Chereads / Anxious Heart / Chapter 22 - Kabanata 20

Chapter 22 - Kabanata 20

Binundol ng kaba ang aking dibdib ng makita ko si Yuan at Duke sa likod ko. May hawak na bulaklak na ilalagay niya marahil sa puntod ng Daddy.

Mariing nakatingin sa akin si Yuan, habang si Duke naman ay nakatingin sa anak kong kalong kalong ko.

"Tito Pogi! Papa Xander!" doon na umayos ang paghinga ko sa magiliw na sigaw ng anak ko.

"Come to Tito Pogi, young man!" agad naman nagtatakbo ang anak ko dito. Nang maikarga naman ni Kuya Xavier si Yulesis ay ako naman ang nilapitan ni Kuya Xander.

"Let's go home, Ali." inalalayan naman ako nito at tinayo. Pumwesto naman ito sa gilid ko kung saan malapit sila Yuan at Duke.

Lumakad na kami palabas ng museleo, ramdam ko ang mga pares ng paa na nakasunod sa amin.

"Agatha!" boses iyon ni Yuan!

Kahit na gusto kong tumigil sa paglalakad at lingunin ito, ang mga kamay ng Kuya ay iginagawi ako sa kotse kung nasaan nasa loob na ng anak ko at si Kuya Xavier ay nasa labas pa ng kotse.

"Pasok, Ali." utos nito. Liningon ko muna ito at tinanaw si Yuan na nasa likod nito. "Ali pumasok kana sa kotse!" tumaas na ang boses ni Kuya kaya naman ay sinunod ko na ang utos nito.

Wala yatang pinagbago sa itsura ni Yuan. Mayroon pa din itong malamlam ngunit may striktong awra pero mas lumaki ang katawan. Bukas ang pintuan ng front seat kaya medyo rinig ang usapan sa labas.

"Back off, Hermosa!" nanggagalaiting sigaw ng Kuya Xander ko

"Gusto ko lang makausap si Agatha!" pangangatwiran nito.

"Sa tingin mo hahayaan kitang makalapit sa kanya?!" biglang itinulak ni Kuya Xander si Yuan! Agad din namang umawat si Kuya Xavier at inalalayan ni Duke si Yuan na nakasalampak na sa sahig.

"Mommy? Bakit po sila nag-aaway?" worried na tanong ni Yulesis. Hindi ko alam ang isasagot ko. Mabuti na lang at pumasok na sa loob ng kotse si Kuya Xander at siyang sinundan ni Kuya Xavier na nakaupo na ngayon sa Driver's seat.

"Papa Xander! Bakit niyo po inaway yung lalaki?" nagkatinginan nalang kaming tatlo sa rearview mirror ng kotse.

"That's nothing young man! Wag mo gagayahin ang Papa Xander mo ha? Ako ang gayahin mo. Pogi lang" and my son chuckled with Kuya Xavier's joke.

"Hindi ito pwedeng malaman ni Mama, sigurado ako magiging aligaga iyon." ani Kuya Xavier.

"Wala ng ibang makakaalam nito, Agatha!" tumango na lang ako bilang pag sang-ayon. Sa buong biyahe pauwi ng Hacienda Alonzo ay binigay ko ang lahat ng aking atensyon sa anak ko na tanong ng tanong tungkol sa daan, sa mga lugar sa paligid at sa pakikipagtawanan sa mga tiyuhin nito.

Dahil doon, kahit papano ay nawala ng pag-iisip ko ang pag-alala ng nangyari kanina sa Tagaytay Memorial. Pero hinding hindi mawawala ang itsura at pigura ni Yuan sa aking isip.

"we're home!!!" magiliw na sambit ng anak ko at agad naman itong lumabas ng sasakyan.

Anim na taon na ito, at nasa Grade 1 na sa states bago namin napagpasyahang bumalik sa pilipinas dahil sa kagustuhan na din ng Lola Gertrude.

Sa halos pitong taong wala ako dito sa pilipinas ay marami na din ang nangyari sa buhay namin.

Pagkapanganak ko sa ibang bansa ay bumalik ako sa pag-aaral, mahirap. Mahirap pagsabayin ang pagiging isang ina at pagiging estudyante. Pero hindi ako iniwan ni Mama, ni Papa at ng mga kapatid ko. Tinulungan at ginabayan nila ako, kami ng anak ko.

Pagkatapos ng graduation ko noon, nagpakasal ang Mama Alicia at Papa Charlisle ko, naiayos na din nila ang papeles ko bago iyon at maging ng anak ko. Kung kaya't nung gumaraduate ako ay Alonzo na ang gamit kong apilido at Alonzo na ang gamit ng anak ko.

