"Nakakainis ka alam mo ba iyon? Umalis ka ng walang pasabi! Tapos ngayong bumalik ka, magpapatulong ka lang sa amin na maghanap ng hinahanap mong tao?" Nagtatampong sambit ni Aryesa.
Sino nga bang hindi mag-aakala na sa pagkalipas ng pitong taon, makikita kong magkahawak ang kamay ni Greg at Aryesa.
"Oo nga, Ali. Alam mo ba na ang sabi pa nitong mahal ko na hindi siya magpapakasal sa akin kung hindi ikaw ang maid of honor?" Nakakatawa pa din talaga ang dalawang ito.
"Nakakainis ka! Ako hindi ko kayang ikasal na wala ang best friend ko, samatalang ikaw. Nagka-anak ka na't lahat hindi mo man lang ako nainform." Talagang ang laki ng tampo sa akin ng kaibigan ko. Naiintindihan ko naman siya, pero nakakatawa talaga siyang magtampo.
"Oo nga, Ali. Akala ko ba wala lang sayo ang mga Alonzo. Tapos nito lang namin nalaman na kinasal ka na kay Xander at may isa na kayong anak." Naguguluhan akong tumingin kay Greg.
"Anong sabi mo? Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Nagtataka akong tumingin dito.
"Akala ko, namin wala lang sayo ang mga Alonzo. Tapos nito lang namin nalaman na kinasal ka na kay Xander at may isa na kayong anak." Malinaw at maayos ang pagkakasambit nito. Kinasal ako? Napatawa ako ng di oras. Nagsalubong ang kilay ni Aryesa at si Greg naman ay nagtataka dahil sa pagtawa ko.
"Hoy, Agatha Liondra Martina-Alonzo! Anong nakakatawa?" Si Aryesa.
"San niyo naman nakuha ang balita na iyan?" Natatawa ko pa din tanong.
"Kay Duke." Napatigil ang pagtawa ko ng narinig ko ang pangalan ni Duke.
"Duke Hermosa?" Nagtataka kong tanong, tumango naman si Greg. "Nagkikita pa kayo nila Duke? Nila Yuan?" Tumango naman ulit sila. "Paano at kailan niyo nalaman?" Dagdag ko.
"Simula nung naglaho ka ng parang bula, kasabay mong naglaho ang mga Alonzo sa university. Para din akong tanga noon, kaya tinanong kita kay Aryesa. Wala din siyang alam kaya kaming dalawa ang nagdamayan sa pagkawala niyo ni Tita Alicia. Hanggang sa one time, nung nagpunta akong tagaytay para mamasyal kami ni Aryesa, dahil nalulungkot siya sa pag-alis mo, may mga lalaking lumapit sa amin. Sina Lucio, Duke, Darwin at Yuan. Hinahanap ka din nila sa amin. Wala naman kaming ibang balita kaya nagtulungan na lang kami hanggang sa lumipas ang mga taon. Kina Duke lang namin nabalitaan nung nakaraan lang na kasal kana at may anak ka na nagkita daw nila kayo sa sementeryo." Litanya ni Greg.
"Bakit ka ba nagpakasal doon?! Sabi ni Yuan sa amin, kayo daw noon! Tapos nabalitaan namin na sa isang Alonzo ko nag pakasal eh galit na galit ka daw noon dun sabi nitong si Greg!" Kami ni Yuan? Napangisi ako dahil doon.
"Hindi naman ako kinasal." Panimula ko na kinagulat nila.
"Anong sinasabi mo? Eh bakit Alonzo na ang apilido mo?" Maktol ni Aryesa. Tinignan ko silang dalawa hanggang sa tumigil ang titig ko kay Greg.
"Tama ka noon, Greg. Charlisle Alonzo is my biological father." Gulat ang rumehistro sa mga mukha nila. "Kapatid ko ang magkambal na Alonzo."
Sinabi ko din sa kanila na sa ibang bansa ko na tinapos ang pag-aaral ko dahil sa bantang natanggap ni Mama sa mga Hermosa. Kung paano ko narinig sa mga tenga ko mismo ang pag sang-ayon ni Yuan sa plano na pinagawa sa kanya ni Donya Minerva, kung ano man iyon. Kung paano naging sarado ang isip ko sa eksplanasyon.
