Chereads / Kakaibabe / Chapter 25 - 25 Rufina

Chapter 25 - 25 Rufina

Habang nagluluto ng Bulalo si Kimmy ay gumagawa ito ng sawsawang patis. Ngunit para hindi na makagulo pa sa magiging kasaysayan ng pagkain sa pilipinas ay inilihim lang nito ang paggawa ng patis at ekslusibo lang ito para sa kanya.

Nagpapitas din ito ng mga gulay na sariling tanim niya sa kanyang bakuran at ipinahiwa sa mga tapat na alipin ng Pinuno sa kanyang kusina.

Nakapagluto ito ng mabilis ng mga magaganda at mababangong mga ulam. Ang kanin ay may dahon ng Pandan na halos ikasuka ni Adlaw habang naaamoy sa sala na ikinatatakam naman ng iba. Ang dahon ng pandan ang kahinaan nito, mabuti nalang ay mas malakas na ang pangangatawan nito mula nang tumigil ito sa pambabarang.

Nakapaghain ito ng limang putahe sa maikling panahon at sa pamamagitan ng mga banga na panluto ay agad na lumalambot ang mga karne. Inihain nila ang chopsuey, kare kareng hipon at talaba, Bopis, Bulalo at panghuli ang panghimagas ang maja blanca.

Namangha ang lahat sa mga kakaibang putaheng niluto niya. Inihapag din ni Antonia ang kanyang Sinigang at namangha din sila sa kakaibang itsura din nito.

Tuwang tuwa si Antonia sa kalooban nito dahil malapit ng mapahiya si Kimmy sa lahat.

Napansin ni Ramses ang abnormal na ngiti ni Antonia. "Antonia, maupo ka at sumabay sa amin." pag anyaya nito sa babae na umupo.

Umupo si Antonia sa tabi ni Adlaw kaharap ang dayuhang may kapogian ngunit mainitin ang ulo. Nginitian niya ito at nginitian din siya ng pekeng ngiti ito.

Habang sila ay nakaupo si Kimmy ay nanatiling nakatayo para obserbahan ang lahat at para makaiwas sa nangangamoy na gulo. Akmang pauupuin ito ni Ramses ng pigilin nya ito gamit ng kanyang hand signal.

Nakita ng Ama ni Ramses ang ginawa nito at namangha sa pagkapropesyonal ni Kimmy habang dismayado naman ito sa ikinikilos ni Antonia.

"Tikman na ninyo ang aming inihanda para sa inyo mga kaibigan." pag anyaya ulit ni Ramses sa mga bisita niya na magsimula ng kumain.

"Por favor Ayudense ustedes mismos." sabi ng translator na nakatayo sa tabi ng mga alipin.

Nagsimulang kumain ang lahat at unang tinikman ng lahat ang Sinigang ni Antonia dahil mas mukha itong masarap sa lahat.

"Delicioso!" sabi ng lider ng dayuhan at tumango ang isapang dayuhan.

Dahil dito tinikman nila ito, hindi umimik si Ramses,Enzo at ang dayuhang pogi.

Habang tumango naman ang Ama at si Adlaw dito.

Natuwa naman si Antonia sa reaksyon nila at abot langit ang ngiti nito. Mas natuwa pa ito ng makitang ang sunod nilang titikman ay ang Bulalo ni Kimmy.

Dahil Malaking buto ito na may utak sa loob na parang mga bulkan na nakababad sa dagat. Hindi nila alam kung pano nila ito kakainin at sisimulan. Kaya't kumuha ng wooden spoon at fork na personal na imbento ni Enzo para sa Pinuno noon at ipinakita ni Kimmy ang madaling pagkuha ng laman ng baka saalaking buto dahil malambot ito tsaka isinawsaw sa patis na may calamansi at konting sili ng labuyo. Inilagay niya ito sa plato ni Ramses.

Nakita ng lahat ang pamamaraan nito kaya't sinubukan nilang lahat.

Nang tinikman nila ito ay bigla silang napahinto ngunit patuloy ang pagnguya at pagnamnam sa karne.

"Plato Celestial!" masayang sigaw ng dayuhang lider sa kanila.

Ang abot langit na ngiti ni Antonia ay bumagsak sa impyerno. "Anong nangyari?" tanong nito na narinig ng lahat.

Napatingin sila sa kanya at nagtaka sa reaksyon niya.

"Bakit Ginang? May dapat bang mangyari?" tanong ni Kimmy kay Antonia ng may nakakalokong ngiti. Tama. Ang pinaka magandang ganti ay ang mabigo ang kalaban na ibagsak ka.

