Chapter 25 - Nag RING ang aking telepono!

Isang araw nakatanggap ako ng tawag sa telepono galing ibang bansa. Sinagot ko 'yon at nagpakilalang si Randy ang kausap ko. Sinabi n'ya noon na nakuha na n'ya ang natirang sahod ko sa agency at pinadala na n'ya daw 'yon sa acount ni Edna sa pamamagitan ng money transfer. Sinabi n'ya din sa'kin na kinuha n'ya ang butal para pangkain n'ya. Walang problema 'pre basta ikaw! Bigkas ko sa kanya at nagpasalamat din ako sa kanya ng marami.

Noong andon pa ako sa Macau, nakapagusap din kami ni Randy na kapag umuwi s'ya sa pinas, papasyalan n'ya daw ako dito sa Batangas. Naging plano namin 'yon pero hindi ito naganap.

Tenext din ako ni Marimar noong nandito na ako sa pinas. Sinabi n'ya noon sa'kin na bumalik na ulit si kuya Biong sa Macau. Pinapabalik n'ya din ako doon dahil marami daw aplayan na trabaho sa City of Dreams na dati kong pinagga-gwardyahan. Malapit na daw itong matapos at kailangan nila ng man power para sa pagbubukas nito. Sinabi ko noon na susubukan ko dahil wala pa akong budget para sa pagpunta ko doon.

Noong ilang araw bago ako umuwi sa pinas. Nakatanggap din ako ng tawag buhat sa agency na inaplayan ko noon ang Macau Ferry Agency. Pinapunta ako noon para sa interview ko sa nasabing araw.Naalala ko noon ang sinabi sa'kin nila kuya joseph na, aabutin ako ng siyam-siyam sa paghihintay ng tawag sa agency. Wrong timing talaga ang tawag na iyon sa'kin dahil nakakuha na'ku ng plane ticket at ilang araw na lang paalis na'ku. Nabanggit ko sa kanila noon na, tinawagan na'ku ng agency na iniwanan ko ng resume noon. Sinabi sa'kin nila noon na, kung pupunta ka doon ay maghihintay ka ulit ng matagal pagkatapos mong mainterview. Nag-isip ako noon at nagkaroon ng pagaalinlangan. Naisip ko rin na kapag tumagal pa ako doon baka maubos na ang pera ko at ang ticket ko sa eroplano ay mawawalang bisa maliban nalang kung ipaparebook ko. At tiyak na magiging T.N.T na din ako noon dahil wala na akong visa.

Pinagisipan ko iyon ng makailang ulit! At nakapagdesisyon ako na hindi na pumunta pa sa aking interview sa nasabibg araw. Although, nanghihinayang din ako sa pwedeng mangyari pa sa'kin doon at sa magiging bagong trabaho na ibibigay nila sa'kin. Nagkaroon ako ng dilemma noon.

Makalipas ang ilang buwan ko dito sa 'pinas, nagapply ako sa pabrika ng Nestle Phi. dito lang din sa Lipa City. Natanggap ako noon bilang contractual at natapos ko ang kontrata ko ng anim na buwan. Nakuha ko din noon ang backpay ko makalipas ang ilang buwan at ang aking C.O.E o certificate of employment.

Bago kami maendo noon, nagorganisa pa kami ng paouting ng mga katrabaho ko. At ako ang gumanap bilang punong abala. Ang iba kong mga kasamang babae ay nagsolicit pa sa mga regular sa kompanya o matatagal na doon. Nakalikom pa kami ng pera noong pandagdag sa'ming outing.

Naging masaya noon ang aming outing sa Enchanted Cumba, over night 'yon. Sinama ko din ang aking pamilya at si pareng Barci ay sumunod nalang sa'min ng bandang ala una na ng madaling araw. Dumating s'ya noon na may inom na kasama ang isang pinsan n'ya. Hindi na sila noon pinagbayad pa sa entrance ng resort dahil wala ng nagbabantay pa. Hehehe. Nagawa pa n'ya noong magswiming sa napakalamig na tubig ng pool. Nakapaginuman pa din kami noon kasama ang ilan pang katrabaho ko na game pa. Iyon ang huling araw ko sa mga naging katrabaho ko noon sa Nestle. Naging masaya ako noon maging sila din.

Lumipas ang ilang buwan, nagdesisyon ako noon na bumalik sa paggugupit. Nagapply ako sa ilang pagupitan at mga salon dito sa lipa.