Chereads / Anxious Heart / Chapter 23 - Kabanata 21

Chapter 23 - Kabanata 21

Pagkatapos ng sagutan na iyon ay wala ng sinuman ang nagsalita sa amin, nilamon ng katahimikan ang buong mansyon hanggang sa mag gabi.

Bumalik na din kami sa aming bahay na katabi ng mansyon.

Nasa hapag kainan kami, si Papa ay nakaupo sa sentro sa kanan naman nito ay si Mama at ako pati si Yulesis, sa kaliwa naman ay ang magkambal. Tahimik lamang kaming kumakain, tinutulungan ko ang aking anak sa pagkain para hindi makalat, pero bumabagabag pa din sa isip ko ang Ate Ysabelle. Kung kaya't ng hindi ko na napigilan ay tinanong ko na din.

"Papa...paano namatay ang Ate Isabelle?" natigilan naman sila sa pagkain. Good thing at nasa aming bahay kami kaya't malaya kong naitatanong ito.

"Car accident, Ali." si Kuya Xander ang sumagot.

"Bakit hindi ko alam iyon?" taka kong tanong.

"It happens 7 months ago. Hindi namin nasabi sayo dahil naging busy ka sa pagpasok ni Yule sa school." paliwanag ni Papa.

"At yung apo po na tinutukoy ni Auntie Czarina?" dagdag ko. Sandaling tumahimik, bumuntong hininga lang si Papa at si Kuya Xavier na ang sumagot.

"Isabelle is pregnant at that time, sobrang nadissappoint si Lola kay Isabelle...tinatanong kasi nito kung sino ang ama ng bata pero hindi sinabi ni Isa...Ayun, pinapili siya ni Lola kung gusto ba nito na itakwil siya o tatanggapin pero ipapakasal at ipapaako ang bata sa iba."

"pero umayaw si Isa...kaya pinalayas ni Lola. Kinabukasan noon, may tumawag na lang daw at sinabing naaksidente si Isabelle, bumangga sa puno at sumabog ang makina..kaya lang naidentify ng mga pulis na si Isa yun eh dahil sa plate number sa likod ng kotse." malungkot na kwento ni Kuya Xavier.

"Kaya bumalik kayo noon sa Pilipinas without even telling me?"

"Anak, dahil hindi pa ayos ang papers ni Yulesis noon." ani Mama.

"Kahit na Mama, atleast sana sinabi niyo po sa akin."

Nagpatuloy na lamang kami sa pagkain ng hindi na nag-imikan.

-

"Mommy, meron ka pang picture ni Daddy?" nagulat ako sa tanong ng aking anak. Nakahiga na kami sa kwarto ko at matutulog na sana ngunit eto, nagtatanong ng litrato ng kanyang ama.

"Bakit, Yule?"

"I'm just curious Mommy, I never see my father yet eh. Even in pictures po." malungkot na tugon nito.

"Ahm...okay, itatry ko bukas kung makakakuha ako ng picture ni Daddy mo okay? Sa ngayon, sleep ka muna."

"Really, Mommy? tomorrow I will finally see my Daddy?" masaya na nitong sambit.

"Just a picture." pagtatama ko.

"Yes, Mommy! Good night. Love you!" and he kissed my both cheeks.

Hinahaplos ko ang buhok ng aking anak para humimbing ang tulog nito. Hindi ko alam kung napasubo ba ako sa sinabi ko sa anak ko. Ni hindi ko pa nga alam kung saan ako kukuha ng litrato ni Yuan. Pero ng tinignan ko ang mukha ng anak ko na nakangiting natutulog, mukhang mas kailangan kong maghanap ngayon ng litrato nito.

Kung kaya naman kinuha ko ang aking cellphone para magsearch sa internet.

Wala na akong facebook at kahit na ano pang social media sites dahil simula ng umalis ako ng pilipinas ay dinelete ko na lahat ng account ko. Kaya ngayon, ay napagpasyahan kong gumawa at magtry maghanap ng larawan ni Yuan sa facebook.

At hindi nga ako nagkamali.

