"HAPPY birthday.. Mahal." Nakangiti kong pagbati sa kanya. Umawang ang bibig niya at mamaya ay sumilip ang di mapigilang ngiti sa labi niya.
"Thank you.. Mahal." Bahagyang akong natulala ng banggitin niya ang salitang 'Mahal'. Pakiramdam ko gusto ng lumabas ng puso ko sa lakas ng tibok nito. Natauhan lang ko ng marinig ko ang hiyawan ng lahat.
Kapag talaga tungkol kay Lorenzo nawawala ako sa sarili ko. Hindi ko mapigil ang sariling kiligin everytime na gagawa ito ng bagay na bihira pero sweet sa'kin.
"Mahal, paki-blow the candle na kasi gutom na kami." Pang-aasar ni Mark. Isa sa mga kaklase namin nung highschool.
"Pagkain lang 'ata pinunta mo eh!" Natatawang sagot ni Lorenzo.
"Ay! syempre masarap magluto si Tita Karen." Nagtawanan ang lahat lalo na si Tita Karen.
Naiiling na nilapit kong muli ang cake kay Lorenzo. "Make a wish and blow the candle na Lorenzo."
Sandaling pinikit niya ang mga mata. Nang matapos na itong makapagwish ay hinipan niya na ang apoy ng kandila. Nagpalakpakan kaming lahat.
Lumapit sa'kin si Lorenzo. "So.. this is the reason why you asked me a date." Natawa ako.
"Sorry, I had to distract you. And effective naman dahil nasurprise ka namin." Kumapit ako sa braso niya at isinandal ang ulo sa kanya.
Hinawakan niya ang aking mukhang. "I really appreciate it. Thank you, Mahal."
"By the way, I like our endearment. Mahal." Bulong niya. Bigla naman akong pinamulahan ng mukha. Sabay kaming napalingon nang tawagin siya nila Mark.
"I'll be right back." Mabilis na hinalikan niya ako sa sintido bago siya lumapit sa grupo nila Mark. Nakagat ko ang ibabang labi para pigilan ang pagngiti. Kainis! ang hirap magpigil ng kilig kapag maraming nakatingin.
"Aray!" Napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon. Si Maricar.
"Anong nangyari sa'yo?" Nakayuko siya na animo'y nasasaktan.
"Ang dami kasing langgam. Kinakagat ako." Napahalakhak ako sa sinabi niya.
"Masyadong matamis. Nauumay ako." Dagdag pa niya.
"Ewan ko sa'yo, Maricar." Natatawang tinalikuran ko siya at lumapit sa mga nakahandang pagkain sa table. Sinundan ako nito.
Kumuha ako ng isang plato. Sa dami ng nakahandang pagkain ay nahirapan akong pumili. Ang ilan sa mga handa ay ang Pineapple-Onion Pork Chops, Chicken fingers, Carbonara Spaghetti, Chicken Lollipop, Deluxe Pizza Casserole, Lasagna, Buttery Grilled Shrimp at marami pang iba na medyo mahirap bigkasin. Kumuha ako ng Chicken Lollipop at Carbonara.
"Ano nga pala ang regalo mo kay Lorenzo?"
Actually may naisip na akong regalo sa kanya at last minute ko na ito nagawa pero sinigurado ko naman na maayos at maganda ang regalo ko. Sana lang talaga ay magustuhan niya. Pagkatapos namin kumuha ng pagkain ay umupo kami sa couch sa sala.
"May regalo na ako sa kanya but I'm not sure if he will like it or not." Kumagat ako sa chicken lollipop. Namilog ang mata ko sa sarap.
"Sus! kahit ano naman ibigay mo ay tatanggapin niya 'no!" Saad niya pagkatapos ay nag-umpisa na rin kumain.
"Kahit na mas gusto ko pa rin 'yung talagang magugustuhan niya at syempre 'yung wala pa sa kanya."
"Okay, sabi mo eh."
Bigla akong napatigil sa pagkain nang may maalala. "Dumating na ba si Josh? Ba't parang hindi ko 'ata siya nakita?"
Nag-angat ito saglit ng tingin sa'kin. "Hindi ko pa siya nakikita simula kanina."
Hindi ba siya makakaattend?
Balak ko na sana siyang tawagan sa phone nang matanaw ko siya na papasok sa pinto. Mabilis na naglakbay ang paningin niya at nang makita ako ay ngumiti siya sa'kin.
Kung mas nauna ko lang siya nakilala ay siguradong nagkagusto rin ako sa kanya. Pero kontento naman na ako sa asawa ko. Walang papalit no'n sa puso ko.
Napadaan si Josh sa harap nila Lorenzo. Nakita kong may binigay ito kay Lorenzo. Probably his gift for him pagkatapos ay dumiretso sa'min. Napansin kong nakasunod ang tingin ni Lorenzo kay Josh. Nagtama ang paningin naming dalawa. Kumunot ang noo niya at parang nagtatanong ang mga mata. Nginitian ko lang siya at bumalik ng tingin kay Josh.