"Kinasal si Mama at Papa sa America bago ako magtapos. Si Mama ang great love ni Papa. Yung grandfather namin na pumanaw na dalawang dekada na ang nakalipas ang humadlang sa relasyon ni Mama at Papa." Kwento ko.
"Ang pamilya ni Mama ay isang normal na pamilya lang sa probinsya, habang sila Papa ay kilala sa Cavite at Maynila. Gusto nilang ipakasal si Papa kay Tita Annaliese Deogracia, ang mommy nila Kuya Xander at Kuya Xavier. Hindi pumayag ang Papa kaya gumawa ng paraan ang Lolo Ferdinand ko para mapikot ni Tita Annaliese si Papa na nagresulta ng kambal kong kapatid. Walang balak pakasalan ni Papa ang Tita kung kaya't nanatili ang tagong relasyon nila ni Mama. Nang maipanganak na ang kambal, pinilit pa lalo ng Lolo si Papa, kung kaya't napilitang magtanan sila ni Mama at nagpakalayo layo."
"Nang bumalik sila ni Mama sa Cavite dahil naospital ang Tita Annaliese, nagkaroon ito ng karamdaman na nagresulta ng pagtanggap ni Papa na alagaan ito." Mariing nakikinig lamang sa akin sila Aryesa at Greg.
"Nalaman ng pamilya ni Mama ang nangyari, sinuhulan ni Lolo ang pamilya ni Mama. Kung ano-ano ang sinabi na hindi maganda kaya tinakwil si Mama ng pamilya niya. Nang akmang hihingi ng tulong si Mama kay Papa ay hinadlangan ito ni Lolo Ferdinand. Ilang beses pang sinubukan ni Mama na humingi ng tulong kay Papa pero wala, nalaman niya nalang noon na umalis na ng bansa si Papa nang hindi alam ang dahilan pero ang sabi ni Papa ay ipapagamot noon ang Tita Annaliese pero sa kasawiang palad, namatay ito, resulta ng pagkalayo ni Mama. Hanggang sa nalaman nito na ipinagbubuntis nito ako, at nakilala ang Daddy Philip."
"Bakit hindi mo sinabi sa akin noon na yung mga Alonzo na nanggugulo sayo ay kapatid at pinsan mo?!" Maktol ni Aryesa.
"Kasi hindi ko gustong pakinggan sila. Sarado ang isip at puso ko ng galit sa totoo kong Ama."
"Kaya din hindi mo nagawang pakinggan si Yuan dahil inuna mo ang galit na mamayani sa utak at puso mo ganun ba?" hyindi ako nakaimik sa sinabi ni Aryesa. Tama kasi siya.
"Oo nga pala, magpapatulong ka di ba? Ano iyon?" Tanong ni Greg.
"Wait! Hindi kita tutulungan, Ali!" Ani ni Aryesa.
"Huh?" Takang tanong ni Greg. Nanlumo naman ako doon. Baka galit pa rin nga siya sa pag-iwan ko sa kanila ng walang pasabi. Tanggap ko naman iyon.
"Tutulungan ka namin sa isang kondisyon!" Ani nito.
"Anong kondisyon?" Tanong ko.
"Ipangako mo na hindi ka na aalis ng walang pasabi at ikaw ang magiging maid of honor ko." Mangiyak ngiyak na sambit ni Aryesa na siyang kinangiti ko.
"Oo naman, pangako ko iyan. Hindi ko yata pwedeng hindi pumunta sa kasal ng dalawang best friend ko." At biglang tumayo si Aryesa para pumunta sa direksyon ko at niyakap ako. Napangiti naman ako doon.
"So...anong tulong ang kailangan mo?" Tanong ng nakangising si Greg. Nagkatinginan muna kami ni Aryesa bago ako tuluyang makasagot.
"Gusto kong makausap si Yuan tungkol sa anak namin..." Kitang kita ko kung paano umawang ang mga bibig ng mga kasama ko. Nakakatawa ang reaksyon nila. "Matutulungan niyo ba ako?"