Yuan Carlos Hermosa. I click his profile, hindi naman masyadong pribado ang buhay ng mga Hermosa kung kaya't madali akong nakakuha ng litrato nito at ng mga pinsan nito.

Habang pinagmamasdan ko ang mga larawan nila ay hindi maalis sa isip ko ang buhay na maaaring meron ang anak ko kung hindi ako lumayo at sinabi ng maaga kay Yuan na nagbunga ang isang gabing pagpawi niya ng kalungkutan at takot ko.

Mali! Dahil hindi lang isang gabi iyon, kung hindi maging ang isang masayang umaga na nagpabukas ng puso at isip ko na mas malalim pa sa balon ang nararamdaman ko sa kanya. Pero kasunod din noon ay ang pagkahulog ko sa lalim ng pagkakahukay ng nararamdaman ko sa kanya.

Na sa halip na magpasalo ako sa kanya ay mas pinili kong lumipad at takbuhan siya.

Tinignan ko muli ang mahimbing ng natutulog kong anak. Kung nung maliit pa ang anak ko ay kamukhang kamukha ito ni Papa at kahit naman ngayong anim na taon na ito, hindi pa rin maikukubli ang katangian ni Yuan na namana ng anak ko.

Ngayong natutulog siya ay napagmasdan ko maigi ang anak ko, marahil sa unang tingin nga ay kamukha ni Papa, habang tumatagal naman ay lumalabas ang Yuan na nakilala ko noon. Ang Yuan na hindi marunong tumawa pero narunong ngumisi. Paano pa kaya pag nagwalo, o sampung taong gulang ang anak ko.

Nakatulugan ko ang pag-iisip ko. Nagising na lang ako ng niyayakap ako ng aking anak.

"Good morning, Mommy ko!" masayang sambit nito.

"Good morning, baby ko. Aga mong nagising ha?" sabay halik ko sa pisngi nito. Pero nagulat ako ng hindi ako nito sinagot at yumakap kang sa akin pabalik ng mahigpit at humahagikgik.

"Why are you laughing, Yule?" tanong ko. Nagbitiw lang ng yakap ito sa akin at kinuha ang cellphone sa kanyang gilid.

"Is he my father, Mommy? kasi sabi mo last night, papakita mo ang picture ng Daddy ko. Is he Mommy? Am I right, Mommy?" excited nitong tugon, ang ngiti nito ay sobrang lapad na animo'y siguradong sigurado na ito ang tatay niya.

Hindi na din ako nagsinungaling sa aking anak at tumango na lang ako at ngumiti.

"I knew it! Kapag hindi po ako nakasmile Mommy, feeling ko po kasi I look like him eh!" sabi nito at hindi na matanggal ang tingin sa cellphone ko. He's intelligent like me and like his father. Hindi na ako magtataka kung paano niya nasasabi ang bagay na iyan.

"Mommy, kamukha niya po yung sinapak ni Papa Xander..." napatigil ako at maging ang anak ko. "Mommy, kaya ba sinuntok ni Papa Xander yung lalaki noon kasi siya ang Daddy ko?" napanga-nga ako sa naisip ng anak ko? Bakit ang talino mo masyado anak?

Agad namang napabalikwas ng tayo ang anak ko at nagmamadaling bumaba ng kama at nagsuot ng tsinelas.

"Where are you going, Yulesis?"

"I'm going to ask Papa Xander po kung bakit niya inaway ang Daddy ko po!" sagot naman nito na lalong kinagulat ko! Magsasalita na sana muli ako ng magsalita muli ang anak ko na nasa may pintuan na ng kwarto namin. "Mommy, pwede po ako magkaroon ng copy ng picture ni Daddy di ba po? ilalagay ko sa wallet ko, sa picture frame at sa notebook ko po mommy ha? Love you!" sigaw nito sabay labas ng aming kwarto at nagtatatakbo na.

Tsaka lang naproseso ng utak ko ang mga pangyayari...Agad na akong tumayo at pumasok na ng banyo para mag-ayos at ng masundan ko na ang anak ko.