Chereads / Anxious Heart / Chapter 13 - Kabanata 11

Chapter 13 - Kabanata 11

Sa daan patungong Tagaytay Memorial ay bakas sa mukha ni Greg ang saya dahil nasa shot gun seat nakaupo si Aryesa. Kahit na miss na miss ko siya ay doon ko siya pinaupo kung saan malapit sa tabi ni Greg. Habang ako, prenteng nakaupo sa back seat ng kotse at pinapanood ang sumbakol na mukha ni Aryesa sa mga kacornyhan ni Greg.

"Hi Daddy! Kamusta kana po? Miss na miss ko na po kayo, kami ni mama." kausap ko dito habang sinisindihan ang kandila na dala ko. "Pasensya na po kung tatlong bulaklak lang ng gumamela ang dala ko, ninakaw lang po iyon ni Greg sa daan bago kami magtungo dito. Buti na lang po at may dala na akong kandila at lighter kung hindi, baka kung saan pa mangnenok si Greg pagnagkataon." napatawa naman ang mga kasama ko sa likod ko.

Umupo ako sa sahig ng museleo, sa harap ng puntod ni Daddy. May mga kasama din itong puntod na sa pagkakaalam ko ay magulang ni Daddy. Mabuti na lang din at pagala gala lang ang caretaker ng mga museleo dito kung kaya't nabuksan namin ito. Ayaw pa ngang buksan ni Manong, kung hindi lang binulungan ni Greg sabay abot ng isang libo ay hindi pa bubuksan.

"Daddy, siguro matatagalan pa po bago ulit ako makadalaw dito. Pero lagi naman po kayong nasa prayers ko. I love you Daddy! Dadalawin po ulit kita dito pag nakapuslit ako kay Mama." paalam ko dito. Nagtagal kami ng mahigit dalawungpung minuto sa museleo. At umalis na kami patungo sa skyranch. Doon kasi ang gusto ni Aryesa.

Naalala ko tuloy si Yuan, kamusta na kaya siya?

"Ali, ano na? Tara na!" kung hindi pa ako tinawag ni Aryesa at hindi ko pa malalaman na nakarating na kami sa pupuntahan namin.

Naglibot libot kami, sumakay ng rides at ngayon ay kakain. Bumili kami ng mga pagkain sa mga food stalls at pumunta kami sa isang cottage na malapit at tanaw ang ganda ng taal.

"So kamusta na si Tita Alicia? Alam mo pag graduate ko, lilipat na din kami nila Mama sa manila! Sa malapit sa inyo! Dalawang taon na lang naman Ali, kaya wag kang papatalo sa kademonyohan ng lalaking ito." sabay turo kay Greg. Natawa naman ako dahil doon.

"Kunwari ka pa Aryesa, baka sabihin mo lilipat ka sa manila para makasama mo na ako." ang lawak talaga ng ngiti nitong Greg na ito haha binato lang ni Aryesa ng fries si Greg.

"May mga products na binebenta si Mama, para daw hindi puro gastos sa amin, dapat daw may pumapasok din na pera samin. Mabuti nga at kahit bago lang kami doon, naging kaclose na ni mama yung mga neighbors at staff ng condominium" kwento ko dito. "Gusto ko nga mag part time job eh. Kaya lang ayaw ni Mama, mag-aral na lang daw ako mabuti." pagpapatuloy ko.

"Teka, may boyfriend ka na ba ha Ali? Baka may hindi ka naikukwento sakin ha!" nanlaki naman lang mga mata ko sa sinabi nito! Boyfriend? Jusko.

"Wala no!" mabilis na pagtutol ko.

"Wala pang boyfriend si Ali, wala ding nagtatangka. Usap-usapan kasi sa Westridge na binabakuran siya ng mga Alonzo."

"Alonzo? Sino ang mga Alonzo?" nagtatakang tanong ni Aryesa sa amin ni Greg at nang sa huli ay tumigil ang mga nagtatanong niyang mata sa akin. "Mas gwapo kay Yuan?" pagpapatuloy nito. Natigilan ako! At ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko.

"Yuan? Sinong Yuan?" nagtatakang tanong ni Greg.

"Wal--"

"Yung apo ni Don Pelipe! Hindi kayo magkadugo, Ali. So may chance na kayo. Nagkikita ba kayo nun?" wala talagang preno ang bibig nito.

"Hindi no! Hindi ko na siya nakikita at wala kaming kontak no!" mabilis na sagot ko.

"Hahaha defensive besh! Okay lang yan hi--" pinutol ko ang sasabihin ni Aryesa.

