Chereads / Anxious Heart / Chapter 15 - Kabanata 13

Chapter 15 - Kabanata 13

"Miss Martina, pinapatawag ka sa Osas." ani Miss Rivera.

Napatingin sa akin ang mga kaibigan ko. Sumisigaw ang mga mata nila ng katanungan kung bakit ako pinapatawag. Maging ako rin naman ay walang ideya kung bakit ako pinapatawag doon.

"Sige na, pumasok na kayo. Diretso uwi na din ako kapag katapos ko pumunta sa Osas." miyerkules, huwebes at biyernes ako maaga kung umuwi dahil wala na akong klase, tyempo na miyerkules ngayon kung kaya't hindi ko kailangang lumiban sa klase para lang pumunta sa osas.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ng osas. Hinatid na agad ako ng isang staff patungo sa opisina ng head of student affairs, nang tinanong ko siya kung bakit ba ako pinatawag ay ang sagot niya lang eh may gusto lang kumausap sa akin.

Aaminin ko na medyo kinakabahan ako, pero kampante naman ako na hindi sa discipline's office ang diretso ko nito dahil wala naman akong gulo na ginawa dito sa university.

"Nandito na po si Miss Martina, Madame." ani ng babaeng staff na nakasilip sa pintuan ng office at ako ay nasa likod nito. "Pasok ka na daw." Tumango naman ako. At umalis na ito.

Bumuntong hininga muna ako bago tuluyang pumasok ng opisina.

Pagkatungtong na pagkatungtong ko ng opisina ay ang malamig na aircon agad ang naramdaman ko. Nakatungo akong pumasok sa silid. Pagkasarado ko ng pinto, nagulat ako sa presensya ng mga taong nakaupo sa visitor's couch.

Anong ginagawa nila dito?

"Madame, pinatawag niyo daw po ako?" iniwas ko ang tingin ko sa kanila at ang guro na lang ang binigyan ng pansin.

"Yes Miss Martina. Pinatawag kita dahil gusto kang makausap ng mga Alonzo. Señorita Gertrude, Mr. Charlisle Alonzo, maiwan ko muna kayo." at lumabas na nga ng opisina ito. Naiwan ako, at ang mga magkakaparehas na hilatsa ng mukha-ng mga Alonzo ang naiwan sa opisina nito.

"Upo ka muna, Ali hija. I'm very greatful to finally meet you. Hindi na litrato ang ipinapakita ni Xander at Kiesha sa akin! They're right. Kamukha kamukha kita nung kabataan ko." elegance and high class, yan ang pwede kong idescribe sa may katandaang babae na kung tawagin nila ay Señorita Gertrude.

"I'm sorry po. Baka nagkakamali lang kayo ng tinutukoy niyo." paghihingi ko ng paumanhin.

Nagkatinginan ang mga Alonzo. Tinumbok ng mga mata nila ang isa sa tatlong matikas na lalaki na nandito sa loob ng opisina, ang lalaking nakita kong sinigawan ni Mama sa labas ng unit namin ilang buwan na ang nakakalipas.

"Hija, hayaan mong magpakilala ako sayo." tumayo ang lalaki at akmang lalapitan ako pero umatras ako. Pinahalata ko talaga ang disgusto ko sa kanya, sa kanila. Ang pakiramdam na naramdaman ko noong una ko siyang nakita noong sinigawan at pinapaalis siya ni Mama ay muling bumalik sa akin. Galit at poot. Alam kong hindi magandang magtanim ng galit sa ibang tao, pero hindi ko mapigilan. "Ali..." tinaas ko ang kamay ko at sinenyasan siya na wag ituloy ang sasabihin. Hindi ko kaya.

"Hindi ko gustong marinig ang kahit na anong sasabihin mo." malamig na sagot ko dito.

"Pero kailangan mong malaman, Ali! Anak ka ni Daddy. Kapatid mo kami. Pamilya tayo. Siya ang tunay mong Ama!" sigaw ni Xander. Hindi na yata niya kayang kimkimin ang salita na nais niyang bigkasin kaya pasigaw na niya ito kung sabihin.

