"Ali, kamusta kayo ni Tita Alicia?" si Aryesa, nasa kabilang linya.
"Maayos naman kami ni Mama, yesa." sagot ko dito.
"Maayos? As in may tinutuluyan na kayo? San kayo lumipat? Malapit lang ba sa school? O medyo malapit dito sa subdivision?" tanong muli nito.
"Malayo Aryesa. Sabi din ni Mama na lilipat ako ng eskwelahan." malungkot ako doon. Pero alam ko naman na iyon ang mas best para sa akin. Ayaw lang ni Mama na mapalapit muli ako sa gulo na pwedeng idulot ng mga Hermosa.
Isang linggo lang bago namatay ang Daddy ay nilibing na din ito. Hindi kami hinayaan ng mga Hermosa na makatungtong ng mansyon nila, kung saan binurol si Daddy, at nung nilibing si Daddy ay kung hindi lang dahil kay Yuan ay hindi ko masisilayan sa huling sandali ang aking ama.
Sa kaparehas na araw na din na iyon ay pinalayas kami ng mga nakakatandang Hermosa sa bahay na aking kinalakihan. Pinahiya kami ni Donya Minerva at Margarita sa harapan ng ibang tao na Kabet ang aking ina.
Lumipat kami ng maynila ni Mama. Ang aming nilipatan ay isang condo unit dito sa may Vito Cruz na malapit sa paglilipatan kong eskwelahan. To my surprise, ang condo unit na ito ay nakapangalan sa akin! Ang sabi ni Mama, ito ang regalo sa akin ni Daddy nung nag 18th birthday ako. Hindi niya sa akin sinabi dahil hindi niya daw nais na pumunta ako ng maynila. Too late, dahil nakarating na rin naman ako dahil kay Yuan. Speaking of Yuan, kamusta na kaya ito?
May ipinakita din sa aking bank account si Mama. Nagulat muli ako dahil may sampung milyon na nakalagay sa ilalim ng pangalan ko!
"Si Philip ang may nais niyan anak. Kasabay niyang binigay itong susi at papeles ng unit na 'to pati iyan. Nais niya daw na maisecure ang future mo anak." nangilid ang luha ko dahil doon. Ito siguro ang pinag-usapan ni Mama at Daddy noong narinig ko silang nag-uusap kasabay ng pagkakarinig ko na hindi talaga ako tunay na anak ni Daddy.
"Bukas na bukas din anak, mag enroll ka sa Westridge para sa susunod na semester. Kinausap ko na si Caloy para ipakiusap na bigyan ka ng special exam para maipasa mo iyong mga subject mo sa semester na ito, pero ang sabi matataas daw ang mga grado mo nung kalahati pa lang ng semester kaya pwedeng hindi kana mag-exam. Ipapadala niya ang mga papeles mo galing sa dati mong eskwela diretso na sa westridge." so totoo na talaga, dito na ako mag-aaral. Eto na ang bago kong buhay. Walang Daddy, walang Aryesa, walang Yuan.
-
Kinabukasan ay nagpunta nga ako sa Westridge University. Isang buwan pa bago matapos ang klase, pero ngayon ay tumatanggap na nga sila para sa mga estudyante para sa susunod na pasukan.
"Martina, Agatha Liondra" tawag sakin sa registrar. "Sayo yung mga files na dumating kanina lang. Ipagpapatuloy mo ba ang kurso mo o magshift ka?" tanong ng babae.
"Pag pinagpatuloy ko po ba eh 2nd year, second sem pa din po ako? Wala po akong maiiwan?" balik tanong ko dito.
"Wala naman, in fact may advance subject ka pang nakuha na dapat eh sa 3rd year second semester pa. So itutuloy mo pa?" tiningnan ko ang pre-requisite form na binigay sakin. Halos lahat nga eh kaparehas lang na subject ko doon sa dati kong school at dito.
"Opo. Itutuloy ko po." at ngumiti ako dito.
"Okay pasok ka dun sa pintong iyon para mapicturan ka at magawan ka ng ID." ngumiti din ito at sinunod ko ang sinabi.
-
"BS Business Administration major in Finance, Martina, Agatha Liondra. Here's your schedule." ngumiti ako dito at nagpasalamat. Months has been past, wala namang bago. Kung hindi ako nasa convenience store malapit sa condo ay nakakulong lang ako sa bahay, wala naman kasi akong kakilala dito sa manila, kung may close friend man ako, si Aryesa lang iyon. At dahil wala si Aryesa, pakiramdam ko nareset ang buhay ko.
Naglalakad na ko para hanapin ang room ko. Hindi naman kasi ako nakapaggala noon dito nung nag-enroll ako dahil wala naman akong kasama.
College of Arts and Sciences, Flr 1, rm.8 yan yung nakasulat sa first class ko today. Hindi pa man ako nakakalayo sa kinatatayuan ko eh may nakabangga na sa akin. Nahulog ang papel at ang back pack ko na sa isang braso ko lang nakasukbit.
