Chereads / Anxious Heart / Chapter 20 - Kabanata 18

Chapter 20 - Kabanata 18

"Senyorita Gertrude, hindi ko kayang isugal ang kaligtasan ng anak ko. Ayoko siyang masaktan ng mga Hermosa. Gagawin ko ang lahat para hindi na muli sila magtagpo ng landas ng mga Hermosa!" dinig kong sigaw ni mama.

Nasa receiving area sila ng mansyon, pagpasok ng lalaki at magarang pinto ng mansyon doon ito matatagpuan, tatlong malalaking sofa na kasya ang limang katao kada upuan, dalawang pang tatluhan na sofa set at isang single set kung saan ang Lola Gertrude lamang ang pupwedeng umupo.

Nagtatago ako sa likod ng pader kung saan nahahati ang receiving area at dining area, kahit na may kalayuan ito kung saan nag uusap ang mga nakakatanda kasama si Ate Isabelle, ang anak ni Auntie Czarina at si Kuya Thirdy.

"Mamá, sang-ayon ako kay Alicia. Hindi ko din isusugal ang kaligtasan ng anak ko. Tiyak kong tauhan ng mga Hermosa ang mga nagmamatyag sa labas ng hacienda." ani papa.

Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nung lumipat kami dito ng Mama. Nakagaanan ko na ng loob ang mga kapatid kong si Xander at Xavier. Maging si Ate Isabelle at si Kiesha at mga kapatid nito. Hindi ko naman madalas makausap si Dawn, madalas kasi ay mainit ang ulo ng Lola Dito kung kaya't hindi ito madalas sa mansyon.

Simula ng dumating ako dito sa Hacienda, hindi na muli ako nakalabas, maging ang cellphone ko ay kinuha ni mama para daw sa kaligtasan ko. Hindi na din ako nakapagpaalam kay Greg at sa ibang kaklase ko at maging kay Aryesa. Sigurado akong nag-aalala na iyon.

"Paano ang pag-aaral ng apo ko, Charlisle? Alicia? Hindi natin pwedeng itago sa loob ng Hacienda si Ali habang buhay!" palatak ni Lola, nauunawaan ko siya, inisip ko din iyon pero mas malaking ang puwang ng sundin ang utos ni mama para na din mapanatag ang loob niya kaysa unahin iyon kahit na gusto ko.

"Home schooling Lola, pwede iyon. May kakilala akong nag home schooling before Lola. I can ask her mother kung saang school nag ooffer ng ganun para makagraduate si Ali, isang taon na lang naman ang bubunuin niya para makapagtapos." suhuwestyon ni Ate Isabelle.

"That's good, Czharina Isabelle. Ask them as soon as possible. Alam kong bored na bored na ang apo ko dito sa mansyon." sagot ni Lola. Base sa observation ko dito sa mansyon, si Ate Isabelle ang pinaka paborito ni Lola. Pakiramdam ko, napaka perfect niya sa lahat ng bagay kaya ang taas ng tingin at expectation sa kanya ng kahit na sino.

"Kailangan ibackground check ang sinuman ang tutungtong sa hacienda, hindi pupwedeng may makapasok na Hermosa sa teritoryo natin." ani Uncle Ferdinand, ang tatay nila Thirdy.

Maglalakad na sana ako para puntahan sila sa receiving area ng makaramdam ako ng hilo. Napahawak ako sa pader. Ngunit tila nagdidilim ang mata ko dahil sa hilo at lula na nararamdaman ko.

"Ali, what's wrong?" tanong ni Kuya Xander na nasa gilid ko na mula ngayon. May hawak itong isang basong tubig, galing sa kitchen.

"Okay lang ako." sagot ko dito, pero mukhang kinain ko din ang sinabi ko. Ramdam ko ang pawis na namumuo sa noo ko. Hindi na maganda ang lagay ko.

"Shit!" bulalas ni Kuya, nabitawan nito ang baso at gumawa ng malakas na ingay. Ramdam ko ang pagpapanic ni Kuya ng ma-out of balance ako. Nasambot naman ako nito. Nakasandig ako sa dibdib ni kuya pero bukas pa din ang diwa ko. "Papa! Shit! Mama! Si Ali!" Nakakabinging sigaw ni Kuya, bago tuluyang mawala ang ulirat ko ay nakita ko pa kung paano maging aligaga ang pamilya ko.

--

"Saan ba ako nagkulang?" humahagulgol na tanong ni Mama. Puno ng kalungkutan ang boses niya nung siya ang nagsalita.

"Wala kang pagkukulang, Alicia." pag-aalo sa kanya ni Papa.

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Nasa gilid ng kama ko nakaupo patalikod sa akin si Kuya Xavier.

Si Kuya Xander naman ay nakatayo at nakaikom ang mga kamay na animo'y nag-aamok ng away. Nakaupo naman sa couch ang mama at papa ko.

"Ma-ma..." tawag ko dito. Pinipilit kong umupo pero bigla muli akong naliyo. Inalalayan naman ako ni Kuya Xavier para makaupo.

"Dahan dahan.." paalala ni Kuya Xavier.

"Nauuhaw po ako." si Kuya Xander na ang lumabas at nagpresintang kumuha ng tubig. Sinabayan naman ni Kuya Xavier at ni Papa na lumabas. Naguguluhan pa ako sa nangyayari. Naiwan kami ni Mama sa kwarto at ang mga mata nito'y puno pa din ng luha.

"Ma, okay na po ako. Medyo naliliyo lang po, pero ayos lang ako." Nginitian ko po si Mama para mas kumbinsido.

"Chineck ka ng doctor kanina anak..." naglakad na si Mama patungo sa direksyon kung nasaan ako. Dahil nakaupo na ako sa gilid ng kama ko ay umupo din ito sa tabi ko. "Ali anak, buntis ka..." natahimik ako sa sinabi ni Mama.

