Chereads / Anxious Heart / Chapter 18 - Kabanata 16

Chapter 18 - Kabanata 16

"Ma, no! Ano pong sinasabi mo?!" sagot ko dito.

"Anak, si Charlisle Alonzo ang tunay mong Ama. Alam kong alam mo na iyon. Sasama tayo sa kanya, sa kanila." ani Mama.

"No! NO, MAMA!" sigaw ko dito. "Si Daddy Philip ang tunay kong Tatay! Siya lang Mama! Ayokong sumama sa kanya! Ayoko!" pag hihisterya ko dito.

"Anak, hindi mo naiintindihan." pagpapakalma sa akin ni Mama.

"Hindi ko talaga maiintindihan ma, kasi ayoko intindihin! That man?" sabay turo ko sa direksyon ni Charlisle. "Hurt you, bigtime Mama! Sinaktan ka niya. Iniwan ka niya sa ere, iniwan niya tayo! So I don't understand... Why sudden change of mind, Mama? Di ba galit ka din sa kanya!?" umaasa na makakuha ako ng simpatya kay Mama.

"Nakita ako ni Minerva, anak. Nagbanta siya. They want to hurt you. Gusto niyang sirain ka. Gusto nilang sirain at saktan ka. Ayokong mangyari iyon, anak." humagulgol na sambit ni mama.

Napatigil ako sa sinabi ni mama. "Nila?" I paused.

"Ang mga Hermosa. Lalo na si Margarita. Sinabi nila na gagawin nila ang lahat para saktan ka. Hindi ako mapapakali lalo na nang sabihin nila sakin na mayroon silang alas para saktan ka! Ayokong sumugal anak." inalalayan ni Charlisle ang Mama ko. Kahit papaano'y ramdam ko na sincere ito kay Mama. Pero hindi pa rin mawawala ang galit ko dito.

Pero napaisip ako sa sinabi ni Mama na may alas ang mga Hermosa.

"No! Hindi Mama." mariin kong sabi dito dahil sa naisip ko. Hindi ako magagawang saktan ni Yuan. They can't use Yuan dahil mahal ako nito. But I paused to my own thoughts. Mahal nga ba ako nito?

Umatras ako dahil sa mga naiisip ko. No! Hindi pwede. Nakakuha ako ng tyempo na tumakbo palabas ng unit namin. Luckily, may kakabukas lang na elevator at doon ako pumasok para bumaba.

Bago sumara ang elevator ay narinig ko pa ang pagsigaw ni Mama ng pangalan ko.

I'm sorry Mama. I love Yuan, and I need to talk to him.

Nang makababa ako ay agad akong sumakay sa taxi na naghihintay ng pasahero na lumabas sa building. Agad kong sinabi sa taxi driver ang lugar kung saan ako pupunta. Nakita ko pa ang humahabol na kambal na si Xander at Xavier but apparently, hindi nila kayang abutan ang taxi na sinasakyan ko kung tatakbo lang sila. Wala din naman akong pakialam kung habulin nila ako. Ang gusto ko lang ngayon ay ang makausap si Yuan.

After 20 minutes ay nakarating na din ako sa condominium kung saan naroon ang unit ni Yuan dito sa Makati. Agad na akong pumasok ng building at sumakay ng elevator patungo sa floor kung saan nasan ang unit nito.

Pagkadating ko doon ay agad kong tinipa ang password nito para makapasok na ako. Magsasalita na sana ako ng marinig ko ang mga naguusap na boses sa living room nito. Dahil natatabingan ng pader ang pintuan, ay may espasyo doon para hindi muna nila makita kung sino ang papasok sa pintuan.

Katabi ko ang painting na nakasabit sa dingding, sa likod ko ay isang malaking kulay bughaw na Vase na may nakalagay na mga kawayan bilang disensyo ng bahay nito.

"Yuan, nagagawa mo ba ng maayos ang pinatatrabaho ko sayo." anang boses ni Donya Minerva.

"Yes, Lola." sagot ni Yuan.

"Good. I wanted to see that Ali suffering. I wanted to see her broken and miserable!" ani ng Donya na muling nagpausbong ng galit sa dibdib ko.

