Chapter 25 - Hope

Dahan-dahan ang nagbukas ang double door na nasa gitna ng hall. Lahat kami ay nakatingin do'n at inaabangan ang taong rason ng okasyon na 'to.

Unang lumabas ang dalawang lalaki na mukhang body guard at kasunod nila ang isang babae na nakasuot ng navy and silver peplum dress. Kung maglakad siya ay napakahinhin at parang alam niya kung ano dapat ang sukat ng lakad niya dahil pinag-aralan niya 'yon at naging parte na ng galaw ng katawan niya.

"Ang ganda talaga ni Miss Heize," narinig kong bulong ng kasama namin sa table.

"Oo nga, ang swerte talaga ng boyfriend niya sa kanya," pagsang-ayon naman ng kasama niya sa kanya.

"Alam mo sa tingin ko maganda naman lovelife ni Miss Heize pero bakit kaya ang sakit ng mga kuwento niya, 'no?" tanong bigla ng babae sa kasama. Hindi ko sila tinitingnan, naka-focus lang ako kay Heizelle na nakangiti at kumakaway sa mga fans niya.

"Ewan ko nga rin, e. Pero balita ko dahil daw yon sa—wait lang. Kukuhanan ko lang picture si Miss Heize, pang-instagram story ko." At hindi ko na sila narinig mag-usap pa.

So, tragic writer din pala siya? Walang duda, kaya pala gusto siya ni Caelian. Mahilig manakit ng mga mambabasa nila at ng taong nagmamahal sa kanila.

"Damien," napakurap ako nang may tumawag sa akin—si Caelian. "Pila na tayo, magpipirma na raw," usal niya ngunit hindi pa nagpoproseso ang utak ko kaya bumuntong-hininga siya at hinila ako. Naramdaman kong may tumingin sa gawi ko ngunit hindi ako lumingon sa gawi niya.

May dalawang nauuna sa amin at kahit naman hindi ako fan ni Heizelle ay bumili rin ako ng book dahil nakakapagtaka naman na pumunta ako sa isang booksigning event na hindi ako magpapapirma sa author.

Sumunod na si Caelian at ngumiti siya sa akin na parang sinasabing, 'kuhanan mo kami ng picture ha?'.

Lumapit na siya kay Heizelle at binigay ang libro niya.

"H-Hello po, Miss Heize," nahihiyang bati ni Caelian at natawa naman ng mahina si Heizelle saka binuksan ang libro.

"Huwag kang mahiya sa akin. What is your name, miss?" tanong ni Heizelle.

"C-Caelian po," sagot niya at nakita kong natigilan si Heizelle saka siya dahan-dahan tumingin sa puwesto ko. "Sa totoo lang po niyan fan niyo na po talaga ako since 2016 po. Nagbabasa na po talaga ako ng mga gawa nyo..." kuwento ni Caelian ngunit hindi ko na narinig ang iba. Nakatingin kami ni Heizelle sa isa't isa at sa tinginan namin na iyon ay para bang nag-uusap kami.

"Talaga ba? Wow naman. Hindi ko alam na may matagal na akong fan," natutuwang usal ni Heizelle.

Natapos na si Caelian at ako naman ang sumunod.

"Gusto mo kuhanan ko kayo ng picture?" inosenteng tanong sa akin ni Caelian. Ngumiti ako sa kanya.

"No, its okay. Umupo ka na doon. Susunod ako," tumango siya sa akin at bumaba ng stage saka bumalik sa upuan namin.

Lumapit ako kay Heizelle at binigay ang libro.

"New fan?" nakangising tanong niya, nang-aasar.

"Maybe?" maiksing sagot ko.

Pinirmahan niya ang libro ko at binigay sa akin.

"Ah, Damien, can I talk to you in private?" untag niya at tinitigan ko naman siya, iniisip kung anong isasagot ko.

"Okay, sure," sagot ko at ngumiti ng maliit pagkatapos ay tumalikod na ako at umalis.

"Damien, pwedeng patingin ng picture namin ni Miss Heize?" excited na sabi ni Caelian at hindi ko mapigilan na matuwa sa kilos niya.

"Here," usal ko at binigay ang camera ko sa kanya.

Natapos na ang event at masasabi ko na naging maganda ang naging daloy nito at madaming natuwang fans. Nagsisilabasan na ang iba habang ako naman ay hinihintay si Caelian dahil nagbanyo siya.

