Chereads / Wedding in Trouble(Tagalog) / Chapter 21 - Chapter 20

Chapter 21 - Chapter 20

TODAY is Friday and we are now on the way to the airport. Tumawag sakin si Maricar kanina na doon na lang kami magkikita-kita.

Medyo maaga ang flight namin kaya naman ramdam ko pa ang pamimigat ng talukap ng mata ko. Napansin ito ni Lorenzo kaya inabot nito sa akin ang U-shaped Neck pillow.

"Here. Matulog ka muna, gigisinging na lang kita pag nakarating na tayo sa Airport."

Tumango ako dito. "Thanks."

One thing na napansin ko ay pagiging caring ni Lorenzo. Talagang tinotoo nito na he'll try to work it out this marriage. Natutuwa akong makita siyang ganito. It really makes my heart flutter.

Nagising ako when I felt someone tapping my shoulder. "Nandito na tayo."

Nang masiguro ni Lorenzo na gising na ako ay binuksan nito ang backseat para kunin ang mga gamit namin. Pagkatapos ay pumasok na kami.

Natatanaw ko sila Mama at Papa kasama rin nito ang pamilya ni Lorenzo pati na rin si Maricar at ang tatlong katulong.

Niyakap ako nila mama at papa. "I miss you Kara, my dear. How are you?" Tanong ni Mama. Si papa kasi ang madalas kung nakikita dahil sa work.

"I'm fine ma. Ikaw kumakain ka po ba ng maayos ma? Ang gamot mo ma, baka kinakalimutan mo?" Mahahalata sa boses ko ang pag-aalala.

"Ayos lang ako Kara, iniinom ko sa tamang oras ang mga gamot ko."

Nakahinga ako ng maluwag. Lumapit ako saglit sa pamilya nila Lorenzo.

"Oh hi Kara! mukhang inaatok ka pa." Bati nito.

"Yes po." Napapakamot sa ulong sabi ko dito.

Lahat kami ay napatigil nang marinig namin ang flight namin. Nag-umpisa na kaming pumasok sa loob. Maya-maya lang ay naramdaman ko na ang pag take-off ng eroplano.

* * *

Manghang-mangha ako ng marating na namin ang Boracay. Ang tagal ko din hindi nakabalik dito. High school pa 'ata ang huling punta ko dito.

"Kevin, pinaready mo na ba 'yung hotel na tutuluyan natin?" tanong ni Mommy Karen.

Ngumisi naman ang papa ni Lorenzo. "Yes boss!"

Natawa kami sa sinagot nito. Ganito kasi maglabing si Daddy Kevin kay Mommy Karen.

"Pare under na under ka ni Karen ah." Tukso ni Papa.

Napahalakhak si Daddy Kevin. "Mahirap ng ma-outside de kulambo."

Natawa kaming lahat pati si Mommy Karen ay natawa na rin. Pero napatigil kaming lahat ng masalita si Ate Carla.

"Dad, mamaya na kayo maglambingan ni Mommy. Let's go to Hotel na."

Napakamot naman sa batok si Daddy Kevin. "Okay. Noted."

Nagpalingon-lingon ako ng hindi ko makita si Lorenzo pero maya-maya din ay dumating ito.

"San ka galing?" Tanong ko.

Lumapit ito at bumulong sakin. "Tinawagan ko lang 'yung staff ng Hotel nakalimutan kasi ni Daddy na sabihan na sunduin tayo."

Doon ako napahalakhak. Kakasabi lang ni Daddy Kevin na pinaready niya na yung hotel eh.

Agad tinakpan ni Lorenzo ang bibig ko nang mapalingon sa amin ang lahat. Nakakunot ang mga noo.

Tumawa si Lorenzo para hindi makahalata si Mommy Karen, "si Kara po kinikilig, nagsabi po kasi ako ng pick-up lines. Nacorny-han po siguro sa akin." Tumango naman ito.

"Okay, lovebirds tama na 'yan. Sinita ko nga si Daddy kayo naman pumalit." si Ate Carla.

Magiging si Maricar ay nagpipigil ng tawa pagkatapos ay nagpatuloy na sa paglalakad.

Nakita kong sumulyap sa amin si Daddy Kevin at sinenyasan namin ito ni Lorenzo ng thumbs up.

Tinanggal ko ang kamay nito sa bibig ko. Hindi ko pa rin mapigilang matawa. "Napakaloko ni Daddy Kevin."

Natawa rin Lorenzo pagkatapos ay inakbayan ako nito. "I know kaya secret lang natin ito. Baka mapatay ako ni Mommy dahil pinagtakpan ko si Daddy."