"HINDI TOTOO YAN!" at tuluyan na ngang sumabog ang galit sa puso ko. Wala na akong pakialam kung maging kawalang respeto ba ang pagsigaw ko sa kanila. Wala silang karapatan na sabihin sa akin kung sino ang tunay kong Ama! "Patay na ang tunay kong Ama. Patay. na. ang. Daddy ko." mariin kong sambit sa kanila. "Kung wala na kayong iba pang kasinungalingan na sasabihin, aalis na ko." tinitigan ko lang si Xander at ang may kaidarang lalaking nagngangalang Charlisle na nagsasabing siya ang tunay kong tatay. At ng wala akong makuhang imik sa kanila ay tuluyan na akong lumabas ng opisina.

Pinahidan ko ang aking mga luha at tsaka tuloy tuloy na lumabas ng osas. Binilisan ko ang aking lakad dahil natatakot akong sundan ng mga Alonzo. Natatakot ako sa galit ko. Natatakot ako na baka kung ano pang masasakit na salita ang masabi ko sa kanya. Sa kanila. Natatakot ako sa katotohanang siya ang tunay kong tatay. Dahil sa labing siyam na taon kong paglalagi sa tagaytay eh, nasa maynila lang pala siya?

Pinipigil ko ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata ko dahil ayokong may makakita sakin na ganito, na kahit pa nakatungo akong naglalakad eh alam kong mapapansin nilang naiyak ako. Sa pag lalakad ko ay napatigil ako sa dahil sa dalawang pares ng sapatos na nakatigil sa harapan ko. Dinapuan agad ako ng kaba sa pag-aakalang isa ito sa mga Alonzo.

Ngunit ng pag tunghay ko ay napanganga ako sa nakita ko. Gulat, kaba, tuwa at sakit. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Mariing nakatingin sa mga mata ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Ang kaninang pagtitimpi ng luha sa aking mata ay tuluyan ng tumulo at kasabay nito, ay ang pagyakap ko sa lalaking nasa harapan ko.

"Yuan..." bulong ko dito habang lalong sinisiksik ang ulo ko sa matipunong dibdib nito. Agad niya din niya namang ito sinuklian ng yakap na. "Akala ko hindi na kita makikita." humihikbing sambit ko dito. "Sobrang namiss kita." pagpapatuloy ko. Hindi ko na pinansin kung anong mga salita ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ay lumabas kung ano man ang gustong ilabas ng puso ko, ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Hush now, i'm already here." pag-aalo nito sa akin. Lalo ko tuloy hinigpitan ang pagkakayapos ko sa bewang niya. Ang mga kamay ni Yuan ay nakayakap sa bewang at balikat ko at hinahalikan ang gilid ng ulo ko. Dahil doon ay napatingala ako sa kanya. Hindi alintana ang mga luha sa muka ko. Nginitian naman niya ako at pinunasan ang mga luha sa mata ko gamit ang kamay niya at niyakap muli ako. Tama, nginitian niya ako!

Sa muling pagtama ng gilid ng ulo ko sa dibdib niya ay nakita ko si Xander na nakatingin sa amin, sampung hakbang ang layo niya sa direksyon namin ni Yuan. Kinabahan ako lalo doon! Ang gusto ko na lang ay makalayo ako dito! Naramdaman naman ni Yuan ang pagtingin ko sa lalaki sa gilid namin kaya napatingin din ito doon. Lalong humigpit ang mga yakap niya sa akin at ganun din ang ginawa ko. Tumingala ako sa kanya at bumulong.

"Yuan, ilayo mo ako dito parang awa mo na." pagmamakaawa ko dito. nagtagis ang bagang niya ng matonohan ang pananalita ko. Natatakot ako, at alam kong nararamdaman niya iyon. "Yuan, please. Ilayo mo ko dito." kasabay ng salita kong iyon ay kinulong muli ako ng mga braso niya at naglakad na palabas ng unibersidad. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mga masasamang tingin niya kay Xander na akala mo ay gusto niyang saktan.

"Saan ang bahay niyo?" tanong ni Yuan ng makarating kami sa kotse niya na nakapark sa labas ng gilid ng school.

"Ayoko pa umuwi. Kahit san mo ko dalhin, basta ilayo mo muna ako dito okay lang. May tiwala naman ako sayo, Yuan." hinalikan niya ang noo ko bago tuluyan na akong pinapasok ng kotse niya.

Mas may tiwala ako sayo Yuan, mas may tiwala ako sayo kaysa sa kanila.