Chereads / Anxious Heart / Chapter 17 - Kabanata 15

Chapter 17 - Kabanata 15

Nagising ako ng dahil sa sinag ng araw na tumatama sa akin. Pagkabukas na pagkabukas ng aking mga mata ay agad na nakita ko ang kulay itim na kulay ng kwarto. Nang gumalaw ako ay biglang humigpit ng yakap ang isang matikas na braso na nakapalibot sa bewang ko. Si Yuan!

Humarap ako sa direksyon nito, wala itong pang itaas na damit at nakapikit pa. Napatingin naman ako sa sarili ko. Nakaputing malaking damit na ako at ramdam ko na may saplot ako sa pang ibaba pero hindi maiaalis ang hapdi ng pagkababae ko.

"Yuan..." niyugyog ko ito para magising.

"Hmmm...?" tanging nakuha kong tugon dito. Hindi ko na muli itong inistorbo dahil naagaw ng atensyon ko ang cellphone ko na nasa ibabaw ng lamesa na umiilaw.

Tiningnan ko ito at ng makita ko ay isang katerbang messages at missed calls mula sa Mama ko, sa mga kaibigan ko at sa mga unregistered number! Tsaka ko lang nalaman na umaga na! Patay!

Ibig sabihin eh dito ako nakatulog kasama si Yuan! Tssk. Obvious naman, Ali! Gaga ka, may nangyari nga sa inyo hindi ba? Bulong ko sa aking isip.

Napabalikwas na ako ng upo! Kahit masakit pa ang pagkababae ko, kailangan ko ng umuwi! Siguradong nag-aalala na ang Mama ko!

"Wait..." tugon ni Yuan. Nakaupo na din ito kagaya ko. Naiilang lang ako tumingin dito dahil nakahubad baro ito.

"K-kailangan ko na umuwi Y-yuan..." nahihiya kong sambit dito. "Nag-aalala na sa akin si Mama. B-bakit h-hindi mo a-ako ginising ka-gabi..?" kanda utal-utal kong tanong dito.

"You're already tired. Peacefully sleeping. Alam kong napagod kita.." namula ako sa sinabi niya. "ng sobra..." pahabol pa nito dahilan kung bakit lalo akong hindi makatingin sa kanya.

"Asan na yung damit ko?" nahihiya man ako pero pinatapang ko ang boses ko para hindi niya mahalata iyon. Kasalanan ko din naman ang nangyari sa amin hindi ba? Dahil ako ang unang nag-udyok sa kanya?

Nagulat na lang ako ng bigla ako nitong yakapin mula sa likod. Hinalikan din nito ang gilid ng leeg ko! Jusmiyo, Yuan Carlos!

"I want to be with you everyday, hmmm" bulong nito at lalong niyakap ako ng mahigpit. Manlalaban sana ako sa ginagawa niya ng bumulong muli ito. "Five minutes, Baby. Please?" at sinubsob muli nito ang mukha sa leeg ko, hinayaan ko na lang siya doon.

Umayos ito ng upo sa gilid ko at binuhat ako sa kandungan niya para mayakap ng maigi. Tiningala ko siya ng dahil doon, nginitian niya lamang akong ng matamis at ganoon din ako. Nang tatanggalin ko na sana ang paningin ko sa kanya para yakapin siya ay bigla ako nitong halikan! Mas mataas sa intensidad ng paghalik niya kung ikukumpara kagabi. Buong puso ko namang sinuklian iyon ng kaparehas na init.

Binuhat niya muli ako pahiga sa kama at muling kinubabawan. Ramdam ko ang kahandaan niya na kumikiskis sa aking hita habang hinahalikan niya ang leeg ko pababa sa dibdib ko. Ni hindi ko man lang naramdaman kung paano niya naalis ang t-shirt na suot ko.

"Yuan...shit!" sigaw ko. Mas mainit, mas masarap sa pakiramdam ngayon, kaysa nung kagabi. Kung kagabi ay nabaliw ako, ngayon ay mas nakakabaliw, nakakawala ng ulirat, nakakawala ng katinuan lalo na ngayon na ang mga halik niya ay nasa tapat na ng pagkababae ko.

Nang akmang papatigil ko siya ay bigla niya na lang hinila pababa ang underwear ko at sinibasig ng halik ito!

"Yuan!!" namamaos na sigaw ko. Tumingin lamang siya sakin at pinapatuloy ang ginagawa, walang pakialam sa kahit na ano. Lalo nitong pinagbubuti ang ginagawa hanggang sa ako'y labasan.

"Damn, Agatha!" sigaw nito bago muli akong kinubabawan at ipinasok ang kanya sa akin. Parehas na kaming lunod sa kasarapan, wala sa katinuan. Ang alam lang naming dalawa ay ang aming pag-iisa hanggang sa kaming dalawa ay makarating sa sukdulan.

-

"Ihahatid na kita sa loob. Ako na ang magsasabi kay Tita Alicia kung bakit hindi ka nakauwi kahapon at kung bakit gabi ka na ulit ngayon umuwi" pangungulit nito.

Hindi lang isang beses ang nangyari kanina, naulit ulit ito ng madaming beses. At kung hindi ko pa sinabing pagod na ako ay hindi ako titigilan nito.

"Hindi pwede! Mas mapapagalitan ako pag nalamang lalaki ang kasama ko!" bulyaw ko dito. Kanina pa kami nasa labas ng condominium nagtatalo. Makulit kasi ang isang ito. Nagpupumulit na sumama eh sinabi ng hindi pupwede. Hindi ko tuloy lubos maisip na ganito pala ang isang Yuan Carlos Hermosa sa kabila ng pag-uugali niyang alam ng lahat.

Bigla namang nagring ang phone ni Yuan. Tumingin muna siya sa akin bago sinagot ito.

"Hello, Duke?" anito. Nakatingin pa din ito sa akin habang kausap ang pinsan. "Okay, uuwi na din naman ako sa condo. Sige." sabi nito bago ibaba ang cellphone.

"Umuwi kana. Tawagan mo na lang ako mamaya." ani ko.

"Okay, but please...text me kung ano ang sinabi sayo ni Tita." napahinga naman ako ng malalim ng hindi na nito pinilit ang gusto niya.

"Okay." I kissed him before I left out of his car. Sinigurado ko munang nakaalis na siya bago ako umakyat.

To the moment I opened our unit's door, nakita ko na agad ang mga Alonzo na nakaupo sa Couch namin. The same people I see nung pinatawag ako sa office sa school. Kinakabahan ako. What the hell are they doing here?! Nagulat sila sa presensya ko! Napatayo si Xander at Xavier, ganun din si Charlisle!

"Jusmiyo Agatha Liondra! San ka galing na bata ka?!" mangiyak ngiyak na tanong ni Mama. "Sinong kasama mo? May nangyari bang masama sayo ha?!" sunod-sunod na tanong ni Mama. Napatingin ako sa gawi ni Xander, mukhang hindi niya naman sinabi kung sino ang kasama ko.

"I'm okay Mama. Sorry po kung di ako nakapagpaalam. Gusto ko lang po mapag-isa." mapag-isa? O mag-isa kayo ni Yuan?! Shit! Bulong ng malandi kong isip.

"Hayaan mo na siya Alicia. Ang importante ligtas siya." ani Charlisle.

Bumuntong hininga si Mama bago nagsalita. "Pack your things, Ali." nagulat ako sa sinabi ni Mama. "Aalis na tayo dito. Dun na tayo titira sa Papa mo." dagdag nito.

And to the moment I heard that words from Mama. Nagising ang galit at sakit na natutulog sa dibdib ko.