Chereads / Wedding in Trouble(Tagalog) / Chapter 30 - Epilogue

Chapter 30 - Epilogue

HINDI ko mapigilan ang malungkot nang makita ang dahan-dahang pagbaba ng kanyang kabaong. Inilibot ko ang paningin. Lahat ay naluluha at nagluluksa sa kanyang pagkawala. Akala ng lahat ay payapa lang itong natutulog. Nakangiti at walang bahid ng pangamba ang kanyang mukha pero nagulat na lang kaming lahat nang hindi na ito gumising pa.

Itinigil ng dalawang lalaki ang pagbaba sa kabaong para sa pagbibigay ng bulaklak. Isa-isang lumapit ang mga tao at nagbaba ng puting rosas.

Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na siya. Parang kahapon lang kausap ko pa siya at masayang nagpaplano sa mga bagay na nais niyang gawin kasama ako.

Naramdaman ko ang pangingilid ng luha ko kaya naman napatingala ako para hindi ito tuluyang bumagsak. Napatingin ako sa katabi ko nang maramdaman ko ang pagtapik niya sa balikat ko.

"Lorenzo, it's your turn."

Tumango ako at lumapit dala ang isang tangkay ng puting rosas. Bawat hakbang ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko.

Tumigil ako nang nasa harap na ako nito. Mariin kong ipinikit ang mga mata para pigilin ang aking mga luha.

Inilagay ko ang bulaklak sa ibabaw ng kabaong nito pagkatapos ay tumalikod. I saw Sheena. She's really crying so hard. Hindi matutumbasan ang sakit na nararamdaman niya ngayong inililibing na ang kanyang ama.

Maging ako ay nalulungkot din sa nangyari. Itinuring ko ng pangalawang ama si Mr. Corpuz kahit na sa maikling panahon lamang kami nagkasama. He's the one who told me to value life more than work dahil maikli lamang ang buhay. Bagay na hindi-hindi ko malilimutan mula sa kanya.

Maya-maya rin ay unti-unti nang nagsialisan ang mga dumalo sa libing. Nagpaalam na rin sa'kin sila Mom and Dad na mauuna na silang umuwi. I stayed a little bit.

Matapos ang ilang minuto ay lumapit ako kay Sheena para magpaalam. Mag-isa itong nakaupo sa unahang row.

"Sheena.."

Lumingon ito sa akin ng may namumugtong mga mata. Pilit itong ngumiti.

"Lorenzo.. D-Daddy is.. gone." Bumuhos ang panibagong luha mula sa mga mata niya. Ramdam ko ang pagdadalamhati niya just by looking at her.

"I know. You will be okay. In time. Cry all you want but.. don't be in pain for too long," kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at inabot ito sa kanya. "Your dad is watching from above and I know he wants to see you smile again."

Tumango ito at pinahid ang mga takas niyang luha. Tahimik naming pinagmasdan ang lapida.

In loving memory of

Jose T. Corpuz

Born: March 3, 1944

Died: October 15, 2020

Your memories will always remain in our hearts

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Sheena.

"Kamusta kayo? si Kara?" tanong niya.

Ngumiti ako ng maalala ang aking asawa.

"She's fine and also our baby."

I remembered when I saw her running to me when we were in Mall but she suddenly stop and slowly lose her balance. Halos takbuhin ko ang distansya naming dalawa para masalo ko siya.

"KARA!"

Dali-dali ko itong ginising pero nang hindi pa rin ito magising ay binuhat ko ito patakbo sa kotse. Naiwan si Maricar para dalhin ang mga gamit nilang dalawa. Paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan ni Kara and told her to stay with me. I was really scared that time. Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nawalan ng malay. Kung anu-anong what if's na ang pumapasok sa utak. I also called our parents to inform them of what happened.

Thankfully, pagdating sa hospital ay inasikaso nila agad kami. I don't know what will I do if ever they ignore me. I will make sure that they will pay if something serious happened to my wife.

Maya-maya lang din ay pumasok sila Mom and Dad. Mom rush to hug me and see Kara while Doctors are checking on her. Dad stay by my side to calm me down.

And then the doctor came out holding a papers. It must be the test results.

Halos lumabas na ang puso ko sa kaba sa kung anuman ang nais sabihin ng Doctor.