"Paano ang mga mana, Mama?" tanong naman ni Margarita. Sumilip ako ng konti sa pader. Nakatalikod sa direksyon ko si Yuan at Donya Minerva katabi din nito ang Daddy at Mommy ni Yuan na sila Antonio at Yngrid maging ang nakababatang kapatid nito na si Anastacia.

Ang ibang anak naman ni Donya Minerva ay nasa kanan nila bukod kay Margarita na nakaharap sa direksyon ko katabi si Rebecca na anak nito at pamangkin nitong si Duke.

"Just like what I promised. Hindi ako makakapayag na makakuha nang kahit na sentimo ang mga malanding iyon sa yaman ng pamilya natin!!" napaiyak nanaman ako sa mga sinasabi ni Donya Minerva. Kahit na may tumutulong luha sa aking ng mga mata ay hindi maiaalis ang sama ng tingin ko sa kanila! "I can't wait to see her in pain!" dagdag pa ng matanda.

"Well, I guess Mamá....you can see her in pain right now..." nakakalokong sambit ni Margarita, nang itumbok ko ang paningin ko sa kanya ay nakita ko ang nakakairitang ngiti nito habang nakatingin sa akin.

"Ali..." malakas na sambit ni Duke. Dahilan ng sabay-sabay nilang pagtingin sa direksyon ko.

Napatayo bigla sa Yuan, nagulat sa presensya ko doon!

"So...one of the girl I hated the most is here...miserably crying?" at tumawa ito, ganoon din si Margarita.

Maglalakad na sana si Yuan papunta sa direksyon ko ng pigilan siya ni Donya Minerva. Sa pagaakala kong lalapitan niya muli ako ay napaatras ako. Dahilan kung bakit nasagi ko ang vase sa likuran ko. Gumawa ito ng ingay.

"Agatha!" sigaw ni Yuan ng matabunan ako ng pader sa paningin niya dahil umatras ako palabas ng unit niya. Binilisan ko ang kilos, lumabas na ako ng tuluyan sa unit niya at dumiretso sa elevator.

Sakto naman na nagbukas ito at lumabas ang magkakambal na Xander at Xavier!

"Agatha!" si Yuan. Nang narinig ko iyon ay agad akong pumasok sa elevator para takasan ito. Nang akmang papasok na din ito ng elevator dahil hindi pa sumasara ay tinulak ito ni Xavier palabas ng elevator at naiwan kami ni Xander dito.

"Bud, mauna na kayo! Just tell to Kiefer to for wait me!" sigaw ni Xavier bago tuluyang sumara ang elevator.

Hawak ko ang dibdib ko dahil sobrang bigat ng pakiramdam ko sa mga nalaman ko. Naramdaman ko na lang ang pag akbay sa akin ni Xander.

"What happen huh?" tanong nito pero tahimik lang akong umiiyak at sumandig sa balikat nito. "Kung ano man iyon, pwede mong sabihin sakin. Kuya always willing to hear your problem Ali. Ako at si Kuya Xavier mo, were always here." at lalo akong napaiyak doon.

"Sasama na ako sa inyo." nginitian naman ako ni Xander dahil doon.

Nang makalabas kami sa building ay may dalawa pang lalaking tinanguan ni Xander.

"Nasa loob si Xavier. Please get him by yourself Kiefer floor 26. Thirdy, sumabay ka na sa amin bud." Tumango naman ang mga ito.

Nasa backseat ako ng kotse, ang lalaking nagngangalang thirdy ang nagdadrive, si Xander ang nasa tabi nito.

"Sinabi ko na kay Papa at Mama Alicia na didiretso na tayo sa Hacienda, Ali." napatigil ako sa pagluha sa narinig kong pagtawag ni Xander sa Mama ko.

Pero hindi pa din mawawala ang sakit na dulot ng ginawa ng mga Hermosa sa akin.

That answer's my question. Hindi ako mahal ni Yuan. He just wanted to hurt me kasi yung ang utos ng Lola niya. And congratulations to them. I hope he can sleep well.