"Sa saturday na ang party, hanggang ngayon hindi pa din ayos iyan? Kung hindi kayo makakakuha ng mga sinaunang panahon na manunugtog sa birthday mo Lola, ako na lang. Party party tayo, I'm one of the in demand DJ in the metro." pagmamayabang ni Kiesha.

"Thirdy! Ialis mo sa harapan ko itong kapatid mo at pag hindi ko ito natancha eh palayasin ko ito!" naghuhurumentadong sigaw ni Lola.

Iyan na ang eksenang nadatnan namin pagkapasok namin ng mansion. Pinag-uusapan nila ang Pitumput limang taong kaarawan ng Lola na gaganapin limang araw bago ngayon.

"Lola! Lola! Lola!" nagtatatakbong sigaw ng anak ko. Nang makalapit ito kay Lola ay agad itong niyakap nito pagkatapos magmano ng anak ko.

"Lola, i'm going to wear a tuxedo in your party on saturday?" tumango naman ang Lola Gertrude kay Yulesis.

"Mommy!" sigaw nito at kumalong na sa akin. Katabi ko si Kuya Xander at si Kuya Xavier naman ay dumiretso ng kusina. "Wala pa po akong tuxedo di ba? Kailan mo po ako ibibili?" ngumiti lang ako bilang sagot.

Kahit na sa states ito lumaki, hindi namin sinanay si Yulesis na magsalita ng ingles. Kabalikat ko si Mama sa pagtuturo kay Yule ng tagalog, kahit na madalas ay kinakausap nila Kuya Xander at Xavier ito ng ingles.

"I already brought you one, young man!" ani Kuya Xavier na may dalang isang slice ng chocolate cake na nasa puting platito at Iced tea.

"I wanna see it Tito Pogi! I wanna see it!" tuwang tuwang sigaw nito.

"Later..." nakangising sagot naman ni Kuya Xavier.

-

Kinabukasan, madaming tao sa bahay. Ang event organizer na si Timmy at ang team nila. On hands sila sa party ni Lola dahil masyadong perfectionist ang Lola Gertrude pagdating sa mga party.

Nasa living room kami at nagkukwentuhan kasama ang mga staff tungkol sa birthday ni Lola ng dumating ang Auntie Czarina.

"Czarina! Where have you been? Hindi ba dapat ay tumutulong ka? You're my only daughter, dapat ay ikaw ang hands on when it comes to parties!" Ani Lola.

"Really, Mamá? Ha!" at sarkastikong tumawa si Auntie Czarina. "Gusto mo akong magparty mamá?! Namatay ang anak ko! Namatay ang kaisa-isang anak ko dahil sa iyo!" Nagulat ako sa sigaw ni Auntie at sa sinabi nito. Namatay ang anak nito?! Namatay ang Ate Ysabelle?!

"Namatay sila ng magiging apo ko dahil sa iyo! Dahil sakim ka Mamá! Kagaya ng paghadlang mo sa akin at sa ama ni Isabelle, ginawa mo din iyon sa anak ko! At ikaw?! Hindi mo sila binigyan ng pagkakataon! Para sa iyo, puro kapakanan lamang ng reputasyon ng pamilyang ito ang iniisip mo, hindi mo naisip ang mga ginawa at nagawa ng anak ko para sa kumpanya, sa hacienda at sa pamilyang ito!" tuloy tuloy na pahayag ni Auntie. Tumutulo na din ang mga luha nito sa mata niya.

"Czarina! Wag ka dito mag-iskandalo, may ibang tao oh!" sigaw ng Uncle Ferdinand.

"Isa ka pa Kuya! Wala akong pakialam! I'm done with your stupid reputation simula nung namatay ang anak ko dahil sayo, Mamá" sabay duro nito kay Lola. "My daughter sacrifice everything just for this family! Tapos isang pagkakamali niya lan--" naputol ang sasabihin ni Auntie ng sumagot ang Lola.

"Isang pagkakamali na kahihiyan sa pamilya!"

"Kahihiyan man o hindi, malaki ang naiambag niya sa pamilyang ito! Kung hindi dahil sa anak ko sa tingin mo ba maayos ang takbo ng kumpanya mo?! Masusolusyunan ba ang problema ng pamilyang ito kung hindi dahil sa anak ko?!"

"Hindi lang ikaw ang nawalan Ate Czarina...kami din, parang anak ko na din si Isabelle...parang kapatid na siya ng mga bata. Ate, nasaktan din kami." Sagot naman ni Papa.

"Well, hindi ko nakikitang nasaktan kayo. Kasi ako, hanggang ngayon? Nasasaktan ako." at pagkatapos nun ay naglakad na si Auntie paakyat sa hagdan.

Namatay ang Ate Isabelle? Bakit?