Nang marinig ko ang sinabi ng Doctor, sandali akong nabingi at napatitig kay Kara na mahimbing na natutulog. Tila hindi nag-sync-in sa'kin ang sinabi ng Doctor.

Kara is pregnant.. and I'm going to be a father.

Sobrang saya ko nang malaman na walang masamang nangyari kay Kara and to know that we have a newly added member of the family. And that is my baby. Our baby.

Hindi ako umalis sa tabi ni Kara kahit na sinabi ng Doctor na dala lamang ng pagod ang pagkahimatay nito. Hanggang sa magising na nga si Kara. Nu'ng una ay nagtataka siya kung bakit siya nasa hospital kaya ipinaliwanag ko sa kanya ang mga nangyari at ibinalita ang tungkol sa magiging anak namin.

She was shock at first and then start crying out of happiness. We promised to each other that we will be a loving parents.

Hindi pa man lumalabas ang baby namin ay nakabili na agad ng mga gamit ang mga lolo at lola niya. Hindi naman sila halatang excited.

"You are smiling," napatigil ako sa pagbabalik tanaw nang marinig ko ang boses ni Sheena.

"I'm just so excited to see our baby. Kabuwanan na kasi ni Kara."

Hindi na pa namin alam kung ano ang gender ng baby namin. Gusto rin kasi namin na maging surprise na lang ito.

"Ang mabuti pa ay umuwi ka na at baka namimiss ka na ng mag-ina mo. Just say hi for me to Kara." Nakangiting pagtataboy niya sa akin.

Napangiti ako. Kung dati ay napapansin ko ang pagiging hindi kumportable nila sa isa't-isa ni Kara, pero ngayon ay halos ayaw ng paalisin ni Kara si Sheena sa tuwing dadalaw ito sa bahay. Sa tingin namin ay si Sheena ang pinaglilihian niya.

"No problem. Next time dalawin mo si Kara. Sure akong namimiss ka ng paglihian non."

Napailing siya. "Tingin ko talaga ako ang magiging kamukha ng anak n'yo, walang makukuha sa inyo."

Matapos kong magpaalam ay dumaan muna ako sa company to check how's the employees doing our projects.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone sa bulsa ng coat ko.

Sender: MAHAL KO

Mahal bago ka umuwi bilhan mo ako ng Carbonara. Thank you. Love you.

Ps. Kiss kita mamaya😘

Naramdaman ko ang unti-unting pagguhit ng ngiti sa aking mga labi.

Parang gusto ko na tuloy magmadaling umuwi.

Pagkatapos kong icheck ang company ay dumiretso na ako sa paboritong shop ni Kara para bilhin ang request nito. Habang nagmamaneho ay biglang nagvibrate ulit ang phone ko. Ba't parang ang daming nakakaalala sa'kin ngayon.

Josh calling...

I connect my phone first to my wireless earphone then answer the call.

"Yes?"

(Hey bro! pwede ba akong makitulog sa inyo-)

"No." Agad kong sagot sa kanya. Hindi ko alam kung paano kami naging close ng lalaking ito but here we are talking to each other. Maybe it starts when we got drunk on my birthday party.

(Bro! Sige na ngayon lang naman. Maricar is scary bro. Para akong babalatan ng buhay pagkasama ko siya.)

Natawa ako. Ang exaggerated ng loko!

"Well, that's what you get for getting drunk and letting your mom see you with Maricar at your bed."

Nag-inuman kasi silang dalawa ni Maricar. Sinamahan niya lang naman daw si Maricar dahil mukha itong broken hearted pero ayun at napainom na rin siya. Dala ng kalasingan at hindi niya alam ang address ni Maricar kaya sa bahay niya na lang muna ito dinala. Malas nga lang niya dahil the next day ay bumisita si Tita and saw them half naked.

He frustratedly sigh. (Seriously. Nothing happened.)

"Well, sa mata ng Mom mo, something really happened."

Kaya ngayon ay engaged sila and today is their engagement party. Gusto nitong tumakas kaya ito tumatawag sa'kin.

"Just a reminder bro, Maricar is Kara's best friend so if I were you, magstay ka na lang dyan at baka manganak ng wala sa oras ang asawa ko kapag nalaman niyang tinakasan mo ang ang engagement party ng kaibigan niya."