"Tumigil ka nga! Ipapahalik kita Kay Greg sige!" natahimik naman siya dahil doon.

Pagkatapos naming kumain ay nag-ikot ikot kami. Nagpasya din silang sumakay ng ferris wheel pero hindi na ako sumama. Hinayaan ko na lang si Aryesa at Greg, kahit na nabubugnot si Aryesa at wala na din itong nagawa.

Alas Singko na ng hapon ng mapagpasyahan naming umuwi na. Hinatid namin si Aryesa sa bahay nito. Nakita din namin ang dati naming bahay na walang kabuhay buhay. Ayon kay Aryesa, simula nung umalis kami, wala naman daw tumira doon. Hindi na kami nagpakita kay Tita Fely dahil baka isumbong ako nito kay mama, hindi pa naman nito alam na nagpunta kami dito. Sigiradong pag nalaman niya ito, papagalitan ako nun.

-

"Sabi nila, second year daw ang pinaka mahirap na taon sa kolehiyo, pag nakapasa daw at nag-third year easy easy na daw! Aba eh punyeta! Mas mahirap yata ang third year!! Puro projects, puro defense, third year pa lang tayo, thesis na agad? My gosh!" reklamo ng kaklase naming si Josiah--ang babaeng nasa katawan ng lalaki.

Nagtawanan naman ang mga kaklase namin dahil doon. Totoo nga naman, kung mahirap ang una at ikalawang taon...aba mas mahirap ang ikatlo at huling taon!

"Uy Ali, may naghahanap sayo sa labas! Naku! Meet the clan na yata ito!" malanding pahayag ni Clara kasama ang mga kaibigan nito.

Nagtataka naman akong tumingin sa labas. Madami ngang tao doon. Hindi ako tumayo, wala naman kasi akong pakialam doon. Pero ang walang hiyang si Greg! Hinila ako patayo-palabas ng room para makita kung sino ang naghahanap sakin!

Paglabas na paglabas namin ng room, nakita ko ang magkambal na Alonzo at ang mga pinsan nito.

"Hi! So..you're Ali Martina? I'm Kiesha Alonzo." ngiti naman ng magandang babaeng nagpakilala sa akin sabay abot ng kamay niya upang magpakilala sa akin. Tinanggap ko naman iyon. "Wow! Kamukh--" agad namang tinakpan ng isang lalaki ang bibig ng magandang babaeng nagngangalang Kiesha.

"Ano ba Kiefer!" Reklamo ni Kiesha.

"Mas matanda ako sayo Kiesha igalang mo naman ako bilang kapatid mo dammit!" sagot naman ni Kiefer.

"Oo na tandang Kiefer! Anyway, it was nice to finally meet you Ali..uhuh--" sabay taas ng kanang kamay nito para patigilin ang kapatid nitong si tandang Kiefer? "Alam mo kamukha mo talaga yung bitchy grandmother namin. Sigurado pag nakita ka niya, mag to throwback nanaman iyon nung panahong bata pa siya." sabay hagikgik nito.

Wala akong masabi sa mga sinasabi nila. Masyado kasi silang random. Eh ano naman kung kamukha ko yung bitchy grandmother nila? as if I care huh?

"What's happening here? Alonzo's? Ms.Martina? Mr.Turillo?" Dumating na ang isa sa istriktang professor namin.

"Nothing, Ms.Rivera. Where just here to meet and pay a visit our long lost family member..." napakunot ang noo ko dahil doon sa sinabi ni Keisha. Long lost family member? Huh! Hindi naman ako nawawala o nawala, may proof pa nga ako na anak ako ni Alicia Martina kaya the hell with them!

"What are you talking about Ms.Kiesha Alonzo?" usisa ni Ms.Rivera.

"Nothing, anyway...I'll see you around Ali. Let's go boys." at unti - unti na silang lumayo.

"Pumasok na kayo." ani ng professor namin na agad naman naming sinunod.

"Ali, hindi kaya may kinalaman ang pamilya Alonzo sa totoo mong Tatay?" tanong ni Greg sa gilid ko.

"Isa lang ang totoo kong tatay. Kahit na anong mangyari at patay na si daddy okay? Nagkakamali lang sila." at pinutol ko na ang usapang iyon.

Matagal ko na sinabi sa sarili ko na si Daddy Philip lang ang kaisa-isa kong Tatay. Dahil si Daddy ang sumalo ng responsibilidad na dapat at ang totoo kong tatay ang gumawa pero ano? Kung talagang may pakialam siya, noon pa lang hindi na sana niya hinayaan na makalayo si mama. Kaya si Daddy Philip lang. Wala ng iba.