* * *

Nilibot ko ang paningin para hanapin ang Room 403 na siyang nakasabit swipe card na dala ko. Ito ang designated room namin ni Lorenzo na located sa fourth floor. Hindi ko alam kung bakit kami ang pinakamalayo, samantalang silang lahat ay sa second floor lang naman ang room. Parang pinagplanuhang ilayo kami.

Nilingon ko saglit si Lorenzo sa likod ko na siyang may buhat ng mga bagahe namin.

"Lorenzo, do you know why our room are here on the fourth floor samantalang sila ay sa second floor?" Tanong ko.

Nakita ko ang room namin sa dulong bahagi ng hallway sa kaliwang side. Nang nasa harap na kami nito ay agad kong ini-swipe ang card.

"I think nabanggit sakin ni Mama Gina yan." Nag-isip ito saglit. "Para daw magkaroon daw tayo ng babe time."

Napatigil ako sa aking ginagawa ng marining ko ang sinabi ni Lorenzo. "What? sinabi ni Mama 'yon?"

"Yes?" Hindi siguradong sagot nito.

Hindi makapaniwalang ipinagpatuloy ko ang pagbukas ng pinto.

Pagbukas ko ng pinto ay hindi agad ako nakagalaw sa pagkamangha. Ang una kong napansin ay ang ceiling to floor glass wall nito na talaga namang tanaw na tanaw ang magangdang view ng beach. May dark brown curtains ito sa magkabilang gilid. Iginala ko ang paningin sa paligid. Makikita ang white bed covering by a dark brown blanket on top of it are two pillows. Sa magkabilang gilid ng kama ay may dalawang lump shades. Sa harap nito ay ang TV katabi ang daan papuntang restroom.

Overall, it's perfectly beautiful.

Panandaliang nawala ang pagod ko sa byahe sa ganda ng view at ng kwarto.

Napalingon ako kay Lorenzo ng magsalita ito.

"Gusto mo na bang magswimming agad pagkatapos natin mag-ayos ng gamit?"

Gusto ko sanang bumaba para maglibot-libot pero naisip ko na wala pang pahinga si Lorenzo magmula pa sa kotse hanggang sa makarating kami dito.

"No, mag-aayos muna ako ng gamit and Lorenzo magpahinga ka muna I know hindi ka pa nakakapagpahinga."

Tumawa ito. "Kaya ko pa naman."

"O sige, magpahinga ka muna dyan. Mag-aayos lang ako saglit ng gamit ko."

Tumango ito at humiga sa kama.

Kinuha ko ang gamit ko na nasa gilid ng kama. Sinadya kong bagalan ang kilos ko para makapagpahinga pa ng matagal si Lorenzo. Maya-maya pa nang lingonin ko ito ay tulog na pala ito.

Lihim akong natawa.

Magtatanghalian na nang bumaba kami ni Lorenzo. Tumawag si kasi si Mommy Karen na bumaba na kami dahil sabay-sabay na raw kami kakain.

"Ba't di mo ako ginising Kara, 'di ba gusto mo mag-swimming kanina?" sabi nito habang nasa loob kami ng elevator.

Natatawang sinagot ko ito. "Eh wala pa ngang ilang minuto nakatulog ka na, ang sarap kaya ng tulog mo."

Sumimangot lang ito.

Lumabas na kami ng elevator nang makarating namin ang first floor.

"'Saka parang mas gusto ko munang maglibot-libot dito," napahawak ako sa baba habang nag-iisip ng puwedeng gawin. "Bibili na rin pala ako ng mga souvenir."

"Okay, I'll come with you. Baka magtagal ka pa sa kakapili 'kala mo naman bibilhin lahat."

Natawa ako. "Hoy! pinipili ko kasing mabuti 'no."

"Nandito na sila Tita." Narinig kong sabi ni Maricar kay Mama.

Tumingin sa'min si Mama. "O siya, maupo na kayo at kakain na."

Umupo kami ni Lorenzo sa dalawang bakanteng upuan sa tabi ni Maricar.

"Bakit ang tagal n'yong bumaba?" Kitang-kita sa mga mata nito ang panunukso.

Bahagyang siniko ko ito. "Wag kang ano d'yan, natulog kami saglit dahil napagod sa byahe." Nagkibit balikat lang ito pero alam kong hindi ito naniniwala.

Nag-umpisa na si Maricar kumain kaya kmuha ako ng dalawang plato, spoon and fork, inabot ko ang isa kay Lorenzo. Pagkatapos ay nagsandok ako ng kanin at inilagay ito sa plato ni Lorenzo. Kumuha rin ako ng ulam at inilagay sa plato niya.

