dahil natutuwa akong magbasa ng mga facts ay pinagpatuloy ko ang pagbabasa.

Halos dalawang oras kaming nag-stay sa loob ng bus dahil sa sobrang traffic sa Edsa pagkatapos ay sumakay kami ng jeep para makapunta na mismo sa lugar ng event.

"Damien, totoo ba talagang pupunta ako sa booksigning event ng favorite author ko?" tanong niya sa akin na may malaking ngiti sa kabi. Halatang tuwang-tuwa siya.

Napangiti ako sa nakikita kong reaksyon ng mukha niya. Sanay ako na seryoso siya at minsan lang ngumiti, ngunit ngayon kitang-kita ko ang isang Caelian na sobrang saya at excited na makita ang paborito niyang manunulat. Kaya natutuwa rin ako.

"Oo, nandito na nga tayo, e. A-attend tayo sa booksigning event ng paboritong author mo," nakangiting sagot ko at nakikihati sa sayang nararamdaman niya.

"Woah. Totoo nga talaga. Hindi ako nanaginip," sambit niya. Hindi pa rin siya makapaniwala.

Pumasok na kami at binigay ang ticket namin sa babaeng staff. May isang lalaking staff naman ang umalalay sa amin papunta sa hall kung saan gaganapin ang booksigning event.

Sumalubong sa amin ang iba't ibang uri ng tao; babae, lalaki, binata, dalaga, at matatanda. Idagdag pa ang mga round table at chairs na maganda ang pagkakaayos, tapos sa harap ay may stage at meron ding table saka isang chair, mukhang do'n uupo ang dahilan ng event na 'to.

Halata na exclusive ang event na ito dahil nabibilang ko lang ang mga tao at mga staff. Sa lahat ng taong nandito ay kaparehong-kapareho ang reaksyon nila kay Caelian, excited at masaya sila.

"Sir and maam, this way po," sambit ng staff, pinaupo niya kami sa gitna at pinaka harap.

"Thank you," sambit ko sa staff at isang ngiti ang binigay niya sa akin bago umalis.

"Damien, dala mo ba ang DSLR mo?" hindi mapunit-punit ang ngiti ni Caelian.

Ang klase ng ngiti ni Caelian, ito 'yong hindi mo pagsasawaan titigan. Ang ganda kasi ng ngiti niya at nakakatunaw.

Binalik ko ang ngiti niya at tumango.

"Oo, dala ko. Bakit gusto mo picture-an kita?" tanong ko sa kanya.

"P-Pwede?" nahihiya na sabi niya.

"Of course!" sagot ko sa kanya at mas lumawak ang ngiti niya.

"Good evening ladies and gentlemen, I annouce to all of you that the reason of this wonderful event has finally arrived," sambit ng emcee sa harap at naagaw niya ang atensyon naming. "Can I request everyone to stand up?" usal ng emcee at tumayo naman kami.

"Let's welcome our lady...Miss Heizelle Moralez! Please give her a round of applause!" At nagpalakpakan ang tao sa loob ng hall maging si Caelian subalit natigilan naman ako sa kinatatayuan ko.