"Hi! sorry na traffic ako." Umupo siya sa tabi ko.
"No, it's okay atleast naka-attend ka. Kumain ka muna maraming pagkain ang nakahanda." Sinamahan ko siya sa table kung saan nakalagay ang mga pagkain pagkatapos ay bumalik kami sa sala. Galing pa pala ito sa restaurant nila kaya naman medyo natagalan siya. Ipinakilala ko siya kay Maricar. First time kasi nila magkita. Nagkamayan ang dalawa habang pasimple naman akong siniko ni Maricar. Hindi man masabi ni Maricar pero nababasa ko naman sa mata niya ang gusto niyang sabihin na 'Kara! ang gwapo niya!'. Natawa ako sa reaksyon niya kaya pinandilatan ko ito ng mata para umayos. Ngumiti si Maricar.
"Ehem!" Napatigil kaming tatlo nang may umubo. Kumunot ang noo ko dahil katabi na namin si Lorenzo. Hindi man lang namin napansin na kasama na pala namin siya.
"Lorenzo? Nandyan ka pala." Tinitigan niya ako ng masama. Bakit ang sama ng tingin sa'kin ng 'sang to?
Gusto ko sanang tanungin ito pero inilipat niya ang tingin kay Josh. "Josh, why don't you drink with us? Gusto ka rin kasing makilala ng mga kaibigan ko."
Napakamot sa batok si Josh. "I want to drink with you guys but.. I have to drive later so I will decline for now."
"Drive? o baka naman hindi ka lang talaga marunong uminom ng alak?" Nagulat ako sa naging sagot niya kay Josh. Sa tono ng boses niya ay parang nahihimok ito.
"Lorenzo!" Pigil ko sa kanya.
"What? I'm just want to invite him." Nakangising saad niya. Mukhang pinag-iinitan niya si Josh.
"Kailangan niya pang magdrive mamaya."
"It's okay. I think I'll just drink a little." Hindi siguradong sagot ni Josh. Napatingin ako kay Maricar na parang nanghihingi ng tulong. Nagkibit balikat lang ito.
"Nice! Let's go." Akmang aalis na si Lorenzo nang pigilan ko siya. Hinila ko siya palayo sa dalawa naming kasama.
"Magdadrive pa siya mamaya, Lorenzo. Baka maaksidente ang tao." Inakbayan niya ako.
"Don't worry, he can manage." Pagkatapos ay bumalik na ito sa mga kaibigan niya.
Napahawak na lang ako sa aking sintido at napapikit.
"Bakit ba ang init ng dugo niya kay Josh?" Bumuga ako ng hangin.
"I think he's jealous."
"What? Si Lorenzo nagseselos? Malabo 'ata 'yan."
"Trust me, Kara. He's jealous." Natatawang sabi ni Maricar bago ito pumunta sa pwesto nila Lorenzo at ng mga kaibigan niya. Napailing na sumunod ako kay Maricar.
"Lorenzo, tama na yan. Marami ka ng nainom." Pag-awat ko sa kanya. Hindi pa naman ito masyadong lasing, medyo tipsy lang pero kasi mas madami pang alak ang nilalagay nito sa baso ni Josh kaysa sa kanya. Ang isa naman ay konti na lang ay bibigay na. Mukhang malabo nang makapagdrive pa ito.
"Kaya ko pa. Tingnan mo si Josh," Itinuro niya si Josh pero hindi niya ito maituro ng maayos. "J-Josh, wag kang malikot."
Halos hindi na gumagalaw si Josh at nakayuko na lamang. Mukhang nakatulog na ito sa pwesto. Kanina pa namin silang pinagmamasadan ni Maricar. Ang iba sa mga kasama nilang mag-inuman ay nagsiuwian na. Silang dalawa na lang ang natira. Ang family namin ay umuwi na rin. Ang sabi ko nga ay dito na lang sila magpalipas ng gabi pero tumanggi ang mga ito dahil may mga pasok raw sila kinabuksan. Uuwi na rin sana si Maricar pero pinigilan ko ito. Pinakiudapan ko na siya na lang ang maghatid pa uwi kay Josh.
"H-Hey! wake-up." Tumayo ito at lumapit kay Josh. Niyugyog niya ito. Saktong pag-upo niya sa tabi ni Josh ay bumagsak na rin ang ulo nito sa mesa. Napabuntong hininga na lang ako sa dalawang tulog na ito.
Pinaalalayan ko na kay Maricar si Josh. Kinuha namin ang susi sa bulsa niya at binigay ko kay Maricar. "Mag-ingat kayo sa pagmamaneho. I already called Tita Micaela na ihahatid mo si Josh. Sasalubungin ka na lang daw niya sa gate." Tumango ito at nagpaalam na. Samantalang ako ay binalikan naman si Lorenzo. Umupo ako sa tabi niya.