"Hello sir, ikaw po ba si Damien?" tanong ng isang lalaki, ito ang lalaking nag-assist sa amin kanina.

"Yes, ako nga po," magalang na sagot ko.

"Gusto ka po raw kausapin ni Miss Heizelle, sumunod po kayo sa akin," sambit nito sa marahan at magalang na boses.

"Okay, susunod ako," sagot ko at saktong naglalakad palapit sa amin si Caelian.

"Oh. Anong meron?" nagtatakang tanong niya.

"May kakausapin lang ako saglit, hintayin mo muna ako sa labas, okay?" usal ko sa kanya.

"Okay?" nagugulahan pa rin na sambit niya ngunit wala siyang magawa kundi sumunod na lang. Lumabas na siya habang ako naman ay sumunod na sa lalaki.

Pumunta kami sa isang room, maganda ito sa simpleng paraan. May sofa, table, maliit na book shelf at flat screen TV. Nakaupo sa mahabang sofa si Heizelle habang diretso ang tingin sa akin.

"Maiiwan ko na po kayo," sambit ng lalaking staff at sinira na ang pintuan.

"Take your seat," usal niya pagkalipas ng ilang sandali.

Napabuntong-hininga ako.

"Kung may sasabihin ka, sabihin mo na, dahil may naghihintay sa akin sa labas," seryosong sambit ko.

Nameke siya ng mahinang tawa.

"Siya ba 'yong Caelian na akala mo ako nong tumawag ako sayo?" untag ni Heizelle sa akin.

"Yes," sagot ko na nakatingin sa mga mata niya.

Tumawa siya sa sinabi ko kahit hindi nakakatawa.

"You like her?" she asked me but I just stared at her. Pinaparating sa tingin ang sagot ko. "Impossible. How can you like someone when you still into me? Am I right?"

"I do really like her," I answered her. Natigilan siya sa sagot ko.

"W-What?" pag-uulit niya pa.

"I already answer your question. I'm leaving." paalam at pagtatapos ko sa usapan namin.

"Where are you going? Hindi pa tayo tapos mag-usap," sambit niya at napatigil ako sa pag-alis.

"Two years ago. Tapos na lahat sa atin, Heizelle." Sagot ko sa kanya at napaawang labi niya. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para lumabas na.

"Saan ka ba pumunta? Bakit ang tagal mo?" tanong ni Caelian sa akin sa banas na tono. Nawala ang lungkot na nararamdaman ko kanina lang at napalitan ito ng tawa.

"Wala pa tayong relasyon, pero kung makatanong ka parang kang tigreng girlfriend ko dahil hindi ako sumipot sa tamang oras," natatawang sambit ko ngunit seryoso pa rin siya. Napatikhim tuloy ako at inayos ang damit ko. "Halika, umuwi na tayo," anyaya ko sa kanya.

HALOS alas nuwebe ng gabi na kami nakarating ng Pampanga. Hinatid ko si Caelian sa bahay nila at nandito kami ngayon sa harap ng gate nila.

"Thank you sa pagsama sa akin, Damien. I really appreciate you. Sa susunod ulit."Lakas loob na sabi niya at sabay kaming natawa.

Tumahimik kami at sabay kaming tumingala sa langit.

"Alam mo napapansin ko habang tumatanda ako, kumukonti at nawawala na ang butuin sa kalangitan," sambit niya at halata ang lungkot sa boses niya.

"Oo nga, kung dati hindi ko sila mabilang, ngayon, wala na akong mabilang," sagot ko sa kanya.

Inalis ko ang tingin ko sa kalangitan at inilipat kay Caelian. Nakatingala siya at pinagmamasdan ang kalangitan na purong itim lang.

Ipinatong ko ang kanang kamay ko sa bandang puso ko.

My heart is beating so fast again.

Naramdaman yata ni Caelian na tinitingnan ko siya kaya lumingon siya sa gawi ko.

"Masakit ang dibdib mo?" marahan na tanong niya at may pag-aalala.

"Caelian, masakit man sabihin pero alam kong hindi sabay ang tibok ng puso natin ngayon," mapait na sabi ko sa kanya at natigilan siya.

"Pero, umaasa ako na balang araw, magiging isa rin ang ritmo ng puso nating dalawa," may maliit na ngiti sa labi na usal ko.