"Okay na 'yan, ikaw kumain ka ng madami." Nilagyan din ni Lorenzo ang plato ko ng kanin at ulam. Sadyang dinamihan talaga ito ni Lorenzo.

"Para naman 'ata akong kakatayin nito." Natatawang bulong ko.

"Kulang pa nga 'yan. Sige na kumain ka na."

Napatigil kami sa pagbubulungan ng may umubo.

"Ehem! Hon pakilagayan nga din ako ng kanin ay ulam. Damihan mo ha!" Natawa kami ng gayahin ni Ate Carla ang ginawa ni Lorenzo. Sumunod naman si Kuya Mikee sa utos nito. Kanina pa pala sila nakatingin sa'min na animo'y nanonood ng sine.

Naramdaman ko ang unti-unting pamumula ng aking mukha. Napansin ko rin ang pamumula ng tenga ni Lorenzo. Sinyales na pati ito ay tinubuan din ng hiya.

"Akala ko nga ay kukuha na ako ng popcorn e, mayroon pala ditong romantic na pelikula." Si papa.

"Pa!" Sita ko.

Hindi napigilang mapatawa ng lahat.

"Anak, wag mo naman masyado ipahalata na patay na patay ka sa asawa mo. Aba'y naiinggit na si Maricar." Lahat kami ay napalingon kay Maricar. Bahagya akong natawa ng bigla itong napatigil sa akmang pagsubo ng hipon.

"Ay! don't me tita, baka pag-uwi natin may bitbit na akong jowa." Lalong natawa ang mga ito.

"Naku Gina, hindi ko nga akalain na may itinatagong ka-sweetan pala itong anak ko. E muntik na tayong langgamin dito."

Hindi ko na alam kung ano ang dapat kung gawin para lang hindi na kami ng mga ito tuksuhin.

"Pero you know what, I'm happy na si Kara ang naging asawa ng anak ko. Because I know Kara since a child. I know na aalagaan at iingatan niya ang unica iho ko."

Gumuhit ang ngiti sa aking labi.

I know I can assure Mommy Karen when it comes to that. I love Lorenzo more than myself that I can do whatever it takes just to make him happy. I know it selfless, but that's how much I love him.

Nagulat ako ng akbayan ako ni Lorenzo.

"Maswerte rin naman sa'kin si Kara, Mommy. I will make sure to always put Kara, first my priority is her happiness. I know na hindi maganda ang naging simula namin. But this time will make it right." Nakakatitig lang ako rito habang nagsasalita ito. Parang gusto kong irecord ang lahat ng sinabi ni Lorenzo. Gagawin kong remembrance.

Napapalakpak si Ate Carla sa tuwa. "At dahil d'yan, Let's cheers!" Itinaas nito ang baso. Sinundan namin ito at ibinangga sa kanilang baso.

"Oh! I like this, Dream catcher na gawa sa shells." Ipinakita ko kay Lorenzo ang isang sa mga nabili naming souvenir.

Nakaupo kami dito sa lilim ng isang puno malapit sa dalampasigan. Kanina pa kami natapos sa pamimili ng souvenir. Dito namin naisapang tumambay.

Ngumisi ito. "Ang bilis mo nga natapos ngayon e, nabreak mo na ang record ng pinakamatagal mong shopping."

Napanguso ako. "Grabe 'to!"

Lalo lang itong natawa. Ilang minuto kaming hindi nagsalita.

Nakatingin lang kaming dalawa sa dagat. Tahimik itong pinagmamasdan. Lumingon ako kay Lorenzo. "Lorenzo, tungkol doon sa sinabi mo kanina- " Pinutol ako nito.

"I mean it, Kara."

Sandali itong napatigil.

"Lately, I've been thinking of my life. Kung masaya ba ako? kung nasasaktan pa rin ba ako?" Nasa dagat pa rin ang tingin nito.

"At kung nakalimutan na ba siya ng puso ko?" Napalunok ako. Alam kong ang tinutukoy niya ay si Cristine.

"Kapag kasama kita, ang gaan sa pakiramdam. Parang lahat ng bagay madali, because I know you will always be here beside me. To support me." This time ay tumingin na ito sa akin. Unti-unti itong ngumiti.

"Kara-"

"Lorenzo!" Hindi nito natuloy pa ang sasabihin dahil may tumawag sa kanya. Boses na parang pamilyar sa akin. Sabay kaming lumingon sa pinagalingan nito.

"Sheena?" Gulat na tawag ni Lorenzo sa pangalan nito.

Anong ginagawa ng babaeng ito dito?