"A.a.a. wala naman. Ibig kong sabihin ay napakasarap ng luto mo, panong nangyari." palusot ni Antonia na may halong kaba sa masamang tingin ni Ramses at ng Ama nito sa kanya.

"Delicioso." sabi ng poging dayuhan na mainitin ang ulo habang nakatitig kay Kimmy.

Nginitian lang ito ng matabang ni Kimmy.

"Sheng ena, Bet pe nya yete aketch." bulong ni Kimmy habang nakangiti ang mukha nito at hindi gumagalaw ang mga labi niya.

Biglang nasamid si Enzo at natawa sa bulong ni Kimmy na narinig niya dahil nasa bandang likuran niya lamang ito nakatayo.

Napatingin si Antonia kay Enzo at biglang nagulat ito na halos hindi na ito makapagsalita. Ngayon niya lamang napansin na si Lorenzong maitim noong bata pa sila ay makinis at maputi na ngayon at kamukhang kamukha siya ni Enzo sa modernong panahon, ang taong halos kabaliwan niya sa pagmamahal at isinakripisyo ang tanging kaibigan para maagaw lang siya.

Napansin lahat ni Ramses ang ikinilos nila kahit hindi ito nakatitig sakanila. "Binibining Katarina, pakiusap." itinuro ni Ramses ang bulalo nito. Gusto niyang ipanghimay niya ulit ito.

"Para sa Pinuno." lumapit si Kimmy at pinag hihiwa niya ng baka ang Pinuno. Pinanghiwa, Pinangsawsaw at Pinasubo.

"Anong klase itong sawsawan?" tanong ni Ramses.

"Asin lang yan, Sa likidong anyo." sagot ni Kimmy na iniiwasang magambala ang orihinal na Patisera. Hindi nito sinabi ang iba pang sangkap at kailangan.

"Pano mo ito natutunan?" Tanong ni Ramses.

"Sa isang Diyosa sa aking panaginip." sagot ni Kimmy na itinatago ang totoo dahil baka mapagkamalan itong Demonyo o nahihibang.

"Sinong Diyosa?" tanong ng Ama ni Ramses. Sikat ang mga Diyosa, Engkantada at mga Anu anong elemento pa sa kanilang panahon. Ang mga ito ay may malakas na impact sa mga tao, bagay na nakalimutan ni Kimmy. Ang mga tao noon ay mapamahiin at kaya nitong makasira at makapagpayaman ng tao.

"Si Rufina. Ang Dyosang si Rufina." sagot ni Kimmy.

Natawa si Enzo at tuluyan ng nabulunan. Dinugdog niya ng bahagya ang kanyang dibdib bago nakahinga ng maayos. Natawa ito sa mabilis nitong paggawa ng mga kwentong palusot.

Nagdilim ang paligid ni Ramses sa ginagawa ng dalawa sa harapan niya.

Nagtataka ang mga dayuhan sa pinag uusapan nila kaya't minabuti ng translator na ikwento sa kanila ang pag uusap.

"Kumain na muna tayo bago ang lahat." sabi ng Ama ni Ramses na nag alala sa pagkabulunan ni Enzo dahil sa pangalan ng Diyosa. Bakit kaya?

Itinuloy nila ang pagkain hanggang maubos lahat ng inihanda ni Kimmy habang ang sinigang ni Antonia ay minsan lang tinikman.

"Kumusta?" tinanong ni Kimmy ang Pinuno kung kumusta ang mga niluto nito. Nais niya ng awards syempre. Nag effort ito habang sinasabutahe mahirap ang ginawa nitong pag iingat. Ang paglalagay niya ng dinurog na bawang imbis na ilagay ang mga bawang na hiniwa ni Antonia.

"Antonia." tawag ni Ramses sa babae.

Nagulat si Antonia sa tawag ni Ramses kaya't napatayo ito. "Pinuno."

"Masarap ang iniluto mo ngayon. Ikaw ang tatanggap ng pabuya." pagdeklara ni Ramses na dinig ng lahat habang na translate naman ng lalaki ang bawat sabihin niya.

Nagulat ang lahat sa desisyon nito. Halata naman na naging bias ito dahil si Antonia ay isa sa babae niya.

"Huh? Bat ganon?" nagtatakang tanong ni Kimmy. Hindi ito makapaniwala sa pagka bias ni Ramses pero hindi na big deal iyon sa kanya.

"Hahaha. Maraming salamat Pinuno." pagpapasalamat ni Antonia kay Ramses.