Chereads / Wedding in Trouble(Tagalog) / Chapter 27 - Chapter 26

Chapter 27 - Chapter 26

PAIN. That's what I feel right now.

Every time I close my eyes, I will always remember the two of them kissing and it really hurts like hell. Nang talikuran ko si Lorenzo ay dumiretso ako sa bahay namin. My mother looks confused when she saw me crying. I run to her. I just want to feel her embrace. I missed her so much.

Alam kong gustong-gusto niyang magtanong pero hindi nito ginawa. Pinapasok niya ako sa bahay and prepare me a food. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ako sa taas para pumunta sa kwarto. When I enter my room, pakiramdam ko bumalik ako sa panahon na dalaga pa ako at ang iniisip ko lang ay ang studies ko.

Walang pinagbago ang kwarto ko. Kung paano ko iniwan ito noon ay gano'n pa rin ito ngayon. Bumuntong hininga ako at umupo sa kama.

Unti-unting bumalik sa isipan ko ang nangyari. Naramdaman ko ang dahan-dahang pagtulo ng luha ko. I planned to keep it all. Kahit na hindi niya sinabi sa'kin na nagkita sila. Ayos lang sa'kin tatanggapin ko 'yon, pero nang makita ko silang dalawa at ang ginagawa nila bigla akong sumabog. Kinain ako ng sakit na nararamdaman ko. Na parang ayaw tanggapin ng utak ko ang anumang paliwanag na sasabihin ni Lorenzo. Kaya umalis ako.

Alam ko na ang ginawa ko ay isang kaduwagan. Tinalikuran ko siya. Tinakbuhan ko lang ang problema. Pero nasaktan ako, hindi ko kayang harapin sa ngayon ang problemang meron kami. Mas maganda rin siguro na hindi muna kami magkita. I want him to re-assess his feelings. His feelings for me and.. for her and I will do the same.

After that day, I stayed at my parents house. Ilang beses nagpabalik-balik si Lorenzo sa bahay para sunduin ako pero hindi ako humarap sa kanya. Kahit mahirap ang malayo sa kanya ay pinilit ko para sa'min. Halos hindi ko na mabilang kung ilang beses na ito tumatawag pero nauuwi lahat iyon sa missed calls. Nagrequest din ako kay Papa ng leave at pumayag naman ito. Bagamat hindi ko pa rin nasasabi ang dahilan kung ano ang nangyari ay tahimik lamang sila tungkol dito.

Kinuha ko ang remote at inilipat ang channel. Naisip kong manood ng TV pero hindi naman pumapasok sa'kin ang mga pinapanood ko. Bumuntong hininga ako.

I missed him. May gawin man ako o wala ay naiisip ko pa rin siya. Kung kumusta na ba siya? Kumakain ba siya ng maayos? Baka napapabayaan niya na ang sarili dahil masyadong tutok sa trabaho. Everything about him keeps popping in my mind.

Nakita ko si Mama na pumasok. May hawak itong bulaklak. Nakangiting lumapit sa'kin.

"Another flowers for you. He's really sweet!" Kinikilig niya wika.

Sa ilang araw kong pananatili rito kila Mama ay ang walang mintis na pagpapadala ng bulaklak ni Lorenzo. Halos mapuno na ang kwarto ko ng bulaklak. Napatitig na lang ako sa panibagong bulaklak na ipinadala niya. Napansin kong nakatingin sa'kin si Mama.

"Kara, hindi ko alam kung anong nagyari sa inyong dalawa. But always remember that me and your father will always be here for you." Nakangiting wika niya.

Hindi ko alam kung bakit pero nang dahil sa sinabi niya ay biglang bumuhos ang luha ko. Ang hirap itago. I feel sad. I feel hopeless.

"Ma.. bago kami ikasal ni Lorenzo ay may m-mahal na siyang iba." Nakita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata.

"At ikinulong ko siya sa kasal na hindi niya ginusto. Ngayon na nagbalik ang una niyang minahal.. I don't know what to do Ma.." Bumuhos ang panibagong luha sa mga mata ko.

"Mahal ko po siya Ma. Magmula ng mga bata pa kami ay gusto ko na siya pero tinago ko 'yon. At nang ikasal kami, nag-umpisang umasa ang puso ko na sana mahalin niya rin ako. But now.. b-bumalik na ang babaeng una niyang minahal." Napahilamos ako ng mukha.

"I-I don't know what to do Ma.." Lumapit siya at niyakap ako. Hinaplos nito ang likod ko.

"I'm sorry anak. I don't know that you have someone in your heart. I even pushed you into blind dates." Umiling ako. Hindi niya kasalanan na nagmahal ako sa taong may mahal nang iba.

