Kinagabihan noong araw na iyon ay hinatid din ako ni Yuan sa unit namin ni Mama. Dinala niya ako noon sa condominium unit niya sa Makati.
Tanong siya ng tanong sakin kung sino ang lalaki kanina pero lagi kong nililihis ang usapan. Ayokong pag usapan.
Kinuwento niya na lang sa akin ang mga naging kaganapan niya sa buhay, kung bakit hindi niya kaagad ako nahanap.
Sa Nasugbu siya dinestino ng kanyang Daddy, pinili niya daw doon para kahit paano'y malapit sa tagaytay, malapit sa akin. Pero sa di inaasahang pagkakataon nga ay namatay ang Daddy kung kaya't napalayas kami sa bahay namin sa tagaytay. Hindi daw niya maiwan ang Nasugbu branch dahil madami na siyang nasimulan. Ang sinabi sa kanya ng Daddy niya eh, tapusin muna ang mga nasimulan niyang proyekto tsaka siya lumipat ng branch.
Nalaman nga ni Yuan na bumisita ako sa labi ng Daddy, sinabi daw sa kanya ng caretaker doon. Pinakita ni Yuan ang litrato ko kay Manong para makumpirma kung ako ba daw iyon, at ng makumpirma ang sabi nito ay may narinig itong napagusapan namin na taga Maynila kami, tsaka lang siya nagsimulang maghanap sa maynila.
Simula ng araw na iyon ay lagi akong hinihintay ni Yuan sa labas ng gate ng university namin. Paaligid aligid pa din ang mga Alonzo pero dahil binabantayan ako ni Greg at ng mga iba pa naming kaibigan dito ay hindi nila ako malapitan, kung sa labas naman ng university si Yuan ang kasama ko at wala talaga silang pagkakataon para kausapin at lapitan ako.
Mabuti nga at hindi nila ginugulo ang Mama ko. Tuwing nauwi ako ay busy si Mama sa mga orders niya pero hindi naman niya nakakalimutang kamustahin ang araw ko.
Hindi ko maikwento kay Mama ang tungkol sa pagkikita namin ni Yuan araw-araw. Sigurado kasi akong hindi ito mapapalagay. At kung tatanungin man ako kung anong meron sa amin ni Yuan? Hindi ko din alam. Basta ang alam ko ay masaya ako sa pagkikita at pag uusap naming dalawa.
"Ali sandali lang. Please give me a minute talk." sabay hila ni Xander ng braso ko. Sarado ang utak ko, sarado para sa kanila.
"Wala akong panahong makipag usap sayo o kahit sino pa sa inyo! Tigilan niyo na ako!" sigaw ko dito, not minding the students behind us.
"Pero Ali--" naputol na ang sasabihin niya ng dumating si Yuan sa tabi ko. Agad niyang pinulupot ang mga kamay niya sa bewang ko. Paglingon ko kay Yuan ay magkasalubong ang makakapal na kilay nito at masama ang tingin kay Xander.
"She doesn't want to talk you right? Bakit pinipilit mo pa ang sarili mo?" may diin ang pagkakasabi ni Yuan.
"Because I badly need to talk to her. Gusto ko lang buksan mo ang isip mo Ali, sa katotohanan, sa paliwanag namin. Dammit!" Palatak nito at sinabunutan na ang sarili. "Just please Ali, hear me out." nagsusumamo na ito.
Nakatingin lang ako sa miserableng itsura ni Xander. Nang akmang bubuka ng ang bibig ko sa pagsasalita ay bigla muli itong umikom. Hindi ko pa kaya.
Napaikom ang mga palad ko sa aking gilid. Gusto ko manuntok. Gusto kong manakit. Gusto kong saktan ang sarili ko. Bakit hindi ko kayang makinig?! Bakit ang hirap nila pakinggan?! Bakit sobrang sakit!
"Tara na, Yuan." yun na lamang ang lumabas sa bibig ko, hindi nakatakas sa paningin ko ang pagbagsak ng balikat ni Xander sa sinabi ko. Mapapagod din kayo, Alonzo.
Nang makarating na kami sa kotse ni Yuan ay agad itong nagdrive patungo sa unit niya sa Makati. Biyernes ngayon kung kaya't wala na akong klase pagpatak ng alas dos ng hapon.
"Agatha, ano bang kailangan sayo ng lalaking iyon?" tanong ni Yuan ng makarating na kami sa loob ng unit niya.
"Wala, nagkakamali lang sila ng tinutukoy." nakatungong sabi ko dito habang nakaupo sa couch ng living room nito. "Ilang beses ko na sa kanilang pinapaliwanag na nagkakamali sila ng tinutukoy, pero sila ang di nakikinig." pagpapatuloy ko.