Buntis? Ako?!

Buntis ako! Namuo na ang mga luha sa mata ko at nararamdaman ko na anumang oras ay tatakas ito sa mga mata ko.

Buntis ako!!!

"Mama..." nakatingin lamang sa akin si Mama, kahit hindi niya sabihin alam kong nasasaktan siya. Nasaktan ko siya.

"Sino Ali?" hindi ako umimik. Napatungo na lang ako. Ang tanga tanga ko!

"Mama, sorry. Sorry po mama!" humagulgol na ako. Napaka walang kwenta ko! Kasalanan ko ito!

"Anak, sabihin mo kay Mama. Sino?"

"Si...si Yuan po." mahina kong sagot. natahimik sandali si Mama. Nang magsalita siya ay akala mo ay may mabigat na nakapasan sa mga salita niya.

"Akala ko... akala ko naprotektahan kita. Akala ko nailayo kita sa sakit! Akala ko..."

"Mama sorry. Kasalanan ko ito mama! Hinayaan ko ulit siyang pumasok sa buhay ko. Mama sorry po nagtiwala ako. Sorry po mama..." niyakap naman ako ni mama at inalo.

Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad kay mama sa nagawa ko. Paano ko hinayaan ang pangyayari na ito?

Nang dahil lang sa kagustuhan kong malayo sa realidad ng buhay, tinuturuan ako ngayon ng leksyon at ngayo'y dinoble ang responsibilidad na kailangan kong gampanan. Ang pagiging anak at ang pagiging ina.

Pagkatapos ng usapan namin ni mama ay pinagpahinga niya muna ako. Sinabi naman sa akin ni mama na hindi siya galit sa akin. Alam kong mabait ang Mama ko, alam ko din na iba siya magalit. Mas nakakatakot pa yata yung ganito na kinikimkim ang galit.

Nang iwan ako ni mama sa kwarto ay hindi ako mapakali. Lumabas ako ng kwarto para hanapin si siya. Bababa na sana ako ng hagdan ng may marinig akong boses sa isang silid na di malayo sa hagdan. Pinuntahan ko ito at sinilip ang silid na nakaawang ang pintuan.

Prenteng nakaupo sa swivel chair ng kwarto na iyon ang Senyorita Gertrude, kasama ang mga magkakapatid na nakakatandang Alonzo, mga asawa at anak nito.

Hindi ko man nakikita si mama sa direksyon ko dahil nakatalikod ito sa upuan ay alam kong umiiyak siya dahil sa paggalaw ng likuran niya dahil sa hikbi.

"Anong plano mo, Charlisle?" tanong ni Auntie Czarina.

"Kung ano ang magiging desisyon ni Alicia, yun ang magiging desisyon ko Ate." sagot naman ng papa.

"Alicia? Ano ang balak mo?" singit ng Lola Gertrude.

"Hindi ho dapat malaman ng mga Hermosa ang kalagayan ng anak ko. Baka ginamit ng Minerva na iyon ang apo niyang si Yuan para masaktan ang anak ko! Baka ginamit ng Yuan na iyon ang kahinaan ng anak ko para makagawa ng hakbang para makuha ang kayamanan na pinamana ni Philip sa anak ko!" humahagulgol na litanya ni mama.

"Baka ito talaga ang plano nila! Ang buntisin ni Yuan ang anak ko, para nasa apelido pa din nila ang kayamanan ni Philip! Kung aanakan nga naman ni Yuan si Ali, magiging kay Yuan pa din ang kayamanan ni Philip hindi ba?! Sa pamamagitan ng magiging anak ni Ali?!" ngayon ko lang napagtanto na may punto ang Mama ko. Baka ginamit lang ako ni Yuan! Ramdam ko ang sakit ng dibdib ko. Kasabay din ng pagsakit ng dibdib ko ang pagsakit ng tiyan ko.

"Kung sana kinausap ako ng maayos ng mga Hermosa! Wala akong pakialam sa yaman ni Philip! Sa yaman ng pamilya nila! Isaksak nila ang pera na iyon sa mga mukha nila! Hindi naman kailangang pati ang anak ko idamay nila! Mga hayop sila!" lalong sumakit ang tiyan ko ng makita ko si mMma na mapaupo na sa sahig kakaiyak.

Kasabay ng pagtulo ng mga luha sa mata ko ay ang pag-alpas din ng dugo sa aking hita. Gustuhin ko mang sumigaw ay hindi ko magawa. Para akong napipi sa mga dugong unti-unting dumadaloy sa hita patungong binti.

"HOLY SHIT! OH GOD! HELP!" tili ng isang babaeng kasing edad ko lang na kakarating lang at nakatayo sa aking gilid. Tuluyan na akong nanghina at nawalan ng balanse. Mabuti na lang at maagap ang babaeng nasa aking gilid at agad akong sinalo.

"Dawn Chastity! What did you do?!" ani Kuya Xander na nagpapanic. Humahangos din si Kuya Xavier at ang Mama pati si Papa sa aking puwesto. Hindi ko masyadong makita ang iba pang mukha dahil nanlalabo ang paningin ko, tanging ang kanilang bulto nalang ang naaaninag ko.

"Anong what did I do?! Sinisisi mo pa ko?! Kung hindi ako nagpunta dito baka walang makakita sa kapatid mo na dinudugo! Kunin niyo ang kotse, bilisan niyo baka kung anong mangyari sa kapatid mo at sa magiging pamangkin mo. Isugod niyo na sa hospital mga hunghang!" rinig ko pang litanya ni Dawn bago ako tuluyang mawalan ng Ulirat.