"Lorenzo, let's go up. Sa kwarto ka na matulog." Panggigising ko sa kanya. Hindi ko siya kayang dalhin sa kwarto ng ako lang.
He opened his eyes and just stare at me. "What?" Natawa ako sa itsura niya. Mukha itong bata na parang naalimpungatan. Napasinghap ako ng hawakan niya ang pisngi ko.
"Mahal, ang ganda mo." Natatawang inalis ko ang kamay niya. "Akala ko ba hindi ka lasing? ba't parang lasing ka na."
"Why? maganda naman talaga ang asawa ko." Nakangiti na siya ngayon.
"Okay, that's enough. Itulog mo na lang 'yan." Napailing na lang ito dahil tinawanan ko lang siya.
Inalalayan ko siya sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa kwarto. Meydo nahimasmasan na siya kaya naman nakagpalit pa siya ng damit pantulog. Tumabi na rin ako sa higaan para matulog nang maramdaman ko ang pagyakap niya sa'kin mula sa likod ko. Humarap ako sa kanya. Gising pa pala ito.
"Ba't gising ka pa? Matulog ka na." Pero tinitigan lang ako nito. He looks handsome even in his drunk state. Hindi ko tuloy mapigilang tingnan ang mapupula niyang labi. Nag-angat ako ng tingin at nahuli ko siyang nakatingin rin sa aking labi. Unti-unti siyang lumapit hanggang sa maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Nalalasahan ko pa ang alak na nainom nito. Marahan itong gumagalaw na parang ingat na ingat na baka masaktan ako. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. Gusto kung tugunan ang kanyang halik pero natatakot ako na baka dala lamang ito ng kalasingan niya. Natatakot ako na baka paggising namin ay pagsisihan lang namin ang nangyari. Mahal na mahal ko siya kaya hindi ko kakayanin kung sa bandang huli ay magsisi ito.
Nang hindi niya maramdaman ang pagtugon ko ay pinakawalan na niya ang labi ko.
"I'm sorry. I shouldn't have do this if you're not ready." Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mga mata niya. Akmang lalayo na ito nang kabigin ko ang kanyang batok. Hinalikan ko ito. Ibinuhos ko sa halik na iyon kung gaano ko siya kamahal. Habol ang hininga nang maglayo kami sa isa't-isa.
"I just love you so much Lorenzo that I'm scared to lose you." Magkadikit ang aming noo nang sinabi ko iyon.
Ngumiti siya. "I know and I love you too, Kara." his voice is filled with sincerity. Napatitig ako sa nangungusap niyang mga mata. Hindi ko namalayan na magkadikit na muli ang aming mga labi. This time ay naging mas marahas at mapaghanap na ang naging kilos naming dalawa. Naramdaman ko ang pagpasok ng kamay niya damit ko. Napasinghap ako nang dahan-dahan niyang hinahaplos ang gilid ko. Bumaba ang halik niya sa leeg ko kaya napahawak ako sa buhok niya.
That night I give my whole to him. I didn't listen to what my mind saying, instead I followed my heart.
Dahan-dahan akong nagmulat ng mata pero agad ko rin naisara dahil sa taas ng sinag ng araw. Napalingon ako sa side table para tingnan kung anong oras na. Alas-nuebe na ng umaga pero tinatamad pa rin akong bumangon. Tumagilid ako ng higa paharap sa kanang bahagi ng kwarto. Nagulat ako nang ang mukha ni Lorenzo ang bumungad sa'kin. 'Saka ko naalala ang nangyari sa'min. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Ramdam ko ang kirot ng ibabang bahagi ng katawan ko. Napansin ko rin na parang may mabigat na nakapatong sa ibabaw ng tiyan ko. Nang tingnan ko ito ay nakayap pala sa'kin ang braso ni Lorenzo. Naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha. Hindi mapigilang mapangii. Tinangka ko itong tanggalin ng dahan-dahan para hindi ito magising pero nabigo ako dahil dahan-dahan itong nagmulat ng mata.
"Good morning, Mahal." Nakangiting bati niya sa'kin. Lumapit siya para sana halikan ako sa labi pero tinakpan ko agad ito. Kumunot ang noo niya.
"Ahm.. Hindi pa ako nagtotooth brush." Natawa ito kaya naman niyakap na lang niya ako at hinalikan sa sintido. I wish we could stay like this forever. Na kahit anong problema ang dumating sa'min ay kakayanin namin ng magkasama.
"Lorenzo?"
"Hmm.." Inaantok na sagot niya. Nagbaba ito ng tingin sa'kin.
"Will you promise to me that we will always be honest with each other?" Bagamat nagtataka ay nakangiting sumagot ito.
"Of course. Bakit bigla mo naman nasabi 'yan?" Humigpit ang yakap niya sa'kin.
Umiling ako at ngumiti. "Nothing."