"Sorry." sabay naming sambit. Pinulot ko na ang gamit ko para makahanap ko na ang susunod kong klase. Nang tumunghay ako ay tumingin ako sa lalaking nakabungo sa akin na mariing nakatingin lang sa akin. Anong problema nito?
"Ahm..sige po aalis na ako." pagpapaalam ko pero bago pa ako makalampas sa kanya ay agad niyang hinawakan ang braso ko. Napabalik-tingin muli tuloy ako sa kanya.
"Xander. Xander Alonzo. And you are?" hawak niya pa din ang braso ko habang nagpapakilala siya, wala tuloy akong magawa kundi sumagot na lang sa kanya.
"A-ali po." nag-aalinlangan kong sagot Nakatingin lang siya sakin ng mariin, parang kinakabisado ang bawat sulok ng mukha ko. Ang creepy!
"Xander!!!" may lalaking tumawag dito. Napatingin kami pareho sa lalaking tumawag sa kanya. Napabalik tingin ako sa lalaking may hawak sa braso ko at magkamukha sila! "Uy, bago mong chi--" napatigil din siya sa pagsasalita ng matitigan niya din ang mukha ko! Para silang tanga ngayon na nakatingin sakin!
"Gago ka Xavier! Nambababae ka nanaman! Sino nanaman yang nilalandi mo ha!" may isang babae din na patungo sa direksyon namin at nagsisisigaw! Dahil doon ay napaluwag ang hawak sa akin ng lalaking Xander ang pangalan kung kaya naman ginamit ko itong rason para tumakbo at lumayo sa kanila.
Medyo malayo na ako sa kanila pero tumatakbo pa din ako, dahilan kung bakit may nabunggo muli ako! Bakit ba ang malas ko ngayon?
"Naku, pasensya na po." pinulot ko yung notebook na hawak ng lalaking nabunggo ko at inabot dito. Mabuti na lang at nakasukbit na sa likod ko ang bag ko at hawak kong maigi ang schedule ko.
"Ali?" tawag nito sa pangalan ko. Naguguluhan akong tumitig dito. "Agatha Liondra Martina. Ikaw nga Ali!" nakangiting pahayag ng lalaki. Okay? Ang creepy na talaga!
"Ahm..? Kilala ba kita? Pano mo ko nakilala?" sunod-sunod kong tanong dito.
"First, Oo kilala mo ko. Second, iyang ID mo, nabasa ko ang pangalan mo at kilala mo ko elementary pa lang." nakangiting pa din ang lalaki sakin, pilit kong inaalala kung sino ba itong lalaking ito.
"Greg Roman Turillo, Ali." pagkabanggit na pagkabanggit niya ng pangalan niya ay napaatras ako! Hala! Bakit nandito ang damuho na ito?! Of all the school here in manila, dito pa talaga?! Umatras ulit ako pero lumalapit itong si Greg!
"Sandali! Bubullyhin mo nanaman ba ako?!" medyo mataas ang boses ko sa pagkakasabi dito.
"No! Hindi, hindi na ako ganun! I already learned my lesson a few years ago." sinserong sagot nito. Kumalma naman ako dahil doon. "So? Dito ka talaga mag-aaral?" well, obvious naman, tumango ako dito.
"Uhm..baka pwede mo akong tulungan kung saang lugar ito?" sabay bigay ko sa kanya ng schedule ko na nasa papel. Sigurado naman na matagal na ito dito dahil ahead ito sa akin ng isang taon.
"Uy! BSBA Finance, 2nd year 2nd semester" sambit nito sabay kuha ng papel na kagaya ng sa akin sa kanyang bulsa. "Wow! Mukhang, hindi ka mahihirapan dito Ali! Classmates tayo!" nakangiting sabi nito.
"Classmate? Di ba ahead--" pinutol ako ni Greg sa pagsasalita.
"Napatigil ako ng isang taon sa high school noon dahil pinatalsik ako ng Daddy mo. Hindi mo naman sinabing si Don Pelipe pala ang Tatay mo! Nako!" napayuko ako dahil doon.
"Pasensya na nga pala ha, dahil sakin napaalis ka pa noon." malungkot na sabi ko.
"Ayos lang iyon! Ano ka ba, dapat nga magpasalamat ako sayo kasi dahil sayo, naputol ang sungay ko. Tama nga si Palaka noon. Ikaw ang puputol ng sungay ko." sabay hagalpak nito ng tawa.
"Palaka? Sinong palaka?" nagtatakang tanong ko dito.
"Edi yung best friend mong madaldal. Si Aryesang pangit?" sagot nito at lalong kinahagalpak ng tawa nito.
"Alam mo, loko ka pa din. Tara na nga, saan ba ang room natin?" natawa na lang din ako dahil doon, hindi dahil sa pangungutya niya sa walang muwang kong kaibigan, kung hindi dahil sa hanggang ngayon hindi nawala ang pagiging loko nitong si Greg.
Mukhang magiging okay naman ako dito.