"Dammit!" biglang sigaw nito. Nagulat ako doon. Nabasag ang vase na nakalagay sa gilid ng drawers na nasa gilid nito. Nagwawala si Yuan! "Pero bakit sa sinasabi niya, ikaw yung hindi nakikinig sa paliwanag niya?!" natakot na ako sa tono ng pananalita nito. "Palagi na lang, tuwing sinusundo kita, lagi siyang nakamatyag. Kung hindi siya mag-isa, may mga kasama siya! Sino ba talaga iyang Xander na yan? Who's the fucking him huh?! Tell me! Fucking tell me!!" sigaw nito. Nagulat na lang ako na nasa harapan ko na si Yuan, galit na galit ang mukha nito. Hawak ang dalawang balikat ko at nagliliyab ang mga mata nito sa galit.
"He's..." natatakot ako. Natatakot ako sa sasabihin ko. Natatakot ako kay Yuan. "He's nothing.." mahina kong sagot dito at bigla ng bumuhos ang mga luha ko. Sobrang sakit! Bakit ba hindi ko kayang tanggapin? Bakit ba hindi ko pa kayang tanggapin ang paliwanag nila. Andami ko din naman na tanong. Kung bakit pinabayaan niya si Mama, kami ni Mama. Kung bakit hindi kami hinanap. Tapos ngayon, tsaka nila ipagpipilitan ang sarili nila. Pero kahit na ganon. Hindi ko pa kayang pakinggan ang mga paliwanag nila. Natatakot ako na baka purong kasinungalingan lang ang sabihin nila. Kuntento na ako noon kay Daddy eh. At pakiramdam ko, magiging isang kasalanan ang pakinggan at tanggapin ko si Charlisle, dahil nangako ako kay Daddy Philip na siya lang.
"I'm s-sorry...I'm so-rry" humihikbi kong sambit kay Yuan. Nagsisinungaling ako kay Yuan, dahil hindi ko pa talaga kayang aminin sa sarili ko. "So-rry Yu-an, sorry.." paulit ulit kong sinabi sa harapan niya. Napahagulgol na ako ng tuluyan. Mukha namang natauhan at nagpanic si Yuan sa harapan ko.
"I'm sorry, Agatha. Baby I'm sorry. It's just..damn! I'm sorry baby." sambit nito habang pinupunasan ang mga luha at pawis ko.
Nang hindi ako mapatahan ay patuloy pa din ako nitong inalo. Hindi ko na maintindihan ang sinasabi nito dahil sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nagalit si Yuan.
Hanggang sa naramdaman ko na lang ang labi ni Yuan na nakadikit sa labi ko.
"Baby, I'm sorry. I'm just jealous okay? I'm sorry, stop crying please?" sabi nito ng ihiwalay niya ang mga labi niya sa akin. Nakatitig lang ako sa mga mata niya habang ako'y lumuluha.
"Sobrang sakit, Yuan. Tanggalin mo itong sakit." sabay turo ko sa dibdib ko. Tinignan naman ito ni Yuan, habang ito ay nakaluhod sa harapan ko't hawak ang isang kamay ko. Naguguluhan man ngunit malalamlam na ang kanyang mata. Wala na ang galit nito, puno ng pagsisisi ang mga mata nito dahil sa pagsigaw nito sa akin. "Yuan, please. Tanggalin mo yung sakit. Please. Napapagod na ko." pagkapikit ko ay biglang nag-unahan ang mga luha na umaalpas sa mata ko.
"Ssshh...tatangalin ko, promise. Stop crying okay?" tumango naman ako, pagdilat ko ay labi niya agad ang nakita ko. Walang paligoy ligoy kong sinunggaban ang kanyang mga labi. Agad din namang tumugon ito at kusa ng gumalaw ang labi ni Yuan.
Nang tumagal-tagal ay ginaya ko na din ang ginagawa ni Yuan sa aking labi, kung paanong ang sakit na nararamdaman ko kanina ay napalitan ng kakaibang pakiramdam na sigurado akong makakatanggal nga ng sakit.
Maya-maya pa ay naramdaman kong bumababa ang halik nito sa aking panga patungong leeg. Ang mga kamay nito'y nagkukusang lumakbay sa likod ko pababa sa pang-upo ko.
"Damn, Agatha. I don't want to stop." bulong nito ng umakyat muli ang mga labi niya sa gilid ng leeg ko papuntang tenga at marahang hinalikan din iyon.
"Then, don't stop." sagot ko dito. Tuluyan na din akong na baliw sa ginagawa ni Yuan.
Ang huli ko na lang na-alala ay ako, humihiyaw sa sarap sa ilalim ni Yuan. Hindi alintana ang hapdi ng gitna ko habang tinatrabaho ako nito.
Ang alam ko lang sa ngayon ay mahal ko si Yuan, at siya lang ang taong makakaalis ng sakit na nararamdaman ko.