"You are so brave, Kara." Niyakap ko siya ng mahigpit habang patuloy pa rin ang paglandas ng luha sa pisngi ko.

"Anak, sa pagmamahal hindi laging masaya. Sinusubok rin ito ng tadhana on how strong your love for him and his love for you." Lumayo siya sa'kin at pinahid ang mga luha ko.

"Sa pagsubok napapatunayan ang pagmamahalan ng dalawang tao. Kung paano nila malalagpasan ng magkasama." Isinandal niya ang ulo ko sa balikat niya.

"You know what? Me and your father almost didn't make it. Dumaan din kami sa pagsubok at muntik na akong sumuko. What I mean is.. love is not just love. It should also have faith and patience. Those two will keep your love stronger than any problems you may encounter." Nilingon ko si Mama. She's smiling. Tumango ako.

"Stop crying na. Hay! Ang bilis talaga ng araw. Ang baby ko, marunong ng magmahal." Natawa ako.

"Ma!" Niyakap akong muli nito.

Pagkatapos namin mag-usap ni Mama ay lumabas muna ako para magpahangin. Gumaan ang pakiramdam ko nang mailabas ko ang mga hinaing ko. Nagpunta ako sa playground na malapit sa'min.

Hindi ko maiwasang mapangiti nang maalala ko na dito kami unang nagkakilala ni Lorenzo. Dito ko siya unang naging kalaro.

Tama si Mama. Pagsubok lang ang lahat ng ito. Hindi ko dapat tinalikuran si Lorenzo. Hindi ko dapat tinakbuhan ang problema. Maybe this is all I need for me to understand that Cristine will always have a place inside his heart. I should accept that fact at alam kong may lugar din ako sa puso ni Lorenzo. I should be happy with that. Kung pipiliin ni Lorenzo na makasama si Cristine, I will let him. If that's will make him happy. His happiness is also my happiness.

Gabi na nang makauwi ako sa bahay. Sabay-sabay kaming nag-dinner nila mama at papa. Namiss ko ang ganito. Matagal-tagal ko na rin silang hindi nakakasabay kumain. Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa kwarto. Maya-maya ay nakarinig ako ng tunog ng gitara. Hinanap ko kung saan ito nanggaling at nalaman ko na nagmumula ito sa labas. Kaya binuksan ko ang bintana ng kwarto ko.

Nanlaki ang mata ko sa pagkamangha ng makita ko si Lorenzo. Hawak-hawak niya ang gitara.

🎶Sorry na kung nagalit ka di naman sinasadya

Kung may nasabi man ako init lang ng ulo

Pipilitin kong magbago pangako sa iyo🎶

Nakita ko ang pagbukas ng bintana sa kwarto ng parents ko. They are shock to see Lorenzo singing.

🎶Sorry na nakikinig ka ba? Malamang sawa ka na

Sa ugali kong ito na ayaw magpatalo

At parang sirang tambutso na hindi humihinto🎶

Mariin itong nakatingin sa akin. May mga ilang napapadaan sa harap ng bahay namin pero mukhang walang pakialam si Lorenzo sa mga ito.

🎶Sorry na talaga kung ako'y medyo tanga

Hindi ako nag-iisip na-uuna ang galit

Sorry na talaga sa aking nagawa

Tanggap ko na mali ako wag sanang magtampo

Sorry na🎶

Alam kong hindi magaling kumanta si Lorenzo. I already heard him sing before pero ngayon, napakasarap nitong pakinggan. Kailan pa ito natutong kumanta ng nasa tono?

🎶Sorry na wag kang madadala

Alam kong medyo nahihirapan ka

Na ibigin ang isang katulad kong parang timang

Na paulit-ulit kang hindi sadyang nasasaktan🎶

Pero kahit na kumanta si Lorenzo na wala sa tono, for me it will still be beautiful.

🎶Sorry na saan ka pupunta?

Please naman wag kang mawawala

Kapag ako ay iwan mo mamamatay ako

Pagkat hawak mo sa iyong kamay ang puso ko🎶

Hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya na para bang kami lang ang tao sa mundo at siya lang ang nakikita ko. I smiled when I saw him wink at me.

🎶Mahal kita sobrang mahal kita

Wala na akong pwedeng sabihin pang iba

Kundi sorry talaga di ko sinasadya

Talagang sobrang mahal kita

Wag kang mawawala

MAHAL Sorry na..🎶

Hindi ko mapigilang kiligin nang isama niya sa lyrics ng kanta ang tawagan naming dalawa.