Gusto sanang umattend ni Kara sa engagement party but due to her condition ay hindi na rin pwede. Mabuti na rin 'yon dahil siguradong mai-stress lang siya sa dalawang 'yon.

(I know... It's just...)

Tumigil ito. I think he's thinking.

"Bro, you have to face it. Nangyari na 'yan. Pag-usapan n'yong dalawa ni Maricar. Okay? I have to end this call. Kara requested me to buy her food."

(Yeah.. Thanks by the way.)

Pagkatapos kong ibaba ang tawag ay ipinarada ko ang sasakyan para makabili na ng Carbonara.

Sa labas pa lang ay rinig ko ang masayang tawanan sa loob ng bahay. Nagmadali akong buksan ang pinto para makapasok to see my wife.

I missed her.. though I just went out not too long ago but still I just want to stay beside her. To kiss or hug her, to hold hands... God! everything about her makes me crazy.

Pagpasok ko sa loob ay agad kong nakita sila Mama and Papa, Kara's parents. Nakita rin ako ng mga ito. Lumawak ang ngiti ko ng masilayan ko ang napakaganda kong asawa. Nakaupo ito sa sofa. Medyo nahihirapan na ito tumayo dahil sa tiyan niya kaya nagmadali akong lumapit sa kanya para alalayan.

"Mahal, kamusta? kamusta si Sheena?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Kara.

I kiss her cheeks before I answer her question. "Still fighting, pero alam kong malalagpasan niya rin ang lahat ng iyon. Umupo ka na, Mahal. Alam kong mabigat na si baby." sinunod nito ang utos ko at umupo na lang sa sofa.

"Naging mabait naman si baby ngayon kaya-"

Napalingon ako kay Kara ng bigla itong tumigil sa pagsasalita.

"Kara, are you okay?"

"Yes. Kumirot lang sanda- ahhh!" Nagulat kaming lahat ng bigla itong sumigaw. Napansin namin ang pagdaloy ng tubig sa hita ni Kara. Bahagya akong natulala. Biglang nablanko ang utak ko.

"Mahal manganganak na 'ata ako. Ahhh!"

What?! Manganganak na si Kara!

Nasa'n ang susi ng kotse? Ang mga gamit niya?

"Mahal! Kumilos ka na... Ahhh! Ma!"

Agad naman akong natauhan at dali-daling binuhat si Kara. Mabuti na lang at bumalik sila Mama at Papa na galing kusina.

"Ma, manganganak na si Kara. Please get her things." natatarantang utos ko.

"Baby... 'wag mo pahirapan si Mommy ha." wika ko.

"LORENZO! Arghh..."

"Yes! Mahal. I know konting tiis na lang."

Agad kong pinaandar ang sasakyan ng sandaling madala na namin ang mga kailangan ni Kara. Halos maligo na sa pawis si Kara sa sobrang pamimilipit nito. Muli na naman itong sumigaw sa sakit kaya naman. Pinaharurot ko na ang sasakyan.

Pagkadating sa hospital ay agad inilagay sa stretcher si Kara.

"Please be strong, Kara. I love you so much and our baby." Hinalikan ko ang noon niya.

Hanggang sa makapasok kami sa delivery room ay namimilipit pa rin si Kara. Sa buong oras ng panganganak ay nasa tabi lang ako nito. Kahit na halos pigain na rin nito ang kamay ko sa tuwing magpupush siya. Hindi ko na ininda pa ang pamimilipit ng kamay ko dahil alam kong mas masakit pa ang pinadadaanan nito ngayon.

"Konti na lang, mahal. Konti na lang." Bulong ko sa kanya.

Ilang minuto pa ang lumipas nang marinig ko ang unang pag-iyak ng aming anak. It's a baby boy.

Hindi ko na rin napigilang maluha.

Shit! Daddy na ako.

Dahan-dahan na ring kumalma si Kara. Nakatingin na ito ngayon sa baby namin.

"I love you, Mahal." I said and kiss her forehead.

"I love you too, Mahal. Pero sa susunod, ikaw na ang manganak."

Natawa ako sa sinabi nito. Ngumiti ito at tiningnan mula ang aming munting prinsipe.

- - -

The End.

Related Books

Popular novel hashtag