Natapos na ang kanyang kanta pero hindi ko pa rin magawang mag-iwas ng tingin. I'm so in love with this guy. Nang matauhan ako ay agad akong bumaba. Muntik pa akong matisod sa pagmamadali.

Pagkabukas ko ng gate ay agad akong yumakap sa kanya. Niyakap rin niya ako ng mahigpit.

"I'm sorry, Mahal." Nangingilid ang luha niya ng lumayo ako para makita ang kanyang mukha. Tumango ako. Nakita ko ang paglagpas ng tingin niya mula sa'kin papunta sa likod ko. Sinundan ko ang tingin niya at nakita sila mama at papa nakalalabas lang ng bahay.

"Good evening po." Pagbati ni Lorenzo.

Ngumiti si Mama kay Lorenzo. "We should come inside. Malamig dito sa labas." Tumango kaming dalawa. Naunang pumasok sa loob sila mama at papa. Sumunod kaming dalawa. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti ito and I smiled too.

Nag-usap sandali sila Lorenzo at ang parents ko pagkatapos ay umakyat na rin sa taas para magpahinga. Naiwan kaming dalawa ni Lorenzo sa sala. Walang nagsalita sa'min.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"I'm sorry." I stared at him.

"I'm sorry because I didn't keep my promise to always be honest." Hinawakan niya ang kamay ko. I can feel his sincerity.

"Hindi ko sinabi sa'yo ang pagkikita namin sa restaurant dahil ayokong masaktan ka dahil magkasama kami. I swear, nag-usap lang kami." Itinaas pa niya ang kanyang kanang kamay na parang nanunumpa.

Tumango ako.

"Anong pinag-usapan niyo?"

"We talked about our relationship because I want a closure." He's waiting for my response pero hindi ako nagsalita, hinayaan ko siyang magpatuloy.

"When I saw her. I know I still love her but not as much as I love you. Mahal ko siya pero mas mahal kita, Kara. Mas napatunayan ko 'yon nang iwan mo ako." Nakagat ko ang ibabang labi ko sa pagpipigil ng luha. I don't want to cut his words. I want him to say it all.

"Halos mabaliw ako kakaisip kung anong gagawin ko kapag tuluyan mo na akong iniwan.. That's why I talked to dad." Ngumiti ito.

"He gave me an advise. He said that I should give you time to think and give myself time too. Pero hindi ko kayang walang gawin na paraan para mapatawad mo so I started sending you Flowers." Nakangisi naman ito ngayon.

"Yes. Nilagay ko na sa garden 'yung iba dahil halos mapuno muna ang kwarto ko." Natawa kaming dalawa.

"The time that you saw us in that awkward situation. She kissed me and I was too shock to react. I swear I never responded to her kiss—"

"I know." Pagputol ko.

"So.. you've forgiven me?"

"Well.. On the second thought parang gusto kung i-postponed muna, para maisipan mo ulit akong haranahin." He chuckled.

"Kailan ka pa natutong kumanta ng nasa tono?" Natatawang tanong ko sa kanya.

Nagusot ang mukha ni Lorenzo. "Gano'n ba talaga ka pangit pakinggan ang boses ko?" Napahalakhak na ako.

"I even hired a tutor for my voice lesson." Nagulat ako sa narinig.

"Really?!" Tumango ito. I am so touched of his efforts.

"Yes." I can see his ears turning red.

Oh, how I love him so much!

Sa sobrang tuwa ko ay mabilis ko itong hinalikan. Nakita ko ang pagkagulat niya pagkatapos ay ngumiti.

"You know what? Ayokong binibitin." Kinabig niya ang batok ko para halikan. Buong puso ko itong tinugunan. I really missed him. His scent, his touch.. Everything about him.

Naramdaman ko ang bahagyang pagkagat nito sa ibabang labi ko nagdulot ito sa'kin ng kakaibang pakiramdam. Hinila niya ako palapit sa kanya na halos nakaupo na ako sa mga hita niya. Ramdam na ramdam ko ang pananabik nito at gano'n din ako sa kanya.

Hinihingal na saglit akong nagbitiw. "Let's go to my room." Nakita ko ang pagngisi niya.

Binuhat niya ako paakyat sa taas. Once na makarating kami sa second floor ay nagtagpong muli ang aming mga labi.

"Where is your room?" Hinihingal niyang tanong.

"Sa dulo." Natawa ako ng kumunot ang noo nito.

"Damn! Why is it so far?!" Inis na bulong niya.

Lalo akong natawa. Mukhang hindi 'ata kami matutulog ngayong gabi. Sana lang ay hindi namin maging sila Mama at Papa.